-----
Maririnig ang mga naghihiyawang mga tao sa loob ng gym. Nakatayo sila habang malakas na sumisigaw para mag-cheer sa kanilang pinustahang player. Patuloy nilang isinisigaw ang pangalan ng dalawang tao sa gitna ng isang may kalakihang entablado.
"Kalbo! Kalbo! Kalbo!"
"Karmen! Karmen! Karmen!"
Kasalukuyang nagaganap ang isang torneyo at ang mga kalahok ay ang mga surviving players ng Earth Palace. Simple lang ang patakaran para manalo, gawin ang lahat upang mapatumba ang kalaban.. patay man o buhay. Ang magiging kampyon ng torneyong ito ay magkakaroon ng pribilehiyong kakaunti lamang ang makakatanggap, makukuha ng kampyon ang pabuya pagkatapos na ma-clear ang school dungeon.
--
Makikita si Hiraya sa itaas ng gym, pinapanood niya sa isang butas ang mga nagaganap sa ibaba. Nakapogi pose siya at malalim ang kanyang iniisip. May kumalabit sa kanya at napatingin siya roon.
"Manoy, tapos na ako sa bandang ito. Asaan pala si ate?" Hinagod ni Hiraya ang buhok ni Ganit at tumingin sa dakong malayo.
Kasalukuyan nilang pinag-iigting ang depensa ng Earth Palace, gumawa na rin sila ng mga istruktura na para bang kanyon sa mga sulok ng kastilyo. Hindi nila alam kung saan mag-i-spawn ang dungeon boss kaya naman ay importanteng may gagamitin silang pang-atake sa bawat direksyon. Ang mga istrukturang kanyon na ginawa nila ay gawa sa pinaghalong bakal at hindi basta bastang pinatigas na lupa, ang lupang gamit nila ay mula sa mga labi ng Earth Elemental monsters.
Ang bakal ay pangsuporta lamang para sa pinatigas na lupa dahil hindi sapat ang bilang ng mga earth elemental monsters para sa binabalak ni Hiraya na mga kanyon. Nang matapos suriin ang bagong gawang kanyon ay sinagot ni Hiraya ang tanong ni Ganit, "Nagpunta siya sa kung saan para manguha ng mga gamit doon at, oh my. Teka manood muna tayo, mag-uumpisa na ang susunod na laban."
Tumalikod si Ganit at hindi sinunod ang mga sinabi ni Hiraya, nakatingin siya sa malayo at ibinulong ang isang pangalan. Kumunot ang noo ni Hiraya ng marinig ito pero ngumiti siya at isinawalang bahala nalang ang narinig.
'You gonna be seeing him later my dear heroine.'
-
"Ha, mukhang malaki na ang pinagbago mo Kalbo. Balita ko ay kaya mo nang kalabanin ang isang komander na ranggo ng halimaw. Mukhang hindi sayang ang mga training at kaalamang itinuro sayo, pero kahit na magkaiba pa rin ang kayang kalabanin sa kayang talunin. Dalawa na ang napatay kong komander na ranggo ng halimaw."
Nakaporma at handang umatake kahit na anong segundo ang isang babae, naririnig niya ang pagsigaw ng ibang mga players sa kanyang pangalan. Ganoon pa man ay nakapokus ang isipan at damdamin niya sa kanyang kalaban, wala pa siyang talong natatanggap simula ng mag-umpisa ang paligsaan na inilunsad ng kanilang Hari. Ito na ang pangatlong laban niya, at dalawang laban nalang matapos ito ay aangat na siya para makamit ang pagiging kampyon.
"Huli kana sa balita Karmen, apat na araw na ang lumipas mula ng kumalat ang balitang iyon, sa tingin mo ay ganun pa rin ang lakas ko? Nagkakamali ka kung ganoon ang iniisip mo, hinding hindi ka makakalagpas sa akin kaya wag kanang mangarap na matatanggap mo ang pabuya ng pagiging kampyon." Ang lalaking tinatawag nilang kalbo ay agad na sumugod para umatake.
