Chapter 10 - Kabanata 10

Kabanata 10

Vacation

It was one hot summer when I decided to take a dip in the sea. Kasalukuyang nagbabakasyon kami sa El Nido, Palawan. Sinusulit ko ang bakasyon, dahil next month ay pasukan na naman. Mag g-grade 12 na kami ni Challi this coming school days.

My mom and dad planned that I'm going to continue my study in States, but of course, I refused it. Ayaw kong doon mag aral, bukod sa malayo, mamimis ko rin si Race.

I don't know why my parents suddenly want me to study abroad. When in fact, ayaw naman ng mga ito dati na malayo ako sa kanila.

This past few days, madalang ko nalang na nakikita o nakakasalamuha si Race. Kung dati ay madalang na, ngayon mas madalang pa. Nag OJT na kasi si Race sa Law firm ng Tito Austin ko. Busy and look so strict and snob as usual, kapag nakikita ko ito.

"Uh... Race, pwedeng magpasama sayo... sa m-mall?" alanganing tanong ko kay Race nang minsan ko itong nakasalubong sa hallway ng bahay namin.

Dalawang linggo ko yata itong di nakita. Kaya naman kinapalan ko na ang mukha ko para magpasama sa mall. Sa totoo lang, plano ko na talagang magtapat ng nararamdaman ko kay Race, pinapalakas ko lang ang loob ko.

I'm praying in my mind na sana pumayag ito. Kahit ngayon lang. I don't want to wait another week or so para rito. I wasted so much time and opportunity already.

"I'm busy with my thesis. At may pinag-aaralan akong kaso for next week." Walang bakas na interesanteng sagot ni Race sa akin.

Nanlumo ako sa sagot ni Race, but I still manage to smile a little, kahit halata namang pilit na iyon.

"A-Ah... g-ganon ba," nanlulumong saad ko pero hindi ko iyon pinahalata. "S-sige pasensya na... Una na ako." Ngumiti pa ako bago tuluyang pumasok sa bahay.

Isang buwan ang bakasyon namin sa El Nido. Hindi sumama si Challi sa amin dahil bumyahe rin ito patungo sa States. Pero bago ito nagbakasyon ay namasyal pa si Challi at Race, na mas ikina-inggit ko.

Hirap na hirap akong isingit ang sarili sa dalawa. Hirap na hirap akong maambonan ng oras ni Race. Kabaliktaran kay Challi, minsan, si Race pa mismo ang nagyayayang lumabas at mamasyal sila ni Challi. It's so hard to fit myself to the person who isn't willing to give a little space for me.

Umahon na ako at naglakad pabalik sa sun lounger na nasa dalampasigan. Medyo kaunti pa lang ang naliligo ngayon, dahil ang ibang mga turista ay mas piniling mag diving o mag snorkeling. Tho, medyo mainit pa ang sikat ng araw dahil alas tres pa lang naman ng hapon, mas pinili ko pa ring maligo.

I'm planning to have a sun bathing and spend my time in the beautiful view in front of me. The sparkling water in front of me was so tempting. Lalo na at di crowded ang dagat kaya mas masarap sa mata ang tanawin.

My mom and dad is dating, kaya hindi ko na ang mga ito inistorbo. Good thing for them na laging busy sa trabaho. Tapos na rin kaming namasyal nangmagkasama, kaya oras naman ng mga magulang ko iyon.

Dinner na nang umuwi ang mga magulang ko. My mom called me when they arrived on their own suits, for dinner sa restaurant sa baba lang ng hotel na tinutuloyan namin.

"Wren, muuna na kaming uuwi ng daddy mo tomorrow, may emergency sa company. Ipapasundo kana lang namin ng daddy mo dito." Agad kong inilingan si Mommy.

"No need, Mom. I can go home after a week. And you don't need to worry about me. I'm old enough and can handle myself well." Nakangiting saad ko kay Mommy na agad bumaling kay Daddy. Dad shrugged at my mom, kaya mas lumapad ang ngiti ko.

"Just take care of yourself always, hija. And call me time to time. Don't make me worried, okay?" I nodded at Mommy in assurance.

Pagkatapos ng dinner ay agad na kaming bumalik sa kanya-kanyang suits at nagpahinga mula sa mahabang araw. Pagod at nakakarelax ang ambiance ng kwarto kaya madali akong hinila ng antok.

----

GorgeousYooo 🍀