-----
Sa unang palapag ng Grade 8 Building.
"Magdalya, ayos kalang ba? Wala bang masakit sayo? May mga health potion ako rito baka kailangan mo." Agad na lumapit si Makaryo sa kasama niya matapos niyang mapatay ang halimaw na kanina'y kinakalaban niya. Puno ng pag-aalala ang tinig at ekspresyon ni Makaryo habang maingat niyang tinitingnan ang katawan ni Magdalya.
"Ah, ayos lang ako wag kang mag-alala." Pinunasan ni Magdalya ang duguang bunganga ni Makaryo at isinunod naman niya ang kanyang bibig. Narinig niya ang malakas na paglunok ni Makaryo at napagtanto niya ang kanyang ginawa. Namula ang mukha niya at pinagtataga niya ang halimaw sa lapag para ibaling ang atensyon niya roon.
Tinulungan siya ni Makaryo at isa isa nilang pinulot ang mga hating kalamnan ng halimaw at inilagay iyon sa loob ng kanilang mga inventory. Ito na ang pangatlong silid na pinuntahan nila pero wala pa silang nakikitang mga survivors, bukod sa mangilan-ngilang halimaw na gumagala ay mga bangkay ng ibang players palang ang nahanap nila. Ang mga halimaw sa lugar na ito ay mga Maligno; mahaba ang mga katawan nilang hugis tao, mabalahibo ang kanilang mga kamay at matatalim ang mga kuko sa daliri at ang kapansin pansing katangian nito ay ang mahaba nitong mga sungay.
Pinutol nila ang mga iyon at natuklasang mga alchemic ingredients ang mga iyon. Isa ito sa mga ibinilin ng tagapagligtas nila na kolektahin kung sakaling matuklasan nila ito. Nakangiti si Makaryo nang dumako ang mga mata ni Magdalya sakanya, lalong nadagdagan ang pagka-ilang niya at bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"Punta na tayo sa susunod na silid." Pinunasan ni Makaryo ang natitirang dugo sa mga bibig niya, bago niya patayin ang mga halimaw ay sinisugurado niya na kakagatin at lulunukin niya ang kalamnan nito. Isang nakasanayang aksyon simula nang makuha niya ang skill na Consume mula sa utos ng kanyang tagapagligtas. Tumango si Magdalya at magkasabay silang naglakad papunta sa isa pang silid, nagkatinginan sila nang marinig ang ilang lagabog sa di kalayuan, agad silang tumakbo papunta sa kinaroroonan ng paggalabog at nasaksihan nila sa isang silid ang pakikipaglaban ng tatlong players sa isang halimaw.
"Dali tulungan natin sila." Agad na umatake si Magdalya at pinugutan niya ng ulo ang halimaw, tinaga niya ng dalawang beses sa balikat ang pugot na halimaw at kinain niya ang piraso ng laman na kanyang nakuha.
"Pahinge!" Sigaw ni Makaryo habang tumatakbo papalapit sa halimaw, ipinasok niya ang pormang patusok niyang kamay at pinatama iyon sa kaliwang dibdib ng halimaw, hinugot niya ang kamay niya at tangan-tangan nito ang puso ng halimaw. Kinagat niya iyon at nanlaki ang mga mata niya nang makitang papunta na sa mukha niya ang isang punyal.
Bago pa man makalapit ang punyal sa mukha ni Makaryo ay may tumamang paa sa kamay ng lalaking gustong tumusok sa mga mata niya. Nilingon niya ang may-ari nang paa at nakitang si Magdalya ang may gawa noon, nalaglag sa bibig niya ang puso ng halimaw at kuminang ang mga mata niya dahil para bang isang anghel ang nakangiting dalaga sa harapan niya.
Tila ba bumagal ang paggalaw ng paligid sa kanyang kamalayan; nakita niya ang mahinhing pagpilantik ng mga buhok ng dalaga, ang ka-angasan ng porma nito sa pag-atake, ang matingkad na kulay ng kayumanggi nitong mga balintataw(pupil of the eye) at ang masidhing pag-aalala sa ekspresyon nito sa mukha.
