CHAPTER SIX
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Humahalakhak siya. Panay ang kwento ni nanay magi sa kanya ng kung ano-anong nangyari sa kanya ng mga nakaraang araw na wala siya.
"Buti po at hindi nanakit ang balakang niyo?" Tanong ko. Etong si breaker imbis na alalahanin ang lagay ng matanda tatawa-tawa pa.
"Eh ayos naman. Hindi naman ako napuruhan at malambot naman ang kinabagsakan ko. Medyo nakaramdam lang ako ng sakit noong nakaraan pero nawala rin agad. Laman lang siguro iyon." Nakangiting sabi ng matanda. Napanatag naman ang loob ko sa narinig.
"Sana po magustuhan niyo ang pasalubong ko sa inyo." Napairap ako. Hindi man lang ako isinama. Ako nga ang nagbayad ng lahat ng yan. Credit card kasi ang dala.
"Aba e oo naman anak. Napakaganda ng mga damit na iyon." Napangiti ako. Mabuti naman at nagustuhan niya ang mga damit na binili at pinili KO.
"Sige po nay, mauna na po kami. Ihahatid ko pa po itong maganda kong manliligaw." Nakangising sabi niya. Napasimangot ako at naiinis na kinurot ang braso niyang iniakbay sa akin.
"Bagay na bagay talaga kayo mga anak! Aba e sinabi ko sayo noon pa na ipakilala mo sa akin yang nobya mo at ng makilatis ko e hindi ka nakinig. Nauna ko pang makilala itong nililigawan mo pa lang."
Napabuga nalang ako ng hangin at inalis ang braso niya sa akin. Hindi naman kasi siya ng nanliligaw sa akin.
"Nay Magi, hindi po siya nanliligaw." Nakangiwing sabi ko.
"Kasi siya po ang nanliligaw." Nakangisi pa ring sabi niya. Kinurot naman ng matanda ang braso niya. Napangiwi rin tuloy siya.
"Aba't! Gwapong gwapo ka naman yata sa sarili mo at ikaw pa ang nagpapaligaw?" Nanenermong sabi niya. Natawa tuloy ako. Para siyang batang kinagagalitan ng magulang.
"Hindi ko rin po siya nililigawan nay. Nagiimbento lang po iyan." Natatawang sabi ko. Mas sumama tuloy ang mukha niya.
"Kahit kelan talaga oh. Osiya, magsialis na kayo at ng maihatid mo na itong si naneng. Mag-iingat kayo. Salamat sa pasalubong." Pagtataboy nito. Ngumuso naman ang kasama ko at parang nagtatampo pa. Bago pa siya makapagsalita ay hinaltak ko na ang braso niya at nakangiting kinawayan si nanay magi na natatawang nakamasid sa amin.
"Hoy kababae mong tao lakas mong humila." Reklamo niya. Di ako sumagot at sa halip ay lumapit nalang sa motor niya at nauna ng sumakay. Hindi maman tumutumba e.
"Uwing-uwi ah? Di mo man lang ako hinayaang makapag-paalam kay nanay." Napapailing na sabi niya. Tumawa lang ako at kumapit na sa balikat niya ng makasakay siya. Ang bango talaga ng isang to.
"Gusto mo ba munang pumasok sa loob?" Anyaya ko. Narito na kami sa harap ng bahay namin. At pagkababa namin ng motor niya ay saktong tumunog ang cellphone niya.
Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tuloy pa rin sa pagpindot sa phone niya na nakakunot pa ang noo.
Si maureen siguro ang kausap. Napabuntong hininga ako.
"Hmm?" Sinulyapan niya lang ako matapos sabihin yon.
"Gusto mo ba munang pumasok sa loob? Ipagpapahanda kita ng meryenda." Pag-uulit ko. Umiling siya. Hindi pa rin nakatingin sa akin.
"Shit." Bulong niya at napansin kong namatay ang cellphone niya. "A-ahh ano nga ulit yung sinasabi mo?"
Sumama ang mukha ko. Kung ganon ay hindi niya ako pinakikinggan.
