CHAPTER TWO
"Are you okay?"
Tinignan niya ako na parang napakatanga kong nagtatanong sa kanya.
"Do I look like I'm okay?" Inis na tanong niya.
Nagtatanong lang ako, bat ka galit?
"Sorry." Mahinang sabi ko at tinignan siya. Nakayuko siya at nakatitig sa tinatapakan niya. Nanatili akong tahimik, nangangapa kung anong sasabihin.
"I loved her, still do, and will always love her." Bigla ay sabi niya dahilan para mapakurap ako. Ako ba ang kinakausap niya? Tumingala siya sa akin. "But maybe I am just not enough." His voice cracked. Parang kinurot ang puso ko sa narinig.
Hiwalay na ba sila ng girlfriend niya? Pero noong isang linggo ay mukha siyang masaya talaga ng mabanggit ang tungkol sa nobya niya.
"It hurts. And I don't know how to stop this pain I'm feeling right now." Sa pagkakataong ito ay tumulo na ang mga luha niya. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ng makita siyang lumuluha.
Bakit ako ang nasasaktan para sa kanya?
"I- uh, I don--"
"Stay." Malungkot ang tinig na sabi niya. Yumuko siya. "Stay with me." Mahina ang boses na sabi niya. Napalunok ako. Gusto ba niyang samahan ko siya rito?
Wala naman akong alam na mga salitang pwedeng magpagaan ng kanyang loob. Wala akong alam sa mga ganitong bagay. May ilan akong nakasama noon sa pag-aaral ngunit mukhang nakalimutan na nila ako, at ang kaibigan para sa akin ay hindi nakakalimot.
"You don't need to say anything. Just stay and listen." Dugtong niya. Tahimik at maingat akong umupo sa medyo malayo sa kanya. Nanatili kaming tahimik sa loob ng ilang minuto. Tanging mga tunog ng mga dahon ang naririnig ko at mga huni ng ibon. May iilang sasakyan ding dumaraan.
Tumikhim ako at sumulyap sa kanya.
Sabi niya ay makinig ako sa kanya, pero hindi naman siya nagsasalita.
Pasalamat ka at nagugustuhan kita.
"Anong gagawin mo kung sakaling malaman mong niloloko ka ng taong mahal mo?" Bigla ay tanong niya. Nakatitig lamang ako sa kanya, inaantay kung may susunod pa siyang sasabihin. Nang masigurong wala na ay saka ako sumagot.
"Hindi ko alam. Wala naman akong minamahal sa ngayon bukod sa pamilya ko." Tinignan niya ako.
"Pilosopa ka rin pala ano?" Tumawa siya ng kaunti ngunit halatang pilit.
"You're lucky." He said bitterly. "Hindi mo pa nararanasan yung ganitong pakiramdam. Na ginawa mo na ang lahat, pero hindi ka pa rin pinili."
Ramdam ko ang pagpipigil niya ng luha habang sinasabi yon. Gusto ko siyang yakapin pero nauunahan ako ng hiya. Natatakot akong maramdaman niya ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko.
"Everything happens for a reason. Siguro may ibang nakalaan para sayo. Siguro dumaan lang siya sa buhay para turuan kang maging matatag, at para turuan kang mag-mahal ng ganyan." Mahinang sabi ko at nilipat ang tingin sa harapan. Hindi siya sumagot ngunit naririnig ko ang paghikbi niya. Rinig na rinig ko ang bawat sakit ng hikbi niya at para iyong punyal na paulit ulit na tumatarak sa puso ko.
Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak ng ganiyan. Ganiyan ba talaga ang lahat ng lalaki kapag nagmamahal? O siya lang? O baka naman siya pa lang ang nakikita ko?
"You're right. I'm lucky. Maswerte ako dahil may pamilya akong nasasandalan at laging nariyan para sa akin." Binalik ko ang tingin sa kanya. Nakayuko na siya ngunit hindi na gumagalaw ang balikat. "Pero maswerte ka rin, dahil kahit na hindi ka pinili, natuto ka. May naiwan sayong lesson na alam kong hindi mo malilimutan, ang wag magmahal ng higit pa sa sarili mo." Inangatan niya ako ng tingin at nagtataka ang ibinigay sa aking tingin.
"Matatawag bang pagmamahal kung kulang naman?" Tumango ako kahit hindi sigurado. Hindi ko pa nararanasan pero nakita ko iyon kina mama at papa.
"Pag nagmamahal ka ay hindi mo dapat o kailangang ibigay ang lahat at wag ng magtira para sa sarili mo. Come to think of it, paano mo maiintindihan kung hindi mo nararamdaman at nakikita? Ang ibig kong sabihin ay kailangang iparamdam mo muna ang pagmamahal na yan sa sarili mo, bago mo iparamdam sa ibang tao."
