Kabanata 01
Pen
"Ako na nga lang ang pipitas!" Busangot ang mukha at agad na tumakbo ako para pumitas ng bulaklak sa garden namin. Ayaw kasi ni Challi pumitas dahil baka raw mapagalitan kami ni Mommy.
"Wren! Magagalit nga si Tita!" sigaw ni Challi sa 'kin pero hindi ko ito pinakinggan.
Pumitas agad ako ng isang daisy at patakbong bumalik sa picnic blanket na inu-upoan namin. Agad akong tumabi nang upo sa pinsan ko at nagsimulang pitasin isa-isa ang mga petals nito.
"Do you really believe in that, Wren?" nakakunot ang noong tanong ni Challi sa akin na halatang na we-weirdohan sa ginagawa ko. Paulit-ulit lang akong tumango sa kanya at pinagpatuloy ang pagpitas.
"He loves me..." sabay pitas ko ng isang petal. "He loves me not," ulit kong saad. Dalawang petals nalang ang natitira kaya malungkot kong tinapos ang ginagawa.
"He loves me not parin," maktol ko sa pinsan pero inikotan lang ako ng mata ni Challi.
"Love doesn't rely on the petals, Wren Luienne," paalala ni Challi sa akin na para bang sobrang maalam nito tungkol sa mga bagay-bagay.
"I know. Just trying my luck, even just in the flowers," pabuntong-hininga kong sagot. Ilang ulit ko na kasi itong ginawa pero ganoon parin ang kataposan.
"Pero okay lang, marami pa namang bulaklak!" agad na nagbago ang mood ko dahil sa naisip. Thinking that there are plenty of flowers in our garden to pick. Challi shakes her head to me, hindi gusto ang iniisip ko.
Ibang bulaklak na naman ang pipitasin ko sa susunod!
Nang hapon ding iyon, nagpunta kami ng mall ni Challi kasama si nanay Atari. Bibili kami ngayon ng gamit para sa eskwelahan. Grade 7 na kami sa darating na pasukan, samantalang mag g-grade 10 na si Horace, ang anak ni nanay Atari.
"Uhmm... nay, nakabili na po ba ng gamit si Race?" mahinang tanong ko kay nanay Atari upang di ako marinig ni Challi. Mabuti at busy rin ito sa pagpili ng mga gamit sa eskwelahan.
"Hindi pa, Wren, pero may mga natitirang notebook at ballpen pa naman siya na di nagagamit at di pa nauubos, yon nalang daw ang gagamitin niya," I slowly nod at nanay Atari and feel proud to Horace.
I really adore Horace for being a good son to his mother. Mabait din ito sa mga taong nakapaligid dito, maliban lang sa akin. I don't know why he hates me. Hindi ko naman siya inaaway, hindi ko rin siya sinusungitan pero mainit talaga ang dugo niya sa 'kin.
Sometimes, I get jealous to my cousin whenever they're enjoying talking while he was so snob to me.
"Wren! Look ang ganda diba?" Masayang tanong ni Challi habang hawak-hawak nito ang isang ballpen na nakita ko kanina. Tipid nalang akong ngumiti at tumango sa pinsan ko.
That should be mine. Kaso baka di niya iyon tanggapin.
"Ibibigay ko to kay Race, sa tingin mo, magugustuhan niya kaya to?"
Hindi ko maiwasang di manghinayang sa narinig. Sana pala kinuha ko nalang yon kanina! Kung alam ko lang na ibibigay pala ito ni Challi kay Race. Nanghihinayang ako, pero hindi ko iyon ipinahalata kay Challi.
"Maganda naman, sigurado ako magugustuhan niya 'yan, galing sayo e," mahinang sagot ko, may pait sa boses. Game na game namang tumango si Challi sa akin tsaka ulit ito namili ng mga gamit.
Itinuon ko nalang ang pansin sa mga binders na nasa harapan. Bumuntong hininga muna ako bago kumuha ng mga pocket books na babasahin pag nababagot ako. Pati na rin mga gel pens, colored pens, scented papers at colored papers, incase lang na may gagamitan ako.
Pagkatapos mamili ay dumiritso na kami sa isang fast food chain para doon nalang mananghalian. Matamlay ako buong oras nang pamimili namin. Nawalan tuloy ako nang gana sa isiping may ibibigay si Challi kay Rac, samantalang ako, wala.
"Nay, isang fried chicken with rice, sundae, mango pie at softdrinks sakin," saad ko kay nanay Atari bago ito pumila. Nasabi na rin ni Challi kung ano ang gusto nitong kainin, at hinayaan ko na ito sa kung ano rin ang o-orderin nito para sa sarili.
Ilang minuto pa ay nagsimula na kaming kumain nang maihatid na ang order sa mesa. Bago kami nagpasyang umuwi, dumaan muna ako sa isang pastries shop at bumili ng paborito kong cookies.
----
GorgeousYooo 💜 🍀