Ilang minuto na din akong umiiyak at ilang minuto na ding ganun lamang ang posisyon namin. Hindi ko mawari kung ano ang pumasok sa isip ko at nagagawa kong yakapin siya ng ganito katagal at kahigpit. Siguro nga ay nadala ako ng matinding takot at siya lamang ang nandito.
Basang basa na din siya ngunit himala at hinahayaan niya lamang akong patuloy na umiyak. Wala siyang reklamo at hinahayaan lamang akong magpatuloy. Ngunit isang tawag sa kaniyang telepono ang nagpahiwalay sa akin sa kaniya.
"Pasensiya na ah. Salamat din sa pagligtas mo sa akin. S-sagutin mo na." saad ko at akmang lalabas na ng sasakyan at aalis nang pigilan niya ako.
"Stay there." seryoso niyang saad at sinagot na ang tawag. At para naman akong maamong tupa na sumunod sa kaniya at umayos na din ng pagkakaupo at tahimik na inilibot na lamang ang tingin sa loob ng sasakyan. Ambango.
"What? Go home, I won't be able to meet you today. No! Fuck, I said go home!"
Ayaw ko mang makinig sa usapan nila, hindi ko magawa dahil hindi din naman siya lumayo. Mukha pa namang importante. Sino kayang kausap niya?
"Sally, I said go home already! Do not let me repeat it again, woman." gigil niyang saad.
Ahh isa pala sa mga babae niya. Magkikita pala sila dapat ngayon.
Pagkatapos noon ay walang paapaalam na ibinaba niya ang telepono. Sa ilang saglit na magkasama kami ay muling umusbong ang takot na nararamdaman ko sa kaniya.
"Ah, kailangan ko nang umuwi. Salamat ulit." saad ko at akmang aalis na ulit nang mahigpit niya akong hinawakan sa braso, inilabas sa kotse at kinaladkad pasakay sa sarili niyang kotse.
"Saan mo ba-"
"Shut your mouth for a while." tiim-bagang niyang saad na nakapagpatahimik sa akin.
Hindi naman kalayuan sa school ang binyahe namin. Makalipas lamang ang ilang minuto ay inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang kubo. Hawak niya ulit ang braso ko nang makalabas kami sa sasakyan. Tatlong katok sa pinto at may lumabas na isang may katandaang lalaki. May subo itong matabang sigarilyo at balot na balot sa kasuotan. Naninindak pa ang tingin nito kaya agad akong nakaramdam ng takot ngunit nang mapadako ang mga mata nito sa kasama ko ay mistulan itong naging maamong tupa.
"Oh, anong ginagawa dito ng batang Arden?" may palakaibigan niyang tono itong sinabi. Halata din ang maya't-maya niyang pagsulyap sa akin at ang kaunting pagkakakunot ng noo nito.
"Who?" isang salita lamang yun ngunit halata ang agad na pagiging tensiyonado ng may katandaang lalaki.
"Ha? A-anong sinasabi mo? Ano bang sadya mo? Hehe..."
"We both know what I am talking about. Mga tauhan mo ang sumugod sa babaeng kasama ko. Imposibleng hindi mo sila kilala at hindi mo alam kung sinong nag-utos sa kanila. Wag mo 'kong ginagawang tanga, Raul. Alam mo kung anong kaya kong gawin." mapanganib niyang saad. Maging ako ay nakaramdam ng kilabot kahit hindi naman para sa akin ang sinasabi niya.
"Ano bang sinasabi mo? Wala naman akong-"
"You know how short my patience is..." sa sinabi niyang iyon ay sumusukong napabuntong hininga na lamang ang lalaki at mahinang napamura bago nagsalitang muli.
"Iyong una." maikling sagot lamang ng lalaki ngunit agad na napatango si Vaughn na para bang naintindihan agad ang sinabi. Dahil alam ko naman talaga kung sino ang may gawa sa akin nito, ay hindi na ako nahirapang i-analisa kung ano ang ibig sabihin noong lalaki. Pang-una sa hanay ng mga babae ni Vaughn si Dara. Doon pa lamang sigurado na ako.
