Nasa kalagitnaan kami ng klase nang biglang pumasok si Zen. Nahinto ang propesor sa pagsasalita at ang lahat ng mga mata ay nakatuktok lamang sa parang haring pumasok. Puno ng awtoridad ang bawat paghakbang niya at parang kaniya ang buong silid.
Nang makalapit siya ng husto sa akin ay nagulat ako ng ginawaran niya ako ng halik sa pisngi.
"Kamusta? Pasensiya na at wala ako kahapon, may inasikaso lang ako." Pagpapaliwanang niya. Hindi naman ako umimik at umiwas lamang ng tingin. Hindi ko alam. Ewan, wala ako sa mood kausapin siya.
"Hindi mo 'ko kakausapin?" tanging boses lamang niya ang maririnig sa loob ng silid. Nanatili naman akong walang imik at nakikipagmatigasan sa kaniya. Iwas din ang tingin ko sa kaniya.
Kaya naman gulat na gulat ako nang bigla niya akong pangkuin. Sa takot na mahulog ay ipinaikot ko sa leeg niya ang magkabila kong kamay. Nahinto siya sa paglalakad at kinausap ang propesor namin.
"Hihiramin ko muna si Ms. Maria." Iyon lamang at tuloy-tuloy na ulit siyang naglakad.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Inis kong tanong. Kapag sa kaniya talaga, hindi ako natatakot magtaray. Komportable ako sa kaniya di tulad kapag si Vaughn ang kasama ko. Puro takot ang nararamdaman ko.
"Magsasalita ka din pala eh, kailangan mo pang buhatin. Ikaw ah, nagugustuhan mo 'to noh?" Asar niya pa kaya naman napingot ko siya.
"Aww! Ansakit nun ah! Hindi ka pa nga humihingi ng tawad noong binugahan mo 'ko ng pagkain mo eh! Tang'na!" Angal niya pa. Napatahimik naman ako nang ipaalala niya sa akin yun.
"B-bibig mo." Mahina ko na lamang sabi habang nakatungo.
"Hey, sorry na." Turan niya at hinawi ang buhok ko. Hindi na lamang ako umimik. Ganoon din naman siya hanggang sa pumasok kami sa isang silid. At inilapag niya ako sa kama.
"N-nasaan tayo? Bakit tayo nandito?"
"Dati 'tong bodega. Ipinagawa ko lang kahapon para maging pahingahan ko." Sagot niya naman. "Tinatanong mo kung bakit tayo nandito? Well, reyna kita diba? So, you have to do your duty as well, as my Queen." Nakangisi niya pang dagdag habang gumagapang sa napakalaking kama palapit sa akin. Dahil doon ay bigla namang nanginig ang katawan ko.
"A-ano? Please...wag Zen. A-ayoko!" Pag-awat ko nang wala akong makitang bakas ng pagbibiro sa mukha niya. Mistulan lamang akong naging tuod nang mas lumapit pa siya sa akin. Iniyakap ko ang magkabila kong braso sa katawan ko at pikit-matang yumuko.
Nang maisip kong malaki ang posibilidad na mangyari nanaman ang nakaraan ay may pumatak na luha sa pisngi ko.
Nagulat na lamang ako nang bigla na lamang niya akong yakapin at pinaulanan ng halik ang ulo ko. At paulit-ulit na humingi ng tawad sa akin. Ngunit hindi ako tumigil sa paghikbi hanggang sa makarinig ako ng tunog ng gitara. Unti-unting natigil ang paghikbi ko at tumingin ako sa kaniya. Gaya ko ay tutok din sa akin ang atensiyon niya habang kumakanta siya.
Let's take our time tonight, girl
Above us all the stars are watchin'
There's no place I'd rather be in this world
Your eyes are where I'm lost in
Underneath the chandelier
We're dancin' all alone
There's no reason to hide
What we're feelin' inside
Right now...