Bumalik ang bilis ng takbo ng paligid ni Makaryo at pinigilan niya si Magdalya nang gusto na nitong atakihin ang mga players, "Wag Magdalya, bilin ni tagapagligtas na kailangan natin sila ng buhay." Agad namang napahinto si Magdalya, ilang sentimetro na lamang ang layo ng talim ng kanyang palakol sa mata ng lalaking umatake kay Makaryo.
"Mga hayop kayo! Matapos niyong agawin ang halimaw namin gusto niyo pa kaming patayin!" Sigaw ng isa pang lalaki, tinulungan niyang makatayo ang kasama niyang inatake ni Magdalya at umatras silang tatlo.
"Nagkakamali ka, mga players kami at hindi kami mga hayop. Pwe.. ang gusto lang namin ay tulungan kayo. Pasensya na sa mga ginawa ko." Yumuko si Magdalya at humingi ng paumanhin sa mga lalaki. Naglabasan ang mga usok sa ilong nila nang makita ang mabilog na bola sa pagitan ng uniporme ni Magdalya. Napalunok silang tatlo at nagkamot ng ulo.
"Ang akala ng kasama ko ay mga halimaw kayo kaya niya inatake ang lalaking kasama mo. Sobrang bilis ng pangyayari at kinakabahan kami, hindi siguro agad napansin ng kasama ko na mga players din kayo. Tsaka bakit niyo ba kasi bigla bigla nalang kinain ang halimaw? Gutom din kami pero hindi... pwede bang kainin ito?" Ang lalaking nasa pinakaharap ang nagsalita, pahaba ang hugis ng ulo nito at wala itong buhok sa ulo.
"Ah, paumanhin. Ah, ang pangalan ko ay Enteng, hindi ko sinasadyang atakihin ka kanina. Ang akala ko talaga ay mga halimaw kayo, tama si Kalbo, masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ko napansin na mga players kayo. Paumanhin." Pinagpapawisan pa rin ang lalaking may pangalan na Enteng, ramdam na niya ang kamatayan kanina.. mabuti na lamang ay pinigilan ng lalaking inatake niya ang kasama nito bago pa man siya tamaan sa mukha.
"Kami ang dapat na humingi ng paumanhin. Pinadala kami dito ni Tagapagligtas, at gusto sana namin kayong isama sa grupo namin. Payag ba kayo? Ah, ang sabi ni Tagapagligtas ay walang kapalit ang pagsama niyo sa amin. Kailangan niyo lang daw na magpataas ng level at sabi niya pa ay kami na ang bahala sa mga pagkain at sandata niyo." Sunod sunod na salaysay ni Makaryo. Pinanood niya ang tatlong lalaki at nagkatinginan ang mga ito.
"Kalbo, malalakas sila. Bakit hindi tayo sumama sakanila, malay natin matulungan nila tayo." Nagsalita ang lalaking umakay kanina sa kasama niya, kulot ang buhok niya hanggang anit, malaki ang butas ng kanyang sarat na ilong at may kaitiman din ang kulay ng kayumanggi niyang balat.
"Tama si Negs, Kalbo.. ilang araw na tayo sa gusaling ito. Paubos na rin ang mga natanggap nating pagkain mula kina Konde. Argg, ang mga ulupong nayon, sobrang lugi natin sa transaksyon. Ibinigay ko sakanila ang Red Tier item kong punyal para lang sa pangdalawang araw na pagkain." Kalmado noong una pero pagalit na nang matapos ang mga sinabi ni Enteng.
Nagkatinginan si Makaryo at Magdalya, "Sino ang Konde na sinasabi niyo? Andito din ba siya sa gusaling ito?" Tanong ni Magdalya matapos dumura sa lapag.