"You listen carefully, do not ever take any command again from that girl. Ever." saad ni Vaughn. Bawat salita ay binibigyan niya ng diin, at hinihimay-himay. "Are we clear?" dugtong niya pa at sunod-sunod naman na napatango ang lalaki.
Pagkatapos naman noon ay walang sabi-sabi niya akong hinila paalis nang hindi man lamang nagpapaalam sa lalaking kausap.
"S-saan na tayo ngayon? Iuuwi mo na ba ako?" nag-aalinlangan ko pang tanong nang makasakay na kami pareho sa kotse.
Napakagat na lamang ako sa aking labi nang wala man lamang akong nakuhang sagot. Tumahimik na lamang din ako ng mga ilang minuto na at wala yata talaga siyang balak sagutin ang tanong ko. Itinuon ko na lamang ang pansin ko sa mga nadadaanan naming lugar.
Sa layo ng biyahe namin ay unti-unti na akong nilamon ng antok.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang unti-unting pagtigil ng sasakyan.
"Nasaan tayo?" medyo paos ko pang tanong dahil sa kakagising lamang. Ngunit agad akong muntikan nang mapatalon nang lumapit siya sa akin upang tanggalin ang pagkakaseatbelt ko. Nawala yata antok ko.
"Out." maikli niya lamang sagot at nauna nang lumabas sa sasakyan.
Paglabas ko ay kunot ang noo ko nang mapagtanto ko na nasa parking lot kami. Saan niya ba ako dinala?
"Nasaan na ba tayo?" sinubukan ko uling magtanong at salamat na lamang na sumagot siya. Nga lang, di ko alam kung matutuwa ako sa sagot niya.
"Arden Condominium." Condo? Bakit, bakit kami nasa condo?
Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya marahil ang gitla sa mukha ko at umiling-iling, para bang alam niya agad ang nasa isip ko.
"Assuming." aba't. " Follow me."
Tahimik na lamang akong sumunod. Habang naglalakad ay may tinawagan siya. Sumakay kami sa elevator, pinindot niya ang pinakamataas na palapag ng condo.
Sunod lamang ako ng sunod sa kaniya hanggang sa makarating kami sa harap ng isang kwarto, doon na ako tumigil.
"What?" iritado niyang tanong nang mapansin ang pagtigil ko.
"Ahh..." lubos ang kawalan ko ng sasabihin. Palipat-lipat ang paningin ko, hindi mapirmi sa isang lugar sa pag-iisip. Bahagya akong napaatras nang hulihin niya ang tingin ko. Napakalapit niya sa akin at lalo pang lumalapit habang namumuo ang isang ngisi sa mapupula niyang labi.
"What were you thinking, woman?" halata ang pang-aasar sa boses niya. "Was it something like, mmm..." sinadya niyang bitinin ang sinasabi niya at inilibot ang paningin sa kabuuan ko.
"Kung ano man yang iniisip mong iniisip ko, nagkakamali ka." lakas-loob kong sagot ngunit halos hindi naman makatingin sa kaniya.
"Oh really?" halata ang katuwaan sa mukha niya kaya mas lalo akong nainis. Ano nanaman bang binabalak niya?
Anggulo. Somehow, sa pagligtas niya sa akin kanina ay tila nabawasan ang takot na nararamdaman ko sa kaniya. Pero siyempre, ganoon parin ang impresyon ko.
"Oo! Kaya naman-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang pumalibot ang mga kamay niya sa bewang ko at inilapit ako lalo. Napasinghap ako at mistulang naging tuod. Mas lalo pa akong nanigas nang bahagya niya akong inamoy.
"Hmm, not bad." saad niya matapos akong amuyin. "Let's see. Ano bang nagustuhan sa'yo ni Zen? Was it your smell? Your intelligence? Your innocent eyes?" saad niya pa habang mataman akong tinititigan. "Definitely not your face." pailing-iling niyang saad at sa wakas ay pinakawalan na ako. Ngunit mistulan parin akong naging pipe dahil sa naganap na interaksyon.
"Come in. Nagugutom na ako, ipagluto mo ako." ma-awtoridad niyang saad at nauna na sa loob.
Papikit-pikit naman ang mga mata ko na parang hindi makapaniwala.
