Chereads / Imprisoned Heart / Chapter 10 - Chapter 8

Chapter 10 - Chapter 8

Hello sayo! Gusto ko lang magthank you dahil binabasa mo'to ngayon. Sana kahit papano mabigay ko yung gusto mong story. Maraming salamat!

~N3xi

♡♡♡

CHAPTER EIGHT

"Hindi ba pupunta rito si Breaker?" Napatingin ako kay mama at saka umiling.

"Hindi ko po alam. Wala naman po siyang sinabi." Sabi ko at ibinalik ang tingin sa cellphone. Naglalaro ako ng farmville.

"Aalis sana ako. Gusto mo bang isama nalang kita? Para makakita ka naman ng ibang lugar ngayong nagpapagaling ka pa." Nagugulat kong  tinapunan ng tingin si mama.

"Isasama po ninyo ako?" Nasasabik na tanong ko. Sa wakas ay makakalabas na ulit ako. Mahigit tatlong linggo na rin akong narito lang sa bahay mula ng umuwi ako galing sa ospital. At gusto ko ng makalabas kaya lang ay walang oras masyado si mama, si Ate Mira naman ay maraming ginagawa kaya't ayoko ring abalahin.

"Oo, pero hindi ka pa rin pwedeng lumakad lakad."

Narito kami ngayon sa main gate ng CLSU. Dito pala pupunta si mama. May umorder daw kasi ng mga products sa kanya na rito nagtatrabaho at nakatira.

"Intayin mo nalang ako rito sa kotse. Ibibigay ko lang ito tapos ay iikot tayo. " tumango lang ako at lumabas na siya ng kotse. Kinuha niya ang mga nakaplastik bags sa likuran. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makapasok siya sa bahay na hinintuan namin.

Binuksan ko ang bintana at napangiti ng tumama sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Tagulan kasi kaya malamig at makulimlim ang kalangitan. Mga naglalakihan at nagtataasang puno ang makikita at mga nalaglag na dahon naman sa ibaba. Madaming nagkalat na dahon ngunit hindi naman pangit tignan. Mukha ngang nasa ibang bansa ka dahil sa itsura.

"Ang ganda..." Binuksan ko ang pintuan ng kotse at saka inilabas ang paa. Nilaro ko ng mga paa ko ang mga dahong inaapakan ko. Masarap sa pandinig ang tunog. Sayang at hindi ko nadala ang earphones ko. Tiyak pa namang masarap makinig sa mga ganitong klase ng lugar. Tahimik at walang tao.

Kinuha ko ang cellphone na nakalagay sa shoulder bag na dala ko. Ikinunekta ko iyon sa car stereo.

Playing; You belong with me

Taylor Swift             

You're on the phone with your girlfriend, she's upset

She's goin' off about somethin' that you said

'Cause she doesn't get your humor like I do

I'm in the room, it's a typical Tuesday night

I'm listenin' to the kind of music she doesn't like

And she'll never know your story like I do

Naalala ko tuloy si Maureen. Sa mga kwento ni breaker na nuknukan daw ng arte ang dating girlfriend.

But she wears short skirts, I wear

T-shirts

She's cheer captain and I'm on the bleachers

Dreamin' 'bout the day when you wake up and find

That what you're looking for has been here the whole time

Kaya siguro hindi ako magugustuhan ng lalaking yon. Minsan ko ng nakita ang litrato ni Maureen sa cellphone niya ng minsan ko iyong hiramin. Nakawallpaper pa. Sexy ito kung manamit at talagang bagay na bagay sa kanya. Hindi tulad ko...

If you could see that I'm the one who understands you

Been here all along, so why can't you see

You belong with me

You belong with me

Naalala ko tuloy yung sinabi niya noong isang linggo. Na kung nauna lang daw niya akong nakilala ay hindi niya na kailangang pigilan pa ang nararamdaman niya sa akin.

Walkin' the streets with you and your worn-out jeans

I can't help thinkin' this is how it ought to be

Laughin' on a park bench, thinkin' to myself

"Hey, isn't this easy?"

And you've got a smile that could light up this whole town

I haven't seen it in a while since she brought you down

You say you're fine, I know you better than that

Hey, what you doin' with a girl like that?

"Oh? Soundtrip?" Napalingon ako sa likuran at nakitang naroon na pala si mama. Marahan akong umayos ng upo at isinara na ang pinto ng kotse.

