Chereads / Imprisoned Heart / Chapter 11 - Chapter 9

Chapter 11 - Chapter 9

Alam mo ba? Na hindi ka na niya mahal? Char. Gusto ko lang ulit mag-thank sa patuloy na pagbabasa mo. At sana icrushback ka na ng crush mo. ;>

~N3xi♡

CHAPTER NINE

Naiiyak akong nakatutok sa laptop ko. Paano ba namang hindi? Hindi nabuhay ang bidang babae sa pelikulang pinanonood ko. Iniwan niya ang taong pinangakuan niya ng forever.

Nagpunas ako ng luhang tumulo sa pisngi ko at uminom ng tubig. Masama ang tingin ko sa screen. "Kung sino man ang direktor neto, kailangan naming mag-usap." Nanggigigil na sabi ko.

Nakanguso kong isinara ang laptop at saka pabagsak na humiga sa kama. Kung alam ko lang na nakaiiyak ang palabas na iyon ay mas pinili ko na lamang sanang matulog o di kaya'y sumama kay mama sa pamimili nila ni manang.

Napalingon ako sa paanan ko ng tumunog mula roon ang cellphone ko. Bumangon ako at tinignan ang pangalan ng caller.

Breaker Calling...

Breaker? Napakurap ako. Totoo ba ito? Tumatawag siya sa akin? Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba. Nang makapagdesisyon ay namatay naman. Matapos ang mahigit isang linggong pandededma sa akin ay tatawagan mo ako ngayon?

Muli siyang tumawag. Napailing ako at saka napapabuntong hiningang sinagot iyon. Hikbi ang unang narinig ko kaya agad akong natigilan.

Napangiti ako ng mapait. Sa tuwing siya ay nasasaktan ay talagang ako ang una niyang tinatawagan. Oh ako nga ba?

"Aonani... I want to see you... I need you..."

Kinakabahan ako habang nakasakay sa kotse na si Kuya Gab ang nagmamaneho. Nang malaman ko kung nasaan siya ay walang patumpik-tumpik akong bumaba ng kwarto at tinawag si Kuya.

"Saan ba banda rito Mireya?"

"Ideretso mo lang po riyan kuya. Kapag may nakita ka pong nakahintong sasakyan ay yun na po siguro siya." Tugon ko. Nakatuon ang paningin sa harapan dahil baka makalagpas kami.

Bumuga ako ng hangin upang maibsan ang kaba. Bakit ba kasi nanginginig at umiiyak siya?

"Ayon ba? Kotseng itim. Nakababa ang bintana." Tinignan ko naman ang itinuro niya. Siningkitan ko ang mata para silipin ang taong nasa loob.

"Siya nga po. Dito nalang po kuya. Salamat po. Pakisabi nalang po kay mama kung nasaan ako. Nakalimutan ko po kasing dalhin ang cellphone ko."

Sabi ko at tinanggal na ang seatbelt na naka-kabit sa akin.

"Oh bakit? Hindi na ba kita aantayin?" Takang tanong niya. Tumango ako at binuksan ang pinto.

"Sabihin niyo na lang po kay mama. Baka po ihatid nalang ako ni Breaker..."

"Sigurado ka ba? E baka hindi ka naman ihatid niyan." Napapakamot sa ulong aniya. Napangiwi naman ako.

"Ayos lang ako kuya. Ang importante po ay malaman ng mga kasama natin sa bahay lalo na si mama na si Breaker ang kasama ko." Bahagyang nakangiting pamimilit ko.

"Tatawagan ko nalang ang mama mo tapos ay sasamahan kita rito. Sige na puntahan mo na yung kaibigan mo." Aniya at nagsimulang magtipa sa cellphone niya. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Sigurado namang hindi talaga siya aalis.

Nasubsob ang mukha ni Breaker sa manibela ngunit alam kong siya ito. Kahit sa malayo ay makikilala ko siya. Dahil siya lang ang nakapagpaparamdam sa akin ng kakaibang pakiramdam.

"Breaker..." Mahinang tawag ko at hinawakan ang ulo niya. Inaangat niya ang mukha at nakita ko ang namumula niyang mga mata. Binuksan niya ang kotse at bumaba.

"Aonani... Thank you." Aniya at yumakap sa akin. Yinakap ko siya pabalik.

I'm here. I'll stay.

