Chereads / Imprisoned Heart / Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 6 - Chapter 4

Dito pa lang talaga yung start ng totoong kwento.

Lovelots, ♡

CHAPTER FOUR

"Nagustuhan mo ba ang tanawin?" Binitawan ng labi ko ang straw at nakangiting tinanguan si mama.

"Sigurado ka bang hindi ka sasama?" Tinignan ako ni mama bago umiling kay manang.

"Ma, kaya ko naman po. Hindi naman po ako mawawala rito. Mag-enjoy lang po kayo." Pangungumbinsi ko. Ayaw niyang umalis dito sa tabi mg cottage namin kung nasaan ako ngayon. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko kaya nawalan ako ng ganang sumama sa kanila upang umikot sa lugar.

"Hindi naman pwedeng maiwan ka rito ng mag-isa." Nag-aalala pa ring sabi niya.

"Ako nalang po ang maiiwang kasama rito ni Mireya." Pagpepresinta ni ate Mira. Agad akong umiling. Alam kong excited siya sa paglilibot dito at ayokong mawala iyon ng dahil lang sa akin.

"Ayos lang ako rito na mag-isa. Magpapahinga nalang ako para bukas ay makasama na ako."

"Anak hindi pwede--" pinutol ko ang sinasabi niya.

"Ma, I'll be fine here. Hindi naman ako aalis dito, magpapahinga ako para bukas. I promise." Nakikiusap ang tinig na sabi ko.

Alam kong kaya kami nagbakasyon ay para mag-enjoy. At yun ang gusto kong mangyari. Alam kong sobrang mahirap ang sitwasyon namin, lalo na kay mama dahil siya ang sumalo ng lahat ng naiwang trabaho ni papa.

"Mireya please." Batid kong naiinis na siya sa akin dahil sa katigasan ng ulo ko pero alam kong maiintindihan niya ako.

"Ma, just go. I'll be fine. Mag-enjoy kayo, may anim na araw pa naman para masulit ko. Isipin niyo na lang po na para sa inyo ang araw na ito."

Bumuntong hininga siya at pumikit ng mariin, nagpipigil ng inis. "Call me." Napangiti ako sa sinabi ni mama.

I won

"I will ma. Take care. Don't forget to take pictures okay?" Humalik ako sa pisngi niya. Sandali pa siyang nagbilin ng kung ano ano bago sila tuluyang umalis.

Akala mo naman ay ibang bansa ang kanilang patutunguhan. Nasa iisang lugar lang naman kami.

Bumuga ako ng hangin at kinuha sa bag ang baon kong speaker para magpatugtog.

Napagdesisyunan kong sa labas ako ng cottage manatili para mas maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin at matanaw ko ang malinaw na tubig at mga rock formations sa paligid, sa harap.

Shut the door

Turn the light off

If I wanna be with you

I wanna feel your love

I wanna lay beside you

I cannot hide this

Even though I try

Pumasok sa isip ko si Breaker ng magsimula ang kanta. Nakashuffle na nga, yan pa ang nauna.

Bumalik ako sa loob at kumuha ng makakain. Gusto ko sana ng tsaa pero saan naman ako kukuha?

Napipilitan kong binuksan ang lalagyan ng mga baon naming drinks at kumuha ng C2. Pwede na'to. Tea rin naman.

Daig ko pa ang broken sa kantang ito a.  Pinindot ko ang next.

Once upon a time there was a boy who loved a girl.

She was absolutely perfect in an imperfect world.

Forever's a promise, it's more than just a word.

Hindi ko yata matandaang may ganito akong kanta sa phone ko?

Naririnig ko ang halakhakan ng mga batang naglalaro sa tubig, ang iba ay naglalaro sa buhangin at naghahabulan sa mabatong parte ang iba. Hindi kaya sila madapa riyan?

Nabaling ang tingin ko sa kabilang parte kung saan may dalawang taong magkahawak ang kamay. Napako ang tingin ko sa kanila.

Panay ang tawa ng babaeng hindi ko makita ang mukha dahil nakaharang ang buhok sa kanyang mukha. Ang lalaki naman ay ganoon din.