"Ang sabi ko umalis ka na at salamat nalang sa paghahatid." Naiinis ng sabi ko.
"Tara, kain na tayo sa loob. Pacharge na rin ako." Naiinis ko siya lalong tinignan. "What?" Inosenteng tanong niya.
"Nothing." Malamig na sabi ko at pumasok na sa loob. Naramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran kaya sa halip na kwarto ako dumeretso ay sa kusina ako nagtungo. Madalas namang nandon si Ate Mira. Mahilig kasi yung uminom ng juice.
"What do you want? Water or juice?" Tanong ko na binuksan ang ref.
"Coffee. I want coffee." Tumaas ang kilay ko.
Tinignan ko ang phone ko. 1:20 PM
"Napakainit na sa labas at doon tayo galing. Tapos kape ang gusto mo?" Kinunutan niya ako ng noo.
"So? I am a visitor." Sabi niya na diniinan pa ang salitang Visitor. Napaikot ako ng mata. Vwisitor. And I love this vwisitor. "And you're asking me. I said I want coffee." Dugtong niya.
Hindi ko rin alam sa sarili ko pero naiinis ako.
"No coffee for you old man." Mataray kong sabi ng maalala na nakadalawang kape siya kaninang umaga ng dumaan kami sa 7/11.
"Tinanong mo pa ako ikaw din pala masusunod. Ang hirap mong maging asawa, magiging UNDERstanding ako." Sarkastikong tugon niya. Dinidiinan ang Under.
"As if namang magiging asawa mo ako? Hindi mo nga ako gusto. We're friends right?" Kumuha ako ng baso at nilagyan yon ng yelo. Tubig nalang ang inumin niya. Masyadong maraming asukal na sa katawan niya.
"Hindi man lang ginawang juice." Reklamo niya ng ilapag ko sa harapan niya ang isang basong tubig. Ang arte, buti nga nilagyan ko pa ng yelo. Pakiramdam ko ay hiningal ako. Tumalikod ulit ako at kumuha ng tubig na maiinom. Napagod yata ako. Naninikip ang dibdib ko.
"Napansin kong sobra kang mahilig sa kape. Kahit sobrang init na yata ay magkakape ka pa rin." Puna ko at inilapag sa harap niya ang bread slices. Tinatamad akong maghanda e.
"I like hot. I'm hot." Kumindat pa siya. Napahinga ako ng malalim at kumuha nalang ng pwedeng ipalaman sa tinapay. Peanut butter ang nakaagaw ng pansin ko kaya yun ang kinuha ko.
"Really? Kahit tanghaling tapat?" Tanong ko na hindi pinansin ang sinabi niyang hot siya.
"Yes. At wag mo akong pakialaman sa hot coffee ko. Hindi kita pinakialaman ng hot din ang magustuhan mo." Taka ko siyang tinignan. "Pa-charge ako." Sabi niya at iniabot sa akin ang phone niya. Kaya pala namatay. Tumayo naman ako at kinuha ang charger sa ibabaw ng ref. Laging may charger dito at hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko na tinatanong dahil nagagamit ko rin naman pag dito ako nakatambay.
"What do you mean?" Tanong ko matapos isaksak ang charger sa outlet at ibigay sa kanya ang phone.
"Oh c'mon. You like me, right? And I'm hot as fvck. Hindi kita pinakialaman." Kunot noong sabi niya. Tila naiinis dahil ko naintindihan ang pinupunto niya.
Hindi ko alam kung ilang beses ko na siyang inikutan ng mata pero gagawin ko pa rin. "Eat." Sabi ko nalang at sa halip na gawin ang sinabi ko ay kinuha niya ang cellphone niyang nakalapag at sinubukan buksan yon.
Hindi ko alam kung bakit napatitig ako ron. Basta hindi maganda ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay aalis siya pagkatapos niyang buksan yon na nangyari nga.
"Nani, Maureen needs me." Sabi niya na tila nagmamadali sa pagtatype ng kung ano sa phone niya. Nakaramdam man ng inis ay tumango nalang ako kahit hindi niya nakikita. "I'll see you. Thanks for today."
