Chereads / Imprisoned Heart / Chapter 5 - Chapter 3

Chapter 5 - Chapter 3

Yung places na mababanggit, hindi ko pa napuntahan ha? So sorry kung may mali man sa info. Sa google lang yan e. Mwaps!

~♡

CHAPTER THREE

"Mireya? Are you okay?" Alalang tanong ni mama ng makita akong nakahawak sa aking dibdib.

Kanina ko pa nararamdaman ang paghinto ng puso ko at biglang babalik ngunit di ko nako. Nagiging maayos din naman at ayokong pagalalahin si mama.

Tumango ako at pinilit ang sariling ituon ang sarili sa librong binabasa. "Mireya, sumasakit ba ang dibdib mo? " alalang tanong niya at lumapit na sa akin. Napilitan akong tumango.

"Bakit hindi mo agad sinabi? Batang ito! Manang!" Agad kong hinawakan ang kamay niya para sabihing ayos lang ako. Nakikita ko kasing nagpapanic na siya.

"Alice? Bakit ka sumisigaw?" Gulat na tanong ni manang iseng bago mapatingin sa akin. Ngumiti ako ng pilit.

"Nasaan si Gab?! Pupunta tayong ospital!" Mariin akong napapikit sa sinabi ni mama. Babalik nanaman ako sa lugar na ayokong napupuntahan.

"O-oh sige!" Naguguluhan man ay nagmadali sa paglakad si manang. Muli akong binalingan ni mama.

"Bakit hindi mo agad sinabi? Pano kung bigla ka na lamang himatayin diyan?" Nanenermong sabi niya. Umalis siya sa harapan ko at tinahak ang daan patungong kusina. Naoabuntong hininga ako.

Lord, sana ay mawala na ito.

"Matagal mo na ba itong nararamdaman?" Tanong sa akin ng doktor.

Napatingin ako kay mama na inaantay din ang sagot ko. Marahan akong tumango.

"Kung ganon ay bakit hindi ka nagsabi? Mireya, hija, delikado ang sakit mo. Puso ang pinaguusapan dito. " nadidismayang sabi ng doktor sa akin na halos maging ina ko na rin. Siya ang doktor ko mula ng ipanganak ako.

"Sasabihin ko naman na po dapat kaya lang ay nawala na po nitong nakaraang linggo kaya akala ko po ay ayos na."

Nakita kong napahilot si mama sa sintido. Senyales na makukurot ako sa  singit mamaya.

"Alam nating may solusyon pa para gumaling ka. Ang heart transplant. Wag kang mawawalan ng pagasa." Nakikiusap ang tinig ng doktor.

Pilit akong tumango. Paanong hindi ako mawawalan ng pag-asa? Sa bawat araw ay nararamdaman ko ang pag-iiba sa akin. Ang daming araw na lumipas ngunit walang donor.

Kung maaari nga lang na gumaling nalang ako bigla.

Ilang linggo na ang nakalipas mula ng magpunta kami sa doktor. Minsan ay nakatanggap kami ng tawag na mayroon na raw donor ang naghihintay. Masaya sa pakiramdam dahil alam kong malaki ang tyansang mabuhay ako.

Madalas ay laging narito si mama sa bahay dahil natatakot na maulit ang paghihirap ko sa paghinga at hindi ko siya agad na tawagan.

Pero mabuti naman ang lagay ko. Nakakalabas ako ngunit madalas na kasama si ate Mira at kuya Gab. Ayaw nila akong hayaan dahil natatakot silang may mangyari sa aking masama.

Kung bakit ako lumalabas? Nagkikita kami ni Breaker. Hindi ko masabing ayos na siya pero sa tuwing magkasama naman kami ay wala akong makitang senyales na nagpapanggap lamang siya na masaya.

Hindi ko maipaliwanag kung paanong nagagawa niyang pabilisin ang tibok ng puso ko sa simpleng pagngiti niya lang.

Nangalumbaba nalang ako ng mawalan na ng gana sa pagsusulat ng mga kung ano anong ginagaya ko sa internet. Nagsasawa na rin ako.

Napatingin ako sa cellphone ko habang nakanguso, kung tawagan ko kaya muli si breaker upang yayain lumabas?

Napailing ako. Baka sabihin naman niya ay masyado ko siyang namimiss at patay na patay ako sa kanya.

Bakit, hindi ba?

Napabuga ako ng hangin. Totoo naman kasi. Napagpasyahan kong lumabas nalang at tumambay sa gilid ng maliit naming pool.

Nilaro ko ang tubig gamit ang mga paa. Malamig ang tubig. Nakarinig ako ng yapak mula sa likuran at doon ay nakita ko si ate mira na may dalang baso ng juice at sandwich.

