(Hiraya)
*Day 12
-
Nalinis na namin ang Grade 8 at Grade 9 buildings, kakaunti lamang ang mga survivors sa Grade 8 building and for the grade 9.. that place is a mess. Karamihan sakanila ay mga RPG gamers, well if you aren't one then there's a slim chance na magsurvive sa bagong mundo na ito.. though there were some na ill informed about RPGs they still made it, chances are.. galing sila sa mga pamilyang may history sa martial arts and the likes.
Yung mga gamers ay mas mabilis na nagawang pick-up-in ang mga nangyayari and yung mga may history naman sa martial arts ay pinoprotektahan lang ang mga sarili nila, though some of those from the martial team.. they went from self defence to full blown 'akin ang lupang ito'. Ma-ay had to kill some of them, antitigas ng mga bungo nila so I told her na hindi masamang pakitaan sila kung sino talaga ang may ari ng 'lupa' nila. Ganoon din ang lagay sa Grade 8 building pero mas malala sa Grade 9, gusto nilang angkinin ang buong building. I mean, lahat ng nasa building ay kanila; mga players, mga monsters, mga loots, items, skill books... lahat lahat ay gusto nilang angkinin, of course kasama na roon ang spawn point.
That's when I got uhm.. a little bit pissed I guess, you know.. I just dismembered some bitches of all their limbs including their precious family heirloom. I can't kill them though, ayoko nang madagdagan ang bilang ng mga pasanin ko sa likod, I already got millions of them. So after some show of force, pumayag na sila na sumama sa amin papunta sa gym.
Speaking of the gym, matapos kong makakuha ng panibagong rare skill; dahil nakuha ko na ang Pyromance na nag-evolve sa Fire Manipulation which is the skill to conjure fire, well.. pag ginamit ko kasi ang pyromance ay kailangan ko munang gumawa ng fire ball then control it, but gamit ang Fire Manipulation ay diresto na.. I mean, kasama na sa skill ang fireball kapag kinast. I also got the Water, Lightning, Wind and the latest ay ang Earth Manipulation. So ang rare skill na nakuha ko ay Elemental Manipulation with five elements giving me the title Magus, na meron din si Ganit.
Remember the kalan style idea? By maintaining the skill and mana consumption, sinubukan kong kontrolin ang output ng skill. Noong una ay wala akong nagiging progress but I succeded, how? Isang RPG world ang ginagalawan ko, may system algorithms na kailangan lang matrigger.. kung isa itong fantasy cultivation type ay paniguradong taon ang kailangan kong bunuin para matuto or maybe some old dude.. not the one I got who just wants to be a bitch, yung lolo na nasa isang OP na item ang kaluluwa tapos tuturuan akong maging heavenly or godly something but no.. algorithms lang ang kailangan ko. I got the idea, gumawa ako ng trial and error and there it is, nakareceive ako ng notification at nakuha ko ang skill.
Going back to the gym topic, kung nahirapan kami sa Grade 9.. not really nahirapan, it's more like they just don't want to be cockblocked by my superiority.. hindi naman ako nagbubuhat ng bangko, come on now.. whatever. So ang mga players sa gym ay sobrang welcoming, may babae silang commandant na kumokontrol sa mga players ng gym. She's very friendly and kinda interesting, nag-click agad ang wave lengths nila ni Ma-ay.
May nauna raw na namumuno sa lugar nato but she defeated that guy kaya siya na ang pumalit sa nakaraang hari-harian. Most of the players here have decent power, karamihan sa surviving players dito ay level 10 pataas at bilang lang ang mas mababa. Passable rin ang mga skills at items na ginagamit ng mga players dito, though hindi lahat ay may armas, ang mga hunting teams nila ay armado.
Hindi ko na sila kailangang utuin na pagkain ang mga monsters because may mga supply sila ng food, though sa monsters din galing.. mas edible lang tingnan dahil boar meat ang kinakain nila. Hindi ko na rin kailangang magprovide ng shelter dahil mayroon na sila then my Fire Castle idea kicked-in. Hindi nga lang natuloy dahil hindi tangible ang apoy para gawing kastilyo, so we began building a dirt castle.
