Chereads / Imprisoned Heart / Chapter 9 - Chapter 7

Chapter 9 - Chapter 7

CHAPTER SEVEN

"Nagreply ba siya ma?" Tumango si mama. "He's on his way." Napabuntong hininga ako. After an hour, ngayon lang siya nagreply. Maybe he's really busy taking care of his ex.

Mapagpasenya akong nag-hintay. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pananabik kahit na nga naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa ideyang nagawa niyang sirain ang pangakong binitawan niya sa akin para sa ex-girlfriend niya. Ngunit alam kong wala akong karapatan. Wala akong laban. Mahal niya yon e. Mahal din naman niya ako, pero bilang kaibigan lang.

"Nariyan na pala siya." Sabi ni mama at binuksan ang pinto. "Pasok hijo."

"Tita." Narinig kong sabi niya. Hindi ko malaman ang nararamdaman kaya't pumikit nalang ako, nagpapanggap na tulog.

"Iwan ko muna kayo. Bibili ako ng makakain. Magtatagal ka ba rito?"

"Yes tita." Yes tita ka dyan. Sakin nga nangako ka tapos hindi mo tinupad.

"Kung ganoon ay uuwi muna ako. Kailangan ko na ring kumuha ng mga gamit. Bantayan mong maigi iyan."

Naramdaman kong may lumapit sa akin. Hinalikan ako sa pisngi. Sa amoy ay alam kong si mama iyon. "I know you're awake. Kausapin mo siya." Bulong niya bago umalis sa tabi ko. Napalunok ako. Ang hirap magtago sa nanay.

"Aalis na ako." Narinig kong paalam niya bago ko marinig ang pagtunog ng pinto.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko siya. Hindi ko malaman kung pipigilin ko ba ang pag-hinga o didilat nalang at kakausapin siya para hindi na ako mahirapan.

"Aonani. Open your eyes. Alam kong gising ka. Binulong sa akin ni tita." Inis kong idinilat ang mga mata ng marinig ang sinabi niya.

"Didilat ka rin pala e." Nakatawang sabi niya. Tawang hindi ko nakita ng tatlong araw dahil nilayasan niya ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig na tanong ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Hindi ako sa kanya nakatingin. Sa kabilang gilid.

"Dinadalaw ka." Maikli niyang sagot dahilan para mas mainis ako.

"Alam ko. Ang ibig kong sabihin, bakit ka narito." Naghihinahon kong sabi. Kung hindi lang ako nakaratay dito ay sinuntok ko na ang mukha niya.

"Alam kong galit ka kaya sorry na." Ramdam ko naman ang pagiging sinsero niya sa pag-hingi ng tawad pero pakiramdam ko ay napaka-kawawa ko.

"You broke your p-promise." Pigil ang emosyong sabi ko.

"Sorry."

"S-sabi mo rito ka lang."

"Sorry."

"Sabi mo... Sabi mo hindi ka aalis. Nangako ka." Namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"Sorry Aonani. Wag kang umiyak." Nang-aalong sabi niya. Pero mas lalo lang sumama ang loob ko.

"Saan ka ba galing?" Tanong ko. Kunwari ay wala akong ideya kung bakit mas pinili niyang sirain ang pangako niya sa akin.

Matagal siyang hindi umimik bago naglakas ng loob na sabihin kung bakit. "Maureen called me." Nakita ko kung paanong gumuhit sa mukha niya ang sakit ng sabihin niya yon. Tila nawala ang tampo ko ng makita yon. Mas malaki talaga ang epekto niya sa akin pag siya na ang nasasaktan.

"I'm sorry for breaking my promise." Hindi ako sumagot. Gusto kong kusa niyang sabihin ang dahilan. Nasasaktan ako pero anong magagawa ko? Nangyari na. Pagtanggap at pagpapatawad nalang ang magagawa ko. Hindi ko naman siya kayang tiisin. Hindi ko kayang tiisin ang lalaking mahal ko.

"She's sick. She's dying." Nagulat ako ng makitang may luhang pumatak sa pisngi niya. Wala sa sariling itinaas ko ang kamay upang punasan iyon.

