Sabado ngayon. Walang pasok kaya nandito lamang ako sa bahay. Wala din si tita kaya mag-isa lamang ako.
Kahapon ay sinadya ko si Maam Oliveros sa office niya para magtanong. Masyado akong nalito sa sinabi ni Freia sa akin. Nabubuhay din ang pagiging kyuryoso ko. Sino ba'ng katulad ko? At bakit ganoon na lamang kung tumingin siya sa marka ko? At ang isa pang gumugulo sa isip ko... Iyong asawa ni Freia, nakitaan ko din ng marka.
Siya ba ang unang nabigyan ng pardon?
Hindi na din ako nakahanap ng tiyempo na itanong kay Zen ang tungkol doon. Isa pa, nahihiya ako. At naapektuhan din ako sa sinabi ni Freia tungkol kay Zen.
Zen is not the good guy here. Bakit niya iyon nasabi? Anong basehan niya para masabi iyon?
Sa dami ng itinanong ko kay Maam Oliveros, pili lamang ang sinagot niya.
"Hindi si Mr. Valliere ang una, Eve." seryosong saad ni maam.
"Hindi siya? Eh paano? Diba sila ni Freia ngayon? Mag-asawa na nga sila eh." lito kong tanong. Anggulo. Anggulo talaga.
"Umalis ng school si Mr. Valliere. Wala na ding halaga ang marka niya ngayon. Dahil, alam mo na." makahulugan niyang sambit.
"Eh sino po ang-"
"Umuwi ka na, hija. Hapon na." alam kong intensiyonal ang ginawang pagputol ni maam sa sasabihin ko. Hinayaan ko na lamang naman ito. Kung ayaw niyang sabihin, hindi ko siya pipilitin. Ako mismo ang hahanap ng sagot sa mga tanong ko.
Ang isa pang nagpapagulo ng isip ko ay nang itinanong ko kay maam bago ako umalis kung paano ba nakakakuha ng pardon.
"Kapag natipuhan ka ng isa sa quartz. Kahit mga miyembro lang nito." sagot niya lamang. "At ikaw ang unang natipuhan ng isang quartz. At lider pa." nakangising saad ni maam.
"P-papaanong naging pangalawa ako kung ganun?" tanong ko pa ngunit blangko lamang ang tingin na ibinigay sa akin ni maam.
Napakagulo ng sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Kung tutuusin ay hindi ko naman na talaga dapat ito pinoproblema eh. Nagpapasalamat na lamang dapat ako sa tinatamasa ko ngayon, ngunit hindi. May ayaw sabihin ang mga taong nakapaligid sa akin. Isa na doon si Maam Oliveros. Isa pa, padami ng padami ang mga katanungan ko, palala din ng palala ang pagiging kyuryoso ko. Yes, they're giving me hints, but that's not enough.
Hindi sapat iyon para lubos kong maintindihan ang mga nangyayari. Kailangan ko pa ng mas madaming impormasyon.
Ngunit kanino? Kanino ako maaring kumuha noon? Saan ako maghahanap?
Si Zen. Siguradong may alam siya ngunit ayaw ko namang magtanong sa kaniya. Si Freia, alam ko ding may alam siya. Paniguradong alam lahat ng quartz ang mga sagot sa katanungan ko. Ngunit imposible naman yatang sabihin nila sa akin iyon.
"Iyong Blaze kaya?" tanong ko sa sarili.
Sa huli ay napailing na lamang ako. Panigurado namang wala akong makakalap sa kaniya. Isa pa, katulad ni Vaughn, tingin niya pa lamang ay nakakatakot na.
Si Freia, kahit sinasama niya ako sa usapan, halata ang disgusto niya sa akin.
Nasa gitna ako ng malalim na pag-iisip nang may kumatok. Agad ko naman itong pinuntahan. Baka si tita na 'to.
Agad akong namutla at napalunok nang bumungad sa akin ang taong kanina lang ay iniisip ko.
Sa tapat ng pinto ay nakatayo ang nakataas ang kilay na si Freia, maarteng nakataas din ang kaniyang kamay dahil sa bitbit na mamahaling bag. Laking pasasalamat ko naman at nagdisguise ako ngayon.
"Hello." simple niyang bati at tuloy-tuloy lamang na pumasok sa loob. Nagtataka ko naman siyang sinundan.
Huminto siya sa paglalakad at inilibot ang paningin. Pagkatapos ay inilagay ang bag sa lamesa at umupo sa sofa.
