Chereads / Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 16 - Kabanata 15: Babyboy

Chapter 16 - Kabanata 15: Babyboy

(Ma-ay)

[Status Screen]

Name: Ma-ay Delkros

Level: 1 (exp. 000/100)

Race: Demi-human

Gender: Female

Title: --

Health points | regen: 130/130 | 0.06/s

Mana | regen: 100/100 | 0.005/s

stamina | regen: 128/130 | 0.020/s

Attributes:

Strength: 21

Agility: 13

Vitality: 16

Inteligence: 15

Active Skills:

--

Passive Skills:

Basic: Equip | Beg.Lvl:1 Exp: 00.41%

Current Status:

Healthy

Points to be distributed: 00

--

Inulit ko yung pinagawa kanina sakin ni babyboy - yung status. Tinignan ko yung status ko. Gaya ng sabi ni babyboy ay nagbago na nga ang takbo ng mundo. Naalala ko na sinabi ni babyboy sa akin dati na isang love story ang ginagalawan naming mundo, tungkol sa; tatlong babae at isang lalaki, isang binatang guro at isang studyante at dagdag niya kanina ay nadiskubre niya din na may love story ang principal at ang assistant nito.

Mahirap paniwalaan ang mga nangyayari pero wala akong magagawa dahil ito na nga, andirito na at kasalukuyan ko pang nararanasan, nakalimutan ko ang aking nakaraan at bumalik din iyon dahil kay babyboy.

Asan na kaya si babyboy? Ayos lang kaya siya? Kinain niya na kaya yung natira kong chocolate bar? Baka nasugatan na siya o kaya ay nasaktan, ang sabi pa naman niya kanina wala na ang reset. Anong mangyayari kapag nabalian siya o naputulan ng kamay? Mppt.

Napatingin ako sa kapatid ko. Muli kong pinunasan ang mga mukha niya. Wala pa ring pinagbago ang kapatid ko, payat at bulilit pa rin siya. Inangat ko ang blusa niya at tinignan ang mga duguang bulak sa sugat niya sa tagiliran. Napatingin ako sa nagkalat na mga duguang bulak sa lapag. Hindi ko naiwasang tumulo ang luha ko.

Bumuntong hininga ako at pinalitan ang mga bulak. Ito lang ang nahanap kong pwedeng gamitin para pigilan ang pagtagas ng dugo niya. May mga sugat pa siya sa ilang parte ng katawan niya pero hindi naman ito ganun kalala.

Napabuntong hininga nanaman ako. Magtatatlumpung minuto na ang lumipas simula nang umalis si babyboy pero hindi pa siya nakakabalik. Sigh, ano na kaya ang nangyari sakanya? Level:4 naman siya at gaya ng sinabi niya ay may mga skills siya. Sana lang magamit niya ng maayos. Nag-aalala ako dahil matatakutin at iyakin pa naman si babyboy. Lagi ko siyang ginugulpe noon para maging matapang siya, nagbunga naman ang paghihirap ko, hindi na siya laging sumisigaw kapag nababalian o nasusugatan pero hindi nawala ang pagiging iyakin niya.

Bumalik ang ilang mga ala-ala ko kasama siya at hindi ko napigilang mapangiti pero agad din iyong nawala nang marinig kong umubo ang kapatid ko.

Babyboy... asan ka naba?

--

May narinig akong nagtatakbuhan sa hallway. Tumayo ako at binuksan ang kahoy na bintana malapit kaunti sa pintuan. Bakas na ang kalumaan ng kahoy kaya nagpakawala iyon ng krrk na tunog.

Nakita ko sa labas ang mabilis na pagtakbo ni babyboy at ilang sandali pa ay napansin kong may mga maliliit kulay green na humahabol sa kanya, payat ang mga ito, may patulis ang tainga, wala silang kilay at wala ding buhok, puno ng matatalim na ngipin ang sumisigaw nilang mga bunganga.

Nakarinig ulit ako ng ilan pang takbuhan at ilang saglit pa ay nakakita ako ulit ng mga green na nakahubong parang mga bata. May hawak silang sandata, ow isang espada! Eh, ang liit naman, pwede ko kaya yun na gamitin?