"Hmm. Bye, take care." Tugon ko at umalis na siya. Hindi na ako nag-abalang sundan siya sa labas para maihatid hanggang sa labas. Nanlalata akong tumayo at inayos ang mga ginamit namin bago tuluyang umakyat sa itaas. Nakasalubong ko si manang na binigyan ako ng nagtatakang tingin.
"Oh? Nariyan ka na pala?" Tumango lang ako at nagmano sa kanya bago pumasok sa kwarto. "Ang tamlay naman niyon?" Narinig ko pang sabi niya kaya agad akong sumagot.
"I'm fine manang. Don't worry about me. I'm just not in the mood." Tamad kong sabi at nagpalit ng damit bago humiga.
Pumikit ako at inalala ang lahat ng nangyari kanina. Ilang araw na rin mula ng makauwi kami mula sa one week vacay at ngayon lang ulit kami nagkita ni breaker. Nasa kanya kasi ang mga pasalubong na binili namin para kay nanay magi. At hindi ko alam kung anong rason kung bakit ngayon lang niya ako niyayang ibigay iyon. Akala ko nga ay naibigay niya na.
Malamang ay ang ex niya. Ex niyang hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang mukha. Hindi pa man ay nasisiguro kong maiinis ako kapag nakita ko siya. Sa mga kwento ni breaker ay alam ko ng hindi maganda ang ugali niya. Hindi lang pala talaga mukha ang minamahal.
Sa ilang araw na magkasama kami ni breaker ay napansin ko ang madalas niyang pag-tingin sa phone na para bang may importanteng hinihintay. Naiisip ko pa lang na si Maureen yon ay nasasaktan na ako at medyo naiinis.
Ganon ba talaga kapag nagmamahal? Nagiging tanga? Niloko na nga, minamahal pa.
Natawa ako sa naisip. Maging ganoon din kaya ako kung pagmamahal na at hindi simpleng pagkagusto ang maramdaman ko para kay Breaker? Natigilan ako. Ang advance ko namang mag-isip. Ni hindi nga ako gusto nung tao.
Sa ilang linggong nakakasama ko si breaker, sa tingin ko ay kilala ko na siya. Masasabi kong mabait naman siya kahit na minsan ay gusto ko na lamang siyang suntukin dahil sa sobrang pagiging mapangasar.
Magaling ding magpakilig ang damuho kahit na nga minsan ay nakakairita na. Tinatraydor talaga ako ng pakiramdam ko.
Nangiti ako ng maalala kung paanong pinagaan niya ang loob ko ng araw na nahulog sa tubig ang fish bowl kung saan naroon ang mga isdang alaga ko.
Napakaboring ng buhay ko. Minsan ay gusto ko na lang tumalon ng tumalon hanggang sa mapagod ako at malagutan ng hininga. Pero paano ko naman gagawin iyon kung tinatamad ako? At isa pa, baka malungkot si mama kapag nawala ako.
Maghapon nanaman akong hihiga rito. Walang gagawin, tatanga. Napabuntong hininga ako. Hanggang kailan kaya magiging ganito ang buhay ko?
"Are you ready?" Kinakabahan man ay pinilit kong ngumiti. Kung patuloy akong magkakaganito ay mas mahihirapan ako at ang mga tao sa paligid ko.
"You can do this Aonani. I trust you." Parang malalaglag ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Tumango ako at nagbigay ng isang ngiting alam kong alam niya ang ibig sabihin.
Stay. Don't leave me.
"I'll stay. Just promise me one thing, " Sabi niya na hinawakan pa ang dalawang kamay ko. "promise me na lalaban ka kahit anong mangyari. Ilaban mo yung 50% chance mo." Naluluha man ako ay natatawa rin akong tumango sa sinabi niya.
"Promise. I promise. And when I promise, I'll never ever, break that promise." Binitawan na niya ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay huling beses na iyon na mahahawakan ko siya.
"Baby, be strong okay? Mommy's here." Tinanguan ko si mama at pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi niya habang hinahalikan ako sa noo.