Pa'no na?... Hindi ako marunong magluto!
Paulit-ulit ang pagbukas at ang pagsara ko ng refrigerator. Hindi maisip kung ano ang lulutuin. Nababalisa na ako. Si Vaughn naman ay nagshower muna. Sabi niya pagbaba niya ay dapat may naihain na ako. May mga iba pa daw siyang gagawin kaya magtatagal siya sa taas, at inaasahan niya na pagbaba niya ay may nailuto na.
Mahigit trenta minutos na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakapili.
"Ano na, Eva?" kagat-labi kong saad sa sarili at pinapatunog ang mga daliri.
Kahit kailan naman kasi ay hindi nila ako ipinagluto sa baryo, at simula naman nang mapunta ako sa puder ni tita ay bigas pa lamang ang nailuluto kong perpekto.
"Bahala na nga!" kakamot-kamot kong saad.
Ilang beses akong huminga ng malalim at inihanda ang sarili para sa pagsabak sa giyera. Matindi ang kalaban ko ngayon kaya kailangan ng pananggalang.
Gamit ang matatalas na mata at alistong pandama, kinuha ko na ang spatula at napakalaking takip ng kaldero.
Inilagay ko sa ibabaw ng aking kalaban ang aking mga kamay.
"Mainit na.. Okay na 'to." tatango-tangong saad ko sa sarili. Handa ang takip ng kaldero para sa posibleng pag-atake ng kalaban.
Gamit ang spatula ay sinandok ko na ang tatlong hiwa ng hotdog at dahan-dahang inilagay sa mainit na mantika.
Mistulan akong nakikipagespadahan kahit tanging pagluluto lamang naman ang ginagawa ko. Napapaatras din ako kapag malakas ang talsik ng mantika.
Nakailang subok pa ako ng pagpiprito ng hotdog bago makaluto ng maayos. Yung mga nauna kasi ay nasunog. Itinatabi ko naman ito, at ako na lamang ang kakain dahil sayang din.
Sunod naman ay ang itlog. Sunny side up ang balak kong luto nito, ngunit agad na sumabog ang dilaw na bahagi dahil sa biglaan kong paglalagay nito. Nagulat kasi ako dahil bigla na lamang tumalsik ang mantika.
Ganoon pa man ay ipinagpatuloy ko na lamang ito. Gaya ng sa hotdog kanina ay nakailang subok din ako nito, ang kaibahan lamang ay wala akong nalutong maayos sa itlog. Lagi kasi akong nagugulat sa tilamsik ng mantika, kaya lagi ding durog ang itlog. Sinabay ko na din sa pagluto ng itlog ang pagsasaing.
"Hotdogs and, eggs? For One and a half hours." Sarkastiko niyang saad habang nakatingin sa mga niluto ko. Matapos noon ay ibinalik ang tingin sa akin.
"Pasensiya na. Hindi kasi talaga ako marunong magluto." nakayuko kong paghingi ng paumanhin.
"Is these edible?"
"I-iyong kanin masarap." Huli na nang mapagtanto kong hindi ko rin pala iyon maipagmamalaki. Mas lalo pa akong nahiya dahil sa sarkastikong pagtaas ng kaniyang kilay.
"Kung a-ayaw mo, ako n-na lang ang kakain." Nahihiya kong turan at akma na sanang kukunin ang mga pagkain ng kinuha niya ito.
"These are mine." Malamig niyang saad at sinimulan nang kainin ang mga niluto ko. Hindi rin nakatakas sa akin ang mga mahihina niyang bulong. "These foods doesn't even look edible to me." bulong niya habang tinutusok ang isang hotdog gamit ang tinidor.
"Ako na nga lang kasi ang kakain!" Sinubukan ko muling kuhain ang mga pagkain dahil sa mga pasimpleng komento niya kung gaano kasama ang mga ulam ngunit iniiwas niya lamang ito.
"You cooked it for me. These are mine." magkasalubong ang kilay niyang saad at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Mahirap talagang intindihin ang lalaking ito. Ayaw niya sa pagkain ngunit pinagpapatuloy niyang kainin. Kinakain ngunit andaming masasakit na komento.