So baby let's just turn down the lights
And close the door
O0h I love that dress but you won't need it anymore
No you won't need it no more
Let's just kiss 'til were naked baby
Versace on the floor
Ooh take it off for me, for me, for me, for me now girl
Versace on the floor
Ooh take it off for me, for me, for me, for me now girl
mmm
Unti-unti nang nawala ang mga hikbi ko. Halos buong kanta niya ay kunot ang noo ko lamang siyang pinagmamasdan. Pagkatapos niyang kumanta ay kakamot-kamot siyang tumingin sa akin.
"B-bakit iyon yung kinanta mo? Hindi naman tugma." Tanong ko. Nakangiwi naman siya nang tumingin ulit sa akin matapos ilagay sa gilid iyong gitara.
"Iyon lang kasi yung alam kong gitarahin." Kibit ang balikat niya namang sagot.
"Ambastos." Mahina kong kumento at tumingin sa gilid.
"What? That song was full of love!" pagtatanggol niya naman. Hindi naman ako sumagot at tahimik na tumungo at pinaglaruan na lamang ang mga daliri. Hindi na din naman siya nagsalita.
Gusto ko siyang kausapin pero wala naman akong maisip na sasabihin. Nahihiya din ako. Hindi ko alam basta nahihiya ako. Lihim ko siyang tinignan at nakita kong katulad ko ay pinaglalaruan niya din ang mga daliri niya, kaya naman lihim akong napangiti.
"*Ehem* P-pwede ba akong magtanong?" sinubukan kong tumingin sa kaniya. Napangiti naman ako nang makita kong nakatingin lang siya sa gilid.
"Nagtatanong ka na."
"Ahm, yung sa sinabi mo dati." Panimula ko.
"Alin doon? Anong sinabi ko?"
"Iyong, *ehem* iyong lahat ng kalaban ni, alam mo na, iyong pinsan mo ay kakampi mo? Hindi ko kasi maintindihan eh. Iba iyong mga inaakto mo sa narinig kong sinabi mo dati. Mukha naman kayong hindi magkagalit at parang close na close nga kayo eh. Bakit Zen? Gusto kong malaman." Nakahinga ako ng maluwag nang malinis kong nasabi ang mga yun. Mahigpit kong pinagsalikop ang mga kamay ko habang hinihintay ang magiging sagot niya sa akin.
Ilang segundo na ang lumipas ngunit wala pa ding sagot. Lito ko siyang tinignan nang bigla na lamang siyang tumawa ng malakas. Maya-maya lamang din ay tumigil na siya sa kakatawa at inilipat ang tingin sa akin.
"Iyon ba? Naku, wag mo na iyong isipin. Nagbibiro lang ako noon." Nakatawa niyang sagot.
Sa mga oras na iyon. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang reaksiyon ni Zen sa tanong ko at ang kaniyang pagtawa. Dahil hindi pa man kami matagal o ganong magkakilala, hindi naman ako manhid para hindi mapansin ang pilit niyang pagtawa.
"Uhm, bakit ba talaga tayo nandito?" pag-iiba ko na lamang ng usapan.
"Wala lang. Gusto ko lang talagang magpalipas ng oras." Prente niya lamang sagot habang naghahanap ng komportableng posisyon sa paghiga.
"At talagang sinama mo pa ako sa kalokohan mo ah! Aalis na lamang ako, akala ko naman kung anong-Ay!" hindi ko na natapos ang sasabihin at akmang pag-alis ko nang bigla niya na lamang akong hinila palapit sa kaniya. Ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig at hindi pa siya nakuntento doon dahil idinantay niya pa sa akin ang kaniyang kanang binti.
Dama ko ang napakalapad niyang dibdib at ang malumanay na tibok ng kaniyang puso, kabaliktaran naman nito ang napakabilis na pagtibok ng akin. Kuyom ang aking mga palad at nanlalaki ang aking mga mata habang kagat ko ang aking pang-ibabang labi sa nakakagulat at hindi ko talaga inaasahang aksiyon niya.
