Chereads / Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 53 - Kabanata 51: Palace Knights

Chapter 53 - Kabanata 51: Palace Knights

-----

Sa labas ng Earth Palace.

Makikita ang mga naglalaban-labang players, tumitilapon ang ilang mga Elemental Spells galing sa mga mages ngunit karamihan sa kanila ay may hawak na mga sandata at ginagamit nila iyon para sa pakikipagtunggali. Ang iba naman ay nasa pinakalikod lamang ay nagbibigay suporta sa mga players na naka-atas sakanilang protektahan.

"Heal!" Sigaw ng isang player matapos siyang matamaan sa braso ng isang espada.

"Ito na! Awww, sandali.. hoy, wag niyong pabayaan na atakihin nila kami.. ano bang ginagawa niyo.. argg!" Natumba sa lapag ang isang player matapos siyang tamaan ng isang sibat sa kaliwang hita. Nawala siya sa kanyang sarili matapos maramdaman ang sakit ng pagtagos ng sibat sa kanyang hita, nakalimutan na rin niyang gamitan ng healing spell ang kanyang kasama.

"Uwaak, blerg.." Ang kanikaninang player na nanghihingi ng healing spell ay nasaksak sa kanyang tiyan, bumulwak ang dugo sa kanyang bibig at natumba siya sa lapag, ilang sandali lamang ay pinagtataga siya ng kanyang kalaban sa likod at sa ulo.

"Sugurin sila, mahihina lang ang mga player dito. Mapapa-saatin na ang lugar na ito." Isang matangkad na lalaki ang sumigaw.

"Sugod!"

Nagsitakbuhan pa papalapit ang mga mananalakay at ilan pang mga players ng Earth Palace ang kanilang napatay. Kapalit ng buhay ng kanilang mga kasama ay nagawa nilang makalapit sa ginawang lupang lagusan papasok sa Earth Palace. Huminto sila roon para gamitan ng healing spells ang mga sugatan.

"Wag, huwag niyo akong patayin, parang awa niyo na.. arkkk!" Isang babae ang nagmakaawa ngunit walang duminig sakanya at sa halip ay nagtawanan ang mga mananalakay atsaka nila siya pinagsasaksak at pinagtataga.

Nakarinig sila ng takbuhan sa loob ng lupang lagusan at ilang saglit pa ay nakita nila ang marami pang players. Inihanda nila muli ang mga sarili at nagpakawala ng mga elemental spells sa direksyon ng mga paparating na players.

"Wind Blade!" Sampung mga lalaki na may hawak na espada ang sabay-sabay na nagpakawala ng skill. Mabilis at matalim na hangin ang kumawala matapos nilang ikampay sa ere ang kanilang mga sandata, dumiretso ito sa mga elemental spells na binato ng mga kalaban at nagtama ang mga skills sa ere.

Maririnig ang pagsabog ng mga skills at matapos mawala ang spells ay sinimulang nilang maglaban ng harap harapan.

"Pagababayaran niyo ang mga kalapastanganang ginawa niyo!" Isang lalaki na may suot na dilaw na kapa ang sumigaw. Kung mapapansin ay siya ang nasa pinaka-unahan, siya ang lider ng mga dumidepensa para sa Earth Palace.

"Patayin silang lahat! Sino mang makapatay ng mas marami ay mabibigyan ng pabuya mula kay Supremo! Kailangan natin ang lugar na ito para makatakas sa mga halimaw, gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo!" Ang lalaki namang kasalukuyang nakikipaglaban sa lider ng sinasakop nila ay sumigaw para palakasin ang loob ng mga kasamahan niyang mananakop.

Ipinagpatuloy nila ang paglalaban.

--

"Oh my, cancer-an at its finest. But hey, they just want to survive too. Want me to pulvurize them?" Kasalukuyang tinititigan ni Hiraya ang mga naglalaban-labang mga players. Nasa itaas ng Earth Palace silang dalawa ni Ma-ay, ginamitan niya ng skill na Identify at parang mga mumunting kuting ang mga gustong kumuha sa pinaghirapan nilang buoin kaya naman gusto na ni Hiraya na pinuhin ang mga players sa ibaba.