Nalukot ang mga mukha ng tatlong magkakasama, tinitigan nila ang mabilis na pagtusok ni Makaryo sa laway at sa pag-amoy doon. Napatingin si Magdalya sa likod niya at wala naman siyang nakitang kakaiba, nagtaka siya sa mga kinikilos ng mga players sa silid.
"Ah kasi.. yung kasama mo.. wow ang pogi niya, ah oo hehe, ang pogi pogi ng kasama mo." Agad na nilunok ni Enteng ang isusumbong niya nang makita ang nakakatakot na ngiti ni Makaryo. Pinuri niya ito ng ilang beses at unti-unting bumalik sa normal ang mukha nito.
"Pogi si Makaryo?" Tinitigan ni Magdalya ang mukha ni Makaryo, namula ang mga mukha nila at magkasabay na inalis ang tingin sa isa't isa. Napansin naman ito ng tatlo at napakamot sila ng ulo, nahalata nila na mukhang may pagtingin ang dalawa sa isa't isa pero hindi pa sila nagkaka-aminan.
"Ang pangalan ko ay Hoberto, tinatawag nila akong kalbo dahil nga kalbo ako, mayroon akong alopecia kaya hindi na tumutubo ang buhok ko. Ah pansensya na, nakasanayan ko lang banggitin dahil lagi akong tinatanong ng mga nakakasalamuha ko kung bakit ako kalbo." Hinagod ni Kalbo ang ulo niyang wala namang buhok at napangiti si Magdalya sa nasaksihan. Umusok muli ang mga ilong ng tatlo, hindi na nila pinansin ang duguan nitong bunganga dahil sa pananaw nila ay isang anghel ang nasa harapan nila.
"Mayroon pa ba kayong ibang kasama sa unang palapag? Eh doon sa likod, may mga tao paba don..."
BOOM!
Natigil ang kasalukuyan nilang pag-uusap nang marinig nila ang pagsabog, nakita nila sa labas ng bintana ang alikabok. Nagtakbuhan silang lima at nasaksihan sa kabilang silid ang isang lalaki. Duguan ang katawan nito at may umiipit sakanyang mga sementadong pader. Bumaba mula sa itaas na butas ang isang babae.
"Ma-ay / Ate Ma-ay!" Magkasabay na sigaw ni Makaryo at Magdalya habang pinapanood nilang gamitan ni Ma-ay ang duguang lalaki ng healing spell.
Nagkatinginan ang tatlong magbabarkada, naguluhan sila sa mga nangyayari dahil nakita nila sa ilalim ng mga sementadong pader ang kinatatakutan nilang player at ang hari-harian dito sa gusali ng Grade 8. Napagtanto nilang kilala ng dalawa nilang bagong kilala ang babaeng gumugulpi kay Konde. Pinanood din nila ang pag-heal nito kay Konde at pag tapos noon ay muli niya itong bubugbugin, ilang beses itong naulit at nang wala nang ilaw sa mga kamay ng babae ay binitawan niya ang bugbog saradong mukha at katawan ni Konde.
Napalunok silang tatlo habang nagtititigan. Una ay ang mga mala-halimaw na kumakain ng halimaw at ngayon naman ay ang babaeng gumulpe sa kinatatakutan nilang player. Idagdag pa na magkakasama ata silang tatlo, napagpasyahan agad ng tatlong magbabarkada na ito na ang tsansa nilang hinihintay. Ilang araw na silang nagtitiis sa mga tira-tirang pagkain na ibinibigay ni Konde kapalit ng mga nahahanap nilang loots.
Binabalak silang isama ng tatlong players paalis sa gusaling ito, papakainin sila at bibigyan ng sandata. Isang napakalaking oportunidad at alam nilang tatlo na kapag pinalagpas nila ito ay paniguradong mamamatay sila kung hindi ngayon ay sa hinaharap. Pero kung sasama sila sa mga taong ito, magagawa nilang magpalakas at magpataas ng level upang hindi sila makain ng mga halimaw.