"Zen..."
"What date is today?"
"July 23."
"July 23..." ulit niya sa sagot ko.
"Bakit? Bakit mo naitanong?"
"Gusto ko lang malaman." Sagot niya naman at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap niya sa akin. Pagkatapos nun ay nabalot ang silid ng nakabibinging katahimikan. Sa kabila nito ay nasisiguro kong gising pa naman siya. Hanggang sa siya na din ang bumasag nito.
"Anong gusto mong gawin natin sa Dara na iyon?"
"Gagawin? Bakit?" taka kong tanong. Hindi ko naman maalala na sinabi ko sa kaniya iyong nangyari.
"Alam ko na ang nangyari, Eve. At hindi ako makapapayag na kakantiin lamang ng kung sino-sino ang pinili kong reyna." Malambing niyang saad. Dama ko ang magkakasunod niyang paghalik sa aking ulo.
"Wala naman tayong magagawa, Zen. Baka mag-away lamang kayo ng pinsan mo."
"Talaga?" Rinig ko ang tuwa sa kaniyang boses nang sabihin niya ito. "Let's see, Eve." Dagdag niya pa at maya-maya lamang din ay nakatulog na siya.
Ngayong nasa bisig ako ni Zen. Pakiramdam ko walang makakapang-api sa akin. Panatag ang loob ko kapag siya ang katabi ko at wala akong inaalala.
Ilang oras din akong nakatulog. Nang magising naman ako ay wala ng Zen sa tabi ko. Ngunit may iniwan naman siyang sulat. Umalis daw siya kaagad dahil may importanteng aasikasuhin. Hindi naman na niya sinabi kung ano iyon. Hindi na daw niya ako ginising dahil mahimbing na daw ang tulog ko. May iniwan din siyang pagkain na kaagad ko namang nilantakan.
Malaki ang ngiti ko nang palabas na ako ng silid na binura naman agad ni Dara na nasa bungad ng pintuan at sarkastikong nakangiti sa akin. Siya lang ang narito. Himala at hindi niya kasama ngayon ang mga alagad niya. Naka-krus ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib habang nakataas ang kilay sa akin. Tinignan din muna niya ang kabuuan ko bago umismid. Kunot-noo ko naman siyang tinignan. Ano bang ginagawa niya dito? Naghahanap nanaman siya ng gulo?
"So you two already did it? I see..." may panghuhusga sa mga mata niya na talagang hindi ko mawari. "Kunyari ka lamang palang mabait at mahiyain, pero ang totoo ay may itinatago ka talagang kati."
"Teka nga! Ano bang pinupunto mo?" Taas-kilay ko ding tanong sa kaniya. Medyo malakas ang pagkakatanong ko dahil sa pagkairita sa kaniya. Mukha naman siyang nainsulto dahil sa hindi inaasahang pagsagot ko.
Umiinit na talaga ang dugo ko sa babaeng ito. Wala naman akong ginawang masama sa kaniya. At ang tanging ginawa ko lamang naman ay ang maging tapat na estudiyante sa aking guro, hindi ko na kasalanan kung nahuli ang pangongopyang ginawa niya, kasi sa una pa lamang naman, mali na siya. Ipinagsawalang bahala ko narin naman ang ginawa niya sa akin ngunit eto nanaman siya at nagsisimula ng gulong pilit ko namang iniiwasan.
"At ang lakas naman ng loob mong sagutin ako! Baka nakakalimutan mo-" nagpupuyos niyang saad na pinutol ko naman.
"Baka nakakalimutan mo na reyna ng pangatlong lider ng Quartz ang kausap mo! At isa ka lamang hamak na tagasunod kung ikukumpara sa akin." Nakangisi kong saad sa kaniya. Ang mga sinabi sa akin ni Aela ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin para sagot-sagutin si Dara at isampal sa kaniya ang posisyong mayroon ako dito. Isa pa, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa akin.
