Chereads / Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 52 - Kabanata 50: Dirt Fortress

Chapter 52 - Kabanata 50: Dirt Fortress

(Hiraya)

Ika-labing apat araw na simula ng mag-umpisa ang RPG world, kasalukuyan kong sinusuri ang labi ng isang monster king. We've made a lot of progress from the past days, ito na ang pang-pitong spawn point boss na nakalaban ko. I've conquered four of them, enslaved two and this bitch under my feet is the seventh. Ayon sa isa naming informant ay may dalawampung spawn points sa loob ng school so that makes the remaining count to thirteen.

Things happened, at bukod sa boring na pagpatay ko sa mga boss ng spawn points ay wala na akong iba pang trabaho kundi ang mag-pataas ng skill levels, maghanap ng algorithms at well.. magpakain ng sandamakmak na players. Tangina lang, ang inaasahan kong gang wars ay bogus pala. Sobrang hihina ng mga surviving players ng school, may mga lider-lideran sila pero ang average levels nila ay 18, I even found one gathering being led by a level 7 player.

I was so disappointed I can't even concentrate habang tumatae, susej tsirhc, sobrang nai-stress nako sa kawalang kwentahan ng mga araw ko at sumasakit na rin ang tyan ko dahil hindi ako makatae! Just kidding sa pagtae part but really, I need excitement and interest to properly live.

Bukod sa urge ko na magpalevel gamit ang mga spawn point that right now ay isa o dalawang level nalang ang natatanggap ko, dahil nga sa bilang na buwan ng natitirang buhay ko gawa ng skill na Double the Fun ay kinakailangan kong tapusin na ang dungeon na ito para makapaghanap ng iba pang dungeon, or hunt field bosses maybe or something like.. maglakbay sa iba't ibang parte ng pinas.

Gusto ko nang mag-adventure, I really want it so badly na gusto ko nang magspawn ang dungeon boss sa harapan ko ngayon na mismo, but it sucks.. there's still more than half a month para magspawn ang boss. Our fight better be legendary, something like.. I'll be half dead bago ko siya matalo or 1 Health point nalang ang matitira ay magagawa ko pa siyang patayin, etc.. dahil kung hindi ay mapipilitan akong ubusin lahat ng players dito sa school, why? I'll tell you later.

Pinagpatuloy ko ang pag-imagine sa mga bagay bagay hanggang sa hindi ko namalayan ay nailagay ko na pala ang lahat ng karne ng boss sa spawn point na na-conquer ko. Right, time to leave.

Ang kasalukuyang base of operations namin ay ang gym, bilib ako sa pondo ng school dahil kasya ang tatlong basketball courts sa school gym, with a wide open space like this.. kasya lahat ng pinulot kong mga players, I even provided them small houses to live in. Mga private and perosonal space nila habang hinihintay namin ang pag-spawn ng dungeon boss. Though para iyon sa pagpapalevel ng skills ko.

"Oy, bumalik na ang Hari, bumalik na ang Hari! Ipaalam niyo kay Madam Baby na andito na ang Hari!"

Narinig ko nanaman ang mga animal na tumatawag sa akin ng hari, shiz.. I cringed habang pinapanood ko silang mag-unahan papasok sa loob ng tunnel na pinagtulungan naming gawin ni Ganit. I've been using Earth based spells lately, remember the Earth Spike.. the one I got from that Maligno, I've modified the usage at nakagawa ako ng panibagong spell - Earth Manipulation.

With enough mana and enough earth to work with, nakagawa kami ni Ganit ng fortress para sa mga surviving players sa school nato. Though marami pa ang nasa ibang mga places, most likely sa western part ng school dahil hindi pa ako nakakarating doon. We're on the north eastern part, and nalibot ko na ang lugar pero iniiwasan ko parin ang cafeteria at ang grade 7 building, why? I'll tell you later.

Going back, we've stationed guards sa labas ng fortress. Ma-ay with another one of the surviving players arranged them, wala akong masyadong talent pagdating sa management ng resources and man power kaya sila na ang bahala sa mga part nayon. My sole job is to conquer this dungeon, and I don't have time para sa mga pagmamanage ng mga tao.

"Hari! Kamusta naman po ang pakikipaglaban ninyo sa halimaw ng Grade 9 building? Hindi po namin iyon matalo dahil sobrang lakas nito."

Hindi talaga ako masanay sa pagiging chummy at close-close-an ng mga survivors. Pakiramdam nila magtotropa lang kami, tinatawag nila akong hari pero for the most part ay para lang akong maskot na lalapitan nila dahil interisado sila sa constume ko. I can't blame them though, naka-off lahat ng oh so evil na mga titles ko. I've gathered enough na kapag in-on ko lahat ay pati si Ma-ay ay hindi niya kayang tiisin ang awra, she'd fall unconscious after a few minutes.