"B-buong akala ko ginawa niya iyon dahil lang nagmahal na siya ng iba. Wala akong kaalam-alam na may ganito siyang sakit. Wala akong magawa. Ayaw niyang magpa-dialysis,  ayaw niyang magpatransplant." Dama ko ang hirap at sakit sa kanyang boses ngunit nanatili akong tahimik upang bigyan siya ng oras na ilabas ang sama ng loob kahit na nga ba ako, sa sarili ko ay nasasaktan.

"Sorry Aonani. Sorry kung sayo pa ako nagsasabi kahit na ganyan ang sitwasyon mo. Alam kong oo, siguro nga ay makapal ang mukha ko ngayon dahil ang lakas ng loob kong magkwento sayo pero sana ay maintindihan mo ako. Wala akong ibang maaasahan sa ngayon. You're the only friend I have." Gustuhin ko mang bumangon upang mayakap siya para kahit papaano ay mapalakas ko ang kanyang loob ay hindi ko magawa. Hindi ako pwedeng kumilos ng kumilos dahil sa akin naman makakasama.

"Naiintindihan ko. At wag mo ng isipin pa ang tampo ko. Naiintindihan na kita. Kinailangan ka niya." Mahinahong sabi ko.

"Thank you"

Payak akong ngumiti. Sa kahit anong paraan ay iintindihin kita. Kahit na ang kapalit ay masakit na pakiramdam. Handa akong tiisin para lang maging panatag ang kalooban mo.

"I'm really sorry Aonani. Sana bigyan mo'ko ng pagkakataong makabawi sayo." I smiled.

"You don't need to. Sapat na sa aking nakita kita ngayon dito at humingi ka ng tawad para sa pagsira mo sa pangako mo." Muli akong ngumiti. "Basta ang hinihiling ko lang, kapag hindi mo na kaya pang kumapit sa kanya, lumapit ka sa akin. Handa akong saluhin ang hinanakit mo."

"Thank you."

"You're always welcome, mi vida."

"You want more?" Tumango ako at bahagyang iniawang ang bibig para masubuan niya ako ng binili niyang soup kanina. Maasim. Tama ang lasa para sa akin.

"Pwede ba akong magtanong?" Maya maya'y tanong ko.

"You're asking me." Pabiro ko siyang inirapan. "Ofcourse you can. What is it?" Bigla ay bawi niya sa naunang sinabi.

"Bakit ayaw magpagamot ni Maureen?" Seryosong tanong ko. Hindi ko ikakailang nagseselos ako sa kanya ngunit hindi naman ako iyong tipo ng taong ikatutuwa ang pagkawala ng saya ng iba para ako ang sumaya. Gusto kong patas ang turing sa mga bawat isa. Lalo pa at wala naman silang ginagawang hindi maganda sa akin.

Bumuntong hininga siya at ibinaba ang mangkok na hawak sa katabing lamesa. "Hindi ko rin alam kung ano ang totoong dahilan."

"Wala ka man kang bang napansin sa kanya noong kayo pa?" Kunot noong pagtatanong ko. Imposibleng wala siyang mapansin. Maliban na lamang kung manhid siya.

"Minsan kapag magkasama kami, mukha siyang malungkot pero maayos naman. Sa pamilya niya, hindi ko alam dahil hindi pa niya ako ipinakikilala. Ang sabi niya sa akin ay wala siyang mga tunay na magulang."

Nalungkot ako sa narinig mula sa kanya. "Kung financial naman ang dahilan kung bakit ayaw niya ay maari akong makatulong lalo na si mama." Sinserong sabi ko.

Nakita ko namang natuwa siya sa narinig. "Napakabuti mo talaga. Pero sa tingin ko ay hindi."

"Ang pangarap namin noon ay  tumandang magkasama. Iyong tipong kahit na halos hindi na namin maintindihan ang isa't isa sa sobrang katandaan ay kami pa rin ang magkasama." Nakayukong sabi niya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

Kahit na parang binabambo ang bagong kabit na puso sa akin dahil sa mga ikinukwento niya ay nanatili akong tahimik upang makinig.

"Sa lahat ng bagay ay nagkakasundo kami. Kung hindi man ay may isang magaadjust sa aming dalawa para lang hindi kami mag-away." Nakatitig ako sa kanya ng bigla siyang mag-angat ng tingin. "Saksakan nga lang ng arte." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Naalala ko ang unang beses niyang sinabi sa aking maarte ang dati niyang kasintahan.