Kung hindi pala ako sumama rito ay hindi ko siya makikita. Kaya pala sa isang araw pa niya gustong magkausap kami. Dahil talagang abala siya. Totoo ngang magkasama sila.

Mapait akong napangiti. Kaibigan lang ang tingin at turing mo sa akin at alam ko yon dahil sinabi mo. Kaya bakit ako nasasaktan? Nakaramdam ako ng kirot pero tila wala ako sa sariling isip para indahin yon. Nanatili akong nakatingin sila hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

Bakit parang pinaglalaruan naman yata ako ng tadhana? Alam na ngang hulog na ang loob ko sa lalaking ito. Hanggang sa bakasyon ba naman namin ay siya ang makikita ko?

Kung sabagay ay di naman namin pag-aari ang lugar. Napayuko ako at doon ko lang napansing may tumulo na palang mula sa mga mata ko.

"Leche naman oh. Kaibigan mo lang naman ako kaya wala akong karapatang masaktan." Mapait na sabi ko at tinungga ang C2 na para bang alak iyon. Sana ay malasing ako nito.

"Una pa lang kasi alam ko naman na. Bakit di ko nagawang pigilan ang sarili ko?" Mahinang sabi ko at tumingin sa mga batang kanina pa naglalaro.

Para akong tanga. Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Mas mabuti pa yatang sumama nalang ako kina mama. Nadagdagan lang ang sakit na nararamdaman ko. Sana ay nalibang pa ako.

Pumasok ako sa loob ng cottage at humiga nalang. Matutulog na lang ako kaysa isipin pa ang nakita ko. Walang kami pero nasasaktan ako.

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mahihinang boses. Unti-unti akong nagdilat ng mata.

"Ma?" Taka kong tanong. Narito na sila? Gano ba ako katagal na nakatulog?

"Buti naman at gising ka na. Akala ko ay kung napano ka na. Hindi mo sinagot ang tawag ko kanina." Nanenermong sabi ni mama. Napatingin ako sa cellphone ko at kinuha iyon. Ten missed calls. Grabe naman.

"Sorry ma. Inantok ako e. Kanina pa po ba kayo?" Paglilihis ko sa usapan.

"Oo. Mula ng nakatatlong tawag ako at di ka sumagot ay nagmadali kaming bumalik dito." Mataray na sagot niya. Humaba tuloy ang nguso ko.

"Pasensya na ma. Sabi ko naman po sa inyo ay magpapahinga ako hindi ba?" Pangangatwiran ko. Lumapit siya sa akin. Di ko napaghandaang kukurutin niya ang hita ko. Napangiwi ako sa sakit.

"Ngayon ka magpahinga. Ngayong narito na kami. Mamayang gabi manonood tayo ng fireworks." Kinindatan ako ni manang iseng. I mouthed thank you. Sinagip niya ako sa mga litanya ni mama.

"Ma! Dalian niyo po." Excited kong sigaw mula sa labas ng cottage namin. Alas otso na ng gabi at magsisimula na ang fireworks. Ang bagal bagal kasi nilang kumilos. Palibhasa kase ay tumatanda na. Pero halos mukhang magkasing edad lang naman kami.

"Batang ito! Aba eh teka at baka madapa naman kami." Natatawang sagot ni manang. Nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya.

Sa tulay kami pupunta para maganda ang view.

Limang minutong lakaran na magiging sampu yata dahil sa tagal nilang kumilos.

"Sige na Mira, mauna na kayo ron. Aantayin ko na ang dalawang oldies natin." Natatawang sabi ni Kuya Gab. Hinampas siya ni manang pero bahala na sila ron. Hinawakan ko na ang kamay ni Ate mira at hinila na siya paalis.

"Batang ito! Pag ikaw ang tumanda naku!" Narinig ko pang sabi ni manang bago kami tuluyang makalayo.

"Mireya teka--dahan dahan naman! Hindi tatakbo ang fireworks!" Tarantang sabi ni ate Mira ng bigla akong tumakbo habang hatak ang kamay niya. Napangisi ako. Kapag ganitong wala akong nararamdamang masama sa katawan ko ay masyado akong magalaw. Kaya pasensya na.