"Mabagal! Lightning Ball!" Sigaw ni Karmen, ibinaba niya ang katawan niya at buong puwersang tumalon paangat sa ere. Nagliwanag ang kamay niya at nagpakawala siya ng skill, tumilapon ang isang bola ng kidlat papunta sa kanyang kalaban.
"Hum.. krraa!" Tumalon pa-iwas sa kanan si Kalbo at naiwasan niya ang lightning ball pero nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong sumabog at tinamaan siya ng mga nagkalat na kidlat. Tiniis niya ang sakit nito at pinilit na hindi matumba, nagkaroon siya ng Shock status kaya tatlong segundo siyang hindi makakagalaw ng maluwang.
"Lightning Fist!" Matapos makababa sa lupa ni Karmen ay agad niyang sinundan ang nauna niyang pag-atake, lumabas ang mga kidlat sa kamao niya at isinuntok niya iyon sa kanyang katunggali. Nanlaki ang mga mata niya nang mailagan nito ang una at pangalawa ngunit bumalik ang kumpyansa niya nang tumama ang pangatlo niyang atake sa balikat si Kalbo at tumilapon ito papalayo.
"Woooooo!"
"Karmen! Karmen!
"Haa? Tumayo pa si Kalbo!"
"Kalbo bumawi ka, kaya mong talunin si Karmen!"
Nang magawang makatayo ni Kalbo ay gumamit siya ng skill, naghilom ang ilang paso at galos na natamo niya sa mga pinakawalang atake ni Karmen. Hinagod niya ang ulo niya na walang buhok at muling pumorma.
'Ako naman ang susugod, nagku-cooldown pa ang mga skill niya! Haaa!' Nagliwanag ang katawan ni Kalbo, bumakat ang mga kalamnan niya sa kanyang damit at bumigat ang tindig niya sa lupa.
"Strengthening? Wala pa akong magagamit na skill pero hindi mo ako matatalo kung iyan lang ang kaya mong gawin!" Hindi nagpatinag si Karmen at siya naman ang naunang sumugod. Mataas ang Agility attribute ni Karmen at may sapat din siyang lakas mula sa Strength attribute kaya kaya niyang makipagsabayan, ang kailangan niya lang gawin ay iwasan ang atake ng kalaban at patamaan ito sa oras na ito ay magmintis.
Pinanood ni Kalbo na makalapit si Karmen at nagpakawala siya ng diretsong suntok papunta sa mukha ng kalaban, nakita niyang makikipagsabayan si Karmen kaya naman napangiti siya at naisip na hibang na ang kanyang katunggali. Nagsalubong ang mga suntok nila ngunit nang malapit na ang mga kamao nila ay nag-iba ang direksyon ng suntok ni Karmen, nanlaki ang mga mata ni Kalbo at dumaplis sa pisnge ni Karmen ang pinakawalan niyang diretsong suntok habang tumama naman ang suntok ni Karmen sa kanyang baba.
Bumagsak sa lapag si Kalbo dahil nawalan siya ng malay, kumislot ang katawan niya at tumitirik ang kanyang mga mata.
"K.O!"
"Wow, ang galing at ang angas talaga ni Karmen!"
"Karmen! KARMEN!"
Itinaas ni Karmen ang kamao niya sa ere at tumingin sa pinaka-itaas ng bleachers. Tinangoan siya ng lalaking nakasandal sa upuan at ni-raygun siya nito. Namula ang mukha niya at ipinagpatuloy na umikot at tingnan ang mga nagsisigawang manonood.
-
Sa pinakaitaas na bleachers.
"Makaryo, mukhang matindi ang disipulo mo ah. Pwe, makakatikim sa akin ang Kalbo nayun. Sayang ang mga pinakain ko sakanyang talino, sinabi ko na na huwag magpapauna sa pag-atake. Pwe.."