"Everything went well, I guess. Oh, i-deliver mo sa kusina." Tinapon ko ang dalawang bag / inventory na dala ko sa direksyon niya. Agad naman siyang sumaludo at sinunod ang ini-utos ko. I don't get it, baka kulang lang ako sa emotional quotient or something else entirely, pero kapag inuutusan ko sila ay para bang pribelehiyo ang tingin nila roon.

Tinitigan ko ang mga letra na Earth Palace na nakalagay sa entrance ng tunnel at dinala ang paningin ko sa castle styled fortress na ginawa namin ni Ganit, hindi na kami nagpatulong sa mga iba pang surviving players na may Earth Elemental skill dahil hindi namin magawa ang mga gusto naming itsura dahil sa interference ng control nila sa skill. So, dahil umiyak si Ganit sa suhestyon kong tawagin na Dirt Fortress ang castle, pinilit ako ni Ma-ay na palitan ang pangalan nito at gawing Earth Palace.

Wala silang kataste-taste sa pagpangalan ng mga bagay. Naaawa na ako sa magiging pangalan ng mga anak nila pagdating ng araw. Anyway, the castle is cool and all pero sa tingin ko ay kayang gibain ng dungeon boss ang fortress nato in a matter of seconds, I can even do it in one. Nag-iisip pa ako ng paraan kung papaano mapapatibay ang lugar na ito.

-

"Babyboy, kamusta ang field trip mo? Wala kabang pinulot na iba pang babae, ha?" Nang pasukin ko ang bahay-bahayan ko ay sinalubong agad ako ng tanong ni Ma-ay, hindi ko na binubuksan ang telepathy namin dahil lagi niya akong pinapagalitan and she's getting more pissed whenever I sing the Ama Namin theme song.

"No, not this time either. Natapos ko na ang pangpitong spawn point. How's the things going on here, any major news?" Dumiresto akong naglakad papunta sa higaan, I felt like a cave man having this kind of house na gawa sa lupa. May mga Light Stones na nakapalibot sa kisame, isang loot na natuklasan ko sa isang uri ng monster na may kakayahan ng luminescence.

They grow stones on their bodies, at isa sa mga uri ng bato sa katawan nila ay ang Light Stones, they're of different sizes and shapes.. pinagbubunot namin lahat ng mga bato sa katawan nila then ginagamitan namin sila ng healing spells, after a few hours puwede na ulit na magharvest.

Actually, right now... kaya ko nang tapusin lahat ng spawn points kung gugustuhin ko. Pero ayaw ni Ma-ay dahil kailangan ng ibang players na magpalevel at mag-grind ng skills. So Ma-ay let them form teams and hunt monsters, the spawn point boss earlier was the lowest leveled boss kaya kinonquer ko na iyon dahil wala nang silbe.

"Wala pa naman babyboy, hindi pa rin kinakagat ni Borhe ang mga bitag natin. Hindi ba puwedeng tayo nalang ang pumunta don at ubusin nalang natin sila? Kaya ko naman silang ihatid sa piling ng matandang kupal nayon kahit ako lang mag-isa." Lumabi si Ma-ay, naglakad siya papalapit sa higaan at naupo sa tabi ko.

"You know how much I want to kill that MC, pero ayokong ipusta ang kaligtasan niyo dahil sigurado akong hindi papayag si Sumulat na basta basta ko nalang patayin ang paburito niyang apo. That old bitch sure wont stand and just watch everthing happen to my favor. Isa pa, ilang araw nalang naman ay lalabas na ang dungeon boss, maybe that time ay puwede tayong gumawa ng paraan para ang dungeon boss na mismo ang pumatay sakanya." Naupo ako at sumadal sa uluhan ng higaan, sumunod naman si Ma-ay, as usual ay naupo siya sa mga hita ko at isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko.

"Hmpt, nag-aalala na ako kay Ganit babyboy. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang control niya sa mga elements ay lalo rin niya akong kinukulit na hanapin si Borhe. Hindi naman ako makatanggi, umiisip ako ng mga dahilan para ipinagpapaliban ko muna, pero hindi magtatagal ay baka umisip siya ng paraan para tumakas." Niyakap ako ni Ma-ay sa leeg, should I just go there and kick that guy's nuts and be done with it?

"Ahmm, wala ba talagang papansin na nandito rin ako sa kwartong to?"

Napalingon kaming dalawa sa nagsalitang babae. Bumalik kami sa pag-uusap ni Ma-ay at hinayaan nalang siya, "Okay, I'll find time to visit him. Ako na ang bahala sa grupo nila, bantayan mo ang kapatid mo dahil may kutob akong matutuloy ang mga iniisip mo."