"Hindi nga tatakbo pero mawawala! Dali na Ate! Para ka namang si manang at mama e." Reklamo ko. Tumawa lang siya.

"Ikaw ang inaalala ko. Baka hingalin ka at mahirapang huminga. Hinay hinay Mireya." Paalala niya dahilan para mapanguso ako.

"Eh ate. Dalian na natin. 8 Pm ang start diba? Late na tayo ng 5 minutes!" Patuloy kong reklamo. Tinanguan niya ako at binilisan na niya ang lakad niya.

Pero ng malapit na kami sa tulay ay biglang nagsimula ang pagsabog ng makukulay na kung ano sa madilim na kalangitang puno ng mga bituin. Napatigil ako at namamanghang napatingin doon.

"Ang ganda..." Nasabi ko nalang. Naramdaman ko ang pagbitaw ni ate Mira sa kamay ko.

Nang huminto ang pagputok ay madali akong tumakbo patungo sa tulay para mas maganda ang tanawin. Narinig kong sumigaw si Ate. Hindi ko siya nilingon. Susunod naman iyan sa akin.

Habang tumatakbo ay patingin tingin ako sa langit. Hindi ko tuloy namalayang may tao pala sa harapan ko. Napahawak ako sa noo kong nauntog sa kanya. Nahagod ko iyon dahil masakit. Napakatigas naman ng isang to.

"Argh. Miss tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses na yon. Lumaki ang mata ko.

"Breaker?" Gulat na sabi ko. Gulat din siyang napatingin sa akin. "Nanikid?"

"Anong ginagawa mo rito?" Gulat pa ring tanong niya. Parang di makapaniwalang nasa harapan niya ako ngayon.

Ako rin naman kanina, hindi ko akalaing makikita ko sila ritong magkasama.

"Obviously manonood kami ng Fireworks display." Umiirap na sabi ko. Naiinis ako sa kaniya. At saka bakit ba nagtatanong pa siya? As if naman na siya yung may-ari nitong place.

"Taray ah. Di man lang mag-sorry. Masamang magtaray sa crush mo." Nakangising sabi niya na umakbay pa sa akin. Hindi ko inalis. Gusto ko rin naman. Pabebe pa ba ako?

"Mireya!" Narinig kong sigaw ng kung sino mula sa likuran. Napakagat ako sa labi. "Jusmiyo Mireya! Wag mo akong tatakbuhan ng ganon!" Hingal na sabi ni ate Mira ng makita ako sa pwesto ko. Ngumiti ako ng alanganin.

"Sorry." Pigil ang tawang sagot ko.

"Ow, hi?" Napalingon ako sa nagsalita. Si breaker. Binigyan ako ng nagtatanong na tingin ni ate Mira. Tila inaalam kung kilala ko ba ito o nakasalubong lang.

Tumikhim ako. "Siya po si Breaker." Lumabas ang ngiti ni ate Mira. Nilakihan ko siya ng mata. Nararamdaman ko kasing manunukso siya.

"Ikaw pala ang kaibigan ni Mireya. Hindi ba't madalas naman kayong magkita sa bayan? Hanggang dito ba naman?" Mariin akong napapikit. Hindi ko malaman kung sa kilig ba o sa inis na binuksan pa ni ate Mira ang usaping yon.

"Destiny?" Patanong na sagot naman ng bwisit na nasa gilid ko.

"Bagay kayo." Mapangasar na sabi ni ate. Doon ko napansing naka-akbay pa rin pala siya sa akin. Madali ko iyong inalis at umiwas ng tingin.

"We're friends." Nakangiting sagot ni breaker. Nililinaw ang relasyon naming dalawa. Para namang kinurot ang puso ko. Leche talaga tong lalaking to. Pwede namang makisakay nalang. Harapan talagang sasabihin e.

"Sige, dyan muna kayo. Dito lang ako sa gilid. Aantayin ko sila manang." Pangiti-ngiting sabi niya na paatras na tumabi sa isang gilid.