"At yon ang bagay na hindi ko na yata mababago sa kanya at hindi niya kayang alisin sa pamumuhay niya."

"Nang malaman ko ang dahilan kung bakit niya ako iniwan at pinalabas na ipinagpalit sa iba, hindi ko maiwasang mapahiya sa sarili ko." Nakatitig lang ako sa kanya habang patuloy siyang nagsasalita.

"I always say I love her. That I know every single thing about her. Pero hindi ko nalamang may s-sakit siya." Pumiyok siya ng sabihin ang salitang sakit. Kung ako kaya ang nasa sitwasyon ni Maureen ay maging ganyan ka? Kahit na kaibigan lang ang turing mo sa akin?

"I feel so stupid. Nagawa ko pang sabihan siya ng masasakit na salita ng dahil sa inakala kong panglalaki niya." Huminga siya ng malalim.

"Pwede na ba akong magsalita?" Naiilang na tanong ko.

"Masyado kang mabait. Talagang inantay mo akong matapos." Natatawang aniya. Nagpilit lang ako ng ngiti.

"Hindi ko man narinig mula sa kanya ang buong pangyayari at dahilan niya para itago sayo ang katotohanan at palabasing may mahal na siyang iba, naiintindihan ko siya." Panimula ko.

"How? I mean, paano mo nagagawang intindihin ang mga bagay na para sa iba ay hindi tama?"

Mahina akong natawa. "May isang taong nakapagsabi sa akin na, lahat ng tao ay tama." Nakangiting sabi ko. Inaalala ang araw na may nakasalamuha akong kasing edad ko. Araw na umiiyak ako ng malaman kong hihinto na ako sa pag-aaral para sa kabutihan ko.

"Mula ng sabihin niya iyon ay mas naintindihan ko ang kahulugan ng buhay at pagiging mapanlinlang ng mga tao." Kinunutan niya ako ng noo. Hudyat na hindi niya nanaman maintindihan ang mga sinasabi ko.

"Para sayo, mali ang ginawa ni Maureen. Pero para sa kanya, iyon ang pinakatamang gawin." Nakatitig siya sa akin. Pilit na iniintindi ang mga sinasabi ko. "Sa mga kwento mo, alam kong mahal na mahal ka ng babaeng yon."

"H-hindi ko maintindihan." Naguguluhang sabi niya. "Mahal niya ako pero nagawa niyang magtago sa akin ng ganoon? Pagmamahal bang maitatago ang pagtatago ng isang bagay na alam mong sa huli ay makakasakit sa mahal mo?" Napalobo ko ang pisngi sa isinagot niya sa akin.

Ako ang mas bata rito pero bakit parang mas matanda ang pag-iisip at lalim ng aking pang-unawa?

"Alam mong, may g-gusto ako s-sayo hindi ba?" Napapangiwing sabi ko. Ayokong sabihing mas lumala ang nararamdaman ko para sa kanya. Siguradong lalaki ang ulo niya at mas tataas ang tiwala sa sarili na hindi maganda dahil sobra na ang confidence niya.

Sumama ang mukha ko ng sumilay sa mapang-akit niyang labi ang isang mumunting ngisi. "Wag mo ng ituloy ang sasabihin mo. Napapagod na akong magsalita." Mahinang sabi ko. Totoong medyo sumasama na ang pakiramdam ko pero gusto kong makatulong sa kanya.

"Tama na. Magpahinga ka na." Seryosong aniya matapos kong sabihing napapagod na akong magsalita.

Umiling ako. "I'm fine. Let me." Nagsalubong ang kilay niya.

"Let me remind you na wala pang isang linggo ng matapos ang transplant. Wag kang magmatigas." Matigas ang boses na sabi niya. Diniriinan ang bawat salita.

"Hayaan mo lang ako matapos at magpapahinga na ako." Pamimilit ko. Nakasimangot naman siyang tumango. Halatang napipilitan pero natutuwa ako dahil muli ko siyang napasunod.

"Ihalimbawa natin ang pagmamahal na nararamdaman ko para sayo."

"Sa sobrang pagmamahal ko sayo, nagawa kong magtago ng sikreto. At yon ay dahil ayokong masaktan ka."

Umiling siya. "Nasaktan pa rin ako." Sinamaan ko siya ng tingin ng magkomento siya. Umiwas naman siya ng tingin.