"Kuhanin mo nalang dito kapag nagutom ka, may gagawin pa ako sa loob." Paalala niya bago ako tinalikuran. Ibinalik ko ang tingin sa pool. Napangiti ako ng may maisip. Itimigil ko ang paglalaro sa tubig at tumayo na.

May kailangan akong puntahan

"Nagugutom na kaya kayo? Gusto niyo ba ng food?" Kausap ko sa mga isda na malaya ngayong nakakalangoy. Ngumiwi ako, para namang sasagot sila sa akin.

"Yes mommy! food!" Maliit ang boses na sagot ko sa sarili ko. Napabungisngis ako at pinira-piraso ang sandwich na ginawa para sa akin ni ate Mira kanina.

Ipapakain ko na sana sa kanila ang mga butil butil nang tinapay pero napatigil ako at napatingin sa lamesang pinagpapatungan nito kanina.

Wala itong takip kanina. Nakagat ko ang labi. Paniguradong dinapuan ito ng langaw at kung ano pang insekto at dumi. Baka malason ang mga anak ko.

Naalala kong may binili nga rin pala akong pagkain ng isda, pwede naman iyon kaya lang ay gusto ko silang patikimin ng sandwich na paborito ko.

"Ayan, mamaya ko nalang kayo gagawan ng sandwich hehe." Kausap ko sa mga isda at naghagis ng maraming food nila.

Gusto ko tuloy maligo rin sa pool para makasama sila. "Pwede naman." Napapatango pang sabi ko at nakangiting lumakad papasok sa loob ng bahay.

"Ate miraaa!" Maligalig na sigaw ko bago umakyat, "Pahanda po ako ng tatlong sandwiches! Thank you po!" Sabi ko ng dumungaw siya mula sa kusina. Tumango siya kaya naman umakyat na ako at pumasok sa kwarto.

Nagbihis ako ng cycling shorts at sando at nakangiti akong bumaba habang nagtatali ng buhok.

"Ate Mira?" Tawag ko habang papasok ng kusina. Nakita ko siyang nagtitimpla ulit ng juice.

Nilingon niya ako. "Ayan na yung sandwich mo. Masyado ka naman yatang nagutom? Saan ba kayo nagpunta ni Kuya Gab?" Ipinatong niya sa tray ang baso ng juice at nag-antay ng sagot ko.

"Bumili ako ng mga isda sa bayan. Gusto kong masubukan mag-alaga ng isda." Nakangiting sagot ko. Tinanguan niya ako.

"Kung ganon ay bumili ka rin ng aquarium?" Kumunot ang noo ko. Bakit naman akong bibili pa ng aquarium kung may pool naman kami?

"Ah. Hindi. Sige, mauna na ako ron sa labas. Pwede kang sumunod sa akin kung gustuhin mo ring maligo." Tumalikod na ako bitbit ang meryendang ipinagawa ko.

Nang makalabas ako sa pool area ay maingat kong ibinaba ang food tray na hawak ko sa lamesa bago lumusong sa tubig. Napahalakhak ako ng maramdaman ko sa aking mga paa ang paglangoy ng mga isda. Sinubukan ko silang hawakan ngunit agad silang nakalalangoy palayo. Napanguso ako.

"Ayaw niyo ba sa akin mga anak?" Umupo nalang ako hagdan at pinanood silang lumangoy langoy sa pool. Hindi naman ako maaaring maglangoy ng matagal, tiyak na mahihirapan nanaman ako sa paghinga.

"M-ma'am? Bakit nariyan ang mga isdang binili mo kanina?" Napaigtad ako ng may magsalita sa likuran ko.

Nagugulat akong tinignan si kuya Gab. "Bakit naman po bigla kayong sumusulpot? Nakakagulat." Agad naman siyang humingi ng paumanhin at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagngiwi niya habang tinitignan ang mga anak kong masayang lumalangoy sa tubig.

"Hindi kaya mamatay yan?" Nakangiwi paring sabi niya.

"Nasa tubig naman sila? Bakit sila mamamatay?" Taka kong tanong.

"Baka malason? Dibale. Bahala ka na riyan." Kumakamot sa batok na sabi niya bago ako tinalikuran. Sinundan ko siya ng tingin. Ano kayang problema non?

Nagkibit balikat ako at ibinalik ang tingin sa pool. Ginalaw-galaw ko ang dalawang paa ko na parang lumalangoy.

Kinuha ko ang sandwich sa lamesa at kumagat. Kumakain kaya ng peanut butter na may mayo ang mga isda?

