Kabanata 09
Expect
Kanina pa akong nangangalay sa kakatayo at kakangiti sa mga bumabati sa amin ni Race. Yes, Race and I won as Mr. and Ms. LDCU of the year.
Sobrang gulat ako nang tawagin kami bilang winners. I already expected that Race has the big chance to win, and so Annavie dahil sa magandang sagot nito. Hindi ko akalaing ako ang mananalo.
"Congrats Luienne! " masayang saad ni Cleo sa akin at agad na yumakap nang mahigpit. Masayang-masaya rin ako dahil 1st placer ito.
"Damn! You look so gorgeous Luienne! Congrats." Malaki ang ngiti ni Astro at yumakap rin sa akin. Isa ito sa mga kaibigan ni Cleo. Agad naman akong nagpasalamat sa mga kaklase kong masayang sumalubong.
I glance at Race's direction and saw him congratulated by his batchmates and friends. Malaki ang ngiti nito habang nakikipagbiroan sa mga kaklase at kaibigan.
"Common, let's take a picture, Luienne," agad kong iniwas ang paningin kay Race nang bumaling ito sa gawi ko. Maliit na tango at ngiti ang sinagot ko kay Astro bago dumikit para makapagpicture.
"Thank you, Luinne!"
"Walang anuman."
"Race! Congrats! I told you, you can do it!" Napabaling ulit ako sa gawi ni Race dahil sa malakas na boses ni Challi.
Agad itong yumakap nang mahigpit at sobrang laki nang ngiti. Napaiwas ako nang tingin nang makitang bumaling ulit sa deriksyon ko si Race. Pilit ang ngiting naigawad ko kay Eulina kasama ang taga SSG na bumati sa akin. Bigla ay nakaramdam ako ng pagod.
"Let's have a celebration! May inihandang party para sa inyo," masayang anunsiyo ni Eulina. "Race! Let's go to Midnight Bar. May parting hinanda doon para sa inyo."
"Uh... kasi Euli, I'm not allowed to go in the bar," agad na alma ko sa sinabi ni Euli.
"Wren, it's just a party for us. Just for now. Tsaka exclusive yon para sa atin. Let's go, guys!"
Sumunod nalang ako kina Eulina patungo sa parking lot. I don't have a choice. Ang mga representatives ang kasama namin, yung ibang batch ay nagpaalam na sa auditorium lang sila dahil may party rin naman doon.
Pagpasok palang namin sa Midnight's ay bumungad agad sa amin ang napakalakas na tugtog na ikinapikit ko. The people are dancing wildly on the dance floor. Ang amoy ng alak ay naghahalo na sa hangin. Napangiwi ako bago pumwesto sa isang sofa na nakareserba sa amin. Hindi pa man ako nakaka-inum ay para na akong lasing dahil nahihilo ako sa mga makukulay na patay-sinding mga ilaw.
This is so new to me. The trans music, the neon lights around, the wild people, the liquors. This is really new to me.
"Cheers for the winners!" sabay na sigawan ng mga kasamahan namin na pinangungunahan ni Eulina. May kanya-kanyang hawak na ang mga ito na iba't ibang kulay ng inumin galing sa mesa. There's blue, red, yellow, orange, green, black and so on. It look tastes good, but I know it's an alcoholic drinks.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, pero agad na nakuha ang pansin ko nang kinuha ni Challi ang isang kulay asul na inumin na nasa wine glass.
"Cha! We are not allowed to drink alcoholic drinks!" agad na saway ko kay Challi pero tinawanan lang ako nito.
"Chill, Wren. Mom knows I drink alcoholic drinks. It's normal in States, it's not new to us," natatawang sagot nito sa akin bago nilagok ang inuming hawak. Napangiwi nalang ako sa ginawa ni Challi. Parang nalalasahan ko rin ang pait ng inumin ng pumikit si Challi at inubos iyon.
Katabi ni Challi si Race na kausap ang isang ka-batch nitong lalaki. Napailing nalang ako dahil sa pinsan. I took a sip on an orange juice in my glass. And I glanced to Challi again who took another shot.
