Chereads / Imprisoned Heart / Chapter 7 - Chapter 5

Chapter 7 - Chapter 5

CHAPTER FIVE

"Buti nalang at pumayag kang sa amin nalang sumama. Hayaan mo na yang kasama mong iniwan ka, nako." Patuloy ang pag-aasikaso ni mama kay Breaker na nakangiti ngayon. Kaninang pag-kagising ko, nagulat ako at nakatingin pa sa akin pagkamulat ng mata ko.

Hindi ko tuloy siya matignan dahil alam kong kahiya-hiya ang itsura ko kanina. Pag natutulog pa naman ako ay nakabuka ang bibig ko.

Normal lang naman ang mahiya kapag nakita ka ng taong gusto mo sa pangit na itsura hindi ba?

"Mireya, bakit ba yukong yuko ka riyan?" Napatingin ako kay manang na takang nakatingin sa akin. Umiling ako.

"May masakit ba sayo?" Alalang tanong ni ate Mira na siyang katabi ko.

"Wala po ate. Pero nahihiya ako kay breaker." Mahinang sabi ko, sinisigurong siya lang ang makakarinig.

"Sa kanina ba? Hindi masagwa ang itsura mo kanina kung iyon ang inaalala mo. Hindi matuturnoff sayo ang crush mo." Natatawang bulong niya na sinundot pa ang tagiliran ko. Nakangiwi akong tumango. Maniniwala nalang ako sa sinasabi niya para naman medyo mawala ang kahihiyan ko sa sarili.

"Buti at naisipan mong sumama nalang samin?" Ngumiti siya. Naglalakad kami ngayon kasama nila mama na nauuna sa amin. Kung saan kami pupunta ay hindi ko alam. Hindi ako makalakad ng mabilis, mahirap na.

At isa pa, masarap maglakad kasama ang taong nagugustuhan mo.

"Kung uuwi ako ay maaalala ko lang na iniwan ulit ako ni Maureen. Mabuti ng narito ako, nalilibang. Kasama ko pa ang bestfriend ko." Tumataas taas ang kilay na sabi niya.

Napatitig ako sa kanya. Bestfriend.

"Oo naman. Lagi akong narito. Pero hindi ko matandaang bestfriend na ang label natin." Pag-iiba ko ng usapan. Masaya ako na pinili niyang makasama ako pero nasasaktan akong isipin na option lang ako dahil wala ang babaeng iniwan siya pero mahal pa rin niya.

Kumunot ang noo niya. "Lagi ka talagang ganyan eh no? Bakit minsan naman para kang bata? Abnormal ka ba?" Natatawang tanong niya. Napairap ako.

"Seryoso ang usapan natin, kaya bakit ako mag-iisip bata? Depende sa usapan at sitwasyon yon. Hindi naman ako masaya." Nakangiwing sabi ko.

"Waw. Hindi ka masayang kasama mo ang gwapong katulad ko? Breaker Wilhart na'to Mireya." Humahalakhak siya.

Sumama ang mukha ko. "Pwede bang, wag mo akong tawaging Mireya?"

Nawala ang saya sa mukha niya. "Bakit? Katulad ka rin ba niya na bawala tawagin sa second name pag hindi kapamilya?"

Umiling ako. "M-mas maganda lang sa p-pandinig ko ang Aonani pag i-ikaw ang nagsasabi." Nag-iwas ako ng tingin.

Hindi ko man nakikita ang reaksyon niya ay alam kong nakangisi siya ngayon. Pasimple akong tumingin sa kanya at mukhang nagkamali ako ng hula. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"Nagkamali pala ako ng isipin kong parehas kayo. Natural ka, maarte siya." Natawa ako sa huling sinabe niya. Sabihan ba namang maarte yung ex?

"Pero, patay na patay ka sa akin a." nakangising sabi niya. Hinampas ko ang balikat niya at nauna ng maglakad. Magyayabang nanaman e. Pero totoo naman.