"Ooow, babyboy. Gusto mo ba talagang ikaw na mismo ang pumatay sakanila?" Umakbay si Ma-ay kay Hiraya at sinundot ang tagiliran nito na siya namang ikinakiliti ng nahuli. Narinig ni Ma-ay ang pag-tsk ni Hiraya kaya marahan siyang napatawa.

May rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa pumapatay ng player si Hiraya at si Ma-ay ang pinapagawa niya sa lahat ng 'dirty work'. Muli nilang pinanood ang paglalaban sa ibaba, bumuntong hininga si Ma-ay at nagsalita, "Wala atang pumasok sa mga utak nila habang nagsasanay, sumasakit ang ulo ko habang pinapanood ko ang mga galaw nila." Umiling-iling si Ma-ay dahil puro kabalbalan lamang ang paraan nila ng pakikipagtunggali.

Kung sino-sino ang tinatapunan nila ng spells, hindi nila pinapatay agad ang mga nasa likuran, para bang rambulan ng mga high schooler ang nagaganap. Teka sandali, mga high schooler nga pala sila pero kapag idinagdag na mas malakas sila ng limang beses sa isang normal na tao ay ibang usapan na iyon. Ilang araw na rin nilang sinasanay ang mga surviving players ng Earth Palace pero ayon sa napapanood nila ngayon ay may pagdadalawang isip ang mga galaw nila.

"I guess they still can't kill their own kind, what bullshit. Pare pareho naman silang mga monsters. Hindi pa ata dumidiin sa mga kokote nila ang survival of the fittest sa mundo nila ngayon. I've told you not to take in so much trash, ayan tuloy.. sayang yung ibang exp na pinaghirapan natin." Naupo si Hiraya at binuksan ang inventory niya, naglabas siya ng isang punyal at ginamitan iyon ng isang fire spell. Ilang sandali lamang ay sobrang init na ng punyal, isinaksak ni Hiraya ang armas sa kanyang hita.

Napailing si Ma-ay sa kanyang nasaksihan, hindi pa rin niya magawang masanay ang sarili sa mga masokistang aksyon ng kanyang babyboy. Ang sabi niya ay malapit nang ma-max ang kanyang skills kaya kailangan niyang i-level up ang paraan niya ng pagpapataas ng exp nito. Isa lang ang nasaksihan niya ngayon sa mga masokistang aksyon ng kanyang babyboy at hindi pa iyon ang sa tingin niya ay ang pinakamasakit.

Muling pinanood ni Ma-ay ang mga nagaganap sa ibaba. Patapos na ang labanan at matatalo na ang kanilang panig, bumuntong hininga siya at nanghinayang pero hindi siya gumawa ng aksyon para pigilan ang mga nangyayari.

"Babyboy, ang mga basura nilang katawan ay pwedeng i-recycle pero ang mga bulok na utak nila.. wala na akong magagawa pa don. Nagkukulong nanaman ba si Makaryo at Magdalya sa kwarto nila?" Umupo na rin si Ma-ay at ginamitan niya ng healing spell ang hita ni Hiraya, naglabas ng isa pa ang nahuli at ginawa ulit ang pagpapainit ng armas at pagsaksak sa kabila naman nitong hita.

"Yeah, I can hear Makaryo moaning like a bitch. That girl sure is wild." Napatawa silang dalawa at muling tumingin sa ibaba.

Matapos ang Amphitheater Escapade ay naging mas malapit ang dalawa sa isa't isa, ginagawa nilang kapitan ang isa't isa nang sa gayon ay hindi sila tuluyang mabaliw sa lungkot. Wala namang problema ang ganoon kay Hiraya at Ma-ay, basta't huwang lamang silang gagawa ng ikakapahamak nila ay payag na ang dalawa sa kahit na ano pa man ang gawin nila.

"You're really letting them in?" Tanong ni Hiraya habang naglalabas ng apat pang punyal sa inventory, ginawa niya ulit ang proseso.