"Not comfortable." slang niyang saad.
"Ahm, b-bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" medyo may pag-aalinlangan ko pang tanong.
"Gosh! It's so hot in here. Seriously? How could you managed to live in here?" saad niya habang pinapaypay ang kamay sa sarili.
"Ah, bubuksan ko lang iyong electric fan. J-juice gusto mo?" natataranta kong tanong.
"A cold water is enough." sagot niya naman. Gusot ang mukha niya kaya pati ako ay mistulang napapagaya na din. Halatang hindi sanay sa mga ganito.
"Okay."
Mabilis ang bawat kilos ko. Inuna ko munang buksan ang electric fan dahil halos tagaktak na agad ang pawis niya.
"Nagugutom ka? Gusto mong kumain?" tanong ko matapos ibigay ang tubig. Naisip ko din kasi na baka gutom na siya, may naiwan pa naman sa niluto kanina ni tita.
"No." Simpleng sagot niya matapos lagukin ang tubig. "Another please." napangiwi na lamang ako sa katamaran niya. Nasa harap na niya ang pitsel at pwede namang siya na lamang ang maglagay ngunit inilahad parin niya sa akin ang baso.
"I feel better." pumipiyok-piyok pa niyang saad. At eksaheradang huminga ng malalim.
Isang lamesa ang naghihiwalay sa amin. Kinuha niya sa gilid ang bag at kinuha ang tumutunog na cellphone.
"Hi hon?" pagsagot niya sa tawag.
Ilang minuto pa siyang nakipag-usap sa asawa nang sa wakas ay hinarap na niya ako. Agad akong napaayos ng upo na ikinataas muli ng kaniyang kilay. Bumuo ng isang ngisi ang labi niya habang mataman akong tinitignan.
"Now, now. Your expression screams curiousity." halata ang galak sa mukha niya nang sinabi ito. Para bang natutuwa sa pagiging wala kong ideya kung bakit siya nandito.
Umayos siya ng upo at isinandal ang kaniyang likod sa sofa. Makailang beses niya ding hinawi ang kaniyang buhok.
Bawat galaw niya ay pinagmamasdan ko. Pakiramdam ko kasi ay kakaiba ang bawat o ang lahat mismo ng kilos niya. Ewan ko ba. Sa isip ko ay kailangan kong maging alisto sakaling may gawin siyang hindi ko magugustuhan. Bagay na magdadala sa akin sa panganib.
"Paranoid, eh?" nakangisi niyang saad, ngunit ang tingin ay nasa mga kuko.
"Bakit mo nasabing hindi mabuti si Zen gayong siya ang nagligtas sa akin?" sa halip na ang pagpunta niya dito ang itatanong ko ay iyon na lamang. Saglit lamang niya akong sinulyapan at bumalik ulit ang tingin sa mahahabang kuko na may iba't-ibang dekorasyon. Halatang walang balak sagutin ang tanong.
Huminga ako ng malalim at malalim ding napalunok. Kasabay nito ang mariing pagpikit ng aking mga mata.
Naiirita na ako sa babaeng ito. Kung ito lamang naman ang gagawin niya dito ay hindi na dapat siya nagpunta dito. Sinasayang niya lamang ang oras ko pati ang kaniya.
"Just so you know, I came here to know you better." sagot niyang taliwas sa tanong ko. Wala na din naman akong pakialam kung bakit siya nagpunta dito. Ang gusto ko na ngayong malaman ay kung paano niya nasabing masama si Zen. Isa pa, sa sinabi niya ay may naalala nanaman akong isang tao. Pareho silang magpinsan, mga walang magawa sa buhay.
"Zen is not the good guy here."
Hindi man direkta ngunit parang ganoon na din ang kahulugan.
"Si Zen, pa'no mo nasabing hindi siya mabuti?" tanong kong muli.
"Why? Are you falling for Zen already? That fast? Really? Sabagay, na kay Zen na ang lahat. He's also the one who freed you from your endless possible misery inside the university." sigurado niyang sagot.
"Iyong tanong ko ang sagutin mo." lakas-loob kong turan. Wala akong balak na itama ang iniisip niya. Bahala siya kung ano ang gusto niyang isipin. Basta ang gusto ko lamang ay ang masagot ang lahat ng mga katanungan ko.