"Mag-hintay ka naman!" Sigaw niya ng medyo makalayo na ako. Siya kasi ang nagpresintang magbitbit ng gamit namin.

Natatawang huminto ako. Nakita ko pang nilingon kami ni mama ni nag-okay sign sa akin na para bang sinasabing, todo mo yan 'nak! Support ko kaharutan mo. Napailing nalang ako. Mama talaga.

"Kuhanan mo naman ako ng picture." Nakangising sabi niya na inilagay pa sa balikat ang basket na hawak niya kanina. Itinagilid ko ang ulo habang sinusuri ang itsura niya. Mukha siyang model ng basket. "Makatitig. Kelan pa naging camera ang mata?"

"Mula ng makita kita. Nagsesave agad sa utak ko ang bawat anggulo mo. Habang nadedevelop naman sa puso ko."

Nakita kong napalunok siya sa sinabi ko. "Nga pala. Sabi mo kanina, hindi ka masaya. Bakit hindi ka masaya? Sabi nga ni tita aayain mo sana akong sumama sainyo kahapon pa lang kaya lang nauna na pala ako rito." Nakakunot ang noong sabi niya.

"Masaya naman ako. Dahil kahit hindi kita nagawang ayain dahil kasama mo ang girlfriend mo, sakin ka pa rin bumagsak. Ako pa rin ang kasama mo." Sabi ko na kumukuha ng litrato ng bawat magandang tignan na nadaraanan namin.

"Oy teka. Wala naman akong girlfriend a? Break na kami ni Maureen. Iniwan nga niya ako at pinagpalit diba?" Nakangiwing sabi niya.

Kung ako ang nauna mong nakilala, hindi kita ipagpapalit.

"Magkasama kayo at masaya pa." Kinuhanan ko ulit ng litrato ang mga bangkang nakita namin. Humarap ako sa kanya. "Maganda ba ang kuha ko?" Tanong ko. Tumango siya. "Sa boses mo nung nakaraang araw na nakausap kita, para ngang inlove na inlove ka pa." Natatawang sabi ko. Pero kunwari lang yon malamang. Alangan namang ilabas ko ang totoong nararamdaman ko at maglupasay ako di'ba?

Natututo tuloy akong magsinungaling.

"Ang issue mo naman!" Tumatawang sabi niya. "Magkasama lang nagbalikan na? Hindi ba pwedeng farewell party yon?" Naalis ang ngiti ko at napalitan ng pagkasimangot.

"Farewell party? Seriously?" Nakangiwing tanong ko. Siya lang ang kilala kong iniwan na nagawa pang magcelebrate ng farewell party kasama ang ex niya. Sabagay, siya lang naman ang kaibigan at kakilala ko.

"Oo. Goodbye party para sa mga ala-ala naming ipinagpalit niya." Nakangising sabi niya. Pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-guhit ng sakit sa mata niya ng sabihin niya iyon.

"Sabagay." Kibit balikat kong sagot. Ayoko ng magtanong. Nahahalata kong nasasaktan siya sa usapan namin.

"Ang usapan natin, bakit di ka masaya. Bakit napunta sa ex ko?" Natatawang tanong niya at inilipat sa kabilang kamay ang basket.

"Hindi ako masaya dahil kasama kita. Na kasama ko ang taong gusto ko." Deretso ang tingin sa daan na sabi ko. Napansin kong napatitig siya sakin kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Ang sabi mo kanina, masaya kang kasama mo ako?"

"Oo nga. Pero hindi rin ako masaya. 50/50 kumbaga." Bumuntong hininga ako at huminto sandali para ayusin ang buhok ko. Itinali ko iyon ng hindi nagsusuklay.

"Hindi ko maintindihan. Gusto mo ako pero kalahating masaya ka lang kapag kasama mo ako. Kapag kasama ko si Maureen, sobrang masaya ako kahit na nuknukan siya ng arte." Natatawang sabi niya na napatingin sa kalangitan. Tila nagbabalik tanaw.