"I-I... I m-mean," hindi ko malaman ang mararamdaman ng sabihin niya sa akin ang totoo. Wala akong masabi. Hindi sumagi sa isipan ko ang ganitong pangyayari ng ganito kaaga. Na patay na si Maureen. Kaya pala hindi siya nagparamdam sa akin ng ilang araw.

"I need to accept it." Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Acceptance is what I need."

"I'm always here for you, Breaker. I'm your friend. Bestfriend. And I love you." Mahinang sabi ko. Wala akong intensyon na isipin niyang sinasamantala ko ang pagkakataon na ito para makuha ko siya. Hindi ko yon gagawin. Ayokong mahalin niya ako dahil lang mahal ko siya at napilitan siya. O di kaya'y natutunan lang.

"I know. And thank you for loving me. Kahit na alam kong hindi ako laging nariyan para sayo katulad mo, sa akin. I feel so bad." Umusog ako sa tabi niya at marahang isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"You're worth it." I smiled. "I know, wherever Maureen is, she's happy. She's no longer feeling the pain. Hindi ko sinasabing masaya siya na iniwan ka niya, alam kong nahihirapan siya at kung maaari ay mananatili siya dahil mahal ka niya. Pero alam kong darating ang panahon at maiintindihan mo ang lahat." Mahinahong sabi ko.

Naramdaman ko naman ang pagtango niya kaya napangiti ako. Mabuti at naiintindihan niya ang pinupunto ko.

"Hindi ako mapapagod na magpasalamat sayo sa pananatili sa tabi ko kahit na ilang beses ko ng nasira ang pangako ko sa'yo." Umalis siya sa pagkakahilig sa akin at umayos ng upo bago ako tinignan. "Pero mangangako ulit ako, pangakong hinding-hindi ko na sisirain," nakatitig siya ng deretso sa mga mata ko kaya't kitang kita ko sa mga iyon ang sakit na nararamdaman niya. Sakit na kung maaari ay kuhanin ko na lang para hindi na siya mahirapan pa. "magiging maayos ako. Bubuuin ko ang sarili ko habang nasa tabi mo." Napangiti ako sa sinabi niya at hinawakan ang kamay niya.

Nakatitig ako roon sa kamay niya at nagsalita. "At nangangako akong mananatili ako sa tabi mo. Hindi kita pababayaan."

"Aonani! Sabi ko magbebake tayo! Hindi magtatapunan ng harina!" Nakasimangot na sigaw ng kasama ko. Tuwang tuwa naman ako na sinasabuyan siya ng harina.

"Ikaw ang nauna!" Kontra ko at muling tumawa.

"It was an accident! Hindi ko yon sinadya." Nakapamewang na sabi niya habang magkasalubong ang dalawang kilay.

Malakas akong tumawa. Nang-aasar. "Mukha kang angry bird!" Humalakhak ako at muling kumuha ng harina at pabuhos ng itinapon sa ulo niya.

"Alam kong masarap ako, pero hindi mo naman ako kailangan pang balutan ng harina bago kainin." Napaatras ako at napaiwas ng tingin.

Bakit kahit nababalot siya ng harina ang hot niya pa rin?

"Oh my gosh!" Natataranta akong inilayo ang sarili kay Breaker na nakangisi pa sa akin. Kumag!

"M-ma." Naiilang na tawag ako at hindi malaman kung nakangiti ba ako o nakangiwi.

"What are you two doing?" Nakataas ang kilay ang na tanong niya dahilan para mapalunok ako. Mariin akong napapikit at sinulyapan si Breaker na nanatiling nakangisi. O kung ngiti bang matatawag iyon.

"Ang dumi ng kitchen! Sabi ninyo gagawan ninyo ako ng cake! Pero ayan at mukhang wala pa kayong nasisimulan." Aniya at inilibot ang tingin sa paligid at saka nakangiwing tinignan ako. "Really, Mireya? Ikaw ang pasimuno nito, tama ba ako?" Naninitang sabi niya. Napalunok akong muli.

"He started it ma, tinapunan niya ako ng harina. It's my favorite shirt! Gumanti lang ako." Nakangusong pagdadahilan ko. Narinig ko ang pagtawa ng nasa gilid ko kaya napasimangot ako.

"Childish. Kayo lang ang magkaibigang nakilala ko na ganito." Naririnig ko ang panunukso sa boses niya kaya nilakihan ko siya ng mata. Talagang lagi niyang naisisingit iyon sa usapan.