"Feisty. I'm starting to like you, you know." bahagya siyang nakangiti nang sabihin niya iyon. Napigtas naman na ang pasensiya ko. Mukhang wala talaga akong makakalap na sagot sa kaniya.
"Leave. Kung wala kang matinong sasabihin, just leave." diretso ang tinging saad ko sa kaniya. Samahan pa ng kawalang emosyon.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ang pagkagitlang nakita ko sa ekspresyon niya ngunit hinayaan ko na lamang ito. Hindi ko din talaga alam kung saan ko nakukuha ang tapang ko minsan.
"I am here to have fun." bigla niyang sagot. Hindi ko alam kung seryoso ba siya dahil ang bibig niya ay nakangisi samantalang ang tingin ay diretso lamang sa akin.
"Have fun?" ulit ko.
"Yes, have fun." pagkokompirma niya na may kasama pang pagtango. "Kaibigan mo ang isa sa mga babae ni Vaughn, right? Iyong bago?" Sa sinabi niya ay mas umusbong ang pagiging kyuryoso ko.
"Oo, kaibigan ko siya. Bakit?" tanong ko matapos tumuwid ng upo. Kinabahan ako nang bigla siyang napailing. "B-bakit?" para akong lumunok ng napakalaking bato nang itinanong ko ito.
"Poor lady, hindi mo ba alam? Inaaraw-araw na siya ni Vaughn. And what's worst is si Vaughn lang ang nakakaalam sa mga pinaggagawa niya sa babae. And the lady? Halata mo naman siguro kung gaano na siya kalanta." hindi ko alam kung umaarte lang siya o ano ngunit halata sa mukha niya ang pagkaawa.
"A-ano bang pinupunto mo?" mabilis ang paghingang tanong ko. Alam ko naman yun eh... Wala nga lamang akong magawa
"Alam mo naman siguro ang tungkol sa babaeng kinababaliwan ni Vaughn, right?" bigla niyang pagseseryoso. Ngayon ay wala nang bahid ng ngisi ang labi. Bigla ay parang tambol na nag-ingay ang aking dibdib.
"Bakit? Paano naman napunta sa babaeng iyon ang usapan?" Alam na ba niya? Alam na ba niya? Hindi pwede! Hindi! Ugh! Napaparanoid na ko!!!
"Gusto mo naman sigurong maligtas ang kaibigan mo diba?" saad niya ngunit biglang huminto at binigyan ako ng mapanuring tingin. "Gusto mo nga ba?" kunot ang noo niyang tanong sa akin.
Gusto ko! Gustong-gusto ko, ngunit kinakain ako ng takot...
Naglikot ang mga kamay ko at ramdam ko ang pamamawis nito. Mistulang may nagkakarerahan na din sa dibdib ko sa lakas ng pagtibok nito. Bakit ganiyan siya kung makatingin? Alam na ba niya?
"Noong nagkaenkwentro kayo ni Vaughn ay ipinagtanggol ka niya without even having a second thought. Pero bakit ikaw? Hinahayaan mo lang siya? Do you... really see her as a friend?" sarkastiko niyang saad. "At ngayong naisalba mo na ang sarili mo, hinahayaan mo na lang na siya na lang ang magdusa, ganoon ba yun?"
Hindi!
"M-mali ka ng iniisip! Gusto ko siyang tulungan pero ayaw niy-"
"Kung gusto mo talaga siyang tulungan gagawa ka ng paraan." halos maitulos ako sa kinauupuan. Gusto kong magsalita at ipagtanggol pa ang sarili ko ngunit... tama siya.
Tama siya. Hanggang sa isip lamang ang plano kong pagtulong kay Aela, wala naman akong ginagawang aksyon. Anong klase ba kong kaibigan?
Aela, I'm sorry. I'm sorry if I am too afraid to protect you...
"So ano? Kaibigan ba talaga ang turing mo sa kaniya?O kaibigan mo lang siya dahil kailangan mo siya noong mga panahong nakalugmok ka?"
Binalot ng nakabibinging katahimikan ang mga sumunod na minuto.
Kuyom ang kamao ko nang makaipon ako ng lakas ng loob na harapin siya.
"Ano bang plano mo?" medyo may pag-aalinlangan kong tanong makalipas ang ilang minuto na nagpalaki pa lalo ng ngisi niya.