Hanggang sa matapos siya ay nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya. Ngayon nga ay kasalukuyan na siyang umiinom. Matapos niyang maubos ang isang basong inumin ay ipinaling niya sa akin ang kaniyang tingin. At para nanaman niya akong ine-eksamina sa mga pagtingin niya.
"Surely, your cooking skills won't attract him." nakangisi at sigurado niyang saad. "Ilang beses mo na ba siyang ipinagluto?"
"Hindi ko pa siya naipagluto." simple kong sagot.
"Oh." mabilis lamang ang pagdaan ng gulat sa mukha niya. Mabilis itong napalitan ng kagiliwan. "So, I'm your first." saad niya na parang sa sarili sinasabi.
Yes! You're my first. Sagot ko sa sarili ngunit iba ang nasa isip.
"Ahm, iyong mga sunog na hotdogs." panimula ko.
"Gusto mo?" kakaiba ang naglalarong ngiti sa kaniyang labi. Ngunit hindi ko na lamang ito masyadong pinagtuunan ng pansin.
"Oo sana. Sayang naman." Nanghihinayang kong saad habang nakatingin sa tumpok ng mga sunog na hotdogs.
"Sasakitan ka ng tiyan." nakataas ang dalawang kilay niyang saad.
"Ah, hindi naman." sagot ko lamang. Sumandal siya sa likod ng upuan at mataman niya akong tinitigan. Papalit-palit naman ang sulyap ko sa kaniya at sa pagkain. Sa huli ay napabuntong hininga na lamang siya.
"Bahala ka." simple niyang sagot at hinaplos-haplos niya ang kaniyang ibabang labi gamit ang hinlalaki at hintuturo ng kanan niyang kamay. Hindi ko tuloy maiwasang tumingin sa labi niyang namumula.
Napailing na lamang ako sa isip ko nang mapagtantong ilang segundo na akong nakatitig doon at pumoporma na sa kaniyang labi ang mapang-asar na ngiti.
Kinuha ko na ang tinidor at tumusok ng isang hotdog.
"Ahm, wala ka bang ibang gagawin?" papanuorin niya lamang talaga akong kumain?
"None. I'll just watch how you eat hotdogs." ngisi niyang saad at napalunok naman ako nang iba ang maisip ko.
Ano ba, Eva? Ano bang nangyayari sa utak mo? Umayos ka, Eva! UMAYOS KA!
Hindi ko alam kung paano ko nagawang tapusin ang pagkain gayong ilang na ilang ako sa hindi maputol niyang pagtitig. Maging sa pagsalin ko ng tubig sa baso at pag-inom ay nakatutok siya. Sinusuri ang bawat galaw ko.
Matapos kumain ay tahimik na ulit ako at bahagyang nakayuko. Hindi alam kung anong sasabihin.
"Now, I am really curious. Ano ba talagang espesyal sa'yo?" sinubukan ko siyang tignan para lamang mapaso ng nag-aapoy niyang mga mata.
"Eva Maria, who are you really?"
Tatlong araw na din ang nakakalipas nang magkaroon kami ng interaksiyon ni Vaughn. Simula noon ay hindi niya na ulit ako kinausap. Ngunit ewan, ramdam ko na lagi siyang nakamatyag. Pakiramdam ko ay laging may nakasunod sa akin, kahit kapag kasama ko si Zen. Hindi ko lamang alam kung ramdam din niya.
Malapit na din ang simula ng AIU Sports Fest at ang unang event ay haunting by pair. Hindi pa nga lamang namin alam kung ano ang hahanapin.
Usap-usapan din ang pagdating ng Ikaapat at ikalawang lider ng quartz. Kinakabahan din ako dahil sinabi sa akin ni Zen na ipapakilala niya daw ako sa mga pinsan niya. Sa mga naririnig ko kasi, ang dalawang ito ay halos kaugali lamang ni Vaughn.
"Hindi nga pala ako makakasabay sa'yo sa pagkain ulit ngayon. Pasensiya na." matamlay na saad sa akin ni Aela.