Pumiraso ako at inihagis sa gawi nila. Nag-unahan naman sila sa pagkain niyon. Napabungisngis ako.

Ang cu-cute niyo!

Naubos ko---namin pala ang tatlong sandwich na gawa ni Ate Mira. Ang sarap kasi hihi. Kinuhanan ko ng litrato ang mga anak kong isda at nangingiti itong tinitigan. Ang ganda nila, mana sakin.

"Mireya hija, kakain na. Nariyan na ang mama mo." Narinig kong tawag ni Manang iseng.

Sinulyapan ko ang mga isda at kumaway sa kanila. "Babalik ako mamaya!" Masayang paalam ko at nagbalabal ng tuwalya bago pumasok sa loob.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Masamang pinaghihintay ang pagkain lalo na kung gutom ako.

Nang makababa ako ay wala pa rin si mama roon. Akala ko ba ay narito na siya? Magsasalita na sana ako pero narinig ko na ang boses ni mama.

Lumapit ako sakanya at humalik sa pisngi. "Aalis po ulit kayo mamaya?" Malambing na tanong ko. Taghali pa lang at talagang umuuwi siya rito para makasabay ako, kaming kumain ng tanghalian maliban na lamang kung may importanteng gagawin siya sa opisina.

Umiling siya. "Tinapos ko ang mga gagawin ko para masamahan kita ng matagal dito sa bahay. Isang linggo tayong magbbonding na mag-ina," tumingin siya kila ate Mira. "kasama sila." Nakangiti akong tumango at pumunta na kame sa hapag kainan.

Sabay sabay kaming kumain at panay ang tanungan nina Manang iseng at mama sa mga bagay na, hindi ko rin naman gustong alamin kung ano. Ang inaalala ko ay ang mga isda ko, baka kasi naiinitan sila ron. Medyo bilad kasi sa pool area.

"One week akong walang trabaho, wala ba kayong masasuggest na maaari nating puntahan?" Naririnig ko ang excitement ni mama sa boses niya. Napangiti rin tuloy ako. Pwede ko kayang isama ang mga anak ko?

"May alam akong lugar alice. Nasisigurado kong makabubuti kay Mireya ang lugar na yon. Presko ang hangin at magagandang tanawin." Masayang sabi ni Manang iseng.

"Pag-uusapan natin manang." Nakangiting sabi ni mama. Kinalabit ko siya at ngumuso.

"Pwede ko po bang isama ang mga isda ko?" Kumunot ang noo niya.

"Oo nga pala, nabanggit sa akin ni Gab na may isda ka ng alaga. Bakit naman isasama mo pa sila?"

"Syempre ma, maiiwan sila dito. Mamimiss ko sila at mamimiss nila ako. Magugutom sila dahil walang magpapakain sa kanila. Hindi naman sila mangungulit ma. Promise." Nakikiusap ang tinig na sabi ko. Tumango nalang siya.

"Patingin ako mamaya ng mga alaga mo ha?" Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain.

"Sana po ma'am alice ay wag sumakit ang ulo mo." Nakangiwing sabi naman ni Kuya Gab na tumingin pa kay ate Mira. Naguguluhan man ay hindi na ako nagtanong. Naeexcite akong ipakilala kay mama ang mga apo niya!

Kung ipakilala ko rin kaya sila kay Breaker?

"Oo nga, para may papa na sila." Bumungisngis ako sa naisip. Napansin ko naman ang paglipat sa akin ng tingin ng mga kasama ko.

"Sinong kausap mo? Anong papa?" Takang tanong ni mama.

Nakamot ko ang pisngi. Napalakas yata ang pagkakasabi ko.

"A-ah naisip ko rin pong ipakita kay Breaker ang mga isda ko." Nahihiyang sabi ko at yumuko.  Narinig ko ang mahina nalang mga tawa.

"Talagang malapit na kayo isa't isa?" Nahihimigan ko ang panunukso kay mama kaya pinilit kong pigilan ang kilig na nararamdaman. Naalala ko namaman ang ngiti niya. Tsk.

"Nakatutuwa naman at mayroon ng kaibigan ang alaga ko." Natutuwa talagang sabi ni manang iseng. Tumango nalang ako at napapahiyang nagpilit ng tawa. Mahaba habang tuksuhan nanaman ito. Bakit ba kasi laging sumisingit sa isip ko ang lalaking yon.

"Dali na ma!" Hatak hatak ko na ngayon si mama papunta sa pool kung saan naghihintay na ang mga apo niya. Paniguradong matutuwa siya dahil marami sila at magandang tignan habang lumalangoy.

"Mireya baby, madulas mag-ingat ka." Natatawang sabi ni mama. Di ko siya pinansin.