"Exactly." Sabi ko at napatingin siya sakin. "Kaya ako hindi 100% na masaya. Dahil sa sobrang pagmamahal mo sa ex mo, ako na ang kasama mo," yumuko ako. "siya pa rin ang nasa isip mo."

Hinawakan niya ang pisngi ko at kinurot yon. Napangiwi ako.

"Sigurado ka bang, gusto mo ako?" Seryosong tanong niya. Magkaharap kami at nakita kong nawala na sa harapan namin sila mama.

Napalunok ako sa tanong niya. Marahan akong tumango. "Wag mo ng ituloy."

Parang kinurot ang puso ko sa narinig.

"Masakit akong mahalin. Masasaktan ka lang." Pilit ang ngiting sabi niya at hinila ang kamay ko. Nag-init ang dalawang gilid ng mga mata ko. Halos di ko maigalaw ang mga paa sa narinig.

Masakit kang mahalin? Hindi pa kita minamahal. Nagugustuhan pa lang kita pero bakit nasasaktan na ako?

"Nani... Don't cry." Mahinahong sabi niya ng hindi talaga ako nagpahatak sa kanya. Napansin ko ring may pumapatak na palang luha sa pisngi ko. Kumikirot din ang puso ko hindi dahil sa pagod. Kung 'di dahil sa sakit.

"Mas mabuti kung," huminga siya ng malalim. "kung mananatili tayong magkaibigan. Dito tayo tatagal." Pinunasan niya ang pisngi ko at doon lang gumaan ang pakiramdam ko. Ganoon kalaki ang epekto niya sa akin. Isang haplos, lumalambot agad ako at gumagaan ang pakiramdam.

"Three years of age gap isn't that bad, right?" Mahinang sabi ko. Tumingin ako sa kanya kahit na sa daan siya nakatingin. Hawak pa rin niya ang kamay ko. "Yan ang sinabi mo sa akin. Pinaasa mo ako." Nakangusong sabi ko at parang batang nagpapadyak habang lumalakad.

Narinig ko siyang tumawa. "I was just kidding, okay? Hindi kita pinaasa." Mas lalo yatang humaba ang nguso ko sa narinig. Bakit parang kasalanan ko pa?

"Nanikid, kung mamahalin man kita, gusto ko, pag sigurado na akong hindi ko na mahal si maureen. Gaya ng sabi mo, bituin ka. Ikaw ang pinakamalaki at pinakamaningning. At gusto kong tuparin yon. Na kahit maraming iba, ikaw pa rin ang makikita ko. Now, let's go." Tumango nalang ako nagpahila sa kanya.

Bakit ba ako umamin sa kanya? Psh.

"Ang pula ng mata mo mireya. Umiyak ka ba?" Nahinto ako sa pagsubo ng marinig si mama na nagtatanong.

"U-uhm. Opo, may n-nakita po kasi a-akong isda na namatay sa gilid ng dagat." Nakagat ko ang dila sa pagsisinungaling na ginawa. Narinig ko ang pagpipigil ni Breaker ng tawa. Mahina kong sinipa ang binti niya, nasa harapan ko lang kasi siya.

"Batang ito oh." Napapailing na sabi ni mama. Ngumiti lang ako at kumain ng ulit ng may naalala.

"Anong dagat?" Takang tanong ni mama. Nanlaki tuloy ang mata ko ng mapagtanto ang nasabi.

"A-ahh wala po ma." Iwas ko sa usapan.

"Ate Mira?" Tawag ko. Tumingin siya sa'kin. "Napakain ko po ba yung mga anak ko kanina? Hindi ko po kasi matandaan." Hindi ko alam kung napakain ko ba sila. Pero ang natatandaan ko lang ay kahapon ng umaga pa sila huling kumain. At hapon na ngayon.