Di ako makapaniwala na umiinum na pala ito. Parang di na ko na ito kilala. At hinahayaan lang ni Tita Charmie na uminum si Challi sa murang edad?
"Wren! Drink this. " Todo iling ang ginawa ko nang iabot sa akin ni Eulina ang isang kulay green na nasa wine glass na hawak nito. Sa unang tingin ko pa lang ng inumin ay parang magduduwal na ako.
"Just this one. Try this, it taste good. Sige na. Isang shot lang. Its Green Ginger Fizz. Masarap to!" pangungumbinse ni Euli sa akin pero panay iling ako at senenyas na ayaw kong uminum.
Kahit ang mga kasamahan namin ay nagche-cheer sa akin.. I really don't want to try it. Even if it looks good, but I know it's alcoholic.
"Oo nga, Wren! Isang shot lang. Try it, it's really good," dagdag rin ni Challi pero inilingan ko agad ito.
"I'm good with the juice, Cha. And mom told me not to drink alcoholic. And it's not good for us too. Bawal pa tayo niyan," I defensively said.
"Just this one. I won't tell Tita about this," pilit ulit nito.
Patuloy sa pagche-cheer ang mga kasamahan namin. Ang iba ay sinasabihan akong wag kj. I felt ashamed dahil parang ako pa yata ang magiging dahilan para mainis sila.
I don't want to be called kj. This one lang. Titikim lang ako. And if it's not really tastes good, di ko uubusin.
"Promise, it tastes good," pangungumbinsi ulit ni Eulina sa akin kaya no choice ako at tinaggap nalang ang baso.
But before Eulina could ever handed it to me, kinuha na iyon ni Race at diritsong ininum. Napanganga nalang ako sa gulat. Habang nagrereklamo ang mga kasamahan namin. Eulina groaned in protests but Race didn't mind them.
"Don't force her to drink. Sir Patricio will get mad if he knows about it. Challi, call your driver already and go home. Uuwi na rin kami." Hindi pa man ako nakakarecover ay tuloy-tuloy na sinabi na iyon ni Race. Umangal pa ang ibang kasamahan namin dahil di pa man daw kami nag-iisang oras tapos uuwi na agad kami.
"What? Race, it's still early. And you can bring me home naman ah!" reklamo ni Challi sabay kapit sa braso ni Race.
"No, Challi. That's enough. Call your driver and we'll go home. "
"Uh... guys... I'll go ahead. Baka hinahanap na ako nina Mommy't daddy---."
"What? Wren, the time is so young. Let's enjoy tonight," putol ni Eulina sa sinasabi ko. "And Cleo can bring you home---."
"No Euli. I'm the one who will bring Wren Luienne home. We'll go ahead."
Di pa nga nag si-sink-in sa akin ang sinabi ni Race ay agad na itong nagpaalam sa mga kaibigan nito. Nagreklamo pa ang iba pero wala na ring nagawa.
"We'll go ahead, Challi." Nagpaalam na rin ako sa pinsan na wala na sa mood bago ito sumakay sa sasakyan. "Let's go"
Naunang naglakad si Race sa akin patungo sa parking lot, dahilan nang pagkunot ng noo ko.
Did he brought the car? Again?
My question was answered when I saw our car parked next to Cleo's car.
Race looked so matured when he maneuvered the car. I can't help myself but to stare at Race for awhile at halos maubusan ako ng hangin dahil sa biglaang paglapit nito sa akin.
I closed my eyes immediately, expecting for Race next move. Naramdaman ko ang kamay nito sa gilid ko. Ilang sandali pa ay may narinig akong click.
"Dapat nagse-seat belt ka pag sumasakay."
Agad napamulat ang mata ko dahil sa narinig. Only to realize that Race don't want to kiss me, instead, inayos nito ang seatbelt ko.
Napapamura nalang ako sa isipan at bahagyang sinulyapan si Race. Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito kaya napapikit nalang ako sa sobrang hiya.
'Why did I expect him to kiss me, anyway? Oh shit!'
-----
GorgeousYooo 🍀