"Simple, just help me find the girl. That mysterious girl who made my dear cousin Vaughn gone crazy." bigla akong nanlambot. "And after that, mawawala na ang curiousity ko, mapapakawalan pa natin ang kaibigan mo at mawawala na ang sistemang itinayo ni Vaughn." taas ang noo niyang saad at sa huli ay tumango-tango pa.
Hindi niya alam!
"P-paano naman iyong babae? Paano iyong babae kung sakaling mahanap natin siya at ma-maibigay kay Vaughn? Ano nang mangyayari sa kaniya?"
"Well... Now that you've mention it. I don't really know. Si Vaughn na ang bahala sa mga susunod na mangyayari. At ako? Tayo rather, i-enjoyin lang natin ang palabas. Great idea, right?" tuwang-tuwa niyang saad habang ako naman ay hindi mapakali. Napatigil naman siya bigla at kunot-noong tumingin sa akin. "Bakit? Concern ka? Di mo pa nakikilala iyong babae, concern ka kaagad? Ambait mo naman. " saad niya.
"H-hindi naman." agad kong sagot.
"So, how's my plan? Game ka ba?"
"P-pag-iisipan ko." ngiwi kong saad.
"What? You don't like it?" taka niya namang saad.
"M-maganda, maganda ang plano mo. Pero, ah, pag-iisipan ko muna." napataas ang kilay niya sa sagot ko. Bakas sa mukha ang pagtataka at ang di pagsang-ayon sa desisyon ko.
"You do know I am also doing you a favor." mababa ang boses niyang saad.
"Alam ko. Pero pag-iisipan ko." buo kong saad at umayos ng upo. Napailing naman siya.
"Bahala ka." kibit-balikat niyang sagot at tumingin sa suot na mamahaling relo. "Oh well, kailangan ko na din namang umalis. I'll be going now, thank you for your time." tumayo na siya at naghahanda nang umalis. Nanatili naman akong walang kibo hanggang sa maihatid ko siya sa gate.
"Ah, Eve. Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko." pahabol niya pa at sumakay na sa kotse.
Magmula nang araw na binisita ako ni Freia ay napapadalas na din ang interaksyon namin. Minsan ay magugulat na lamang ako na kasabay ko na pala siyang naglalakad. Napakadaldal niya din at hindi siya nauubusan ng sasabihin. Sinasabayan niya din akong kumain. Nagtataka nga ako kung bakit mukhang mas marami pa siyang oras sa akin kaysa sa asawa niya. Speaking of, napakaaga namang mag-asawa ni Freia, ngunit ano nga namang pakialam ko? Buhay naman nila iyon.
Mas dumalang din ang pagkikita namin ni Aela. Mas madalas na din siya ngayong lumiban sa klase. Dahil doon ay mas kinakain ako ng konsensiya ko dahil alam ko naman kung bakit ganoon ang nangyayari kay Aela. Usap-usapan pa na hindi na gaanong pinapansin ni Vaughn ang iba niya pang mga babae at tutok na lamang ito kay Aela.
Ang isa pang gumugulo sa isip ko ay ang kawalan ko ng balita kay Dara. Hindi naman sa may pake ako o ano, nakakapagtaka lamang kasi na bigla na lamang siyang nawala, at ang isa pang gumimbal sa akin ay ang pagiging una sa hanay ng mga babae ni Vaughn si Aela! Hindi naman na kataka-taka dahil madalas na silang magkasama ni Vaughn pero...
Anong nangyari kay Dara?!
Nasaan na siya? Bakit si Aela ang biglang naging paborito?
"Anlalim naman ng iniisip mo." saad ni Freia matapos sumipsip ng juice.
"Nagtataka lang kasi talaga ako kung bakit hindi ko na nakikita si Dara? Dapat ngayon ay kung ano-ano na ang ginagawa niya para mapahamak ako. I mean, hindi naman sa gusto ko iyong mga ginagawa niyang kasamaan sa akin, hindi naman ako baliw para magustuhan ko iyon. Pero bakit? Paano? Paanong bigla na lamang siyang nawala ng parang bula? At isa pa, parang wala din namang pakialam ang mga estudiyante sa pagkawala niya, ni hindi ko na nga naririnig ang pangalan niya sa paligid eh." eskasehara kong sagot. Unti-unti namang kumunot ang noo ko nang tawanan lamang ako ni Freia.
"Anlaki ng problema mo noh?" nakangisi niyang saad.
"Ha?"
"Hindi mo pa talaga alam kung ano ang kayang gawin ni Zen, ng hari mo. Tsk." iiling-iling niyang saad.