"What?" Natatawa kunwaring tanong niya. Napaiwas nalang ako ng tingin at naaasar na kinamot ang pisngi. Nakalimutang may harina ang kamay.

"MU kami tita." Narinig kong sagot niya. Anong MU sinasabi nito? Kunot noo ko siyang tinignan. Pero nakatalukod na pala siya sa akin at tinatanggal ang apron na kanina ay suot niya.

"Ahh. Kaya pala. So hindi na mag-isang umiibig ang anak ko? Dalawa na kayo?" Napaikot ko ang mata. Naiilang ko silang tinignan.

Sa harapan ko talaga sila mag-uusap ng ganyan?

"Okay lang po ba kung manliligaw na po ako sa anak ninyo?" Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Anong sinabi niya?

Balewala ang lakas ng pagtili ni mama  sa lakas ng pagtibok ng puso ko. Umaapaw ang kilig na nararamdaman ko kasabay ng kaba.

"Jusmiyo! Sino ba iyong tumitili? Mireya!" Narinig ko ang boses ni manang na humahangos at nang makapasok siya sa kusina ay nakita ko ang bumubula pa niyang mga kamay. Sa likod niya ay naroon si ate Mira na halata rin ang kaba sa mukha.

"Manang ang baby ko may manliligaw na!" Kinikilig na sabi ni mama na hinampas pa si manang sa balikat. Napangiwi ako. Mabigat pa naman ang kamay ni mama.

"Aba eh sino?! Ito bang si ison?" Taka niyang tanong ngunit napapangiti na rin. Sinong ison?

"Ison? Who's ison?" Takang tanong ko.

"Etong manliligaw mo! Aba'y di ko mabigkas ng maayos iyong ikalawang pangalan niya kaya't ison nalang. Mas madali pang bigkasin." Tinignan ko si Breaker ng nagtatanong. Paanong naging ison ang Breaker? At may ikalawang pangalan siya?

"Jameson. Breaker Jameson." Tugon niya. Napatango ako. Breaker Jameson. Kaygandang pangalan para sa isang siraulong katulad niya.

"Liligawan mo ang alaga ko?" Napanguso ako sa tanong ni manang. Naniniwala talaga sila sa sinasabi ng kumag na'to? Alam naman nilang palabiro ito.

"Opo. Yun ay kung papayag kayo, pati na rin po siya." Seryosong sabi niya, nakatingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin at sinipsip ang magkabilang loob ng pisngi. "Pero kahit hindi naman po kayo pumayag ay manliligaw pa po rin ako."

Yumuko nalang dahil sa hiyang nararamdaman. Kahit kailan talaga, bawat salitang sinasabi niya umeepekto sa'kin.

Nakita ko ang pagpipigil ng ngiti ni mama, ayaw ipahalata ang kilig. Pilit ginagawang seryoso ang mukha. Pft.

Tumikhim siya. "Papayag ako basta ba hindi mo siya sasaktan. Mas importante sa akin ang kasiyahan ng anak ko. Kaya hindi ko siya hahadlangan kung ano ang maging desisyon niya." Tumingin siya sa akin at tumango.

"Linisin niyo yan ha?" Sabi niya at lumabas na ng kusina. Alam kong gusto niya pa akong usisain kaya niya ako nilakihan ng mata. Napailing nalang ako. Seryoso ba talaga itong si Breaker sa sinasabi niya? O pinaaasa nanaman niya ako?

"Aonani. Liligawan kita. Sa ayaw at sa gusto mo. Sagutin mo man ako o hindi, manliligaw ako." Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko sa sinabi niya.

Kumag ka.

"I-ikaw naman ang," tumikhim ako at naiilang na umiwas ng tingin. "m-manliligaw. Bahala k-ka." Sabi ko at tumalikod na upang kumuha ng walis at basahan.

"Alam ko namang sasagutin mo'ko. Ang gwapo ko kaya." Napairap ako at inihagis sa kanya ang basahan.

"Tulungan mo'komg maglinis. Puro ka kayabangan." Mataray kong sabi at nagsimula nang magpunas ng mga harinang napunta sa mga gamit sa kusina. Bakit ko ba kasi isinaboy?

"Grabe! Patay na patay ka nga sa'kin." Narinig ko pang bulong niya.

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa. Kailangan pa naming ipagbake si mama ng cake.