Maging ako ay nagulat sa galit na nararamdaman ko para dito dahil gaya nga ng sinabi ko ay hindi naman talaga ako nagtatanim ng sama ng loob sa kahit sino, maliban na lamang sa taong yun. Magalit man ako ay saglitan lamang. Siguro nga ay napuno na talaga ako sa mga ginagawa niya sa akin. Akala ko naman kasi ay titigil na siya pagkatapos ng ginawa niya sa akin sa labas ng school, ngunit eto at nagsisimula nanaman siya.
"Ha! At ipinagmamayabang mo na 'yan sa akin ngayon! Really? Bakit? Akala mo ba porke isa ka nang reyna ay maaalis na sa isipan ng mga estudiyante na minsan ay naging isa kang pinakamababang uri ng tao dito? Pwes, kung ganoon, isang malaking kahibangan 'yang pinaniniwalaan mo! Marami dito ang palihim pa ding isinusumpa ang pagdating mo dito. Hindi porke pinapakitaan ka ng maganda ay totoo na yon. Ginawa lamang nila iyon dahil isa ka na ngang reyna at wala silang ibang pagpipilian kundi ang tahimik na isumpa ka! Ginagawa lamang nila iyon dahil takot si-" nagngingitngit niyang saad na pinutol ko nanaman.
"Dahil takot sila sa maaaring mangyari sa kanila kapag tinaliwas nila ako, kapag kinalaban nila ako. You know what, Dara? Ano kaya kung katulad nila ay manahimik ka na lamang din para walang gulo? Gustong-gusto mo talagang ginagawang komplikado ang lahat ano? Pinalagpas na kita sa lahat ng ginawa mo sa akin, pero isa pa Dara. Isang-isa na lamang at hindi mo talaga magugustuhan ang magiging pagbawi ko." Sagot ko. Balak niya rin sanang putulin ang sasabihin ko ngunit mas pinalakas at pinatatag ko ang bawat salitang sunod kong ibinigkas. "Eto ang tandaan mo, Dara. Tatahi-tahimik lamang ako, pero kapag punong-puno na ang pasensiya ko sa'yo, marami akong kayang gawin na kahit ikaw ay hindi mo maiisip na magagawa ko. I can pull some strings to make your everyday life not just here, but also outside of the school difficult, miserable. Now that I have Zen in my side, I can always make your life thrilling. I have the power to do whatever I want with you." Pahina ng pahina ngunit mapanganib ang bawat salitang binibigkas ko habang papalapit sa kaniya. Nakatapat na ngayon ang bibig ko sa kaliwa niyang tainga. "I, can, do, whatever, I, want." Mahina at may diin kong saad sa bawat salita bago inilayo ang sarili sa kaniya.
Ilang minuto siyang tahimik na nakatulala lamang sa akin at nanlalaki pa ang mga mata. Bahagya ding nanginginig ang mga kamay niya, bagay na labis kong ikinatuwa. Ni minsan ay hindi ko naisip na magagawa ko ang bagay na ito. Ngunit punong-puno na ako. At kahit ako ay nagtataka din minsan sa inaasal ko. Na para bang eto talaga ako, na para bang natural lamang sa akin, na ganito talaga ang ugali ko. Ewan, magulo. Sana, sana maalala ko na ang lahat.
Pilit niya namang ipinostura ang sarili at taas-noong humarap sa akin.
"A-akala mo ba matatakot mo ako sa mga patutsada mong 'yan? Huwag kang umasa! Kahit kailan ay hindi mo ako masisindak! Hindi ako natatakot sa'yo!" taliwas ang sinasabi niya sa kaniyang inaakto dahil bahagya pa ding nanginginig ang kaniyang magkabilang kamay. Pautal-utal din siya kung magsalita at mabibigat ang mga hiningang pinapakawalan.