"You can do this Nani." Nag-okay sign pa siya sa akin. Huminga ako ng malalim at tinanguan ang doktor hudyat na ayos na ako.
"Please do everything doc." Nakikiusap ang tinig na sabi ni mama habang nakatingin sa akin habang itinutulak ang bed ko palayo sa kanila.
"Ofcourse." Pumikit ako upang hindi ko makita ko ang pagtuturok sa akin ng kung ano anong gamot. Maya-maya pa'y bumigat na ang talukap ng mga mata ko.
I'll be fine.
Sa labas ng operating room ay nag-hihintay ang kanyang pamilya. Pare-parehong nakayuko at nananalangin ng tahimik. Iisa ang kanilang nararamdaman. Kaba. Ngunit nananalig silang malalagpasan ito ni Mireya.
Ilang linggo ang nakaraan ng may matanggap silang tawag mula sa doktor ni Mireya, nagsasabing may nahanap na silang donor. Lahat sila ay naiiyak sa tuwa ng araw na iyon. Maliban kay Mireya na hindi alam kung saya ba ang nararamdaman dahil sa wakas ay may mabuting loob na ang nagbigay sa kanya ng pag-asa upang mabuhay ng mas matagal o matatakot dahil alam niyang 50-50 lang tyansang malagpasan niya ang hamon o tuluyang isuko ang katawan.
Ngunit sa kabila ng lahat ay pinili niyang ilaban ang 50% na maari siyang mabuhay matapos ang operasyon.
Si Breaker, ang kanyang ina at mga taong nagmamahal sa kanya ang nagsilbing inspirasyon niya upang tatagan ang loob.
Sa tuwing mapapalingon si Breaker sa pintuan ng OR ay napapabuntong hininga siya at mariing napapapikit.
I had no idea. Napapailing na sabi niya sa isipan. Kaya pala ganoon na lang ito kung alalahanin ng ina nito. Na sa tuwing magkasama sila ay lagi siya nitong tinatawagan at kinakamusta ang anak.
If only I knew. Gusto niyang suntukin ang sarili. Naaalala niya ang mga araw na lagi niya itong iniinis at napapansin niyang humahawak ito sa dibdib. Masama pala rito ang pinasasama ang loob. Idagdag pa na ang huling araw na wala pa rito sa ospital ang dalaga ay siya ang kasama nito.
Araw na nalaman niyang may sakit ito. Araw na pinasama niya ang kalooban nito. Pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan ng lahat. Na dapat ay wala siya rito dahil sa kahihiyan. Pero may nag-uudyok sa kanyang sumama rito. Hindi lang dahil sa hiniling ng dalaga na naroon siya dapat pagkagising nito.
"Hijo, kumain ka na muna kaya sa ibaba?" Lumapit sa kanya ang ginang ng mapansing kanina pa tulala ang binata. Alam din niyang hindi pa ito kumakain dahil hindi pa ito umaalis sa tabi ng anak niya mula kaninang umaga. Tanghali na at baka ito naman ang magkasakit.
Nakikita ko sa mga mata niya ang mata ng yumao kong asawa. Sa isip ng ginang. Agad siyang inilingan ng binata.
"Hindi pa naman po ako nagugutom. Nangako po akong dito lang ako." Nakayukong sabi nito at umupo sa upuang malapit sa kanya.
Napabuntong hininga ang ginang. "My daughter likes you. And I like you too, for her." Nakangiting sabi nito na tinapik ang balikat ng binata.
"I'm sorry tita. It's all my fault. If only I knew---"
"It's not your fault. Stop blaming yourself for what happened." Pangaalo niya sa binatang malapit na yatang umiyak. Bakit ba niya sinisisi ang sarili niya? Muli siyang napabuntong hininga.
Sasagot pa sana ang binata ng bigla ay tumunog ang cellphone sa bulsa niya. Tumingin siya sa ginang na nanghihingi ng pasensya. "Sagutin ko lang po." Paalam nito at tumalikod na.