"Matagal pa ba yan? Nagugutom na ako." Nakangusong sabi ko habang nakatitig sa kanya habang nilalagyan ng design ang cake. Ang arte kasi, mahahalo rin naman sa tyan iyan.

"Mag-antay ka. Sandali nalang to." Seryosong tugon niya. Pinanood ko siya kung paano niyang maingat na inaayos ang cake.

Kahit anong anggulo, ang gwapo.

"Wag mo'kong titigan." Nakangising aniya. Napakurap ako. "Kung gusto mo na'kong sagutin ngayon ay ayos na ayos sa'kin. Doon din naman patungo." Napamaang ako.

"Manligaw ka muna. Hindi ako easy to get." Masungit kong sabi. Hindi porke mahal ko na siya at alam niya iyon ay gagawin niya iyong dahilan para mabilis niya akong makuha.

"So," nakangisi siyang lumapit sa'kin, hawak pa rin ang basahan. "pumapayag ka?" Napangiwi ako. May sinabi ba ako? Papayag naman talaga ako, pero wala pa akong sinasabi.

"W-wala akong sinabi no!" Dumedepensang sagot ko.

Nagkibit-balikat siya. Ngumiti. "Dibale, manliligaw pa rin naman ako. "

Nakatitig ako kay mama habang siya ay tila ninanamnam ang cake na si breaker lang naman talaga ang gumawa at namwisit lang ako. Kanina ko pa gustong tikman pero ayaw ng lalaking to. Dapat daw ay si mama ang unang makatikim para dagdag points daw.

Nagtataka nga ako kung bakit kailangan niya ng points eh hindi naman siya naglalaro.

"Masarap. Mabuti na lang at hindi ka tinulungan ng anak ko sa pag-gawa." Nanghaba ang nguso ko.

"Masarap naman po akong magluto ma." Angal ko kahit na alam kong nang-aasar lang siya.

"Buti po tita at nagustuhan ninyo." Maganda ang pagkaka-ngiting sabi ng katabi ko. 

"Son-in-law, hindi ako marunong magsinungaling wag kang magalala." Tumawa pa siya kaya natawa na rin ako.

"Kung ganon po ay pumapayag na kayong ligawan ko si Aonani?" Malaki ang ngiting tanong niya. Napapikit ako. Kung ganoon ay talagang seryoso siya.

Nagugustuhan na ako ng taong mahal ko. Hindi ko napigilan ang pag-ngiti ko.

"Sinabi ko na. Siya ang magdedesisyon, narito lamang ako at nakasuporta sainyong dalawa." Nakangiting tugon ni mama. Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Thank you mama." Bulong ko.

"You're always welcome, my baby."

"Saan ba tayo pupunta at bakit kailangang may piring ang mga mata ko?" Malakas ang boses na tanong ko. Nasa likuran niya ako. Nakasakay sa motor.

Ipinaalam niya ako kay mama na isasama ako kung saan. Hindi ko alam kung ano ang ibinulong niya kay mama ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-ngiti ni mama.

Wala akong ideya.

"Basta! Wag ka nalang magulo at kumapit kang mabuti."

Hinablot ko ang jacket na hawak niya. Mukha kasing wala siyang planong maging gentleman ngayon. Malakas kasi ang hangin dito sa sementeryo. Oo, nasa sementeryo kami. Rito rin ba nakalibing si Maureen? Dito rin nakalibing si papa.

Napalunok ako. Bakit kung kailan patay na si Maureen ay saka niya ipapakilala sa akin? Baka multuhin ako noon dahil tila inagaw ko sa kanya ang lalaking mahal niya na naiwan niya sa hindi inaasahang pagkakataon.

"Dito ba nakalibing si M-maureen?" Naiilang na tanong ko habang isinusuot sa akin ang jacket.

Mahina naman siyang tumawa at inakbayan ako. "Hindi si Maureen ang dadalawin natin. At hindi siya rito nakalibing."

Taka ko siyang tinignan. "Kung ganon ay anong ginagawa natin dito? Mag-dedate? Anong trip mo?" Naasar na tanong ko at inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin.

"Ano rin bang trip mo at iniisip mong magdedate tayo rito? Dadalawin natin ang papa mo. Magpapaalam ako na liligawan ko ang prinsesa niya." Natatawang aniya. Natigilan ako.

Si papa ang ipinunta namin dito? Gusto ko yatang umiyak dahil sa pinaghalong saya, kilig, at pagkamanghang nararamdaman.