"Hindi ko napansing lumapit ka ron sa lalagyan. Teka, pakakainin ko na para sigurado." Sabi niya na tumayo at lumapit sa lagayan ng isda.

"Anak?" Kunot noong tanong ni Breaker na nakatingin sa'kin.

Tumawa si mama at uminom ng tubig. "Mga isda niya ang tinutukoy niya. Wag kang mag-alala at walang sabit yang anak ko. Bagay talaga kayo!" Napasimangot ako kay mama. Kahit kelan talaga.

"Hmm." Natatawang tumingin siya sa'kin. "May mga anak ka na pala... palang isda. Hindi ko alam na tatay na pala ako." Nakangising sabi niya dahilan para mahampas ni mama si manang. Napatitig ako sa kanya at namula ang mukha. Hindi ko agad naintindihan ang nais niyang iparating.

"Nakakakilig! Naalala ko tuloy si Vicencio!" Humahagikgik na sabi ni mama. Tinapik tapik naman ni manang ang braso ni mama.

"Tama na ang kiligin at hindi ko kayo maiintindihan diyan. Kumain na at ng makagawapa tayo ng mga aktibidad nila rito." Nakangiting sabi niya na sinunod namin.

"Mama, dadalin ko sila." Sabi ko na ipinakita ang fish bowl.

"Bahala ka. Tayo na at magandang mamangka ngayon, hindi na gaanong mainit." Tumango ako natutuwang kinuhanan ng litrato ang mga anak kong isda sa bowl.

"Ako na magdadala niyan para maenjoy mo yung view mamaya. Nasubukan ko naman na yon." Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.

Pinsadahan ko si breaker ng tingin na ngayon ay nakaputing sando at shorts lang. May cap din siya at syempre nakatsinelas.

Napaiwas ako ng tingin sa braso niyang nauntog yata dahil may bukol.

Siya lang ang may bukol na nakita ko na ang hot tignan.

Tumikhim ako. "Bahala ka." Sabi ko nalang at kinuha na ang fish bowl para iabot sa kanya.

"Magsuot ka kaya ng maayos na damit?" Puna ko ng maiayos ko ang camera na dala ko. Baka mamaya niyan ay manginig siya dahil nasisiguro ko na malamig ang singaw ng tubig.

Tinignan naman niya ang sarili. Tapos ay binigyan ako ng nagtatakang tingin. "Hindi ba maayos ang suot ko? Hindi bagay?" Nakakunot ang noong tanong niya na tinitignan ang sarili. Ang cute niyang panooring siyasatin ang sarili habang bitbit ang mga anak naming isda.

"Quit staring Nanikid." Nakangising sabi niya. Nag-init tuloy ang pisngi ko. "Hindi naman pala pangit ang suot ko e. Nahohotan ka lang sa akin kaya pinagpapalit mo ako. No?" Tumataas taas ang dalawang kilay na sabi niya.

"Ikaw na ang inaalala, mangiinis ka pa. Tara na nga, naiwan nanaman nila tayo." Angil ko at nauna ng lumabas. Naramdaman ko siyang nakasunod sa akin na tumatawa tawa pa.

"It's okay. Hindi na bago sa akin ang pakiramdam na iwan." Napahinto tuloy ako sa paglakad at nilingon siya.

"Kung ganon ay maiwan ka nalang dito." Nakatawang sabi ko naman. Lumabi siya at sa oras na'to, isa lang ang gusto kong gawin. Ang halikan siya at hindi tigilan hanggang sa pareho kaming maubusan ng hininga.

Pero paano ko gagawin iyon kung ni hindi pa ako nakakakita ng naghahalikan? Napangiwi ako sa naisip.

"No. Hindi ko naman hahayaang iwanan mo ako." Sagot niya na inakbayan ako habang nasa kabilang braso niya ang fish bowl. Napasunod na lang ako sa lakad niya habang nakayuko.