Ilang saglit pa ay hindi ko na sila makita sa bintana kaya binuksan ko kaunti ang pintuan at tumingin sa hallway, nakita kong pumasok si babyboy sa loob ng isang silid at isinara ang pintuan, kinalampag ng mga green kids ang pintuan, ang ilan sakanila ay nagpunta sa mga bintana at iyon ang kinalampag.

Nakita kong pumasok sa loob ang isang green kid at pumalit naman ang isa pa. Talino talaga ng babyboy ko, pinapasok niya ang isa para labanan at inipit ang isa para hindi makapasok. Napatigil ako sa pagngiti nang makita kong may umaagos na dugo sa ibaba ng pintuan, tatlong silid ang pagitan ng kinalalagyan ko at ng tinakbuhan ni babyboy, medyo malayo pero hindi ako nagkakamaling dugo ang nakikita kong umaagos sa sahig.

Isinara ko bigla ang pintuan. Bigla akong nakaramdam ng kaba, sabi pa naman ni babyboy ay wala na ang reset, pano kung dugo niya ang dugong umaagos doon? Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko at dahan-dahan ko muling bubuksan ang pinto pero nakarinig ako ng pagtawa, malakas ang pagtawa kaya narinig ko iyon at sigrurado akong si babyboy ang tumatawa. Binuksan ko ang pintuan at nakita kong lumabas si babyboy at bakas sa mukha niya ang takot. Nawala iyon agad at napalitan ng ngiti.

Mmpt, may mali talaga sa utak ni babyboy. Diko napigilan ang mapahagikgik at napatigil ako nang makita kong yumuko siya at dahan-dahang pumunta sa harapan ng bintana. Ah, yung may butas? Eh, mukhang mas tumalino ang babyboy ko ah. Gaya sa naisip kong gagawin niya ay inabangan niyang may lumabas na green kid. Inilapag ni babyboy ang espadang hawak niya at agad na sinunggaban yung green kid na tumalon sa bintana.

Sinunggaban niya ito at yung green kid naman ay napasalampak, sinuntok ni babyboy ang green kid at nawalan ata ito ng malay? Woa, nagtraining din kaya si babyboy? Aaaaa, baka yung stats niya ang mataas, si babyboy magte-training? Eh napakatamad nun eh. Mataas na agad ang stats ni babyboy ang daya. Napatingin ako sa sarili kong stats at napakibit-balikat. Tinitigan ko ang kamao kong hindi ko namalayang nakakuyom, kung ako ang sumuntok sa green kid na yon ay hindi sa sikmura ang susuntukin ko, pupulbusin ko ang mukha non hanggang sa hindi na ito makilala ng mga magulang nito. Hmpt!

Napabalik ako sa kasalukuyan at muling tumingin kay babyboy, aaaa, napaka-charming talagang tignan ni babyboy. Nakangiti siya habang inaalagaan ang berdeng bata. Inayos niya ang pwesto nito, yung pwesto para mahimbing na makatulog ang isang bata at muling tumingin sa bintana. Hihi, ready na kaya maging daddy si babyboy ko? Oh, edi daddyboy na ang itatawag ko sakanya?

May dalawa pang tumalon na green kid kasunod ng nauna, inayos din iyon ni babyboy at dahan-dahan siyang nakayukong naglakad sa hallway, wait, san pupunta si babyboy? Iiwan niya ang mga green kids ganun-ganon nalang? Hmpt, sayang naman ang mga yan. Tsaka saan ba siya pupun... nakita kong sumilip si babyboy sa kanto ng silid na parang nag-aabang. Oooooow, ganun pala. Bakit parang ang dami ng alam ni babyboy tungkol sa pakikipaglaban?

Napayuko ako. Ilang taon na ba ang lumipas? Ilang taon niya kaya akong hindi nakita? Ilang taon kayang hindi siya nakaranas ng pag-aaruga, well, at least pagdating don sa bagay na iyon ay proactive na siya. Napakagat labi ako at napabuntong hininga, kung wala lang sanang masamang nangyari kay Ganit, ala, hindi.. mali ang iniisip ko. Paano kung walang nangyari kay Ganit, paano kung hindi ko siya nakita, papaano kung umalis nalang ako, edi hindi sana kami nagkabanggaan ni babyboy.

Sanga-sanga ang hibla ng kapalaran at maliliit na bagay-bagay ang nagtatagpi-tagpi rito.