"Is she your... sister?" Nilingon si Breaker na sinundan pa ng tingin si ate Mira. Umiling ako at lumayo sa kanya. Luminga ako sa paligid.

Nasaan na kaya sila mama?

Napatingin ako sa kalangitan ng makarinig muli ng malalakas na pagputok. Mamaya ko nalang hahanapin sila mama. Nariyan lang naman si ate. May kasama pa rin akong babalik.

Ang ganda...

"Mukhang amazed na amazed ka sa display ah." Sinulyapan ko siya at muling ibinalik ang paningin sa makukulay na nagsisisabog sa kalangitan.

"Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganito, na ganito ako kalapit. Ganito pala ang tunog nito.." Namamangha pa ring sabi ko.

Noong bata kasi ako ay hindi ako hinahayaang makarinig ng malalakas na tunog. Magugulatin kasi ako at nakakaapekto iyon sa akin. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko na siyang nagpapahirap sa akin sa paghinga.

"Really? Another first time na ako ang kasama mo." Nakangiting sabi niya. Hindi ko nakikita pero nararamdaman ko. Lagi naman siyang nakangiti.

"So... Ngayon, alam mo na ang tunog ng fireworks. Anong masasabi mo?" Maya-maya ay sabi niya. Masyado akong masaya na nakatingin sa mga paputok. Napatingin ako sa kanya.

"Nang-iinis ka ba?" Nakakunot ang noong tanong ko.

"Why? Nagtatanong lang ako. This is your first time. Gusto ko lang malaman kung anong nasa isip mo." Defensive na sabi niya. Pero hindi ako kumbinsido. Pakiramdam ko ay inaasar talaga niya ako. Dahil nga ito ang unang beses kong makasaksi ng ganito sa malapitan. Pakiramdam ko tuloy ay abnormal ako.

"Psh."

"Sungit." Sabi niya at bumalik sa panonood.

Naluluha ako sa saya. Ganito pala ang pakiramdam na manood ng fireworks display na kasama ang taong nagugustuhan mo. Kahit na hindi niya alam na gusto mo siya. Masaya. Sobrang saya.

Naramdaman kong hinawakan niya ang ulo ko at marahan iyong isinandal sa kanyang balikat. Taka naman akong nakatingin sa kanya habang nakasandal na ang ulo sa kanya.

"Enjoyin mo nalang. Swerte mo nga kasama mo crush mo." Kumindat pa siya. Napairap ako. Mayabang.

Ganoon nga ang ginawa ko hanggang sa matapos ang palabas. Unti unting nawala ang mga tao sa paligid. Nagsialisan na dahil tapos na.

Hinanap ko sila mama at nakita kong magkakasama na sila nila ate Mira. Lumapit ako sa kanila at nakalimutan ng may kasama nga pala ako. Saka ko lang naalala ng tumikhim siya at sumunod sa akin. Bakit ba niya ako sinusundan? At saka bakit nga pala hindi na niya kasama ang.... Ex niya?

"Bakit mo'ko sinusundan?" Inis na tanong ko.

"Because we're friends?" Inosenteng sagot niya. Umirap ako at lumapit na kila mama.

"Ma!"

"Nagustuhan mo ba ang fireworks display?" Nakangiti niyang tanong. Sasagot na sana ako pero may nauna sa akin.

"Yes ma'am. Sobrang namangha siya." Gulat naman siyang tinignan ni mama. Tapos ay binalingan ako ni mama. Nakatingin sa akin na para bang tinatanong ako kung kilala ko ba ito. Sabat kasi ng sabat.

"Oh." Tanging nasabi mama. Tumikhim ako. "Ma, siya si breaker."

Napalitan naman ng masayang awra ang kanina ay nagtataka niyang itsura. "Akala ko ay hindi ka inimbitahan ng anak kong sumama sa amin. Sumunod ka lang ba hijo?"

"Po?" Takang tanong ng katabi ko at tinapunan ako ng tingin. "A-ahh may kasama po talaga ako kaya lang ay umalis na. Uuwi na rin po ako mamaya. Tinignan ko lang po yung display." Si maureen na mahal na mahal niya ang kasama niya ma.