Paulit-ulit niya talaga akong pina-iibig sa kanya. Isa sa ako sa mga msuswerteng babaeng pinalad makatagpo ng isang katulad niya.

"Oh bakit iiyak ka naman? Para namang ipagpapaalam na kita sa papa mo na itatali na kita sa'kin." Tumatawang sabi niya at hinila akong palapit sa kanya. "Wag kang lumayo sa'kin, baka saniban ka." Nakaramdam tuloy ako ng takot. Walanghiyang to.

"Wag m-mo'kong ginaganyan, hindi talaga ako pumapasok sa sementeryo maliban nalang kung si papa ang pupuntahan ko." Nakangusong papaiyak na sabi ko. Pakiramdam ko kasi ay pwedeng bumangon ang mga patay at kukuhanin nila ako.

"H-hey biro lang. Halika rito." Mukhang naalarmang aniya.

"Tara na ron kay papa." Nakanguso pa ring sabi ko kaya hinila niya iyon. Sinamaan ko siya ng tingin, umurong ang luhang kanina ay papatulo na sana. Masakit!

"Pasalamat ka hinila ko lang, hindi kinagat." Nakangising sabi niya.

Hindi na ako sumagot. Nagpatuloy na kami sa paglakad habang palingon-lingon naman ako sa paligid. Mahigpit ang kapit ko sa kamay niya. Baka kasi bigla nalang may humila sa akin katulad ng sa mga palabas.

"Tyansing ka na a." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon. Naiinis kong binitawan ang kamay niya. Napakahilig niyang ipahiya ako sa sarili ko. "Pikon."

"Dito na." Mahinang sabi ko ng makatapat kami sa puntod ni papa.

"Vicencio G. Vertiz." Basa niya sa pangalan ni papa na nakaukit sa lapida. Lumuhod ako sa damuhan at hinaplos iyon.

"Kamusta ka na riyan papa?" Mahinang tanong ko. Inalis ko ang mga tumubong damo sa paligid niyon.

"Nani, pwede bang sa isip mo na lang siya kausapin?" Nakangiwing sabi ni Breaker na nasa tabi ko at nakaluhod din. Kinunutan ko siya ng noo.

"Bakit? Talagang kinakausap ko siya pag dumadalaw ako rito." Pagtataka ko. Takot ba siyang baka magparamdam si papa? Natawa ako. Magpapaalam ka pa, hindi ba?

"Baka kasi sumagot si tito. Medyo nakakatakot yon. Ikaw din." Kibit balikat niyang sabi na parang wala lang. Kumag.

Kinilabutan ako ngunit hindi rapat ako matakot. Papa ko ito at hindi niya ako hahayaan.

Namimiss na kita papa. Sana narito ka lang sa tabi ko para kahit na anong oras na naisin ko ay mayakap kita. Namimiss ko na ang boses mo at pagkanta.

Muli kong hinaplos ang lapida. "Mahal na mahal kita, pa." Nakangiting sabi ko at tumingin sa kalangitan. Nagbabakasaling may senyales siyang ipakita upang masabing mahal niya rin ako.

"Tito Vicencio." Napatingin ako kay Breaker ng magsimula na siyang magsalita. "Alam ko pong hindi niyo po ako kilala. Ako po Si Breaker Jameson Wilhart, manliligaw po ng prinsesa niyo na prinsesa ko na rin." Nakangiting sabi niya na nakatingin sa lapida na akala mo ay nasa harap niya at buhay talaga ang kausap. Tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Ipagpapaalam ko po sana, kung pwede ko po bang mahalin ang prinsesa ninyo, kung pwede ko po ba siyang gawing reyna ng buhay ko. Kung pwede po bang ako ang una niyang maging manliligaw, kasintahan, at lahat ng una." Seryosong sabi niya. Deretso ang tingin sa akin. Wala sa sarili akong napangiti at namuo ang luha.

I'm lucky.

"Nangangako po ako sainyong hindi ko sasaktan ang prinsesa natin. Hindi ko po siya hahayaang umiyak. Sa saya po pwede pa." Natawa kaming dalawa sa sinabi niya. Kumag talaga.

"Gusto ko pong hingin ang pagpayag niyo para maging magaan sa kalooban nating lahat ang pagsisimula ng bagong yugto sa buhay ng prinsesa natin. Si Aonani Mireya." Nakangiting aniya. Sinulyapan ako.