Pumayag naman ang commandant ng gym, and by the way.. I remembered Awrelya said she got a friend in this place, nakita ko ang pangalan ni Awrelya sa isa sa mga iniisip ng commandant ng gym using Sensory Convolution. Maybe this was the girl she was, looking for so I asked her, at ang sagot niya ay magkaibigan nga sila. Sinabi ko sakanya na namatay na si Awrelya, at first it was fine.. pero nang sabihin ko na namatay si Awrelya habang kasama namin siyang nakikipaglaban sa isang spawn point boss ay pumutok ang galit niya.
Ang sabi niya ay mahinhin si Awrelya at hinding hindi nito magagawang makipaglaban, maybe not.. then she added na pinilit namin ang kaibigan niyang kalabanin ang mga halimaw, I did not.. tapos ang sabi niya pa ay kasalanan ko ang mga nangyari, of course it was mine. I got pissed and sliced off one of her amrs, syempre she attacked me first.. kunwari self defence ang nangyari kaya malinis ang pangalan ko.
After that day which is kahapon lang, lahat ng nakakita sa aming pagtatalo ay tinawag na akong.. ah crap, hindi ko talaga alam kung kanino nagmula ang pagtawag sa akin ng Hari dahil halos sabay sabay ang mga players na nagsigawan after na makita nilang natalo ang commandant ng gym. Iyon daw ang nakaraang title ng ruler dito sa gym, though it was self proclaimed kingship.. malakas daw ang lalaking iyon kaya tinatawag niya ang sarili niya na Hari.
Pinanindigan ko na lang ang pagiging hari and dinala ko lahat ng mga alaga ko kasama na ng mga pinulot naming players sa ibang mga buildings papunta sa gym. Nagkagulo nang makita nila ang mga dala naming mga monsters pero after kong paluhurin ang mga Tikbalang ay hindi rin nila tinuloy ang labanan, my title as a king then became semented inside their minds.
Malawak naman ang gym kaya kasya kaming lahat, regarding the castle I wanted to make... I've gathered players with Earth Based spells and skill para simulan ang aming project: Dirt Fortress. Using my Elemental Manipulation, gumawa ako ng miniature na Dirt Fortress at ipinakita ko sa mga players kung ano ang magiging itsura nito. They happily agreed, kami ni Ganit ang main builders at ang iba naman ay tutulong sa mga miscelleneous tasks.
I shouldn't have held my hopes high, lumagapak ang mga pangarap kong Dirt Fortress dahil wala silang fine control sa kanilang mga skills. Hindi gaya namin ni Ganit na kayang gumawa ng lupa with different shapes and sizes, ang mga players ay kaya lamang gumawa ng irregular shaped objects made of dirt. Naging long term plan ang Dirt Fortress ko dahil sa kapalpakan nila, but hey.. it's not like we don't have time to make one kaya ang ginawa ko ay pinakolekta ko sila ng mga lupa at itrinansport nila ang mga iyon malapit sa gym.
Ipinagpatuloy nila ang pangongolekta ng lupa tapos ako at si Ganit ang bumubuo at nagdedesign ng Dirt Fortress and after a day of effort, nakagawa kami ng 20 meters na wall right in front sa main entrance ng gym.
And so.. that's what happened during the day. Now, now, now.. gabi na kaya inumpisahan ko na ang pagbabasa ng mga libro galing sa Library. Pinakuha ko ang mga libro kina Makaryo at Magdalya, just to give them some pag-ibig time and hey, they finally sealed the deal. Don't ever tell them pinanood ko sila habang nagtatalik, hehehe hehe he..
Tumaas na ang tier ng Subordination, bukod sa telepathy ay nadagdagan pa ito ng isang skill - ang Share Senses. Maybe because of my unique skills or some other factor, remember isang branding ang mga title? Leading Man gives me the skill Subordination, and depending on how I use the title, doon din nakabase ang growth ng skills na nasa-ilalim nito.
The proof of this is yung title ko na Malignant, Psycho, The Betrayer at Mad Killer. I got the last two title after we cleared the Vampire spawn point, kasama ang dalawang iyon sa special rewards ko dagdag ng Vampire Queen's Curse.
From the title Malignant, nadagdag sa sub-skill ng Strike Fear ang basic passive skill na Nightmare. May effect ang Strike Fear na mawawalan ng malay ang nasa radius nito and then the sub skill will do the rest, Nightmare as you think what it is.. nung sa operation namin ng execution ay kailangan ko ang Grand Illusion at Mind Control para ma-disable ang mga utak ng players ng amphitheater, ngayon ay hindi na dahil kakainin ng skill ang health points ng isang monster habang nananaginip ito. Now that's one.