"Ang alam ko sa sarili ko ay tama ako. Dahil kung ako man, alam kong ano mang oras ay pwede akong bawian ng buhay, yun ang gagawin ko. Ang saktan ka sa paraan na hindi ako biglang mawawala. Dahil mas masakit mamaalam sa taong hindi mo na kailan man makikita pa kaysa sa taong nawala sayo pero nariyan pa rin."

Nanatili rin siyang tahimik gaya ng aking ginagawa kanina ng siya ang nagsasalita.

"Gusto kong maintindihan mo na ang isip ng tao ay hindi pare-pareho. Na gagawin natin ang mga bagay na para sa atin ay tama at alam nating mas mapapadali." Pagpapatuloy ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa kama. "Mas matagal maghilom ang sugat na sinadya mong gawin sa sarili mo kaysa sa sugat na kusa lang nangyari sayo." Ibubuka na sana niya ang bibig pero agad akong nagsalita. "Alam kong hindi mo maintindihan ang sinasabi ko. Yun ay dahil sarado pa ang isip mo sa mga bagay na ganito. Hindi mo magawang tanggapin dahil nauunahan ka ng galit at inis."

"Ganito na lang ang isipin mo." Napapabuntong hiningang wika ko. "Kung sakaling ikaw ang nasa posisyon niya at alam mong mamamatay ka na, ano ang gagawin mo para sa tingin mo ay hindi siya masaktan?" Nanunubok kong tanong. Pilit sinusubukang ipaintindi sa kanya ang nais kong sabihin.

"Sasabihin ko ang totoo. Susulitin ko ang mga oras na buhay pa ako at nakakasama ko pa siya." Seryosong saad niya kaya napangiti ako. Marunong naman palang magseryoso ang walang hiya na ito.

"Kabaliktaran ka niya, Breaker." Nagpapaunawang sabi ko. "Matapang ka para harapin ang kamatayan mo kaya't gusto mo na lang sulitin ang nalalabing oras mo sa mundo para makasama siya."

"You're brave and she's not. Nakikita mo man siyang mukhang matapang sa panlabas na kaanyuan, hindi yon sapat na dahilan para masabing siya ay ganap na matapang. Mahina ang loob niya. Natatakot siya Breaker. Natatakot siyang masaktan ka. Natatakot siyang iwanan ka dahil alam niyang mahal na mahal mo siya." Kumirot ang puso ko sa huling sinabi. Pero wala akong magagawa kung hindi ang tanggaping kaibigan ako at mahal niya bilang babae ang isa.

"Natatakot siyang iwanan ka ng mahal mo siya dahil baka mahirapan ka ng makaahon pa..."

Nakatingin ako sa doktor at kay mam na nag-uusap sa isang tabi. Ngayong araw ang labas ko sa ospital makalipas ang halos tatlong linggong pagkakahiga sa kamang itinuturing kong sumpa.

"Saya natin ah?" Panunukso sa akin ni Breaker na siyang nagtutulak ng wheelchair ko. Hindi pa naman ako pwedeng lumakad dahil nakakapagod iyon.

"Yes I am. Makakalabas na ako." Nakangiting sabi ko. Mahina naman siyang natawa. Katunayan ay sa nakalipas na dalawang linggo ay madalas siyang narito at kasama namin. Pasandali-sandaling umaalis upang puntahan naman ang dating nobya niya. Sa mga kwento niya ay alam kong mahina na si Maureen. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkahabag. Gusto kong nasa tabi ko si Breaker palagi pero ngayon ay halos ipagtulakan ko siya pabalik sa dating nobya para lang kahit papaano ay magkaroon ng saya ang buhay ni Maureen. Alam kong nalulungkot siya sa sitwasyon niya.

"Makakauwi na tayo!" Masayang anunsyo ni mama ng makalapit na siya sa amin. "Breaker, maraming salamat ha?" Sinserong pasasalamat niya kay breaker.

"Wala iyon tita." Nakangiting tugon niya. Ngiting paulit-ulit na nagpapahulog sa akin.

"Ma, tara na." Aya ko. Gustong gusto ko ng makalabas. Ilang linggo rin akong nakulong dito at hindi na ako makapaghintay pang makalabas.