"Alam kong mabuti kang tao, kaya nasisiguro kong oo ang isasagot ni papa." Nakangiti kong tugon at tumingin sa ibaba. "Diba papa?" Baling ko at tuluyan ng namuo ang luha.

"Oo ang sagot ni tito? Sigurado ka? Oh ikaw lang ang nagsabi para ligawan na talaga kita?" Nakangising sabi niya. Napanguso ako. Aasarin nanaman ako.

"Humanap ka ng ibang liligawan mo."

"Bakit? May iba pa bang Aonani Mireya Vertiz na 19 years old, kasing ganda, kasing bait at kasing abnormal mo?" Nakangiting pagbawi niya kaya natawa ako at mahinang hinampas ang balikat niya.

Kinikilig ako ano ba!

"Marami pa akong banat, wag ka munang kiligin dyan."

"Banat na ba yon? Ang korni kasi." Nakangiting sabi ko. Wala sa intensyon ang mang-asar.

Sa halip na gantihan ako ay tumingin siya sa ibaba at ngumuso. "Tito oh yung prinsesa natin, inaaway ako!" Pagsusumbong niya. Mas lalo akong napangiti. He looks so cute.

Patuloy siya sa pagsusumbong at pagkukwento ng kung ano anong bagay na nangyari sa amin at ako? Nakatitig lang ako sa kanya at patawa-tawa sa mga sinasabi niya. Kung nabubuhay si papa at nakatitiyak akong magkakasundo sila.

Sana ay manatili siyang ganito. Sana ay hanggang sa dulo. Sana talaga ay mahal na niya ako at walang ng iba pang makakasingit. Dahil hindi ko yata kakayanin kung siya, na unang minahal ko ang unang mananakit sa akin ng todo.

"Done?" Nakangiting tanong ko ng tumigil na siya sa kakasalita. Tumango siya at tumayo. Matapos ay inilahad sa akin palad upang tulungan naman akong makatayo. Nakangiti ko iyong inabot at saka tumayo.

"May pupuntahan pa tayo." Nakangiting aniya at inilagay sa likod ng tenga ko ang mga buhok kong napunta sa mukha. Sa simpleng akto niyang iyon ay sumasaya, kinikilig at namamangha na ako.

"I want you to meet Maureen."

Sumama ang mukha ko. Kung ganon ay tama ang hinala ko na talagang ipakikilala niya ako kay Maureen. Hindi ba medyo awkward iyon?

"Baka mamaya ay multuhin niya ako dahil inagaw kita sa kanya." Napapalunok na sabi ko at sumakay na sa motor.

Tumawa naman siya at pinaandar na ang makina. "Maarte siya, pero hindi maldita. Kapit ng mabuti, mahal na prinsesa."

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa isa pang sementeryo na hindi ko pa napapasukan at ni minsan ay hindi ko ginustong pasukan. Ayoko sa sementeryo talaga. Nakakatakot.

"Dulo ba ang puntod niya?" Mahina ang boses na tanong ko. Sana ay sa bandang unahan lang para hindi namin kailangan lumakad ng malayo. Siguradong maraming madaraanang puntod kapag ganoon.

"Bandang gitna. Wag ka ngang matakot, patay na ang mga yan, hindi ka nila magagalaw." Natatawang aniya na inaayos ang helmet na ginamit namin.

"Hindi nga nila ako magagalaw at mahahawakan, mapapatay naman nila ako sa gulat at takot." Nakangiwing sagot ko. Tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko.

Napatingin ako roon. "Pwede ba? Mahal mo naman ako e." Nakangiting pagpapaalam niya. Nagsalubong ang kilay ko. Nasobrahan naman yata sa lakas ng loob ang isang to.

Hindi ko inalis ang kamay ko sa kamay niya, gusto ko rin naman.

"Sabi mo bandang gitna lang, kanina pa tayo naglalakad ah." Reklamo ko habang palingon-lingon. Hindi talaga ako mapakali kapag nasa ganitong lugar.

Huminto siya at binitawan ang kamay ko. "Eto na." Sabi niya. Tinitigan ko ang pwestong hinintuan namin. Puno ng mga bulaklak na nakatanim sa paso ang loob at may mga upuang bato rin. Parang isang bahay. Hindi katulad ng kay papa, hindi pabaon ang kay Maureen. May mga ipinintang larawan din ang nakasabit. Siya kaya ang gumawa ng mga ito?