Kinikilig ako.

"Nasaan na kaya sila tita?" Pagkasabi niya non ay saktong tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at binuksan.

"Nagtext si mama." Sabi ko ng mapansing nakatingin siya sa'kin.

"Itanong mo kung nasaan na sila. Nauna sila sa atin di'ba?"

Binuksan ko ang mensahe. Nauna na kami. Mag sweety sweety kayo ng crush mo okay? Enjoy baby! Take care.

Napalobo ko ang pisngi sa nabasa. Masyado talagang supportive si mama.

"Nauna na talaga." Natatawang napailing ako.

"Oh... So magkasama tayong dalawa sa iisang bangka." Tumatango-tangong sabi niya.

Napaikot ang mata ko. "Syempre. Kahit naman narito pa sila, magkakasama pa rin tayo."

"Laglag kita sa tubig e. Init ng ulo. Lika na nga rito." Nakangising sabi niya at hinila na ako papunta sa pwesto na may mga bangka. Siya ang nakipag-usap sa mga nakabantay don.

Ilang sandali pa ay pinasakay na kami sa bangka. Inalalayan niya ako sa pag-sakay matapos unahing ibaba ang fish bowl na hawak niya.

"Comfortable?" Paninigurado niya. Tumango ako at iniabot sa kanya ang cam.

Kinuha naman niya iyon at agad na itinapat sa akin. Napangiwi ako. Hindi ko pa nga naaayos ang itsura ko.

"Ang ganda." Nakangiting sabi niya. Parang hinipan naman ang tenga ko sa narinig. Pero agad ding napasimangot ng marinig ang kasunod. "Buti nalang maganda cam mo no? Nadala ka."

Inirapan ko siya at kinuha ang fish bowl na ibinaba niya kanina. Inilubog ko ang dalawang daliri sa tubig at doon ay nagpaikot-ikot sila dahilan para mahina akong mapatawa.

Narinig ko ang tunog ng cam kaya nakangiti pa rin akong tinignan yon. Nag-okay sign siya.

"Binibiro lang naman kita. Ayan oh, kahit nakasimangot ka ay maganda ka. Mas lalo na nung nakangiti ka na." Wala sa sariling napangiti ako.

Ibinaba ko ang fish bowl at inabot mula sa kamay niya ang cam. Tinignan ko isa isa ang litratong kinuha niya. Tatlo. Ang isa ay nakasimangot, ang isa ay mukhang nagulat at ang huli ay nakangiti na. Kung ganoon ay inaasar lang niya ako kanina.

"Ang ganda no? Ako nalang ang photographer mo." Nakangiting alok niya na kinuha muli ang cam sa akin. Agad naman akong ngumiti at saktong nagsimula ng gumalaw ang bangkang sinasakyan namin. Tuloy ay napahawak ako inuupuan.

"Chill. Don't be scared. I'm here." Sabi niya na hinawakan ang kamay ko. Napanatag ako ng gawin niya yon. Pero bumilis din ang tibok ng puso ko dahil sa sayang nararamdaman.

Iba sa pakiramdam. Masaya na mahirap ipaliwanag.

"Pero kung napapangitan ka nga sa akin, it's okay." Mahinahon kong sabi na tumingin pa sa mga mata niya.

"Hindi naman ganon. I already told you I was just---"

"Hindi ko naman ikamamatay kung napapangitan ka sa akin." Dugtong ko bago pa niya matapos ang sinasabi. Alam kong nagbibiro lang siya pero gusto ko pa ring kontrahin siya. Natutuwa ako sa noo niya kapag kumukunot na. At isa pa, may tiwala ako sa magandang sperm at eggcell nina mama at papa.

Mas ikamamatay ko pa nga kapag sinaktan mo ako.

"Really Nani?" Nakangiwing aniya.

"Yup!" I happily said. "Take a picture of me na dali."