"Yes babyboy, salamat." After all the things that happened, nawala na ang pagiging talkative ni Ma-ay. Marami nang nakapatong na responsibilidad sa balikat niya, hindi lang ang kapatid niya.. ako, ang mga survivors, ang dungeon, ang mga plano namin para sa future at ang mga bagay na wala pa kaming kontrol.

"No problem, don't forget to have fun here, hindi ka pa ata nakakapunta sa swimming pool na ginawa ng kapatid mo.. am I right?" Napangiti siya sa pagpapalit ko ng topic, tumango siya at hinalikan ang mga labi ko. Guess that set up the mood.

"Talaga lang ha? Wala talagang papansin sakin? Hoy Moon Lover, pakawalan mo na ako dito! Wala naman talaga akong balak na kalabanin ka eh, sabi lang sa system ko na kailangan kitang hanapin. Nako Klawdya pigilan mo ang sarili mo baka't mapatay mo na talaga ang lalaking yan."

Annoying... Napahinto si Ma-ay at kinagat niya ang labi ko. Ah shit, here we go again.

"Sino ba kasi talaga ang Mayari na yon ha? Bakit ka ba niya binigyan ng title? Tsaka sino tong pinulot mong animal nato? Sabi ko sayo tatabasin ko na ang dila nyan eh, bakit ayaw mo ha? Tsaka bakit ba nakakulong yan dito sa bahay natin? Baka pag wala ako may ginagawa kang kalokohan kasama ng babaeng yan?"

Shizzz... I felt my head spinning. Noong kailan lang ay may pasabi-sabi pa siya na bumuo ako ng harem, tapos ngayon ay hindi ko na maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan. I find it laughable though, nang i-activate ko ang Sensory Convolution ay puro pangalan ko at pagmamahal lang ang mga nababasa ko kay Ma-ay. I guess she's just letting some frustrations go out. Niyakap ko siya at binulong na mahal ko siya at mas maganda siya kay Mayari.

Ding!

Ding!

Ding!

Mother fucker.. nakakarindi na ang notification na patuloy kong naririnig. Tinitigan ko ang babae sa kulungan at nakangiti siya sa akin, I swear I would kill this bitchass mother fucker sooner or later. Ginagamit nanaman niya ang isang skill para kausapin ako ni Mayari. Isa pa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako makakonsentrate na tumae, tangina lang. Tuwing usable na ang skill niya ay pinupuno niya ng notification ang utak ko.

May skill siyang Ritual at ang effects non kung hindi ako nagkakamali ay ang gumawa ng incarnation ni Mayari para makausap ako, I did it once and we've talked alot about things. Hindi nakatiis ang Moon Goddess at gumawa siya ng alalay at pinapunta sa dungeon nato. Wala naman ibang ginawa ang babaeng alalay niya kundi ang maging self entitled sa system daw niya.

The girl is nuts, a whole lot higher than the people in this room. She thinks she was the only one who received a system and what's more, mga NPC daw kami, gagang to... tinawag akong NPC at nanghinihingi siya sakin ng upgrade skill. Ang buong akala ko ay high lang siya or maybe deranged dahil sa mga naganap sa RPG world.

She's a fellow addict on RPGs but as I've said, this is way too much para sa imagination ng isang dalagang pilipina. Adik din ako sa RPG pero kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na mga NPC ang mga characters ng kwentong ito, they're real living beings. They feel pain, happiness, sadness etc.. they even have their own souls, kaya hindi pupwedeng tawagin na NPC ang mga players ng RPG world.

"Hindi mo naman ako pipigilang patahimikin na ang isang ito hindi ba? Hiraya?"

Woa woa woa, what's with the death glare.. tinitigan ko si Ma-ay at ang lunatic na babaeng nasa kulungan, napalunok ako ng malakas.. "Can't you do that on a later date? Yan lang ang clue natin papunta sa kung ano talaga at sino ang Mayari nayon. Can't you wait a little more, maybe after nating makuha lahat ng info na kailangan natin?"

"Hmpt! Then throw her somewhere else, bakit kailangang nandito yang babaeng yan sa kwarto natin?" Nagcross-arms si Ma-ay at hindi pa rin niya binibitawan ang death glare.

"She's been killing players and you know that. Hindi natin puwedeng pagalain ang baliw na babaeng yan dito sa fortress, alam mo din namang sa kwarto lang natin pupwedeng ma-contain ang baliw nayan." Ang bahay-bahayan ko ang may pinakamatibay na depensa sa buong Earth Palace, not even the whole of it can compare sa maliit na bahay-bahayan ko.

"Hari, Madam Baby.. May mga players sa labas ng Earth Palace, nagpupumilit po silang makapasok at malalakas sila. Ano pong dapat namin gawin?"

Nagkatinginan kami ni Ma-ay at naglakad kami palabas ng bahay-bahayan.