"This place is really relaxing. Maganda pong makinig ng malumanay na kanta rito habang kumakain o di kaya'y nagmamasid lang sa paligid." Pinaandar na niya ang makina.

"Naaalala mo pa ba noong bata ka kung saan ka namin madalas dalhin ng papa mo?" Nangingiting sabi tanong niya. Sandali akong napaisip. Lahat naman ng parte ng iskwelahang ito ay paborito ko kaya't hindi ko na maala-ala pa.

"Hindi na po. Matagal na rin po ng huling napunta ako rito." Tugon ko.

Nakangiti naman niya akong tinapunan lang ng tingin. "At ang matagal na yon ay 5 years ago. Ang huling pagpunta natin na kasama pa ang papa mo. Na buo pa tayong pamilya."

Tahimik lang kami sa loob ng kotse hanggang sa inihinto niya sa, Old Market? Naaalala ko ang lugar na'to. Dito kami unang pumupunta noon para bumili ng mga pagkain.

"Hindi ka naman mapapagod sa lakaran na'to." Nakangiting sabi ni mama at inalis ag seatbelt niya. Nakagat ko ang labi. Hindi ko pala nailagay ang akin kanina. "Tara, samahan mo akong bumili." Aniya at binuksan ang kotse. Nakangiti naman akong maingat na lumabas at nakaramdam ng pananabik ng makita ang usok na nagmumula sa ihawan.

"Dahan-dahan sa paglakad at wag kang madali. Hindi ka pa pwedeng mag-gagalaw." Paalala niya at inihawak ang kamay ko sa braso niya. Napatingin naman ako roon. Ganito silang maghawak ni papa noon. Si papa kasi ang laging nasa gitna dahil siya raw ang lalaki.

"Anong gusto ng baby girl ko?" Napanguso ako sa tanong ni mama. Kahit naman magturo ako ng gusto ko ay siya pa rin ang masusunod. Dahil ang mga pagkaing nakikita ko na gusto ko ay hindi pa pwede sa akin. Tulad ng mga titsirya at mga softdrinks.

"Kayo nalang po ang pumili, kahit ano ay kakainin ko." Nakangiti kong sabi at nilibang nalang ang sarili sa pagtingin-tingin ng mga paninda sa loob hanggang sa matapos siya at makabayad.

"Mga tinapay at ilang tsokolate at syempre," nakangiti niyang pagpapakita sa mga binili niya sa loob. "ang paborito mong lollipop." Masayang sabi niya at iniabot sa akin ang lollipop na natatandaan kong lagi kong iniiyakan dahil ayaw nila akong ibili. Matamis kasi at madalas akong ubuhin noon.

"Thank you ma. I love you." Nakangiting sabi ko at ibinulsa ang lollipop.

"Bibili muna tayo ng kakainin natin." Aniya ng mailagay sa kotse ang mga binili niya. Taka ko siyang tinignan.

"Nakabili na po tayo hindi ba? Ayan po oh." Turo ko sa mga inilapag niyang plastik. Pumameywang naman siya sa akin matapos muling isarado ang kotse.

"At bakit? Hindi ka kakain ng kanin? Meryenda lang ang mga iyan. Kailangan mong kumain ng maayos." Aniya at muling inalalayan ako hanggang sa makarating kami sa karinderya. Natakam ako ng maamoy ang mabangong amoy ng mga ulam. Pero ang nangibabaw sa pang-amoy ko ay ang amoy ng lugaw.

"Anong gusto mong ulam? Wag lang iyong baboy. Mamantika." Tanong niya ng makalapit kami sa counter kung saan nakadisplay sa isang salaming lalagyan ang mga lutong ulam.

Mayroong, pinakbet, ginisang munggo, ampalayang may itlog. Mayroon ding mga karne tulad ng adobong baboy at ang paborito kong sisig. Napanguso ako. Bakit ba laging sisig ang nakikita ng mga mata ko kahit maraming ibang masasarap na putahe sa harapan ko?

"Ma, pwede bang iyong sisig na lang?" Pag-babaka sakali ko.  Nilakihan naman niya ako ng mata hudyat na hindi pwede ang gusto ko.

"Hindi nga pwede Mireya. Wag matigas ang ulo." Matigas niyang sabi. Napipilitan akong ibahin ang gustong ulam. Itinuro ko ang pinakbet at piniritong isda.