"Adorable baby." Natatawang sabi niya at itinutok sa akin ang cam. Agad naman akong ngumiti at iba't ibang pose ang ginawa.

"Nasa mood ka ngayon a. Hindi ka masyadong seryoso." Puna sa akin ni breaker matapos niya akong kuhanan ng madaaaaaaming litrato.

"Pagpasensyahan mo nalang ako. Iba iba kasi ang trip ko sa buhay. Kapag kinikilig ako sayo, minsan ay naiilang o di kaya'y mas sumasaya. Minsan naman," nilanghap ko ang sariwang hangin bago muling nagsalita. "trip ko lang talaga." Tinawanan niya ako at sinenyasan na hawakan ko ang fish bowl.

"Hold it. I'll take a picture of you and our children." Nakangiting sabi niya. Humaba tuloy ang nguso ko at kunwari ay napipilitang kinuha ang fish bowl mula sa lapag.

"Smile, Aonani." Nilakihan pa niya ako ng mata na para namang matatakot ako ron. Ano ako? Bata?

Inilabas ko na ang ngiting kunwari ay napipilitan lang. Napapalatak naman siya at isinukbit sa leeg ang hawak. Matapos niyon ay lumipat siya sa akin tabi dahilan para bahagyang umuga ang bangka. Mariin tuloy akong napapikit.

"Mam, ser, huwag po tayong masyadong malikot. Tatlo lamang po tayo rito. Hindi balanse." Mahina akong natawa sa sinabi ng manong na kasama namin.

"Ang likot mo kasi tanda. Palibhasa ay hirap ng gumalaw kaya di ka mapakali." Pang-aasar ko.

"Tsk." Singhal niya at inayos ang buhok ko. Nakatingin lang ako sa leeg niya at may naguudyok sa akin na dampian iyon ng halik pero pinigilan ko ang aking sarili. Gusto ko siya, hindi ako manyak.

"Now, smile. Show me your sweetest smile." Seryosong sabi niya.

Tumikhim ako at ngumiti. "Bakit mukhang pilit pa rin?" Nakasimangot na sabi niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinila iyon. Mukha tuloy akong nakangiti ng todo.

"There. Smile like that okay?" Tumango nalang ako at bumalik na siya sa pwesto niya.

"Aonani." Tawag niya. Umayos agad ako ng upo at tumikhim muli. "You like me, right?" Seryosong tanong niya.

Naiilang man ay napatango nalang ako. "Yes. I do."

"I like you too, Nanikid." Nakangiting sabi niya at itinapat sa akin ang digicam.

I smiled genuinely. I can't help it! He likes me!

"There. You finally smile. A true smile." Tumatawang aniya. Nawala ang ngiti ko ng maintindihan ang nais niyang iparating.

Mas lalo akong sumimangot at nangilid ang luha ng tatawa tawa pa siyang tumingin sa akin.

Ang manlolokong to!

"Don't talk to me. We're not bati. I hate you. You're taking advantage of my feelings you asshole!" Angil ko at inis na ibinaling ang tingin sa gilid. Doon ay nalaglag ang luhang kanina ay nangingilid pa lang.

Ginagawa niyang biro ang nararamdaman ko para sa kanya. Kumirot ang dibdib ko sa naisip. Napahawak ako ron at bahagyanv pinalo. Baka sakaling mawala at mamanhid.

"Aonani Mireya, taking it seriously once again?" Mas lalong tumulo ang luha ko sa narinig. Bakit parang kasalanan ko pa?

"Your joke isn't funny!" Singhal ko.

"I am sorry. Okay? We're bati na ha? You're being so conyo adorable baby e." Sabi niya na nagpatigil sa mga luha ko sa pagtulo. Umatras dahil sa sinabi niya.

Natawa ako dahil sa paraan ng pag-sasalita niya. Para siyang bakla!