"Ayos lang yan babyboy, patayin nila ng patayin ang mga walang kwenta at maiiwan ang mga malalakas. Mapapasaatin rin naman lahat ng experience points sa dungeon na ito. Ano na nga yung sabi mo? The higher their level is the greater the happiness you'll feel when you kill them, tama ba? Parang may kulang, oow, hindi ko magaya yung excitement sa pagsabi mo." Nag-cast si Ma-ay ng isang skill, nagliwanag ang paligid at para bang may mga butil ng kawalan ang pumapasok sa kanyang katawan.

Natuklasan ni Hiraya na matapos ang pagbabago ng mundo nila ay nabalot ng Mana ang buong dungeon, galing ang mga iyon sa portals na lumitaw sa mga silid-aralan at sa ibang mga parte ng skwelahan. Hindi pa sigurado si Hiraya kung sa loob lamang ba ng dungeon o maski sa labas nito nangyayari ang pagpuno ng Mana sa kapaligiran pero 90% ay pabor na tama ang hinala niya.

Napagtanto ni Hiraya na hindi sa katawan nila galing ang mga mana na naiipon doon kundi sa paligid, isang halimaw ang nagpatunay noon dahil nasaksihan ni Hiraya na humigop ito ng mana sa paligid, dahil sa kuryosidad at interes.. matapos ang ilang trial and error, nadiskubre ni Hiraya na mayroon nga silang panibagong organ sa kanilang utak at doon naiipon ang mana na ginagamit nila para sa mga skills at spells.

Nang mapuno ang mana ni Ma-ay ay muling niyang ipinagpatuloy ang pag-heal sa katawan ni Hiraya na kasalukuyan nang puno ng mga punyal. Nakaramdam si Ma-ay ng pagka-proud dahil sobrang hard working ng kanyang pinakamamahal, ngumiti siya at hinalikan ang pisnge ni Hiraya.

"Hey now, dumating na ang mga genuine knights ng Earth Palace, oh my.. that wind blades are strong! Welp, not on my level yet." Inisip ni Hiraya na hindi siya nagbubuhat ng sariling bangko at hindi niya pinupuri ang sarili niya, natawa naman si Ma-ay dahil alam niya kung ano ang iniisip ng kanyang babyboy.

"Buti naman at dumating na sila, tara na ituloy na natin kung saan tayo natigil kanina." Tumayo na si Ma-ay matapos niyang bunutin ang mga punyal sa katawan ni Hiraya, nang maghilom lahat ng sugat ay tumalon silang dalawa papasok sa loob ng Earth Palace.

Umiling-iling si Hiraya dahil pakiramdam niya ay bogus pa rin ang mga gang wars na gusto niyang mangyari. Ang inaasahan niya ay mayroong tatapat sa lebel niya ngunit hanggang ngayon ay wala pang kahit na sino man ang may kaya, maski na si Ma-ay na level 40 at may dugo ng diyos ay hindi kaya ang taglay niyang lakas. Ang dungeon boss na lamang ang inaabangan ni Hiraya.

May iilang impormasyon na silang nakalap matapos ang ilang eksperimentong ginawa ni Hiraya kay Ma-ay. Isa na roon ay ang epekto ng dugo ni Ma-ay sa mga halimaw at sa ibang players. May kakayahan itong magpagaling ng mga players at kapag ininom ng halimaw ang dugo niya ay nadadagdagan ang experience points nito sa status screen.

Wala pang naiisip na paraan si Hiraya para makagawa ng vials para sa dugo ni Ma-ay, nasa timog kanluran ang chem lab at hindi pa nakakarating si Hiraya sa parte ng skwelahan nayon. Hindi dahil hindi niya kaya o tinatamad siya, madami pa siyang kailangang tapusin sa Earth Palace para sa darating na Dungeon Boss kaya hindi pa siya nagtutungo roon.

--

"Mga hunghang! Hindi niyo kaya ang Palace Knights ng Earth Palace! Ubusin sila!" Sigaw ng lider ng Palace Knights. Ilang players ang hiniwa niya sa dalawa o tatlo, naglevel up siya at nakangiti na niyang tinititigan ang mga players na gustong sumakop sakanila.

"Bitches are my exps!"

"Bitches are my exps!"

