Chereads / Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 60 - Kabanata 58: Priestess ng Moon Goddess

Chapter 60 - Kabanata 58: Priestess ng Moon Goddess

-----

"Kailangan ko ang skill upgrade para tulungan ang aking mga kabaryo, ang sabi sa akin ng skill at title na nakuha ko ay kailangan kitang hanapin. Ah Klawdya, sabihin mo kung papaano mo nakuha ang skill. Ehm, nakuha ko ang mga skill at title matapos kong kainin ang isang essence ng Moon Goddess, tapos ang sabi niya ay hanapin kita kaya ako ngayon andirito."

Napatanga ang magkasintahan, hindi nila malaman kung ano ang magiging reaksyon nila, lalo silang nalito nang marinig ang sumunod nitong sinabi.

"Bakit ang tagal nilang mag-respawn? Yung mga halimaw sa Garden ay ilang minuto lang bago mag-spawn ulit pero ang mga nandito antagal. Nako Klawdya, importante pa ba ang spawn time nila? Ang importante ay ang skill upgrade mo. Ehm, oo nga pala. Moon Lover, may nagsasabi sa akin na kakausapin ka raw. Si Mayari."

Napalunok ng malakas si Hiraya.

Nagningas ang mga mata ni Ma-ay, mas malakas ang babae ng babyboy niya kaysa sa kanya kaya naman pikon na pikon na siya dahil bukod sa hindi niya ito natalo, hindi pa siya nito pinapansin.

Tinitigan ni Klawdya ang Moon Lover at naisip na siya ang pinaka poging NPC na nakita niya sa buong Game. Namula ang mukha niya at kumilos ng mahinhin na para bang nagpipigil siya ng ihing handa nang sumirit ano mang oras.

"Oh my fucking god!"

"Papatayin kita!"

Magkaiba ang naging reaksyon ng magkasintahan, tumalon papalayo si Hiraya at tinakpan ang katawan niya, sumugod naman si Ma-ay at nag-umpisa muli silang maglaban ni Klawdya.

Kitang kita ang pagkalito at kaguluhan sa mga mata ni Hiraya, ito ang unang beses na nakita niyang galit na galit si Ma-ay at ito rin ang unang beses niyang makakatagpo ng isang babae na bukod sa pagiging baliw dahil kinakausap niya ang sarili niya ay kayang kaya nitong makipagsabayan sa mga galaw at atake ni Ma-ay.

"Babyboy anong ginagawa mo! Tulungan mo akong patayin ang animal nato! You fucking bitch I swear to Hiraya I'll kill you. You shitty brat! Watch your feet, fuck! Wraaa I missed!"

Pinagpatuloy ng dalawa ang paglalaban habang nakatangang pinapanood ni Hiraya ang mga nangyayari, nagpogi pose siya at malalim na nag-isip. Ilang minuto ang lumipas ay hindi na kaya ni Ma-ay ang makipagsabayan, bumababa na ang stamina niya sa critical levels. Napatigil ang dalawa nang marinig ang boses ni Hiraya.

"Stop. I get it now. Pinadala ka ni Mayari galing sa labas? Bakit ano raw ba ang kailangan niya?" Kung galing sa labas ang babaeng ito, proof ay sa sinabi niya na kailangan ng mga kabaryo niya ang tulong. Naisip ni Hiraya na malaking impormasyon ang maibibigay ng babaeng baliw hindi lang ang mga impormasyon sa labas kundi pati na rin ang mga impormasyong makukuha niya mula kay Mayari.

Sinipa ni Klawdya si Ma-ay dahilan para umiwas ito papalayo, tumalon si Ma-ay sa tabi ni Hiraya at naupo siya sa sahig habang nagngingitngit ang mga ngipin niya sa galit.

"Tama! Di kalang pogi, matalino kapa. Ahhh leading man, my knight in shining armor. Tutulungan mo na ba ako at pupunta na tayo sa baryo? Klawdya yung skill upgrade, ehm.. pati yung skill upgrade ibibigay mo na rin ba?"

Nalaglag ang panga ni Hiraya pero agad niya rin itong isinara, pinigilan niyang muling sumugod si Ma-ay dahil baka masaktan ito kapag naglaban pa silang dalawa. Walang balak si Hiraya na atakihin ang babaeng baliw dahil napansin niya na wala rin itong balak na patayin si Ma-ay, kayang niyang gawin pero hindi niya ginagawa, isang malaking rason kung bakit napagpasyahan ni Hiraya na makipag-usap nalang.