Pansin ko lamang na sa bawat araw na lumilipas ay patamlay siya ng patamlay. Halata din ang pamamayat niya. Sa tatlong araw din na iyon, ay madalas kong nakikitang mugto ang mga mata niya.
Wala namang pinapagawa si Sir kaya okay lamang na magdaldalan kami.
"El, pwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang mamaya?" mahinahon kong saad nang hawakan ko ang kamay niya. Hindi lamang ako umiimik noong mga nakaraang araw at hinahayaan ko lamang siya dahil hinihintay kong siya na ang magkusang magsabi sa akin.
"H-hindi kasi pwede eh. A-ayaw kasi niyang pinaghihintay siya." kahit wala siyang binabanggit na pangalan ay alam ko na kaagad kung sino iyon. Nakapaskil sa mukha niya ang hindi pagsang-ayun at ang takot. Dahil doon ay mas nakaramdam ako ng panibugho.
Mukha namang nabasa niya ang nasa isip ko at agad na umiling-iling.
"Ayos lang, Eve. Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan." She assured me. But then, I feel it. This was also my fault. Kasalanan ko rin kung bakit niya ito nararanasan. Dahil kung ikukumpara sa mga ibang babae ni Vaughn na buhay reyna at maganda ang pangangatawan, taliwas naman ito sa nararanasan ni Aela.
"El..." naninikip ang dibdib ko. Maging ako ay nahihirapan sa sitwasyon niya. Ano ba talagang plano ni Vaughn sa kaniya? Noong nakaraan naman ay parang wala na kay Vaughn ang nangyari, ngunit bakit naghihirap pa din si Aela?
"Ayos lang, Eve. Ayos lang..." namumuo sa mga mata niya ang luha ngunit pilit niya itong pinipigilan. Pilit na ipinapakitang kaya niya sa harap ko. Pero alam ko, she's in so much pain right now.
Matulin ang pagkabog ng dibdib ko habang sabay kaming naglalakad ni Zen. Alam ko na dadating ang mga pinsan niya at ipapakilala niya ako sa kanila, pero hindi ko naman inaasahan na ganito kaaga. Hindi ako handa!
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng kaniyang kotse at binaybay ang hindi katagalang biyahe.
Makalipas ang ilang minuto ay nasa harap na kami ng isang pribado at glamorosong restaurant. Mas dumoble ang kabog ng dibdib ko nang naglakad na kami papasok sa loob nito.
Pagkapasok ay iginiya kami ng isang babae sa isang silid. Pansin ko din ang panaka-naka nitong pagsulyap kay Zen, ni hindi man lamang ako nito napapansin.
Nang makarating naman sa mismong silid ay pinagbuksan kami nito ng pinto at doon na niya kami iniwan. Nakatingin ako rito nang umalis na siya ngunit ang tingin ay naiwan sa aking kasama. Napaiwas naman ito ng tingin nang nahalatang kanina ko pa siya pinagmamasdan. Napailing na lamang ako sa nangyari. Ngunit itong kasama ko, parang walang pakialam.
Nabuhay muli ang kaba ko nang sabay kaming pumasok ni Zen sa loob. Nakapalibot ang kanan niyang kamay sa aking bewang kaya magkalapit na magkalapit kami. Naramdaman niya yata ang aking kaba at bumulong siya sa akin.
"I'm here, Eve. I got you." he assured me. Though that didn't make my nervous any lesser.
Hinayaan kong igiya niya ako patungo sa mga taong ipapakilala niya sa akin. Tatlong pares ng mga mata ang lumingon sa amin nang makalapit kami. Dalawang babae at isang lalaki. Hindi kasama si Vaughn sa mga yun.
Tumayo ang tatlo. Yumakap ang babae kay Zen, samantalang isang tapik lamang sa balikat ang ibinigay ng dalawa. Ngunit ramdam ko pa din ang matamang pagtingin nila sa akin.
"This is my Queen, Eva Maria." pakilala sa akin ni Zen matapos ang maikli nilang kamustahan.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang ilang saglit silang nanahimik at seryoso lamang akong pinakatitigan. Lalo na ang babaeng nasa gitna. Ang isang lalaki naman ay nakapalibot ang kamay sa bewang nito at nasa kaniya ang paningin. Malamig naman ang tingin na iginawad sa akin ng pangalawang lalaki.