Sabay sabay na sigaw ng mga palace knights habang patuloy na inuubos ang natitirang bilang ng mga mananalakay. Tumindig ang mga balahibo ng mga mananalakay matapos ang pag sigaw na narinig nila, nag-iba na rin ang awrang nilalabas ng mga palace knights at pakiramdam nila ay mga karne silang tinititigan ng mga takam na takam na halimaw.

"Supremo! Mananagot tayo kay Supremo, pero hindi na importante yon, ang kailangan natin ay makatakas at mabuhay." Ilang sandali pa ay nagsimulang tumakbo ang mga mananalakay matapos nilang makita na nauna nang tumakas ang kanilang lider.

Tumindi lalo ang siglang nararamdaman ng mga palace knight at hinabol nila ang mga mananalakay hanggang sa ang natira na lamang ay ang lider nila.

"Huwag kanang babalik dito hunghang! Hindi niyo kaya ang Earth Palace! Magtago nalang kayo sa mga saya ng nanay niyo, eh teka.. patay na pala mga nanay niyo kaya magtago nalang kayo sa mga saya ng syota niyo, eh teka.. wala pala kayong mga syota hunghang!" Sigaw ng lider ng mga palace knights.

"Ah lider, tama na yan. Wala na siya." Napakamot ng ulo ang nagsalita at pati narin ang mga nakasaksi sa nakakahiyang pagsigaw ng kanilang lider.

"Pulutin niyo lahat ng skill books at mga items, dalhin sa treasury at ipapamahagi ng komander natin ang mga pabuya ayon sa itunulong ninyo. Pulutin lahat ng mga bangkay ng mga mananalakay at ibigay sa lupon ng mga Tikbalang, ang mga bangkay naman ng kasamahan natin ay ibuburol mamayang gabi. Handa.. salute!"

Sumaludo ang mga palace knights sa mga bangkay ng kasamahan nila at inumpisahan nilang gawin ang mga iniutos ng kanilang lider. Maingat nilang binuhat ang mga bangkay ng kanilang mga kasamahan at pinahiga silang pila-pila, ilang mga kalalakihan ang lumabas mula sa lagusan papasok ng Earth Palace at may dala-dala silang mga sariling gawang stretcher. Para sa mga bangkay naman ng mga mananalakay ay pinugutan nila ang mga iyon at inilagay sa iisang bag / inventory ang mga ulo upang magsilbing tropeyo ng kanilang kagitingan.

-

Napatingin ang lider ng mga palace knights sa loob ng lagusan papasok ng Earth Palace, ilang araw na ang nakalipas simula ng dumating siya rito. Hindi pa noon buo ang tinagurian nilang Earth Palace, matapos lamang ang ilang araw na pagtatrabaho ng kanilang hari at prinsesa ay naitayo nila ang kastilyong ito. Isang napakalaking proteksyon para sa mga surviving players tulad niya.

Hindi lang proteksyon ang mayroon sa lugar na ito, pinapakain din sila tatlong beses sa isang araw. Binibigyan ng mga sandata upang kalabanin ang mga halimaw. Patas at para sa lahat ang mga alituntunin ng Earth Palace. Binibigyan din sila ng training para mas lumakas, tinuturuan sila para lumawak ang mga kaalaman sa pakikipagtunggali at ang kapalit lamang ng lahat ng mga iyon ay kinakailangan nilang magpalakas, magpataas ng level at bantayan ang kastilyong ito.

Ilang araw lang ang nakalipas ay hindi na niya alam kung saan patungo ang buhay niya, wala siyang maisip na rason kung bakit kinakailangan niya pang mabuhay, sumuko na rin ang isipan niya at tinaggap ang mga mangyayari ngunit nag-iba lahat ng iyon nang dumating sa silid na tinutuluyan nilang magkakaibigan ang Hari, si Madam Baby at ang Prinsesa. Kinupkop sila at tinulungang makabangon sa hukay.

Sila ang mga bayani ng mga surviving players sa loob ng dungeon na ito.

Kinuyom ng lider ng Palace Knights ang kanyang kamao at ipinangako sa kanyang sarili na ibabalik niya ng sampung.. isan-daang patong ang kabaitang ipinakita sakanya ng kanyang mga bayani.