Napatitig naman sa kanyang likuran ang ginang. Nakikita niya sa mga mata ng binata ang mata ng dating asawa. Mga matang puno ng pagaalala at pagmamahal. Masaya siyang sa wakas ay nakahanap ang anak niya ng isang kaibigan. Isang lalaking kaibigan na alam niyang sa huli ay magpapasaya sa kanyang anak.
Sa kabilang banda, si Breaker na nagpaalam na sasagutin ang tawag ay nakatitig pa rin sa screen ng cellphone niya. Nagdadalawang isip kung sasagutin ang tawag ng babaeng minahal at minamahal pa rin niya.
Maureen
Napapabuntong hininga niya iyong sinagot.
"Mau?" Bungad niya pagkasagot ng tawag. Sa kabilang linya ay naroon ang babaeng mahal niya, umiiyak at namimilipit sa sakit na nararamdaman.
"J-james? H-help me..." Nanghihina nitong sabi mula sa kabilang linya dahilan para kabahan ng husto ang binata. Walang kaide-ideya ay nangangamba siya. Nawala sa isip kung bakit at kung ano ang dahilan kung bakit siya narito ngayon sa ospital.
"Where are you?!" Nag-alala nitong tanong.
"Favorite spot..." Mahinang boses na sabi nito at pinutol na ang linya sa sobrang panghihinang nararamdaman.
"You look pale." Nag-aalalang bati sa kanya ng ginang na hindi niya naramdamang nasa likuran niya pala at pinanonood siya. Numumutla ang mukha. "Is everything okay?" Alala pa rin nitong tanong na gustong alamin kung anong sinabi ng kausap para maging ganoon ang itsura ng binata.
"C-can I l-leave?" Mahinang tanong nito. Naguguluhan man ay tumango ang ginang dahil nag-aalala na rin siya.
Hindi nag-iisip, nakalimutan ang pangako ay umalis siya sa harapan ng ina ng babaeng pinangakuan niyang hindi siya aalis doon.
Madali siyang tumungo sa favorite spot na tinutukoy ng dating kasintahan. Doon ay naabutan niya ang dating kasintahan, umiiyak at halos mahiga na sa damuhan para lang ibsan ang sakit na nararamdaman.
"J-james..." Nanghihina nitong sabi na nagpilit pa ng ngiti. "You came..."
Pumatak ang luha ng binata. Pakiramdam niya ay mali. Maling alam niyang hindi niya magugustuhan.
Aonani Mireya
Madilim ang paligid ko. Wala akong makita, pero nararamdaman kong may mga tao sa paligid ko. Mga boses. Gusto kong idilat ang mga mata ko pero pakiramdam ko ay napakabigat ng mga ito.
Namamanhid ang buong katawan ko. Hindi ko magawang gumalaw dahil batid kong galing ako sa operasyon. At dahil wala akong maramdaman ay maaaring magalaw ko ang maselang parte sa akin at mapasama pa.
Pero may isang boses akong hinahanap. Boses na hindi ko pa naririnig mula ng magkamalay ako kahit na hindi ko pa idinidilat ang aking mga mata.
Nariyan ba siya?
I tried to move my fingers. Marahang iminumulat ang mga mata. Nahihirapan pa rin ako ngunit gusto ko ng makita ang mga tao sa paligid ko.
I survived.
Napapikit ulit ako ng masilayan ang maliwanag na ilaw sa kisame. Masakit sa mata.
Muli kong sinubukang magmulat at hindi na ako nabigo. Nagawa ko ng buksan ang mga mata ko matapos ang ilang subok. Doon ay nakita ko si mama na nakatalikod sa akin. Naroon din si ate Mira.
"M-ma." Nanghihina ang boses na tawag ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya at humarap sa akin. Nang makita akong nakadilat ay agad na lumapit at may isinenyas kay ate na agad namang lumabas.
"You're awake. Kamusta ang pakiramdam mo?" Mahinahong tanong niya, hindi alam kung ano ang hahawakan sa akin, buhok ba o kamay.