Welcome Home Mireya! Basa ko sa nakabungad na tarpaulin sa pintuan ng bahay namin. Natatawa kong tinignan sila kuya Gab na may hawak pang mga lobo.

"Thank you po." Masayang pasasalamat ko. Nginitian naman nila ako.

"Ang sarap naman tumira rito sa bahay niyo. Laging nakangiti ang mga tao. Ikaw lang yata ang masungit dito a." Napangiwi ako sa binulong niya sa akin. Hindi naman ako masungit. Sadyang paiba-iba lang talaga ang mood ko.

"Breaker hijo, mamaya na umuwi ha? Rito ka muna."

Itinulak na niya patungo sa kusina ang wheelchair na kinauupuan ko at nakita kong may mga pagkain ng nakahanda. Kaya pala hindi nila kami sinundo.

Naagaw agad ng paborito kong sisig ang aking atensyon. Pero napanguso ako ng tinapik ni mama ang aking balikat. "Mamantika iyan, hindi ka pa pwede." Paalala niya. Pakiramdam ko tuloy ay napakakawawa kong nilalang. Paborito ko iyon e. Tapos ay inihanda pa rin nila kahit bawal sa akin. Parusa ba ito?

"Paano ba yan, sa akin muna yung sisig mo." Nakangising sabi ng isa. Sumama tuloy ang mukha ko. Mang-aasar pa.

Matapos naming magdasal at magpasalamat ay nagsimula na kaming kumain. Si Breaker ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Talagang binantayan nila ni mama ang kakainin ko. Kaunting kanin, isda, prutas at gulay lang ang nasa plato ko samantalang sa kanila ay marami. Nakanguso akong nagsimulang kumain. Hanggang sa matapos kami ay tahimik lang akong sumusubo. Pilit tinitipid ang pagkain na nasa plato dahil ayokong mabitin. Meryenda ko pa lang ito e.

"Nagpapasalamat talaga ako sa diyos at naging matagumpay ang operasyon sa batang ito." Nagbigay lang ako ng isang tipid na ngiti kay manang.

"Nagpapasalamat din ako at nagbigay siya ng taong may mabuting kalooban na nagbigay ng puso sa anak ko. Kung hindi nga lang gusto ng pamilya niya na maging pribado sila ay talagang iiyak ako sa harapan nila sa sobrang pasasalamat." Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi niya maging ako.

"Ang mahalaga po ngayon ay maayos na si Mireya. Ang lubusang pag-galing na lang po niya ang kailangang ipagdasal." Sumangayon kami. Ako rin malamang ay gusto kong tuluyan na talagang maghilom ang sugat sa akin.

Natapos ang maliit naming salo-salo sa hapon na iyon. Si breaker ay agad ding umuwi dahil pupuntahan pa raw niya si Maureen. Nagseselos ako pero ayos lang. Ang importante ay masaya siya sa ginagawa niya. Hindi ko man aminin sa sarili ko ay alam kong mas sasaya talaga si Breaker pag si Maureen ang kasama niya. At sino ba naman ako para kumontra? Kaibigan lang ako na minamahal siya.

Narito ako sa kwarto at nakikinig ng kanta. Wala naman akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang mamahinga at mahiga. Nagiisip nga ako ng pwedeng mapaglibangan dahil paniguradong sa mga susunod pang mga araw, kahit na nga ba nakalabas na ako ng ospital, ay siguradong hindi ako hahayaan ni mama na magpalakad dahil baka mapwersa ang katawan ko.

Lumipas ang mga araw, patuloy ako sa pag-papagaling. Tuloy ang breathing exercise ko at si Breaker ang tumutulong sa akin na gawin iyon. Naeengganyo ako dahil sinasabayan niya ako. Tulad ngayon, narito kami sa sala. Nakaupo siya sa upuan sa aking harapan habang ako sa wheelchair, pa rin.

"Breathe in... Breathe out... Breathe in... Breath out..." Mahina akong natawa habang ginagawa namin iyon ng sabay. "What's funny?" Takang tanong niya. Nakangiti akong umiling.

"Pwede bang doon nalang tayo sa labas? Gusto kong makalanghap ng hanging hindi nagmumula sa electric fan." Nakangusong sabi ko. Tumayo naman siya at inayos ang nagusot na damit. Kahit yata punit punit ng damit ang ipasuot dito ay gwapo pa rin.