Sa title naman na Psycho, nagkaroon ng sub-skill ang Consume which is named Devour. Sa dami ng monsters na kinainan ko ng stats ay na-unlock ang sub-skill nato. Now I can eat a monster whole without my stomach getting full, fix na rin ang stat gain sa 2 per monster. Don't ask how many monsters I've already eaten and how much stat points na ang naipon ko. May cap or limit ang puwede kong kainin per day, I can only eat 5. Ang ibang players na pinakain ko ng monster meat ay nakareacive ng title na Monster Eater.. hindi gaya sa title ko na Psycho. Now that's two.
The Betrayer title gives me a basic active skill: Deceive - basically if I tell a lie, may chance na matanggap ng receiver ang kasinungalinang sinabi ko bilang totoo. And the Mad killer title give me bonus stats whenever I kill someone, temporary nga lang.
All in all, depende sa player kung papaano ang magiging skill tree ng title. Maybe may isang player na may kaparehong title sa akin pero magkaiba ang mga skills na matatanggap namin. And so, ang skill tree na natatanggap ko ay koneksyon sa ibang players, man.. maybe I am just a lonely bitch na kailangan ng kaibigan kaya koneksyon sa ibang tao ang mga nakukuha ko, I like it though.. maaasar ko si Makaryo na may malaki siyang nunal sa puwet, how? Nakita ko mula sa mga mata ni Magdalya. Oh boy.. that girl is wild and kinky.
Going back to my reading time, nakapunta na ako sa library during the past years pero dalawang beses lang ata. I don't like crowded places and it's not like tahimik talaga roon, so I never had the time para magbasa ng mga libro sa library. Pinakuha ko sakanila ang mga libro for researtch purposes, sa mga later days ay balak kong makuha na ang alchemy skills kaya kailangan ko ng kahit anong chemistry at biology books regarding composition of whatever it maybe; plants, animals, liquid, solid, gas.. it is troublesome na wala akong mapag-oobserbahan kaya magtyatyaga muna ako sa sariling sikap.
Nagpakuha din ako ng mga libro about tailoring, cooking, how to process food, accupuncture, myths, legends, astronomy, etc.. I don't know really, wala akong hilig sa mga ganitong topics.. kung sana lang ay may internet pa ay magiging mas wide ranged ang mga resources na makukuha ko, you know.. stuff about RPG novels, Eastern Fantasy etc, para makakuha ako ng ideas na mas legit dahil nasa RPG world ako.
Dahil wide open space ang gym na kasya ang tatlong basketball courts, kanya kanyang puwestuhan ang mga players. Kami ng mga kasama ko ay nasa pinaka-gitna ng pader right across sa pinakagitna ring court. I chose this place para ma-obserbahan ko lahat ng mga players sa gym, maybe I can find some interesting people to join our little club.
With the level of my Intelligence attribute, ang kailangan ko lang ay basahin ang mga nakasulat and my stats will do the memorizing part. Pakiramdam ko ay nagda-download ako ng files sa isang site tapos ay nakukuha ko na ang information na laman nito at inilalagay iyon sa isang folder. Though not everything, marami pa rin akong natutunan sa mga laman ng libro, my time in highschool classes was not a waste. Yung mga bagong information ay mayroon na akong past ideas and learning kaya nagiging recall and assimilation nalang ang learning experience ko.
After ng ilang oras na pagbabasa ay nakita ko si Ma-ay na papunta sa direksyon ko, naupo siya sa hita ko at isinandal ang ulo niya sa dibdib ko, "So, kamusta naman ang araw at gabi mo?" Tanong ko sakanya habang ipinagpapatuloy ang pagbabasa.
"Mahal kita.. kaya patulugin mo na ako, syempre after kong mapagod, hihi.."
Nagkibit balikat ako at inilagay sa inventory ang librong hawak ko. I casted the skill Sensory Convolution, nabalutan ng puting awra ang three meter radius mula sa kinauupuan ko.. walang makakakita at makakarinig sa mga gagawin namin unless pumasok sila sa loob ng radius, and if ever na mayroon may ay makikita ko at mararamdaman ang papasok sa loob.
Now, then.. I'll have a trip to heaven with my Queen.