Pumuri at nagreklamo ang isang babae, katabi niya si Makaryo na nakangiti at tumatawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagaganap ang mga nangyayari ngayon, isang henyong utak talaga ang nasa loob ng ulo ng kanilang Tagapagligtas. Ang torneyong ito ay isang malaking tulong para sa mga survivors ng Earth Palace dahil dumudoble ang kagustuhang lumakas ng mga players lalong lalo na at may pabuya para sa magiging kampyon.
Napatingin siya sa itaas at nasilip sa butas doon ang mukha ng kanyang kinikilalang tagapagligtas. Suot nito ang klasikong ngiti at nanlalaking mga mata.
Hindi niya napigilang gayahin iyon nang maramdaman niyang nakatingin sa kanya ang talunan niyang disipulo. Dumura siya sa lapag at nagngitngit ang mga ngipin niya, sampung komander na ranggo ng halimaw ang ipinusta niya at dahil natalo siya ay siya nanaman ang magiging 'taya' mamayang gabi bago matulog.
"Magdalya, ibig ko(fucking cringe typing this). Huwag ka nang mag-alala, isang linggo nalang naman ang itatagal natin dito. Makakalabas na tayo sa dungeon, huwag kanang mainis at enjoyin nalang natin ang palabas. Anong masasabi mo sa aking disipulo, ibig ko?" Nahihiyang inakbayan ni Makaryo si Magdalya at inilapit ang katawan nito sa katawan niya.
"Ahh, ehm.. Maraming nakatingin sa atin ano ba, i.. i-.. ibig ko.." Nahihiya namang nagreklamo si Magdalya sa inaksyon ni Makaryo pero hindi niya ito tinanggihan at inilapit niya pa lalo ang katawan niya.
"Saan niya nakuha ang Lightning skill niya?" Nagtanong si Magdalya.
"Ah iyon ba? Tinulungan ako ni Tagapagligtas para makuha ni Karmen ang skill. Ang sabi niya ay koryentehin namin ang isang halimaw gamit yung kinuha ng mga palace knights na generator sa likod ng Grade 7 building at ayun, gumagamit na ng lightning skills si Karmen." Sagot at salaysay ni Makaryo.
"Ano kayang tumatakbo sa isipan ni Tagapagligtas at nagpanukala siya ng isang torneyo?" Sa pagkakataong ito ay si Makaryo naman ang nagtanong.
"Ang alam ko ay para malaman kung sinong dadalhin sa labas ng dungeon.. wag na nating isipin pa ang mga iyon, sabi mo nga ay i-enjoy nalang natin ang palabas diba?" Muling dumako ang tingin ng dalawa sa susunod na maglalaban. Tumingin sila muli sa itaas at hindi na nila nakita doon ang kanilang tagapagligtas.
--
Sa pinaka ituktok ng Earth Castle, sa pinamatayog na tore.
"Babyboy, isang linggo nalang ang natitira. Kailangan na nating ilatag ang mga magaganap." Pinapanood ni Ma-ay at Hiraya ang itsura ng buong skwelahan. Bukod sa Cafeteria, Grade 7 Building at Earth Palace - kung nasaan ang mga pinulot na mga survivors ng dalawa ay sira at durog durog na ang mga gusali sa iba't ibang parte ng skwelahan.
Ilang araw bago mag-umpisa ang torneyo ay kinalap na lahat nila ang mga survivors sa loob ng dungeon, maliban sa mga players ng cafeteria ay nasa loob na ng Earth Palace ang iba pa. Lima na lamang ang natitirang spawn point sa loob ng dungeon, tatlo sa di kalayuang building sa Earth Palace, isa sa grade 7 building at ang isa pa na malapit sa cafeteria. May humigit kumulang isandaan at limampu ang mga surviving players sa Earth Palace at ayon sa mga informant ay nasa tatlumpu ang bilang ng mga players sa cafeteria.