Marahan niyang itinulak palabas ang wheelchair ko. Nangiti ako ng matanaw ang swimming pool. Kung hindi lamang ako ganito ay magbababad ako sa tubig.

"Breaker?" Agaw ko ng pansin niya. Tinaas naman niya ang dalawang kilay, nagtatanong kung bakit. "Pwede mo ba akong kwentuhan ng masasayang bagay?"

Sandali siyang nag-isip bago nagsalita. "Mag-iimbento ako?" Inosenteng tanong niya. Umiling ako.

"Mga nakakatuwang bagay para sa iyo na nakita mo. O kaya ay magkwento ka tungkol sa sarili mo." Mahinahong sabi ko.

"Wala naman akong maikukwento sayo na hindi ko pa naikwento sa iba." Bumuntong hininga siya.

"Edi ikwento mo rin sa akin para malaman ko." Kunot noong sabi ko. Ano naman kung naikwento na niya sa iba? Wala naman masama roon dahil kwento nga iyon, kaya marapat lang na ibahagi sa iba.

"Gusto kasi kapag may ikukwento ako sayo, ay iyong hindi ko pa naikwento sa iba. Espesyal ka sakin kaya dapat lang na espesyal ang mga bagay na sinasabi ko." Napanguso ako.

"Pinapaasa mo nanaman ako. Katatapos lang ng transplant sa akin tapos ay pasasamain mo ang loob ko." Naiinis kunwaring sabi ko. Ngunit ang totoo ay parang hinipan ang tenga ko. Nakakakiliti ang pakiramdam. Pakiramdam na siya palang ang nakapagparamdam sa akin.

"Hindi naman kita pinapaasa. Nagsasabi ako ng totoo." Giit niya. Pabiro akong umirap. Sinabi na rin kaya niya iyan kay Maureen? Sumama ang mukha ko sa isip. Sana naman ay hindi pa.

Speaking of... "Kamusta na siya?" Usisa ko. Ayaw ko sanang buksan ang usaping ito pero gusto ko talagang malaman. Ayaw kong buksan ito dahil alam kong magseselos ako at malulungkot siya pero gusto kong malaman ang lagay niya.

"Noong huling pagkikita namin, mukha siyang masigla. I'm really hoping na she's okay." Pilit pinasisigla ang boses na sabi niya. Anong ibig niyang sabihing huling pagkikita?

"What do you mean, huling pagkikita?" Kinakabahang tanong ko. Hindi naman kaya...

"Silly. She's not dead." Natatawang sabi niya ngunit agad ding naging seryoso ang mukha. "The last time na pumunta ako sa apartment niya, wala siya. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang cellphone niya. Nagtanong ako sa mga katabing apartment pero nakaalis na raw madaling araw pa lang." Rinig ko ang pagkadismaya sa boses niya at nakikita ko rin iyon sa mukha niya.

"Noong isang araw iyon, hindi ba?" Tumango siya. "Hanggang ngayon ay hindi ko siya macontact. Kanina bago ako dumeretso rito ay dumaan ako sa apartment niya pero may bago ng nakalipat. Napakabilis nga e."

"A-ang mga magulang niya? Hindi mo ba sinubukang lapitan?" Naiilang na tanong ko. Tipid siyang ngumiti bago umiling.

"Sinubukan ko, pero wala rin ang pamilya niya sa mansyon nila. Tanging mga katulong lang ang naroon. Sinubukan ko rin silang tanungin pero hindi raw nila maaaring sabihin."

"Sana lang, kung nasaan siya ay maayos ang lagay niya. Sana ay pumayag na siyang magpagamot."

Palihim akong pumikit at nagdasal na sana, sana ay maging maayos ang kalagayan niya. Kahit alam kong masasaktan ako ay gusto ko silang makitang magkasama. Alam kong kay Maureen siya sasaya.

"Everything will be okay." Nagokay sign pa ako sa kanya. Napangiti naman siya sa inasal ko.

"Kung ikaw siguro ang naunang nakilala ko, hindi ko na kailangan pang pigilan ang pagkagusto ko sayo. Pero ayaw kong sirain ang pangako ko  sa babaeng mahal ko pa rin. I like you, Aonani Mireya. Pero hindi tayo pwede."