Napalunok ako at halos magmukhang ngiwi ang aking ngiti nang unti-unti akong nginisihan ng babae.
"So you're that Eva." sabi niya na parang sa sarili sinasabi habang tumatango. "The name is Lynn Freia Valliere, and this handsome man beside me is Kristoffe Valliere, my husband. And lastly, this is Blazeckht Arden." pagpapakilala niya. Matapos noon ay nag-aya na siyang umupo.
"So? It's been a while, cousins. Ngayon na lang ulit tayo nagkasama. Sayang nga lang at wala si Vaughn. But anyway, I am so glad na nakilala ko na ang babaeng bukambibig ng pinsan ko-" ngising saad ng babae na agad namang pinutol ni Zen.
"I am not-"
"Oh, shut up, Zen!" pambabara naman sa kaniya ni Freia. Hindi alintana ang panaka-nakang paghalik at pag-amoy sa kaniya ng asawa. Nanatili namang tahimik habang sumisimsim ng wine ang lalaking nagngangalang Blazeckht.
Marami pa silang pinag-usapan. Minsan ay isinasama ako nila Zen at Freia sa usapan, ngunit maiikli lamang ang sagot ko. Madalas ay tahimik lamang ako. Pansin ko din na bilang na bilang lamang ang salita ni Blaze. Iyong tatlo lamang talaga ang maingay.
Nang muli kong sinulyapan si Blaze ay agad akong napababa ng tingin nang malaman kong nakatingin din ito sa akin habang sumisimsim. Wala akong nakitang ekspresiyon sa kaniya. Ngunit napakalamig nito sa akin.
"I'm so excited for the AIU Sports Fest. Kasali kayo ni Vaughn diba? And, iyong partner niya..." halos masamid ako sa sinabi ni Freia, halatang binitin ang pangungusap at pasimpleng lumingon sa akin. "Ikaw iyong partner ni Vaughn, diba?" nakangisi at taas-kilay na saad sa akin ni Freia. Mas mukha pa niya iyong sinasabi sa akin kesa tinatanong. "Magkalaban kayo ng reyna mo, Zen." pang-aasar ni Freia. Nakangisi na din ang asawa niyang si Kristoffe, samantalang nanatili namang walang karea-reaksyon si Blaze. Nakangisi lamang naman na sumimsim ng wine si Zen.
Hindi naman nagtagal sa paksang iyon ang usapan. Ngayon ay purong business na ang pinag-uusapan kaya lalo akong nanahimik. Sumasabay na din sa usapan si Blaze. Minsan ay hinihingi nila ang opinyon ko tungkol sa isang bagay, ngunit hindi naman ganoon kagaling ang sagot ko at nahihiya pa.
Sinabi ko kay Zen na mag-cCR lamang ako. Balak pa sana niya akong ihatid ngunit sinabi ko na lang na ituro na lamang niya ito sa akin.
Kasalukuyan akong naghihilamos ng mukha nang may pumasok. Sinilip ko ito at nakitang si Freia lamang naman.
"I-ikaw pala, Freia." nakangiti kong saad na halos maging ngiwi na dahil sa hiya. Mas lumakas pa ang hiya ko nang hindi man lamang niya sinuklian ang ngiti ko, sa halip ay tinaas lamang ako ng kilay.
"First name basis." sarkastiko nitong saad. Dahan-dahan siyang lumapit at hinawi ang buhok kong nagsisilbing pantakip sa marka.
Dahil doon ay bahagya akong napaatras. Mas lumawak naman ang ngisi niya nang makita ang reaksyon ko. Bukod pa doon ay sa marka ko.
"Kaya pala." usal niya. "Kung ako sa'yo, hindi ako masyadong aasa sa mga kabaitang ipinapakita ni Zen. And Zen? Zen is not really the good guy here." dugtong niya pa habang patuloy na hinahawi ang buhok ko.
"Katulad ka kasi niya." Huli niyang saad bago siya lumabas. Iyon lamang yata ang ipinunta niya dito.
Katulad? Katulad ako nino?
***
-GiocosaRagazza
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED 😊😊