Napansin din ni Hiraya na kanina pa nito kinakausap ang sarili, naisip niya tuloy na may split personality ang dalaga. Kinilabutan siya nang muli itong umaksyon na parang nagpipigil ng ihi habang pinagkikiskis ang mga palad, "Ma-ay, you go rest. Ako na ang bahala dito." Tinutulungan ni Hiraya na makatayo si Ma-ay at inakay ito palabas ng silid, bumulong siya ng 'mahal kita' kaya naman nawala na ang inis ni Ma-ay. Sinunod nito ang sinabi ni Hiraya at naglakad na papunta sa direksyon ng Gym.

"Mother fucker!"

Napatalon ang katawan ni Hiraya nang muntik nang magdikit ang mga mukha nila ng babaeng baliw, paglingon niya ay nasa harapan na niya ito at nakatitig ng mariin sakanya. Isa nanamang pusa, wala siyang narinig na kahit anong pag-apak sa sahig kaya nagulat siya nang makita ang mukha nito malapit sa mukha niya.

"Ang pangalan ko ay Klawdya, kinagagalak kita makilala Moon Lover, Hira..."

Naningkit ang mga mata ni Hiraya, ito ang unang beses na may tumawag sa totoo niyang pangalan maliban kay Ma-ay. Tinakpan niya agad ang bibig ng babaeng baliw, inakbayan niya ito at naglakad sila papalabas ng silid, dinala ni Hiraya ang babaeng baliw sa pinakadulong silid at doon niya binitawan ang pag-akbay at pagtakip sa bibig nito.

"Ehm, virgin pa ako Hiraya, baka pwedeng pag-isipan ko muna? Pogi ka at matalino pero hindi pa natin kilala ang isa't isa. Klawdya! Ang sabi mo sarili mo ay pogi at matalino ang tipo mong lalaki, andyan na siya sa tabi mo, papakawalan mo pa? Ehmm, ahh.."

Namula ang mga pisnge ni Hiraya dahil sa kanyang mga narinig, pinagmumura niya ang sarili dahil naisip niyang hindi nalang dapat niya ginawa iyon, pero may tsansang marinig ni Makaryo at Magdalya ang pangalan niya. Iniling-iling ni Hiraya ang ulo niya at nag-umpisa siyang magtanong.

"Alagad ka ni Mayari?" Paunang tanong ni Hiraya.

"Tumpak! Ang sabi niya ay kailangan kitang hanapin at dahil nahanap na kita, makukuha ko na ang skill upgrade na kailangan ko. Bumalik na rin tayo sa baryo para tulungan ang mga kaibigan ko." Magsigla at nakangiti si Klawdya, ilang araw na niyang inaasam asam ang skill upgrade, sobrang laking tulong ng mga skills na binigay ni Mayari kaya mabilis siyang nakapagpalevel at nakapagpalakas. Ang problema nga lang ay hindi siya makalabas sa dungeon dahil kailangan niya munang tapusin ito.

"Stupid, kung ako ang kabaryo mo at inatake kami ng mga halimaw, I wont just stay there and wait for my death, panigurado akong tumakbo na sila sa malayo kaya mahirap na silang hanapin pa atsaka.." Napatigil si Hiraya nang makitang tumutulo ang mga luha sa mata ni Klawdya, bumuntong hininga siya at pinunasan ang mga iyon.

Nawala sa sarili si Klawdya at bumagal ang takbo ng isipan niya. Mainit at malambot ang mga palad na dumapo sa pisnge niya, sa mga lumipas na araw na siya ay nalulungkot ay tanging ang malamig at puro kalyo niyang kamay ang pumupunas sa kanyang mga luha. Nakita niya rin ang lungkot sa mga mata ng lalaki, isang uri ng lungkot na mula sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niya ang ganoong lungkot dahil ilang araw na niya itong tinitiis. Nang ngumiti ito at bigkasin ang mga salitang 'huwag umiyak' ay lalong tumulo ang mga luha niya at niyakap niya ang lalaki.

---

(Hiraya)

Susej tsirhc!

Hinagod ko nalang ang buhok at likod niya, nang makita ko ang mga luha niya kanina ay nakaramdam ako ng lungkot. Well, for starters.. I know how painful it is to lose someone you love. Ilang daang beses ko nang naramdaman ang pakiramdam nayon. I couldn't help my self na punasan ang mga luha niya, malamang ay nadamay lang ang babaeng ito sa 'cross fire' ng mga plano ni Mayari.

I particularly don't like that goddess, pagkatapos niyang sabihin na mahal niya ako ay iniwan niya ako dito sa loob ng dungeon. And now, gumamit pa siya ng ibang tao para mabantayan ako, maybe this girl is pure and innocent. Ang buong akala niya ay mag-i-spawn lang ulit ang mga players sa oras na mamatay sila, isang widely known game mechanics sa mga RPGs, gusto niya lang daw akong hanapin para tulungan ang mga kaibigan niya sa kanilang baryo.