"I'm sorry. Hindi ko na uulitin. Let's just enjoy this, okay? Baka mahalata nanaman ng mga kasama natin na umiyak ka." Napakamot siya ulo. "Ang hirap mag-alaga ng baby." Napanguso ako. Baby niya ako e, so duty niya ang alagaan ako at patawanin o patahanin pag umiiyak.

"It's okay. We're bati na." Nakangiting sabi ko.

Mukha naman siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko at dumukot sa bulsa ng panyo at pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Sweet.

"Smile. Smile again Aonani." Ngumiti naman ako. "There. Perfection."

Mas lalo akong nangiti. Pinapaiyak ako tapos magpapakilig. Dibale, makakabawi rin ako sayong matanda ka.

"So, ako talaga ang tatay ng mga yan?" Natatawang tanong niya na nakatingin sa fish bowl na hawak ko. Napasimangot ako.

"Ang kulit mo. Kapag ba tumatanda, kumukulit talaga?"

"Stop calling me matanda. I'm only 23 Nanikid." Angil niya. Diko siya pinansin at itinaas ang fishbowl na hawak.

"Look fishkids! Ang ganda oh!" Natutuwang sabi ko na para bang maiintindihan talaga ako ng mga anak ko.

"You really think sasagot sila sayo?" Nakatawang tanong ni, sino pa ba? Edi yung gurang.

"Ofcourse not."

"Then why? Why are you talking to them like they're real kids?"

"Because I want to and you don't care." Masungit na sabi ko at hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

"Oh my goodness!" Gulat na sigaw ko ng mabitawan ko ang fish bowl na kanina ay hawak ko pa pero ngayon ay tuloy tuloy ng nalaglag sa tubig.

Naiiyak akong tumingin kay breaker na mukhang nagulat din. "My kids."

"Manong teka po." Naiiyak kong pagpapahinto sa kanya na nagtatakang tinignan ako. Nakatalilod siya sa amin kaya malamang ay hindi niya nakita ang nangyari.

"Bakit po mam?"

"Malalim po ba itong parte na'to?" Tanong ni breaker na inabot sa akin ang panyo pero hindi ko kinuha. Sa halip ay muli akong naiiyak na tinignan ang parteng kimahulugan ng mga isda.

"Hindi naman po masyado. Gusto niyo po bang huminto para lumangoy?"

"Hindi po. Nahulog po kasi yung fish bowl na dala namin."

"Naku! Baka basag na yon dahil matutulis ang bato sa parteng to hindi katulad don." Turo niya sa pinanggalingan namin.

Mas lalong naiyak ako sa narinig.

"Kukuhanin pa ba natin?" Ngumuso ako at hindi sumagot. "Kung inaalala mong baka nasaktan ang mga anak mo--natin pala, hindi yon. Tubig naman e. Mas sasaya sila riyan. Malaki ang lalanguyan nila."

Mahinahong sabi niya na hinagod pa ang buhok ko.

"Sometimes, acceptance is the only way to lessen the pain you are feeling."

Napipilitan akong tumango.

"Bibigyan nalang kita ng bagong alaga. Or I can be your baby. Take good care of me Nani." Kumindat na aniya. Napangiwi ako.

"Pet. You can be my pet."

"You're so harsh Nani. Wala bang magandang choice?" Pagiinarte niya.

"Be my pet or be my slave?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Pwede bang ako nalang ang choice mo? Ibigay mo sa akin tapos ay ibibigay ko sayo. I'll gladly give myself to you. I'm yours."

Kinikilig man ay pilit kong ginawang seryoso ang aking itsura bago nagsalita. "Ang dami mong reklamo, buti nga binigyan kita ng choice e." Naiinis kunwaring sabi ko at umiwas ng tingin.

"Waw." Nanlalaki ang matang reaksyon niya ng humarap ako. "Utang na loob ko pa a? Ako nga option lang e." Okay? Anong konek?

Umirap ako. "Buti ka nga option. Ako wala talaga sa choices mo."