Chapter 7 - Kabanata 07

Kabanata 07

Change

"Hooh! Nakakapagod! But I enjoyed it!" masayang saad ko kay Cleo habang naglalakad kami palabas ng auditorium.

Kakatapos lang ng practice.

"Tiring but its fulfilling." I nodded eagerly to Cleo with a smile plastered on my lips. "So pa'no, wala pang driver mo? Hahatid na kita," Cleo offered me for a ride na ipinagpasalamat ko. Pagod na talaga ang katawan ko para hintayin pa ang driver namin na dumating.

"Oh si---"

"Wren Luienne!" Agad kaming napalingon ni Cleo dahil sa seryosong pagtawag sa akin.

Race's standing meters away from us, with a serious face and clenching jaw. I swallowed the lamp on my throat because of the sudden attack of nervousness to me.

What the hell Wren Luienne! Tinawag ka lang nenerbyos kana!

"Pinadala sa akin ng Daddy mo ang sasakyan to drive you home. Let's go."

Pareho kaming napamaang ni Cleo nang talikuran kami ni Race. Nauna itong naglakad kaya sumunod nalang kaming dalawa. Agad naman akong nagpaalam kay Cleo pagdating namin sa parking lot.

"Thank you, Cle. Next time nalang siguro. Ingat sa pag-uwi," sabay kaway ko bago pumasok sa SUV na naghihintay.

Pagtalikod ko ay napaiwas nalang ako nang tingin dahil sa matalim na titig ni Horace sa akin. Nakatayo ito sa gilid ng sasakyan namin sa may passenger seat. I slowly walk towards out car, feeling so nervous and uneasy.

"Get in." Mariing utos nito sa akin at umikot sa driver's seat without opening the car's door for me!

Silly me. Expecting too much form him, again. I blew a loud breathe again, to avoid the tears that slowly formed in my eye's corners. Tsaka pa lang ako pumasok sa loob.

Habang nasa biyahe, di ko binabalingan si Race. Nagtatampo ako dahil sa inasta nito sa akin. Never in my wildest dreams na mararanasan ko iyon. He's my friend... before.

Na stuck kami sa traffic when the rain starts to fall. Ang malungkot na nararamdaman ko ay mas lalong nadagdagan lang dahil sa pagbagsak ng ulan.

Nilibang ko nalang ang sarili sa pagguhit ng kung ano-ano sa bintana. I draw a heart shape in the car's window using my pointed finger. Nililibang ko rin ang sarili sa pagbibilang nang patak ng ulan na lumalandas sa salamin ng bintana. Sumasabay rin ako sa mahinang tugtug sa loob ng sasakyan na tanging iyon lamang ang nag-iingay.

The sound was so relaxing yet it gives me so much pain.

🎶 Ang lahat ay nagbabago

Ganon din ang puso ko

'Di alam kung paano aamin

Kung dapat bang sabihin 'to🎶

Ang pagod na naramdaman ko kani-kanina lang ay unti-unting nawala. It was replaced by the pain I'm feeling right now. I can't help myself but to hummed the sound of the music and close my eyes.

Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa braso ko. I open my eyes and realized na nasa garahe na pala kami. At ang nakakunot na noo ni Race ang tuluyang gumising sa diwa kong inaantok pa dahil sa sobrang pagod. Agad akong umayos sa pagkaka-upo at lumabas ng sasakyan.

"Thanks," mahinang usal ko pero agad na rin namang umalis si Race.

'Why he always leaving me, anyway?'

Tuluyan nang pumasok si Race sa maid's quarter kung saan ito tumutuloy. Napabuntong hininga nalang ako bago naglakad papasok sa bahay.

Agad akong sinalubong ni nanay Atari at kinuha ang mga gamit ko. I saw my mom in the living room kaya humalik muna ako rito bago nagpaalam na magbibihis lang saglit.

Naabutan kong nilalagay ni nanay Atari ang mga gamit ko sa study table sa aking kwarto.

"Ihahanda ko lang ang ililigo Wren ha" paalam ni nanay Atari pero agad ko itong inilingan.

"Ako na po, 'nay. I can do it naman na po. Thank you. Pahinga na po kayo," nakangiting ani ko.

Tiningnan ako ni nanay Atari ng may pagtataka. Who wouldn't be? This is the first time I offered to do it on by myself.

"Seryoso ka dyan, Wren Luinne?" nagtatakang tanong ni nanay Atari kaya bahagya akong natawa rito.

"Yes, 'nay. I can do it. Madali lang naman 'yon," natatawang sagot ko kaya tinanguhan nalang ako ni nanay Atari.

"Okay, tawagin mo lang ako kung di mo kaya ah!" I smile languidly and nodded.

Pagkalabas ni nanay Atari sa kwarto ay agad na akong dumiritso sa banyo para makaligo.

Bakit nga ba may yaya pa ako? When in fact, I knows how to do things around. I can even cook foods. I do house chores without my parents consent. Alam ko kasing ayaw ni mommy na nakikialam ako sa kusina dahil baka daw mapaso o masugatan ako. But if my parents are at work, nagpapaturo ako sa mga katulong na kahit halos atakihin na ang mga ito sa nerbyos na baka matanggal sila sa trabaho. Though, I always made sure that they won't.

I should learn as of now, because what I have now isn't mine forever. Everything change, and I couldn't change that its the truth.

-----

GorgeousYooo 🍀