Nasa gilid na kami ng pool at masaya akong itinuro sa kanya ang mga anak kong palangoy langoy, mukhang hindi naman sila naiinitan.

"Mama tignan mo oh, ang gaganda nila!" Masayang sabi ko at napapalakpak pa. Tinignan ko si mama na napapalunok.

"Mireya... Bakit sila nariyan sa pool natin?" Nakangiwing tanong niya.

"Dyan ko sila nilagay ma. Para kunwari nasa dagat sila."

"Hindi ba't dapat ay nasa aquarium ang mga yan?" Nakangiwi na talagang tanong niya.

"Pwede naman sila dyan ma. Saka nilagyan ko naman ng asin yang tubig sa pool." Katwiran ko.

Hinilot niya ang sintido na para bang sumasakit yon kaya agad ko siyang inalalayan paupo sa gilid. "Ma okay lang po kayo?" Alalang tanong ko. Tumango siya at muling tinignan ang pool.

"Sana ay sinabi mong gusto mong mag-alaga ng mga isda... Iilang piraso lang iyan at kasyang kasya sa aquarium." Humaba ang nguso ko.

"Ayaw niyo po ba silang nandyan?" Malungkot na tanong ko.

"Hindi naman sa ayaw... Pero hindi ko pinangarap na magkaroon ng fish pond dito sa bahay natin. Kung gusto mo ay magpagawa nalang tayo ng maliit na pond sa gilid, basta't wag sila riyan. Hindi magandang tignan anak." Sandali akong nag-isip bago tumango.

"Pero ma, isasama ko po sila ah?" Walang nagawa si mama kundi tumango kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Pwede mong isama ang crush mo para magkaroon kayo ng oras sa isa't isa." Napatingin ako kay mama na mukha namang nakarecover na sa paglalagay ko ng isda sa pool. Pero anong sabi niya?

Narito kami sa sala. "Family outing to ma." Nakangusong sabi ko. Atsaka bakit naman siya sasama kung sakali? Baka mahiya lang yon.

Tumawa si mama. "Tanggap ko naman siya sa Pamilya natin. My future son-in-law." Namula ang pisngi ko.

"Ma naman. Ni hindi nga ako gusto non." Mahal na mahal non si Maureen. Gusto ko sanang idugtong pero wag nalang.

"Crush lang naman, hindi ba?" Patuloy na panunukso ni mama. "Suportado kita sa lahat ng bagay na makapagpapasaya sayo anak alam mo yan. Kung gugustuhin niyang sumama ay mabuti para naman makilala ko na rin siya. Ang lalaking nagpapatibok ng puso ng maganda kong anak." Hindi na ako umimik dahil talagang kinikilig na ako sa mga sinasabi ni mama. Nakakainis naman.

Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko at patuloy na nag-dadalawang isip kung tatawagan ko ba si breaker.

Bahala na nga.

Kinuha ko ang cellphone at hinanap sa contacts ang pangalan niya. Pikit mata ko yong pinindot at naghintay na sagutin niya yon.

"Hello?" Nakagat ko ang ibabang labi ng sumagot na siya.

"H-hello? U-uhm..." Nakamot ko ang pisngi, di malaman ang sasabihin.

"Nani? Napatawag ka? --- hey maureen wait!--- sorry 'bout that. So bakit napatawag ka?" Natigilan ako sa narinig. Maureen?

Magkasama pala sila.. Sila na ba ulit?

"Mukhang busy ka ah? Maureen pala ha!" Mapanuksong sabi ko na pilit pinasasaya ang boses.

Nasasaktan ako pero ayokong ipaalam sayo.

"Nanikid, HAHAHAHA! We're okay now. We're friends. So why did you call? Miss me?" Bahagya akong natawa ng marinig ang saya sa boses niya at sa paraan ng pagtawa niya.

"Medyo. U-uh gusto ko lang sana ita---"

"Hey maureen wait! May kausap ak-- Sorry Nani, mamaya nalang bye." Naputol ang sinasabi ko ng sumingit siya. Naputol din ang tawag. Natitigan ko nalang ang cellphone na hawak ko at napabuntong hininga.

Ngayong araw nga ang alis namin papunta sa lugar na hindi ko alam. Isang linggo kaming mawawala at siguradong mamimiss ko si Breaker. Sabi pa naman niya kahapon sa text ay magkita kami sa isang araw.

"Anak? Are you ready? Kumpleto na ba ang mga dadalhin mo?" Tanong ni mama ng makitang pababa na ako bitbit ang isang bag na lalagyan ng cam, phone at wallet ko.

Ngumiti ako at tumango. "Opo, wala na po akong nakalimutan."