Nabuo na ang desisyon nila kanina nang ipaalam ng dalawa na isasama silang tatlo sa grupo ngunit nang masaksihan nila na ginugulpe ng isang babae ang buraot na si Konde ay lalong tumindi ang kagustuhan nilang sumama sa tatlo. Iniisip nila na hindi magtatagal ay sila na mismo ang gugulpe kay Konde, sabay sabay man sila o isa isa.. magagawa nila iyon sa tulong ng mga taong gustong magligtas sakanila.
-
"Ate Ma-ay buhay pa ba yan? Pwede ko ba siyang kagatin? Hoy Makaryo teka lang ako ang nauna!" Hindi pa man natatapos ang pagtatanong ni Magdalya ay inunahan na siya ni Makaryo, agad nitong kinagat sa balikat ang player na tinapon ni Ma-ay sa lapag.
"Wag niyo lang siyang mapatay, sige na.. kain." Nakangiting tumawa si Ma-ay at agad namang sinunod ni Magdalya ang sinusulsol ng utak niya matapos makuha ang pahintulot ni Ma-ay. Kinagat niya ang kabilang braso ng lalaki, matapos ang ikatlong pagkagat ay nakuha na niya ang stat points na ninanais niya. Tumayo silang sabay ni Makaryo at nagkatinginan, muling namula ang mukha ni Magdalya pero nilapitan niya si Makaryo at pinunasan ang duguan nitong mukha.
"Ma.. Magdalya."
Kinindatan ni Magdalya si Makaryo at bigla nalamang itong natumba sa sahig.
"Pfffftt. Buwahahaha, bayboy.. dapat mo itong makita ahahaha." Humagalpak ang tawa ni Ma-ay at pinaghahampas niya ang lapag.
Nanginig ang katawan ng tatlong magbabarkada nang makitang kinakain ng dalawang tao ang katawan ni Konde, umangat ng dalawang beses ang lebel ng takot nila nang makita nilang bumabakat ang kamay ng babae sa semento sa bawat paghampas nito. Gusto rin sana nilang tumawa nang masaksihan ang drama ng dalawa pero agad silang natakot at napalunok, tama ba ang magiging desisyon nilang sumama sa mga taong ito?
"Enteng, Negs.. kahit na anong mangyari ay susundan natin ang mga yapak nila. Wala na ang mundong nakasanayan natin kung saan puro tawa, paglalaro at paninilip sa mga dalagang studyante ang mga ginagawa natin..."
"Pendong peace! Ikaw lang ang mahilig manilip, wag mo kaming idamay."
"Peace! Tama si Enteng, sinasama mo lang ako kapag panget ang sisilipan tapos sinasabi mong itinakda kaming maging mag-asawa."
"Krrk, oo na. Pero seryoso, malalakas silang tatlo kaya gagawin natin ang lahat para gayahin sila. Diba galit na galit kayo kay Konde, tara kainin din natin ang hayop nayan. Hayop ang kayang lumaban sa isang hayop! TARA!"
Kumunot ang mga noo ng dalawang kasama ni Hoberto pero sumunod din sila ng makitang kinagat na ng lider nila ang katawan ni Konde. Nagdalawang isip pa sila pero ipinikit nila ang mga mata nila at kinagat din ang katawan ni Konde, nakatanggap sila ng isang title at skill kaya nanalaki ang mga mata nila.
Napangiti si Ma-ay habang pinapanood ang nangyayari sa silid, ang tatlong nirecruit ni Makaryo at Magdalya ay kasalukuyang nilalapa ang binugbog niya. Ang sabi ng kanyang babyboy ay makakatangap ang isang player na kakain ng isa pang player ng title na Monster Eater at kasama ang skill na Consume, hindi niya gagawin ang bagay na iyon dahil nakuha na niya ang title at skill matapos nilang magluto at kumain ng isang tikbalang.
'Ah babyboy, kahit wala ka rito ay kumakalat ang lagim mo. Hindi magtatagal ay makikita ko na ang magiging resulta ng mga plano natin.' Nilisan ni Ma-ay ang silid at muling tumalon paakyat sa ikatlong palapag.