Chapter 35 - Wakas

Wakas

Last Petal

"What the hell is happening here, Mama?" I fumed after seeing Luienne hurriedly ran down from her father's office and drove her car away. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala lalo na nang makita kong sabay na lumabas si Tito Patricio at Mama, na parang may malaking problemang nangyari.

I was just 12 years old when I know I feel something towards her. I was ashamed to myself that I decided to keep distant to her. Hindi ko matanggap sa sarili ko na nagkagusto ako sa kanya na sobrang bata pa. I always find her cute when I seen her plucking petals while murmuring some weird words.

"I like you, Race." Matalim ang tinging ibinato ko kay Challi dahil sa sinabi nito. I knew it from the very first time, but our feelings are not mutual.

"I like someone else, Cha," diritsahan kong saad, walang paki-alam kung ano ang maramdaman nito.

"I know... you like my cousin, don't you?" Nakatiim lang ang bagang ko at hindi na sumagot pa.

Everytime I saw her happy with that Cleo, I get furious. I get jealous, lalo na at kumakalat sa paaralan na magkarelasyon ang dalawa. It boiled my anger more.

She's too young for that! I can hear my inner self mocking my words.

"Wag mo nang subuking magkagusto kay Wren Luienne, anak. Magkaiba kayo ng mundong ginagalawan. It's forbidden to fall in love to a Montaños."

Isang araw iyon nang makita ni Mama kung paano ko tangihan ang pagyaya ni Challi na manood ng sine. Ayaw ko sanang umalis at balak na kausapin na si Wren, but my mother's words took back all my courage. Alam ko iyon, at naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Mama. Ano nga ba naman kami kompara sa mga Montaños? I don't even have a father to support us. Not that we needed him.

Halos magusot ko na ang hawak kong cup ng popcorn nang makita siyang kakalabas lang ng sinehan galing sa panunuod ng isang erotic movie, kasama si Cleo.

She's a minor! Hindi sila pweding manuod ng ganyan!

Ang sarap isigaw ng mga katagang iyon pero ano nga naman ang karapatan ko.

Parang mas lumayo pa ang pagitan namin mula nang mamatay ang mommy ni Wren. At mas lalong naramdaman ko iyon nang nagpasya silang umalis ng bansa.

"Mananatili akong sayo, kahit walang tayo."

Mga salitang gustong-gusto kong paulit-ulit na marinig mula sa kanya. But it seems like she forgot what she said bago sila umalis. Umasa ako, who wouldn't be? Alam kong may gusto siya sa akin pero hindi ako kailanman naging kampante doon. She's young at sobrang laki nang chance na magkakagusto ito sa iba, na hindi iyon malabong mangyari.

"It's Wren's 18th birthday, ang sarap sanang pumunta doon kung hindi lang ako busy."

Nanlumo ako sa sinabi ni Challi. Naawa ako sa sarili ko dahil kahit gustuhin ko mang puntahan siya hindi ko magawa. I don't have the means yet para doon. I'm still striving hard para may maipagmalaki naman ako kahit paano. I felt pity for myself. Pero ni minsan, hindi ako kailanman nainggit sa mga taong may kaya sa buhay, dahil alam ko balang araw magagawa ko rin ang mga bagay na gusto ko, gamit ang sariling pera.

"I heard naka-uwi na sina Tito Patricio," agad na salubong ni Challi pagpasok ko palang sa La Merande, nakaabang pala ito sa akin. I just simply nod at her at patuloy na naglakad papasok at sumunod naman ito.

Challi is always here, dahil na rin sa dito nagtatrabaho si Benjie na fiancée nito.

"So... nagkita na kayo ni Wren?"

Nababakas sa boses ni Challi ang mga kabaliwang sasabihin sa oras na may sasabihin ako sa kanyang ikakatuwa niya.

"Yeah," I simply said, pilit na hindi pinapahalata ang inis na nararamdaman. Pero sa paraan pa lang nang pagtawa nito, alam kong may alam na ito tungkol sa pinsan.

"She's with Cleo, her long time boyfriend," nang-aasar na saad at bahagya pang tumawa. I hissed at agad nang pumasok sa opisina at sumunod na naman ito.

Gusto kong ulitin lahat nang sinabi niya sa akin bago sila umalis. Ang mga salitang pinanghahawakan ko hanggang ngayon. Pero magmumukha lang akong katawa-tawa kung gagawin ko iyon. I trusted her words, hindi ko inalintana na bata pa siya at marahil ay dala lang iyon ng mga problemang hinaharap noon. But seeing how happy she is now with Cleo, I realized that she was just infatuated. It's really not me, it's Cleo's.

"Don't you have a plan on pursuing my cousin?" pangungulit na naman ni Challi sa akin.

Dalawang buwan na mula nang magpakamatay si Cleo. And I witnessed how Luienne get broken that time. I maybe don't understand how it pained her, but I was also dealing the pain I'm feeling because she's in pain. I saw how she mourned, and seeing her like that was the least thing I wanted to see in her.

"Of course... I will, but I'm not sure when," I murmured.

"She's in pain and I don't want to pressure her," dagdag ko. Challi sighed at hindi na rin naman komontra pa.

"I was just visiting Cleo and his family, Dad," matamlay na sagot nito.

Parang hindi man lang nito naalala na kaarawan niya ang araw na iyon.

Halos kapusin ako nang hininga sa takot nang makita siyang nasa ilalim ng pool, hindi gumagalaw. Parang lahat ng mga alala sa nakaraan ay isa-isang bumalik. Ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan na simula anim na taon na siya, dahil sa muntikan na niyang pagkalunod dahil sa pagyayaya kong maligo.