"Iniwan ka ng kasama mo? Aba eh kung uuwi ka lang din naman pala ay bakit di ka pa sumabay?" Singit ni manang. Lumayo ako kay breaker at lumipat sa tabi mi ate Mira na nasa tabi naman ni kuya Gab.

"Bigla nalang po kasing nawala at may iniwang note lang." Nakangiting sagot niya. Umiwas ako ng tingin. Pesteng ngiti yan. Lakas makapagpahulog ng loob.

"Ay nako hijo. Narito ka nalang din naman ay sa amin ka nalang sumama. Hindi ka naman iba dahil kaibigan ka ng anak ko. Wag ka munang umuwi!" Maligalig na sabi ni mama na akala mo ay close na close na sila. Ngayon lang naman nagkita.

"P-po? Ayos lang po ba?" Naiilang na tanong ni breaker. Pag sa akin ang kapal ng mukha mo.

"Aba oo naman! Ikaw naman ang future son in law ko!" Parang batang bumungisngis si mama matapos niyang sabihin yon. Namula ang buong mukha ko sa kahihiyan. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-ngisi ng walang hiya sa gawi ko. Peste. Mama kasi e.

"Alam mo bang ikaw ang first friend niyang anak kong yan? Mailap kasi sa tao!" Napaikot ako ng mata. Gaya ng usapan nila kanina, isinama talaga ni mama si Breaker sa amin at di niya hinayaang umuwi dahil delikado na dahil gabi. Mas delikado nga pag narito yan e. Baka ikamatay ko dahil bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing ngingiti sa akin ang loko.

"Nasabi nga po niya sa akin tita." Tumatawang sagot naman niya. Lakas maka-tita. Pamangkin ka? Syempre di ako papayag. Masisira future ko.

"Talagang close friends na kayo ha! Kapag kayo na ng anak ko ako ang unang makakaalam ha!" Nanunuksong sabi ni mama. Hindi nako sumagot. Medyo nasanay na ang pandinig ko dahil paulit ulit niyang sinasabi yan kanina pa.

"Tita we're friends lang po." Patawa-tawang sabi niya. "Pero hindi ko po itatangging umamin sa akin si Aonani na crush niya ako." Nakangising sabi niya na tumingin pa sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Really?!" Nanunukso akong tinignan ni mama. "Ang anak ko talaga, hindi marunong magsinungaling, tinanong mo ba siya?" Tumango si breaker.

"Ma, tama na yan. Magpahinga na po tayo. Lalo ka na, kanina ka pa gising. Hindi ka natulog kaninang tanghali. Mage-eleven na." Awat ko dahil mukhang wala siyang balak na patulugin si Breaker na kanina ko pa napapansing mukhang inaantok na.

"Ayaw mo lang na pag-usapan ka namin." Nagtataray nanamang sabi niya. Napabuntong hininga ako.

Ang nanay kong mas isip bata pa yata kaysa sakin.

"Tita, Aonani's right. Medyo inaantok na rin po ako." Ngumuso si mama. O siya sige. Kung ganon ay pupunta ka na sa inuupahan mong kwarto?" Tumango si breaker. "Dito ka nalang matulog. Doon ka sa tabi ni Gab." Anyaya ni mama. Umiling si Breaker.

"Ma, sige na." Nakikiusap ng sabi ko. Napilitan siyang umayos at lumipat na sa kabilang cottage kung saan kami natutulog.

"Okay okay. Hatid mo na siya sa labas." Tumango ako at hinila na ang kamay niya.

"Take care and goodnight." Maikling sabi ko pagkahatid sa kanya sa labas. Babalik na sana ako sa loob kaya lang ay hinila niya ang kamay ko. Napatingin ako ron at bumilis nanaman ang pintig ng puso ko.

"Samahan mo muna ako." Nakangiti niyang sabi. Tinignan ko lang siya. "Diyan lang." Dugtong niya at hinila na ang kamay ko bago pa ako makasagot.

"Wait. Baka hanapin ako ni mama." Alalang sabi ko.

"Oh. Pahiram ng phone." Nagtataka man ay ibinigay ko sa kanya ang cellphone.