"Talaga? Do it, Dara. Do it! And you'll see what hell looks like." Huling banta ko sa kaniya nang may dumating na estudiyante na sinabing pinapatawag ako ni maam Oliveros. Nung una ay nag-aalinlangan pa siyang sabihin ito dahil sa tensiyon sa pagitan namin ni Dara. Sa huli ay mabilis na nagmartsa si Dara paalis at hingal na kinausap ako ng lalaking estudiyante na hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Maam, pinapatawag niyo daw po ako?" salubong ko kay Maam Oliveros. Dito ko siya natagpuan sa kaniyang office. Agad akong dumiretso dito dahil hindi ko siya nakita sa faculty.
"Andiyan ka na pala. Kamusta naman ang pagiging reyna?" Magiliw na tanong ni Maam Oliveros.
"M-mabuti naman po. Ayos lang." Nag-aalangan ko namang sagot sa kaniya. Kaagad akong umupo nang iminuwestra niya sa akin ang upuan sa tapat ng lamesa. Bigla din akong nakaramdam ng tensiyon nang magbago ang ekspresyong ipinapakita niya sa akin.
"Kamusta naman kayo ni Zen?"
"Ayos lamang naman po. Mabait po si Zen." Sagot ko naman. Sunod-sunod na tumango si maam Oliveros.
"Alam ko naman yan. Pero didiretsuhin na kita, Eve. Wag na wag kang mahuhulog sa ipinapakitang kabaitan ni Zen. Oo mabait nga siya sayo, pero sana naman ay wag mong hayaang mahulog ang sarili mo sa kaniya. Dahil hija, wala siyang balak saluhin ka. Kung ano man ang mga kabutihang ipinapakita niya, sana'y ituring mo lamang itong biyaya at hanggang doon na lamang sana iyon. Mabait si Zen, pero hindi siya ang prinsipeng pinapangarap mo. Hindi siya ang prinsipeng inaasahan mo. Hindi-hindi ka niya sasaluhin dahil hanggang ngayon ay nakakulong pa din ang puso niya sa nakaraan. Nakakulong pa din siya sa nakaraan. Sana'y ituring mo lamang na matalik na kaibigan si Zen at hindi na hihigit pa doon." Mahabang paalala ni maam Oliveros.
Alam ko naman yun. Dahil sa bawat pagtingin niya sa akin ay mayroon akong nakikitang ibang emosyon na pilit niyang itinatago sa iba. At alam ko rin naman na kung ano man ang ipinapakita niya sa ibang tao ay ganun din sa akin. Kung may pagkakaiba man ay kakaunti lang.
"Wag po kayong mag-alala maam. Hindi naman po ako basta-basta nahuhulog sa isang tao."
Oo pakiramdam ko ligtas ako kapag kasama ko siya. Na walang makakapang-api sa akin pag nandiyan siya. Ngunit hanggang doon na lamang iyon. Marahil nga ay naguluhan pa ako nitong mga nagdaang araw sa nararamdaman ko patungkol sa kaniya. Ngunit sigurado na ako ngayon, wala akong espesyal na nararamdaman sa kaniya. Kung mayroon man ay ang pagiging kaibigan niya sa akin at ang pakiramdam kong ligtas ako kapag nandiyan siya. Iyon lamang. At hindi ko na hahayaang humigit pa doon. Ayaw kong matulad sa mga sawing babae sa mga nababasa kong istorya.
Alam ko, sa kabila ng mapaglarong tingin ni Zen ay may nakatago siyang malungkot na istorya na ayaw pa niyang ibahagi sa iba. At halata naman na may nalalaman si Maam Oliveros patungkol dito.
"Maam Oliveros, may alitan po ba sa pagitan ni Zen at ng prinsipe?" Tanong ko makalipas ang ilang segundong katahimikan. Nangunot ang noo ko nang bumungisngis si maam.
"Bakit mo naman yan naitanong? Mukha ba silang magkagalit?" ngising sagot lamang niya.
"H-hindi naman po." Nakayuko ko namang sagot dahil sa pagkapahiya. Bakit ko ba kasi itinanong yun? Eh nasagot na nga ni Zen! Pero hindi eh, wala akong makapang katotohanan sa sinasabi niya.