"Dalawang order po roon at dito. Tatlong rice." Sabi niya sa tindera na agad namang tumalima sa sinabi niya.

Muli kong naamoy ang mabangong lugaw ng buksan iyon ng isa sa kasama nila. "Gusto mo ba non?" Tanong ni mama ng mapansing nakatitig ako roon at sinisipsip ang pisngi. Ganoon ako kapag may pagkaing gusto. "Alam kong paborito mo iyan." Aniya, nakangiti at muling inagaw ang pansin ng tindera at kumuha ng lugaw na kanina pa halos magpatulo ng laway ko dahil sa mabangong amoy.

"Saan mo gustong unahin? Ang kumain o panoorin munang lumangoy ang mga isda sa lagoon?" Tanong niya na inistart ang kotse.

Nasabik ako ng marinig ang isda.

"Doon po muna." Natutuwang sabi ko na halos pumalakpak ang dalawang tenga. Natawa naman siya at napailing bago simulang paandarin ang kotse.

"Wala po ba kayong trabaho ngayon?" Usisa ko habang hinahagisan ng dinurog na tinapay ang mga isdang ngayon ay naguunahan sa pagkain.

"Meron. Kanina, ang ihatid ang order sa akin. Kaya nga binigyan ko ng libreng araw ang tatlo nating kasama para makabawi man lang sakanila." Aniya. Nangiti naman akong lalo. Kaya pala masaya sila Manang kanina ng ibalita sa aking magpapaspa raw sila.

"Ngayon pong hapon? Uuwi rin po ba tayo matapos kumain?" Umiling siya at kumuha na rin ng tinapay na ibibigay sa mga isda. Kaya pala marami siyang kinuha, planado.

"Hindi. Susulitin natin ang araw na'to.  Mother and Daughter bonding." Kumindat siya. Natawa ako. Planado nga talaga ito kung ganon.

"Isa pa ay matagal-tagal na rin ng huli nating ginawa ito. Noong nasa Minalungao naman tayo ay laging si Breaker ang kadikit mo." Nakanguso ngunit mahihimigan ng pang-aasar na sabi niya. Napanguso tuloy ako at nakaramdam ng kilig ng maalala ang mga kilig moments na tinatawag namin doon.

"Kayo naman po ang nagsabing palapitin ko ang loob ko sa kanya at mag-enjoy." Nakanguso pa ring sabi ko. Ipinagtatanggol ang sarili.

Tumawa siya. "Oo nga, masaya talaga ako at nakahanap ka ng kaibigang tulad niya. Maaasahan at mabait. Gwapo pa at makisig." Nang-aasar pa ring sabi niya. Napailing nalang ako muling naghagis ng pagkain sa mga isda.

"Natutuwa rin ako dahil," pambibitin ni mama dahilan para kunutan ko siya ng noo. "dahil sa ganyang edad ay naranasan mo ng magkagusto, magmahal." Nakangiting sabi niya, tila may inaalala. Nakinig lang ako. Tuloy sa paghahagis ng butil butik ng tinapay sa mga isdang naguunahan pa rin at di yata nabubusog.

"Pero anak, I'm aware na may ibang babaeng minamahal si Breaker. At ayaw kitang masaktan, mas dumodoble sa akin." Napaiwas ako ng tingin. Ayokong pag-usapan ito.

"Pero hindi rin lingid sa kaalaman ko na nahuhulog na ang loob niya sa'yo. Na hindi ko masabi kung mabuti ba o hindi." Naagaw niya ang atensyon ko ng sabihin niya yon. Hindi ko naintindihan.

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.

"Alam kong mahal mo na binatang yon Mireya, nakikita ko sa tuwing tumitingin ka sa kanya, may pagmamahal." Hinawakan niya ang pisngi ko at bahagyang pinisil iyon.

"Ngunit alam nating dalawa na may minamahal ang taong minamahal mo rin. At ayokong masaktan ka." Napayuko nalang ako at naramdaman ko namang hinimas niya ang buhok ko.

"Kaya ko nasabing hindi ko alam kung masama ba o mabuti na napapansin kong nahuhulog na ang loob niya sayo ay dahil alam kong parehas kayong mahihirapan, mayroon at mayroong masasaktan." Wala akong maisagot. Totoo nga kaya ang nakikita ni mama? Na nahuhulog na ang loob sa akin ni Breaker? Pero anong masama roon?