Naisip kong isa siya sa mga tumakas, welp.. some might say isang napakalaking kaduwagan ang tumakas.. but not for me. Dying with them might be the best solution pero sa oras na maisipan mong kailangan mong mabuhay para maghanap ng tulong para sakanila, that's bravery on some other level. Hindi madaling iwanan ang mga taong pinapahalagahan mo, hindi madaling lulunin ang katotohanan na wala kang magagawa kundi ang tumakbo at maghanap ng tulong, up until now.. my inner demons haunts me whenever nagiging free sa worries ang isip ko. Guilty ako, and that guilt tears down to my very being.

-

Ilang minutong humihikbi ang babaeng baliw na nakayakap sa akin, nang tumigil siya ay pinaupo ko siya sa isang upuan at naupo rin ako sa katabi nito. Itinuloy ko ang pagtatanong, "Galing ka sa labas right? So pati sa labas ay nag-spawn ang mga monsters. Malalakas ba ang mga monsters sa labas? Mas malakas sayo? May malalaki bang monsters? Dragons or Serpentine? Mythical creaters mga ganoon?"

Nawala ang malungkot na atmospera dahil sa sigla ng mga binitawan kong tanong, nabuhay ang dugong gamer ko at nahawa ang babaeng baliw, "Wala pa akong nakitang mga dragons pero maraming panget na monsters sa labas, may mga nag se-shapeshift! May mga matangkad at malalaking halimaw! Tapos may nakita pa kami nila Hulito na napakalaking ibon, parang airplane! Tapos nakakuha pa ako ng Mythical Tier na item.."

Pinutol ko ang kwento ni babaeng baliw, "Wait what? Mythical Tier?"

"Oo, nakakita ako ng puso ng saging na umiilaw, tapos nung nalaglag ay sinalo ko! Tapos ginamitan ko ng Identify tas nakita kong Mythical Tier ang item na nahulog. Tas kinain ko, ayun din ang dahilan kung bakit kita kailangang hanapin. Sabi ng Moon Goddess ay nasayo ang upgrade ng skills ko."

I see. Maybe I can use this to our advantage.. later on, panigurado akong magkakaroon ng royal rumble ang mga Gods and Goddesses, hindi lang siguro ng Earth Faction, baka may Mars, Jupiter, Uranus factions pa. Well, better be safe than sorry dahil baka magkaroon pa ng galaxy wars.. fuck, masyado na atang malayo ang inisip ko.

Well for now, kailangan ko munang asikasuhin ang dungeon na ito, oh my! Mayroon pa pala ang mundo ng Pantasya, maybe may world wars din! Shiz, enough. Ang dungeon muna, dungeon muna.

"Bakit ka pinadala ni Mayari, may alam kabang rason kung bakit?" Ibinalik ko ang tingin kay babaeng baliw, napansin kong naguguluhan siya kaya hindi na ako umasa na alam niya. Nabanggit niya rin na may kumakausap sakanya, I don't know kung yung split personality niya na hindi ko pa sure kung tunay, pero puwede ring si Mayari mismo ang kumakausap sakanya.

Umiling iling siya at napayuko, I guessed right. "Now then, ano ang skills at title na ibinigay sayo?"

"Ehm, ibibigay mo na ba ang upgrade ng skill?" Malamang ay 60% ng rason niya para hanapin ako ay para sa upgrade ng skill, bukambibig niya kanina pa ang upgrade. Umiling ako dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niyang upgrade ng skill.

"Sabihin mo muna sa akin kung ano ang mga skills na binigay sayo. Maybe I could help you level them up, sa mga RPG naman ay usually, ang mga quest ay magkakaruktong. Maybe the upgrade that goddess is telling you ay maging studyante ko or something in line with that." Hehehe hehe he, ooops. Sumingkit ang mata niya at lumayo ang ulo niya sa akin. Wala sa itsura niya pero hindi pala siya agad agad naniniwala.

"Sige, baka ganun na nga ang sinasabi! Tulungan mo na akong makalabas ng dungeon? Tapos pwede na rin nating makilala ang isa't isa habang nag-a-adventure, may kasama ako dati sa guild na ang sabi niya sa akin ay nahanap niya ang Mr. Right niya habang nag-a-adventure sila sa isang game."

I take that back. Shiz, this is one hell of a nut job, like that goddess up there. Well, whatever it may be, makakatulong ang babeng ito para ma-clear ng mas madali ang dungeon. "Skill, yung mga skill! Anong skills na binigay sayo!" Hindi ko na alam kung may matino ba akong information na makukuha sa isang ito.

Nawala sa focus ang mata ni babaeng baliw, malamang ay binabasa niya ang descriptions, "Ehm, binigyan ako ng title na Babaylan, sabi sa title ay isa daw akong priestess ng Moon Goddess."