It scares me. Hindi para sa galit ng mga magulang niya sa akin, kundi para sa sarili ko. Takot akong mawala siya, parang hindi ko kakayanin. Minsan na akong natrauma, at ang makita siya sa lagay na iyon ay parang mas dumoble ang trauma ko.

"She already know how to swim, Race. She's a varsity swimmer in swimming way back in college."

Parang piniga ang puso ko sa nalaman. Ganoon na karami ang natutunan niya na wala akong alam. Sobrang layo niya na. Kung dati nahihirapan na akong abutin siya, ngayon, parang mas wala na akong karapatan ni lumapit man lang sa kanya.

I was damn insecure to her suitors. Masakit makita na may iba pang kaya siyang pasayahin at mahalin. Kaya siyang ipagluto na ikakatuwa niya. Kaya siyang pabilibin.

Tumiim ang bagang ko nang makita ang pagpasok niya sa kanilang garahe at diri-diritsong lumabas ng sasakyan nito, di man lang nag-abalang ayusin ang pagkakaparada ng sasakyan. Mag-aalas nueve na ng gabi iyon. Mugto ang mga mata na halatang galing iyon sa matinding pag-iyak. Agad sumalubong kay Wren ang isang kasambahay, diritsong binigay ang susi.

"Call Daddy, nanay Atari and Horace Kale in my father's office, now."

Madiing utos nito na ni minsan ay hindi ko pa nakikita sa kanya. Umalis lang ako kanina para makapagbihis sa bahay at pagbalik ko 'yon na ang naabutan ko, ang umalis ito at pinaharurot ang sasakyan.

Hindi ko na hinintay pa na sabihan ako ng katulong at agad nang sumunod sa kanya. Hindi man lang ako pinansin. Dumiritso lang itong umupo sa sofa kaharap ng mesa ng ama nito. She looks so messed.

Sabay pumasok si Mama at Tito Patricio sa opisina. I can feel the tension inside this office at parang ako lang talaga ang walang alam sa nangyayari.

"Wren..."

"Start talking while I am still able to listen. Dahil hindi na ulit ako maglalaan ng oras para pakinggan ang mga sasabihin niyo."

Puno ng lamig na saad nito sa pagputol nang sasabihin ng ama. Ngayon ko lang nakitang ganito siya, at sobrang nakakapagtaka iyon. She was patience and all to her father, and seeing her now was beyond my imagination. Bumuntong hininga si Tito Patricio at tumingin kay mama. Isa pa ito sa ipinagtataka ko.

"Race..." tawag ni Tito Patricio sa akin bago bumuntong hininga ulit. "I am your... father."

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagsalita na ulit ito.

"Atari and I are best friends way back then, and eventually fall for each other... in our college days, our relationship becames stronger but because I need to study for our company. I chose to study abroad... I left Atari her. And that time, I didn't know that she is pregnant... we lost connection because of the hectic schedule, until I met Wren's mother."

Parang alam ko na kung ano ang sunod na sasabihin nito. Pero kahit ganoon, hindi ko parin matanggap nang tuluyan ko na ngang marinig iyon.

"Wren Luienne is your sister..."

I was betrayed with the people I trusted the most. Kaya ba sobrang lamig nang trato ni Luinne sa akin dahil sa nalaman niya? Bakit mas masakit pang marinig na magkapatid kami, kesa sa malaman na kasa-kasama ko lang pala ang ama ko na halos buong buhay kong pinalangin na makasama ko.

"I'm sorry..."

Hindi ako nakapagsalita. Ayaw rumihistro ng mga nalaman ko sa utak ko. Ang pagak na tawa ni Luinne ang nangibabaw sa buong silid. Puno iyon nang sarkasmo dahil sa paghingi nang tawad ng ama nito.

"And now you're sorry huh," she sarcastically said, malayong-malayo sa ugali at paraan nang pagsasalita nito. "For what anyway? For leaving the woman you love first, or for meeting my mother? Which one?" patuloy nito.

"For taking this long to tell you the truth."

Hindi ko man lang makuhang maging emosyonal dahil sa mga nalaman. Tanging ang nararamdaman at pagiging malamig lang ni Luinne ang pinagtuonan ko nang pansin.

"I want to forget all the happy memories. I want to forget all the moment we shared... I want to forget all the things related to you... I badly want to forget you. Because we ain't born to be happy. We're bound to hurt each other."

Iyon ang katotohanang hindi ko matanggap! I fell in love with my... half sister.

"Our feelings is a sin. Falling for each other is beyond forbidden."

Bagay na kailang kong tanggapin, kailangan naming tanggapin kahit na sobrang hirap.

"Kung kailan hulog na hulog ako sayo, at kaya ko nang ipaglaban ka, tsaka naman naging ganito ka komplekado ang sitwasyon natin," pigil ang pagbadya ng luha ko dahil sa mga narealize ko.

Is this the reason why mama told me that falling in love with Montaños is forbidden? Aiming for her love is a sin.

"Kaya pala kahit ubusin ko yata ang lahat ng bulaklak na makikita ko, it will never end the way I wanted to. It's always ended at you won't love me.. ...it's weird that even the flowers last petal against for the both of us," Luienne mumbled with her shivering voice.

The pain in her voice was very visible, like how's mine too. Marinig lang ang nasasaktan niyang boses parang sinasaksak ako nang paulit-ulit. Walang paglagyan ang sakit na pareho naming nararamdaman.

"Even the last petal against us," mahinang usal nito tsaka hinayaan ang sariling bumuhos ang luha.

Luinne stand up from the bench where we sat down at dahan-dahang naglakad palayo, leaving the flower with the only last petal's left.

I can't believe that my love for her will end just like this. And it's because she is my sister. Fighting for her is like fighting against all odds. I will never win. Our love will never win.

-----

𝑻𝑯𝑬 𝑬𝑵𝑫.