"Mahirap magmahal ng taong hindi pa sigurado sayo, Mireya."

Mapait akong napangiti. "Imposible naman pong nahuhulog na ang loob niya sa'kin." Napabuntong hininga ako at itinabi ang plastik na nilalagyan ng tinapay kanina. "Mahal na mahal niya si Maureen. Kahit na wala na sila."

"Hindi mo rin masasabi. Minsan, ang puso ng tao ay magulo. Nakakayang diktahan ng utak ang puso. Na akala mo ay mahal mo pa siya, pero yun pala ay tanging obligasyon nalang ang nakikita mo kaya hindi mo magawang tuluyang bitawan."

"Magulo ang sinasabi ko alam ko. Pero gaya ng panahon ay pabago bago rin ang utak at puso. Minsan ay nagagawang mag-dikta, at kung minsan ay hindi. Depende saiyo kung ano ang susundin mo, ang tama ba, o ang mali."

Nasipsip ko nalang ang loob ng pisngi sa sinabi ni mama. "Ma, nagugutom na po ako." Nakangusong sabi ko dahilan ng pagtawa niya.

"Nagutom ka yata sa mga sinasabi ko. Oh siya, tara na." Anyaya na at inalalayan akong muli sa pagtayo.

Nakahawak siya sa braso ko habang lumapit kami sa kotse. Nang makasakay kami, tulad kanina ay umalis kami. Nakangiti ko pang kinawayan ang mga isda na akala mo ay makikita nila talaga ako. Natutuwa ako sakanila, maliliksi silang palangoy-langoy at matatakaw pa. Nakatutuwang pakainin.

"Walang gaanong tao. Gusto mo bang doon tayo sa bandang itaas?" Umiling ako. Mas okay na sa baba, para pwede akong umupo sa damuhan.

Tutulungan ko sanang magdala ng mga pagkain si mama na binili kaya lang ay hinindian agad niya ako. Napipilitan akong umupo na lamang at mag-hintay.

Nang maibaba na niya ang mga pinamili niyang pagkain ay sa paghahanda na lang ako tumulong.

Sabik akong kinuha ang tupperware kung saan nakalagay ang lugaw na ngayon ay medyo malamig na. Narinig kong tinawanan ako ni mama at inabutan ng plastic spoon.

"Malambot iyan at madulas sa lalamunan pero magdahan-dahan ka pa rin sa pagsubo. Maaari ka pa ring mabulunan." Nakangiting pag-papaalala niya at inabutan ako ng wet wipes.

Naglinis naman ako ng kamay bago sinimulang kumain. Gaya ng sinabi niya ay dahan-dahan ang ginawa kong pagkain hanggang sa maubos ko ang lugaw.

"Anong oras po tayong uuwi mama?" Usisa ko habang sinusubukang buksan ang bottled water.

"Susulitin natin ang araw na'to ng magkasama. Wag mo na munang isipin ang pag-uwi."

"Bumubuti na ang lagay mo kaysa noong huling pagkikita natin. Wala ka bang ibang nararamdaman na kakaiba? Nahihirapan ka bang huminga?"

"Mabuti po ang pakiramdam ko. Minsan lang po ay talagang mahirap sa pag-hinga pero alam ko pong normal na pagdaanan ko iyon. Bukod po roon ay wala na pong iba." Tugon ko sa mga tanong ng doktor. Ito na ang ikatlong buwan ko sa pagbalik-balik rito para sa lingguhang check-up.

"Basta ituloy mo lang ang breathing exercise mo at pagkain ng masusustansyang pagkain ay wala tayong magiging problema." Sabi ng doktor habang may isinusulat na kung ano at matapos ay ibinigay iyon kay mama. "Tuloy ang meds niya. Gaya ng dati ay iwas sa foods na mamantika at sobra ang lasa. Try body exercises din kahit na simple lang like walking."  Napangiwi ako at umiwas ng tingin. Gamot, gamot, gamot.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ni mama ng makauwi kami sa bahay. Mula kanina ay hindi ako kumikibo. Pakiramdam ko ay wala talaga ako sa tamang huwisyo para magsalita. At isa pa, wala naman akong sasabihing importante.

"Masaya po ako at maganda ang resulta." Pilit ang ngiting sabi ko. "Mabuti nga po at bumubuti na at mabilis talaga ang pag-galing ko." Dugtong ko.