Maureen Delos Reyes

Napalunok ako. Kinikilabutan at hindi ko alam kung bakit. Magpaparamdam ba siya sa akin? Nagagalit ba siya?

"Maureen, wala akong flowers na dala. Wag ka ng maarte, okay na'tong kandila." Tumatawang sabi ng kasama ko kaya sinipa ko ang pwetan niya. Kumag ka! "What?" Kunot noong tanong niya. Umirap ako at umusog ng kaunti sa tabi niya.

"Ipapakilala mo talaga ako sakanya?" Naiilang na tanong ko.

Tumango siya. "Oo, nangako ako sakanya. Na ang babaeng mamahalin ko ngayon, ipakikilala ko sa kanya," seryosong tugon niya. "at ikaw yon."

Sinindihan niya ang kandila. Tatlong kandila talaga ang itinurok niya kay Maureen. Napanguso ako, ang ibig bang sabihin non ay I love you? Kay papa kasi ay dalawa lang. Siguro Thank you naman ang ibig sabihin non.

"Wag ka ngang ngumuso, mukha kang pato." Sumama ang mukha ko at hinampas ang braso niya. Ang tigas. "Biro lang." Nakangisi siya. Kahit kelan talaga.

"A-uuhm hi M-maureen." Napapangiwing pagsasalita ko. Narinig ko naman ang bungisngis ng katabi ko.

"Maarte nga lang yan, hindi maldita. Harmless yan. Kausapin mo na." Ngumuso ako. Ano bang dapat kong sabihin sa kanya?

"Hi, ako si Aonani Mireya, nililigawan ako ng ex mo. Magpapaalam din sana ako kung pwede bang maging kami ng hindi mo ako minumulto." Itinaas ko ang kanang kamay. "Promise, hindi ko siya sasaktan. Hindi ko siya pababayaan."

Sabi niya kanina ay ipakikilala niya ako kay Maureen. Pero bakit heto ako at ako ang nagpapakilala sa sarili ko?

Nakatitig ako kay Breaker. Tahimik siya at nakatitig lang sa litrato ni Maureen sa harap ng isang maliit na altar. Siguro ay kinakausap niya ito sa isipan niya. Napayuko ako.

Paano kung kaya niya lang ako nagustuhan ay dahil sa alam niyang mahal ko siya at ayaw niyang masaktan ako?

Napabuntong hininga ako at umiling. I trust him. May tiwala ako sa mga sinasabi niya, kahit na madalas na ang mga pangako niya, hindi niya natutupad.

"I can't believe you said that!" Humalaknakatambay. Sumubo nalang ako  ng isaw.

"Alin ba ang ikinatutuwa mo riyan hijo? Aba e kanina pa tawa ng tawa." Nagtatakang tanong ni nanay magi, narito kasi kami sa pwesto niya at nakatambay. Ngayon nalang din ulit kasi kaming magkasamang dumalaw sa matanda.

Ngumisi ang kumag sa akin. Nang-aasar. "Wala po 'nay, may naalala lang." Natatawa pa ring sabi niya. Nilakihan ko siya ng mata. Naiinis na ako sa kanya.

"Ibang klaseng maka-alala ang batang ito." Natatawang naiiling na sagot ni nanay. "Kapag ibinibigay mo na ang iyong oo rito ay tiyak na sasakit ang ulo mo. Napakalokong bata." Baling niya sa akin.

Tumango naman ako bilang pag-sang ayon. "Nakasisiguro po ako riyan 'nay." Nakatawa ring sagot ko.

"Mga babae talaga, mga tamang hinala." Nakasimangot nang sabi ni Breaker.

Umismid ako. Tamang hinala. Tama kasi talaga.

"Ang maipapayo ko lamang sa inyo ay wag niyong hahayaang madiktihan kayo ng iba. Para ko na rin kayong mga anak kaya't gusto kong maging masaya kayo." Yinakap ko si nanay magi dahil sa sinabi niya.

"At para na rin po kitang ikatlong ina." Nakangiting sabi ko. Naramdaman ko ang pagyakap din sa amin ni Breaker. Nakikisali.

"Ako rin!" Sabay sabay kaming nagtawanan. Sana ay ganito nalang palagi. Masaya, walang pinoproblema.

Sana ay maging masaya ang bawat bukas na sasalubong sa aming dalawa.