Bumalik ang tingin ko sa mga nangyayari sa hallway. May tatlong green kids na sunod-sunod na bumaba sa bintana, pinagsisisipa nilang tatlo ang mga green kids na nakahiga sa lapag. Hahaha, ang talino! Haha..

Napatigil ako bigla sa pagtawa nang makita kong tumalsik ang ulo ng isang green kid at gumulong ito.

MOTHER FUCKER!

Ginawa ni babyboy yun? Oh no, anong nangyari sa babyboy ko, anong ginawa niyo sa babyboy ko? Bakit napakabayolente na niya? Hinding-hindi ko maiisip na kayang gawin ni babyboy ang ganoong bagay. Hala, anong nangyari sa babyboy ko habang wala ako sa tabi niya? May serial killer kaya sa school at doon niya iyon natutunan? Malikot ang mga mata ni babyboy, laging hindi mapakali ang mga mata niya at palaging tumitingin-tingin kung saan-saan kaya naman kapag may interisanteng bagay siyang nakita ay oobserbahan niya iyon.

Huhu, ang kawawang babyboy ko, kailangan niyang gawin ang mga bagay nayon para sa potion.. para kay Ganit, no! Para sa akin! Uhuhu. Babyboy, alam kong matagal mo nang hinihintay na sabihin ko sayong mahal kita, at ito na ata ang tamang panahon para doon. At least, kapag alam mong may nagmamahal sayo, walang pipigil sa isipan mong gawin ang kailangan mong gawin. Alam kong may itinatago siya patungkol doon sa Mayari na yon, alam kong hindi basta-basta ang naging interaksyon nila, napansin ko yon dahil napakamot siya sa likod ng ulo niya, na ginagawa niya kapag hindi niya alam kung kailangan niya ba talagang sabihin sakin ang isang bagay.

Narinig kong may sinabi si babyboy at nakita kong itinutok ni babyboy ang hawak niya na espada sa dalawa pang green kids. Biglang tumakbo ang mga ito, pinulot ni babyboy at ibinato niya ang isang green kid sa isa pang green kid at tinamaan ito at nadapa. Tumayo ito at nang mapatingin kay babyboy ay isa pang ulo ang tumalsik at gumulong.

MOTHER FUCKER!

Babyboy! Anong ginagawa mo!

Nadapa ang natitirang green kid, pinulot ni babyboy ang gumulong na ulo at nilapitan ang natitirang green kid. Napatigil bigla si babyboy at napatanga siya sa kawalan, ilang saglit pa ay nakita ko nanaman ang mukha niyang nagrereklamo sa kung ano-ano. Lagi niyang suot ang mukhang yan, maski sa pag-tulog.

Napalunok ako dahil natutuyo na ang lalamunan ko. Hindi ko talaga lubos maisip na kayang gawin ni babyboy ang lahat ng ginawa niya. Hindi na bale, mahal ko siya! Hindi ko gagayahin ang magaling kong ina, hindi ko iiwan si babyboy dahil may kakaiba sakanya.

Napalingon ako sa direksyon ni Ganit, napabuntong hininga ako nang maalala ko ang dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang ko. Sa totoo lang alam kong iyon ang nakaprogram sa character ko pero iba parin eh, sarili ko paring pakiramdam iyon, kahit na iyon ang prinogram sa akin ay hindi ko maitatangging iyon ang naging buhay ko, parte iyon ng kung ano at sino ako.

Bumalik muli ang tingin ko kay babyboy. Kinalabit ni babyboy ang green kid at nang mapatingin ito kay babyboy ay bigla itong nawalan ng malay at bumubula pa ang bibig nito.

"I overdid it..."

Narinig kong sabi ni babyboy.

Biglang napunta ang tutok ng mata niya sa direksyon ko.

Hmpt!

"Marami kang kailangan sabihin sakin babyboy!" Isinara ko ang pintuan dahil alam kong may gagawin pa siya sa mga green kid na pinatay niya. Ayokong tulungan siya dahil binabantayan ko pa ang kapatid ko, hmpt. Nagcross-arms akong lumapit kay Ganit at umupo ako sa tabi niya. Pinagpapawisan pa din siya at mabilis ang paghinga.

Babyboy... ano ang nangyari sayo?