"A-ang ibig mong sabihin..." natutop ko ang bibig ko nang maalala ang pag-uusap namin ni Zen sa kwarto. "Imposible! Si Vaughn? Okay lang sa kaniya iyon?"
"Tsk. May bago nang paborito si Vaughn, at alam kong alam mo kung sino iyon. Tsaka, ayaw mo noon? Hindi ka na magagambala ni Dara."
"Pero ano bang ginawa ni Zen sa kaniya?"
"Hmmm.. Sabihin na lang nating nasa malayong lugar na siya ngayon at mas mahirap pa sa daga ang pamumuhay niya." kibit-balikat niyang sagot. Napasinghap naman ako sa nalaman.
Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Freia hanggang sa magsalita siya.
"I wonder kung nasaan na ngayon ang kaibigan mo. Her health, maayos pa kaya 'to? Knowing Vaughn? Hindi iyon nauubusan ng lakas, kaya siguro nangangayayat na ang kaibigan mo. Poor Aela, ano kaya ang nakita ni Vaughn sa kaniya at bigla siyang naging paborito? Mm."
Hindi ko naman madugtungan ang sinasabi niya kaya nanatili akong tahimik. Alam ko din naman kung ano ang pinupunto niya. Ngayon na lamang din niya ulit ako pinaringgan.
Nang sinabi kong pag-iisipan ko ang alok niya ay totoo iyon. Gusto ko, ngunit wala akong lakas ng loob. Isa pa, antanga ko naman kung hahanapin ko ang sarili ko. Lolokohin ko lamang din si Freia. Wala akong balak ibunyag ang sarili ko—iniisip ko pa lamang ang ideyang ibubunyag ko ang sarili ko ay nananayo agad ang mga balahibo ko.
Baka, baka may iba pang paraan para matulungan si Aela.
"Eve, pwede ba kitang makausap?" halos mapabalikwas ako nang paglingon ko sa gilid ay bumungad ang mukha ni Aela. Pinag-uusapan lamang namin siya kanina, at ngayon? Wow.
"S-sorry, kung ayaw mo wag na lang. Seryoso yata ang pinag-uusapan niyo ng bago mong kaibigan." hindi ko alam kung ako lamang ba o may pait talaga sa huling mga salitang binigkas niya.
"H-hindi naman, ngayon na ba? Gusto mo sumama ka na sa amin?"
"Gusto ko sana iyong tayong dalawa lang. Pwede ba?" saad niya at saglit na tinapunan ng tingin si Freia. Tinignan ko naman si Freia para humingi ng permiso.
"Go on." simple niyang saad.
Sinundan ko lamang naman si Aela kung saan niya kami gustong mag-usap hanggang sa huminto kami sa gilid ng soccer field at naupo sa isa sa mga benches.
Nanatili lamamng naman kaming tahimik sa mga sumunod na minuto. Balak ko na sana'ng magsalita para basagin ang katahimikan nang siya na mismo ang nagsimula.
"Tulungan mo 'ko, Eve."
"Tulungan? S-saan?" Kay Vaughn ba? Gusto niya na ba'ng makawala? Tatakas siya? "A-ano ba'ng tulong?"
"Tulungan mo 'ko!" mabilis siyang humarap sa akin at nanginginig ang mga kamay na kinuha ang magkabila ko ding kamay. Ngayon ay mas malinaw ko nang nakikita ang mga pisngi niyang tigmak ng luha.
"Tulungan saan Aela? Sabihin mo! Aela, saan kita tutulungan?P-paano kita matutulungan?"
"Tulungan mo 'ko, Eve. Tulungan mo kong hanapin ang babaeng kinababaliwan ni Vaughn! I-iyong may ganitong balat! Gaya ng sa akin!"
Halos tumakas ang dugo ko nang ilihis ni Aela ang uniform niya at bumungad ang balat na halos kagaya din ng sa akin sa magkaparehong bahagi ng katawan.
"N-nilalagyan ko 'to ng mga cosmetics na mahirap tanggalin kasi ampangit, p-pero noong nakaraan nakita 'to ni Vaughn, bigla kasi siyang pumasok habang naliligo ako." paliwanag niya.
"At nalaman ko ding may ganito ang babaeng hinahanap niya. Eve! Tulungan mo 'ko, please!"
***
-GiocosaRagazza
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED 😊😊