"I-i'm fine but, I can't feel anything." Mahina pa ring sabi ko. "N-nauuhaw lang po ako." Sabi ko at agad naman siyang tumalima. Sinubukan kong iangat ang katawan ko pero nahihirapan ako. Wala akong maramdaman kaya hindi ko alam kung paano ko maiaangat ang katawan para bahagyang maiupo ang sarili.
"Mireya! Don't move!" Alala niyang sabi ng makita akong sinusubukang maupo. "Baka mapano ka. Hintayin natin ang doctor."
Napanguso ako. Pero nauuhaw na ako. "I'm thirsty ma. H-hindi ako makakainom ng nakahiga." Sinamaan niya ako ng tingin.
"Don't talk too much. Baka mabinat ka. Bottled water naman ito." Aniya. Sinubukang painumin ako. Dahan-dahan ko namang ininom ang tubig hanggang sa mawala ang pagkatuyo ng aking lalamunan.
Maya-maya pa ay pumasok ang doktor kasama si ate. Kung ganon ay tinawag pala niya. Nakangiti namang lumapit ang doktora."How are you feeling Mireya?" Ngumiti naman ako ng maliit.
"I feel n-nothing doc." Napatango-tango naman siya at inutusan ang kasama niyang nurse na bisitahin ang katawan ko.
"Makakaramdam ka rin ulit so you don't have to worry. All you have to do is to free yourself from stress. Prayers. Good job Mireya." Nakangiting aniya.
"K-kailan po ako m-makalalabas?" Nahihirapan sa pagsasalitang sabi ko. Medyo sumasakit ang lalamunan ko at namamalat.
"After two weeks." Sabi niya at binalingan si mama. Halos maiyak ako sa isip ko. Two weeks. Two weeks akong hihiga lang dito. Mas kinakabahan pa ako rito kaysa sa araw na nalaman kong isasagawa na ang heart transplant.
"Fruits and veggies, non-fat milk. Iwasan din munang magkikilos. May meds na kailangan siyang itake. Twice a day. Dalawa sa umaga, dalawa sa gabi. I'll be back later." Nakatingin lang ako sa kanila. Tapos ay hinarap ulit ako ng doktora. "Congratulations hija. You did it." I mouthed thank you.
"Ma?" Pagtatawag ko sa kanya pagkaalis ng doktor.
"Yes? Are you hungry?" Umiling ako. May gusto lang akong itanong.
"Nasaan po si Breaker?" Mahinang tanong ko. Nakita ko namang natigilan siya.
"Actually, he left the hospital after mong maipasok sa OR. He received a call. Mukhang emergency kaya't pinaalis ko." Nadidismaya akong inalis sa kanya ang paningin.
He broke his promise.
"Anak? Why? Gusto mo ba siyang makita na? I can call him for you." Malambing na sabi ni mama.
Umiling ako. "No need ma. It's okay. Maybe it's someone really important." Mahinahon kong sabi. "Someone important." Pakiramdam ko ay bumalik na ang pakiramdam ko dahil tila nasasaktan ako. Hindi ko alam pero may nagsasabing bahagi ng isipan ko na si Maureen ang pinuntahan niya.
Siya lang naman ang tanging dahilan kung bakit laging iniiwan ako ng lalaking minamahal ko. Dahil kahit ano ang gawin ko, sa kanya pa rin bumabalik.
"I changed my mind po." Napatingin sa akin si mama. "Please call him, ma. I want to see him." Nanlalambot na pakiusap ko.
Breaker Jameson
"Why didn't you tell me about this?" Nagpipigil ng galit na tanong ko.
Nakayuko ako ngunit alam ko ang itsura niya. Umiiyak.
"I-I ahh I was s-scared." Humihikbing sabi niya. Naikuyom ko ang kamao sa narinig. She was scared? Scared of what?
"Scared of what Maureen?" Mariing tanong ko. This time, I am looking at her directly in the eyes. "Tell me Mau." Nanghahamong sabi ko. "You're scared of what?"