Isinara niya ang bag na tinitignan kanina at binilang ang lahat ng bag na dala namin. Dalawang maliit na maleta ang sa akin at ang dalawa ay sa kanya. Ang iba ay kila Ate Mira siguro.

Nang masiguro nilang wala ng gamit ang naiwan ay nagtulong silang ilagay ang mga gamit sa likod ng van. Tutulong sana ako kahit sa maliliit at magagaan lang pero syempre, hindi sila pumayag.

"Handa na ba kayo sa mahabang byahe natin?" Masaya ang boses na tanong sa amin ni kuya Gab na siyang driver namin.

Sabay namang sumagot si mama at manang iseng ng oo kaya nagtawanan kami. Para silang mga batang bibigyan ng kendi.

"Hindi kaya mawalan ng oxygen yan?" Tanong ni Ate Mira na nakatingin sa hawak kong makapal na plastik... Na may mga isda.

Umiling ako. "Hindi naman siguro. Hindi naman aabutin ng sampung oras ang byahe natin." Tumango lang siya.

"Manang, saan po ba talaga tayo pupunta?" Pagtatanong ko makalipas ang dalawang oras naming byahe. Huminto lang ng may isang oras siguro para kumain sa gilid ng daan. Nagluto pala sila mama ng baon namin para raw hindi na kami humanap pa ng makakainan.

Nilingon ako ni manang. " Sa Gen. Tinio. Nasisiguro kong magugustuhan mo ang lugar na yon dahil mahilig kang magbabad sa tubig." Nakangiting sabi niya. General Tinio?

"Mas naeexcite ako manang!" Masayang sabi ni mama.

Tumawa si manang iseng at ganon na rin kuya gab. "Halata nga po ma'am alice."

Umismid si mama na ginawa pang mataray ang itsura. Mahina akong natawa. Bagay sa kanya.

"Sinabi ko namang tita alice ang itawag niyo sa akin ni Mira! Para ko na kayong mga anak. Pwede niyo na nga akong tawaging mama." Masungit na sabi niya. Mas lalo akong natawa. Parehas kami.

"Ang tumawag sa akin ng ma'am ay babawasan ko ang sweldo." Mataray pa ring sabi niya. Napakamot sa ulo ang dalawa.

"Sakin din. Hindi ko na kakausapin." Singit ko sa usapan nila. Bumuntong hininga ang dalawa at tumango nalang.

Lumipas ang isang oras mahigit pa at huminto na kami. Narito na ba kami?

Welcome to Minalungao Water Park

"Narito na tayo!" Masayang pagaanunsyo ni manang na binuksan na ang pintuan ng van na sinasakyan namin. Pagbukas pa lang ay nalanghap ko na ang amoy sariwang hangin at malamig na paghaplos nito sa balat.

"Ang ganda nga rito manang!" Masayang sabi ni mama na panay na ang kuha ng litrato gamit ang cam na pagmamay-ari ni papa. Kung kasama siguro namin siya ngayon ay siya ang pinaka-masaya.

"Bakit ang lungkot mo naman?" Takang tanong ni kuya gab na hindi ko napansing nasa likuran ko na pala.

"Naalala ko lang si papa. Okay lang ako kuya. Tayo na!" Nakangiting sabi ko. Nakasuot sa aking leeg ang cam at ipinahawak ko muna sa kanya ang mga anak kong isda para makakuha rin ako ng mga litrato.

Nakalagpas kami ng entrance at narito na sa Cottage na inupahan ni mama. Malaki ang cottage at malinis. Pwede na ngang mahiga sa lapag dahil walang makapang buhangin o kahit anong dumi pa ang mga paa ko. Agad kong inilipat sa fishbowl ang mga isda para maging komportable sila. Hindi ko na nga sila ibabalik sa plastik.

"Hindi pa ba kayo nagugutom? Magluluto na ako." Tanong ni manang na nagaayos na ng gamit sa kabilang cottage. Nalalagyan naman ng lock yon kaya hindi kami nag-aalalang baka mawalan kami ng gamit. Ang mahahalagang gamit naman ay narito sa tutulugan namin. Dalawa ang kinuha ni mama para raw maluwag.

Umupo ako sa upuan ng cottage at sumandal. Itutulog ko nalang muna ito. Baka mamaya ay masobrahan na ako sa pagkamiss kay breaker.

Nakakabaliw pala ang pag-ibig.

****

Pasensya, gaya kanina sorry. Hindi ko talaga alam yung itsura place in person e. Hindi ko pa napuntahan. Pero maglagay nalang ako ng pictures. Maganda siya. Mwaps.

~♡