"Yep, and I guess it really is the time I go face that boy. Sigh, would you like to go and see one of my creations other than you? Wala si Sinag dito dahil nang mawala siya ay nasa isa kaming field trip. Si Takleda naman ay nagcutting classes at naiwan sa bahay noong mawala siya. Ang iba pa ay wala rin dito sa school, si Totoy lang ang makikita natin dito." Nakayuko ang ulo ni Hiraya habang nagsasalita at kumislot ang tainga niya dahil may narinig siyang paggalaw sa paligid, tinitigan siya ni Ma-ay at isinubsob ang ulo ni Hiraya sa dibdib niya.
"Makikita rin natin sila. Wag kang mag-alala, gaya ng lagi kong sinasabi, andirito lang ako para sayo. Makokompleto rin kami kaya itaas mo ang ulo mo at murahin ang matandang kupal nayon, hihi." Napangiti si Ma-ay nang tumango si Hiraya.
"Handa kana ba para sa dungeon boss?" Nilapitan ni Ma-ay ang isang pader, gumuhit siya doon gamit ang daliri niya at inilagay ang pangalan nilang dalawa.
"Most of my skills are already maxed out. Yung mga panibagong tuklas nalang ang hindi pa. Hindi naman natin mahuli ang malaking isda, antayin na lang natin na pumunta sa kanya ang pinaka nakakatakam na uod atsaka natin hahatakin ang pain and hey.. I remember, sabi ng Tikbalang king ay pupwedeng bumalik sa kabilang mundo, I mean.. gusto mo bang makita ang Kaharian ng Pantasya?" Nagningning ang mga mata ni Hiraya at lumingon sa isang direksyon.
Ilang araw makalipas na makontrol niya ang Tikbalang King ay marami siyang natutunang karunungan at nalamang impormasyon patungkol sa pinanggalingan nilang mundo. Gustong bisitahin ni Hiraya ang mundo ng mga Otherworlder at mag-adventure doon pero may pumipigil sa isipan niyang gawin ang gusto niya. Hindi niya iyon maintindihan pero hindi niya pupwedeng ipagsawalang bahala ang nararamdaman niyang iyon dahil may skill siyang kinuha kay Dilan - ang Seer, at ang skill na iyon ang may dahilan kung bakit kamuntikan nang mabulilyaso ang mga plano nila.
Nitong mga nakaraang araw ay humina na ng humina ang pagpigil sakanya ng pakiramdam na iyon kaya tinatanong niya ngayon si Ma-ay kung gusto niya bang sumama at mag-adventure sa kabilang mundo, sa kaharian ng Pantasya.
"Sigurado kaba? Ilang araw nalang ang nalalabi at marami pa tayong gagawin babyboy.. idagdag pa na kailangan nating patayin ang mailap na Borheng iyon..." Napatigil si Ma-ay sa mga sasabihin pa niya dahil biglang may lumitaw sa kanilang harapan. Nagliwanag iyon saglit at nang mawala ang ilaw ay nakita nila si Ganit.
"Ganit? Akala ko ba ay umalis kana? Oh my, anong skill ang ginamit mo?" Takang tanong ni Hiraya. Ilang segundo siyang nag-isip at nagpogi pose at ipinagpatuloy ang pagtatanong, ilang sandali lamang ay nawala na siya sa sarili.
"Ate..? Totoo ba ang sinasabi mo? Tama ba ang narinig kong gusto niyong patayin si Borhe? Bakit ate.. anong ginawang masama sayo ni Borhe? Kaya ba kahit anong pilit kong hanapin si Borhe ay ayaw mo akong payagan?" Nagsimulang tumulo ang luha ni Ganit. Makirot ang pagpunit ng damdamin niya sa kanyang puso, para bang kinakagat ito ng maraming langgam.