"Of you!" Sigaw niya habang umiiyak na nakatingin sa akin. Nasasaktan akong makita siyang ganyan pero nauunahan ako ng galit. "Natatakot ako sa pagmamahal mo James... Natatakot ako..." Nawala yata ang emosyon ng mata ko sa sinabi niya.
"Why?" Tanging naitanong ko.
"James, isn't obvious? I. Am. Dying! My kidneys aren't working! What do you expect me to do?! To let you stay by my side and let you see me suffering from, from this?! Ofcourse I won't!"
"What are you so afraid of?!" Nanggigigil na tanong ko. Pinipigilan ko lang ang sarili kong sumigaw pabalik.
"I don't want to see you suffer because of me. I love you and I will do everything para maging masaya ka!"
Napaamang ako. Mukha ba akong masaya?
"You think I'm happy?" I sarcastically asked. "No Maureen."
"Pinili mong saktan ako para hindi ako masaktan? What a smart decision." I sarcastically said. I was hurt by the fact that she chose to end our relationship just because she's scared.
"You don't understand." Umiiling pang aniya. "You love me. You love me so much that you are willing to sacrifice everything for me. At ganoon din ako!" Humagulgol siya. She's right. I don't understand.
"You see... Anytime soon, mamamatay ako." Tumulo ang luha niya kaya napaiwas ako ng tingin. I can't believe this. She's crying. And I know that I'm the one who made her cry.
"Mamamatay ako at sa sobrang pagmamahal mo sa akin, sa dami ng ipinangako mo sa akin, alam kong mahihirapan kang palayain ako kung patay na ako. You'll forever be imprisoned and I don't want that to happen because I love you."
Naluha ako sa narinig. Tama siya. Mahal na mahal ko siya. At ngayon iniwan pa lang niya ako ay hindi ko na kaya, paano pa kapag nawala na siya ng tuluyan?
"I want you to find another girl that will make you happy and will love you the way I do. I don't want you to commit yourself to me forever. I want you to be happy. And that's the reason why I did all of these!" She's once again right.
"I understand but," Huminga ako ng malalim. "you should have told me! I am your boyfriend Maureen. I deserve to know the truth." Umiiyak ng sabi ko.
"Was." She smiled. "Wala ng tayo, Breaker Jameson Wilhart." Natigalgal ako. Ed Sheeran is right. Loving can hurt.
"Hindi ko maintindihan kung bakit mo ako sinasaktan ng ganito," Seryosong sabi ko ng makabawi mula sa pagkakatahimik. "pero gusto kong malaman mo na nandito ako at handang maging sandalan mo. Mahal kita."
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nararamdaman ko ang unti-unting pagkabasa ng dibdib ko pero wala akong pakialam. Hinalikan ko ang buhok niya.
"I want us to be together again." Naramdaman ko ang pag-iling niya.
"No..." Iniangat niya ang mukha at bahagyang lumayo sa akin. "Pinalaya na kita at sana ganon ka rin sa'kin. Makakabuti ito para sa ating dalawa."
"Sorry kung nagalit ako sayo. Sorry kung hinayaan kitang magkaganyan. Sorry Maureen, sorry."
"It's not your fault. Baka ito talaga ang nakatadhana sa akin. Sa atin. Hindi ka nagkulang James. You are more than enough." Sinserong aniya.
"Bakit mo ako niloko? Bakit mo ako pinagpalit?" Hindi ko maintindihan ang emosyong nararamdaman ko. Nalulungkot, nagagalit, halo-halo.
"It was all part of the plan."
Hindi pa rin tuluyang pumapasok sa isipan ko ang lahat ng nalaman ko kahapon. Na hindi totoong niloko ako ng babaeng mahal ko.
Buong akala ko, nagawa niya akong lokohin. Hindi ko alam na ganoon na pala ang nararanasan niya. Kung alam ko lang, sana hindi ko siya hinayaang iwanan ako.
Isa pang ikinasasakit ng ulo ko ay ang pangakong hindi ko natupad. Nangako ako kay Aonani. Nangako akong hindi ako aalis doon. Na maghihintay ako at ako ang unang makikita niya pag-gising niya.