"Iyon naman pala eh. Alam mo na siguro ang sagot sa tanong mo." Saad niya habang nilalaro ang ballpen na hawak. "Umuwi ka na. Absent ang last prof. niyo. At Ms. Maria, ito na sana ang una at huling beses na magka cutting ka." Biglang bumalik sa pagiging seryoso ang kaniyang ekspresyon at tinig.
"O-opo, maam." Alangan kong sagot.
"Good, makakauwi ka na. Ito narin ang bag mo." Matapos kong kunin ang bag ko ay nagpaalam na akong aalis kay maam Oliveros.
Tulala lamang akong naglalakad habang iniisip ang mga nangyari ngayong araw. Napakamisteryoso talaga ni Zen. Bigla na lamang siyang dumating at ginawa akong reyna upang sagipin sa sumpang dala ng marka ko sa leeg. Hindi din naman ako naniniwalang gusto niya lamang talaga akong tulungan, dahil ano ba ako sa kaniya? Ano bang pakialam niya sa akin? Nagkakilala lamang naman kami sa mansiyon at ang sumunod ay nalaman ko na lamang na nagtransfer siya sa school tapos, tapos... Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari!
Ngunit bakit ko pa ba kasi iyon iniisip? Dapat nga ay masaya at kuntento na ako ngayon sa tinatamasa ko. Dapat ay hindi ko na pinapakialaman ang mga bagay na hindi ko sakop. Hanggang sa nakalabas na ako ng school na lutang pa din ang utak ko.
Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na napansin ang mga lalaking mabilis na lumapit sa akin at pilit akong isinakay sa pumaradang van sa harapan. Halos hindi ako makahinga nang tinakluban nila ang ulo ko dahilan ng lalo ko pang pagpupumiglas. Ngunit halos manlambot ako at tuluyan nang nawalan ng pag-asa nang sikmuraan ako ng isa sa kanila.
Tuluyan na akong napaluha nang matagumpay nila akong naipasok sa van. Ngunit nang akala kong huli na ang lahat ay dinig ko ang pagkakagulo sa labas. Bigla ding lumabas ng sasakyan ang driver at nagtatakbo na paalis.
Anong nangyayari? Bakit bigla na lamang silang tumakbo? Ligtas na ba ako? Ngunit paano? Sino'ng nagligtas sa akin?
Matapos noon ay nagkaroon ng mahabang katahimikan. Hindi din naman ako makaalis ng van dahil nanghihina pa ako at patuloy na dumadaloy ang luha sa aking pisngi. Saglit lamang itong tumigil at tumulo nanaman nang masiguro kong ligtas na ako.
"Sshh...Fuckin' stop crying, you're safe now." Saad ni Vaughn habang patuloy na lumalapit sa akin. Para tuloy siyang nakadagan sa akin. Ngunit sa halip na tumigil ay tila lalong lumakas ang pag-iyak ko at nagkaroon na ito ng tunog.
Sa natitira kong lakas ay pilit kong iniikot ang magkabila kong braso sa kaniyang bewang at hinigit siya palapit sa akin. Ngayon ay nakasubsob na ang luhaan kong mukha sa leeg ni Vaughn. Ngunit sa mga oras na ito ay tila nawalan na ako ng pakialam sa posisyon namin. At hindi rin naman siya lumayo. Hinayaan niya lamang akong patuloy na nakayakap sa kaniya.
"Natatakot ako, Vaughn. Natatakot pa din ako. Sinaktan nanaman nila ako! Sinikmuraan nila ako! Ansakit, sobra. Sobrang sakit..." parang bata kong sumbong sa kaniya. At patuloy na umiiyak. Malalalim at putol-putol ang aking paghinga dahil sa malakas na pag-iyak.
"It's okay. I'm here now."
***
-GiocosaRagazza
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED 😊😊