Ngumiti naman pabalik sa akin si mama. "Mabuti nga. Kaya sumunod ka lang sa mga binibilin sayo kung gusto mong maging normal ng talaga ang takbo ng buhay mo. Hindi man maging kagaya ng isang taong walang sakit o kapansanan, ang importante ay hindi ka na mahihirapan at matatakot na baka bigla ka nalang mawala sa mundo. I love you, anak." Mahabang aniya at niyakap ako. Napangiti ako at gumaan ang pakiramdam. Mother's knows best ngang talaga.

Nakabalik na ako sa totoong kwarto ko. Sa itaas. Noong mga naunang buwan kasi ay sa kwarto ako ni ate Mira at manang nakikitulog dahil iyon ang nasa ibaba. Pero ngayon na halos magaapat na buwan na ang kalipas ay nagagawa ko ng lumakad ng hindi iniinda ang pagsakit ng dibdib.

Ilang araw na rin akong hindi pinupuntahan ni Breaker. Hindi naman sa inaantay ko siya ngunit parang ganoon na nga. Kapag sinusubukan ko namang tawagan siyabay hindi niya sinasagot. Minsan ay pinapatay pa.

Siguro ay nalaman na niya kung nasaan si Maureen. Masaya ako kung ganon.

Parang gusto ko tuloy makilala si Maureen. Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa iyon kay Breaker gayong pwede naman silang lumaban ng sabay.

.

Breaker's Point of view

Nakatitig ako sa babaeng nagbigay ng saya at liwanag sa noon ay madilim kong mundo. Ang nagsilbing gabay ko noong mga panahong hindi ko magawang tumayo. Ang nagsilbing bituin na nagniningning sa madilim na daang nilalakaran ko. Ang nagsilbing inspirasyon ko para ayusin ang buhay ko.

Mapait akong napangiti. Hindi ko inakalang ganito siya kabilis na mawawala sa akin. Kung alam ko lang sana ay mas pinahalagahan ko siya. Totoo pala talaga ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi.

Mariin akong pumikit kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Masakit oo, pero kailangan kong tanggapin. Kailangan ko na siyang pakawalan. Hindi lahat ng bagay o tao na mahal mo at importante sayo ay pwede mong hawakan ng mahigpit. Minsan ay kailangan mo ring maging maluwag sa pagkakahawak upang hindi sila masaktan at mahirapan. Minsan din ay kailangan mo ng tuluyang bitawan para hindi ka na masaktan pa at ganon na rin sila.

Sa huling pagkakataon ay pinakatitigan ko siya. Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa pagkakaupo.

G

oodbye for now, Maureen.

Nahihirapan akong tinalikuran ang mukha niyang nakangiti sa litrato. Gusto kong bumalik at doon nalang ako, wag ng umalis. Pero alam kong ito rin ang gusto niya. Ang makalaya ako mula sa kanya at maging masaya.

Pero paano ako magiging masaya? Wala na siya. Iniwan na niya ako.

Nang makaalis ako sa puntod niya ay tahimik lang akong nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang buong katawan ko. Akala ko kaya na, akala ko tanggap ko na.

Ang mawala ang taong minamahal mo ang isa sa pinakamasakit na mangyayari sa buhay mo.

Natapakan ko sa gulat ang preno ng may biglang sumulpot na motor sa harapan ng kotse ko. Napatitig ako roon at napahalimos sa mukha.

"Bakit ko ba nararanasan ang lahat ng 'to?" Hindi ko maipaliwanag kung ano bang nararamdaman ko. Kung nagagalit ba o nalulungkot.

Wala na ang babaeng mahal ko. Paano ako magsisimula? Napapikit nalang ako, pinatay ang makina at isinubsob ang mukha sa manibela. 

"I'm so stupid." Masakit na masakit ang kalooban ko. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili. Siguro ay naging pabaya ako. Siguro ay wala akong kwentang boyfriend.

Dinukot ang cellphone sa bulsa ko at hinanap ang number niya. Napatitig lang ako roon. Tatawagan ko ba siya? Matapos ang isang linggo mahigit na hindi ko pagpaparamdam.

Napailing ako sa saka wala sa sariling napatawa. "Ang kapal din talaga ng mukha ko." Gusto kong suntukin ang sarili. Napakagago ko.

"Aonani... I want to see you... I need you..."