Nakita ko siyang nagtatype ng kung ano ron hanggang sa tumunog yon. Sinilip ko yon at nakitang si maka ang kausap niya.

"Let's go." Nakangiting sabi niya at naglakad na kami.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko ng makarating kami sa tulay. Dito niya ako dinala.

"Madaming bituin ngayon. Naalala kong hilig mo ang pagmasdan sila diba? Yan. Sasamahan kita." Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam na lahat pala ng sinasabi ko tungkol sa akin ay tinatandaan niya.

"Sinong... Sinong kasama ang tinutukoy mo kanina?" Paguusisa ko. Syempre kunwari ay hindi ko alam. Para naman hindi niya malamang nakita ko sila.

Teka. Kailan pa ako natutong mag-sinungaling? Pero hindi naman ito pag-sisinungaling, diba?

"Si Maureen." Seryosong sabi niya. Tumango-tango ako at ibinalik ang tingin sa langit. Marami-rami ang mga bituin. Ang ganda nilang pagmasdan.

"Iniwan nga lang akong mag-isa rito. Nag-iwan lang ng note na may emergency sa kanila."

"Hindi ka ginising?"

"Kung ginising niya ako, edi sana wala na rin ako rito."

Nagkibit balikat ako. Oo nga naman. Paniguradong sasama siya dahil hindi niya matitiis ang babaeng nanloko sa kanya. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

"May movie akong napanood." Pagsisimula ko ng usapan. Nakatingin pa rin ako sa langit. "Sabi nung babae, kapag daw namamatay ang mga tao, nagiging star. Kasi kinukuha sila ng aliens." Tumingin ako sa kanya ng may ngiti sa labi. "Kaya ikaw, sa oras na mawala ako, kapag namiss mo ako tumingin ka lang sa langit kapag gabi. Hanapin mo ang pinakamalaki at pinakamaningning na bituin."

Malakas siyang tumawa. "Kung magsalita ka naman parang namamaalam ka na sakin." Di natin sure.

"Nagsasabi lang naman ako." Natatawa kong sabi. "Hindi ba maganda na imbis na maging multo tayo na nakikita ng mga may third eye e maging star nalang tayo? Maganda pa sa paningin."

"Magiging star ka nga, alien naman ang kukuha sayo. Hanggang sa kabilang buhay ba naman maghihirap at madilim pa rin talaga ang mundo ko?" Seryosong sabi niya pero may munting ngiti sa labi. Natigilan ako. Bakit parang ang lalim naman non.

"Kung madilim ang mundo mo, handa akong maging bituin para sayo." Nakatitig sa mga mata niyang sabi ko.

"Pero hindi ganon kaliwanag ang bituin." Katwiran niya. "Bakit pipiliin mong maging bituin para sa akin kung pwede namang maging araw ka nalang?"

"Ang araw ay para sa umaga. Ang bituin at buwan ay para sa gabi." Umupo ako at ginaya niya ako. "Bakit mo naman iaasa sa bituin ang lahat ng liwanag na kailangan mo sa madilim na gabi kung nariyan naman ang buwan?" Tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin. Maya-maya ay natawa siya at napakamot sa ulo.

"Ang lalim naman non. Hindi ko naintindihan ah?" Nakatawang sabi niya.

"Kasi tanga ka." Sabi ko dahilan para kumunot ang noo niya.

"Ang hirap namang magkaroon ng kaibigang hindi marunong magsinungaling. Deretso masyado kung mag-salita." nakangiwing sabi niya.

Inayos ko ang buhok na napunta sa mukha ko dahil sa hangin. "Ikaw ang buwan. At ako naman ang bituin. Mas maliwanag ka kaysa sakin. Mas malaki. Kung ikukumpara ang liwanag ng isang bituin sa buwan na katulad mo, mas malaki ang lamang. Sa madaling salita," Nginitian ko siya ng matamis. "hindi mo pwedeng iaasa sa iba ang magiging kasiyahan mo at pagliwanag ng buhay mo. Matutulungan ka ng iba, pero kailangan mo ring tulungan ang sarili mo.