"Thank you." Sagot niya. Tumango ako at hindi na muling nagsalita.
Hindi ko alam kung gaano na ba ako--kaming nakaupo roon. Pero alam kong malapit ng magtanghali. Nakakaramdam na ako ng gutom pero hindi ko magawang magsalita. Ang kasama ko ay tahimik lang at nakatitig sa kawalan.
"Where do you want to eat? My treat." Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya. Inaaya niya ba akong kumain? Mabuti naman. Wala akong ginawa rito sa tabi niya ngunit gutom na ako. Hindi ko siya tatanggihan.
"Jollibee?" Medyo nahihiyang sabi ko. Huling punta ko ron ay noong nabubuhay pa si papa. Siya ang huling kasama ko ron.
Bahagya siyang tumawa bago tumayo at pinagpag ang suot niyang pangibaba. "You like jollibee huh?" Inabot niya ang kamay sa akin. Tinitigan ko iyon, nagdadalawang isip kung tatanggapin. Naiisip ko pa lamang na muling magdidikit ang mga palad namin ay para na akong mangingisay sa kilig. "Let's go?" Aya niya ng mapansing nakatitig lang ako sa kamay niya. Nahihiyang inabot ko iyon.
Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha ng maghawak na ang kamay namin. Napakalambot ng kamay niya at masarap na hawakan. Inayos ko ang shoulder bag na dala bago alisin ang kamay ko sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ayoko namang atakihin dito.
Taka akong tinignan siya ng lumapit siya sa isang motor. Ngayon ko lang napansin ito. Masyado naman yatang natuon ang pansin ko sakanya?
"A-ahh diyan ba tayo sasakay?" Naiilang na tanong ko ng sumakay siya sa motor na nilapitan. Natigilan siya sa tanong ko bumakas nanaman ang lungkot sa mukha? Napalunok ako. May nasabi ba akong hindi maganda?
"Takot ka rin sumakay sa motor?" Tanong niya. Agad akong umiling. Hindi ako natatakot. Pero aaminin kong ito ang unang beses na sasakay ako sa ganito.
"H-hindi pa kasi ako nakakasakay sa ganyan." Nahihiyang sabi ko at nakamot ang pisngi. Narinig ko siyang mahinang tumawa matapos ang ilang segundong katahimikan.
"Do you trust me?" Nagulat ako sa tanong niya at wala sa sariling tumango. "Let's go. Hindi kita hahayaang masaktan." Natigalgal ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi.
Kinikilig ako
"Two years na kami ni Mau, sa loob ng two years na yon wala akong napansing kakaiba. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal niya at ganon din siya sa'kin. Pero ganon nga talaga siguro, kahit na yon ang pinapakita at pinaparamdam, hindi pa rin sapat kapag hindi na kuntento." Inabot ulit niya sa akin ang pangatlong balot ng tissue. Habang nagkukwento siya ay talagang umiiyak ako. Nanghihinayang ako sa lahat ng pinagsamahan nila.
"Nakakaiyak naman yang lovestory niyo, naiingit din ako. Sana kung hindi man kita makatuluyan, makahanap ako ng katulad mo." Nakangusong sabi ko at uminom ng tubig.
"H-hey! Anong makatuluyan?" Naguguluhang sabi niya. Nanlaki ang mata ko. Nasabi ko ba ng malakas?
Napakamot ako sa pisngi ko. Bakit ba hirap akong magsinungaling? "Sabi ko, sana makahanap ako ng tulad mo kapag hindi tayo nagkatuluyan." Pag-uulit ko. Nakakahiya pero dibale na.
"Kung ganoon ay, crush mo ako?" Nakangising sabi niya. Napangiwi ako. Mahangin.
Tumango ako. "Ganon na nga. Crush kita."
Natawa siya ng malakas dahilan para pagtinginan kami ng mga tao rito sa jollibee. Oo, natupad ang gusto ko. Dito nga niya ako dinala. Nagdalawang isip pa akong pumasok dahil bigla ay naalala ko si papa. Pero ng maamoy ko ang manok ay agad ding natakam at pumasok na.
"Crush at first sight huh? Hindi mo man lang deneny? Seriously?" Natatawa pa ring tanong niya. Inosente akong umiling at nagtuloy sa pagkain ng spaghetti.
"Oo nga pala!" Natigil ako sa pagkain at tinignan siya. Doon ko nakitang nakatingin siya sa akin at nakangiting pinapanood akong kumain. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.
Kanina pa ba siya nakatingin sa akin?
"What is it?" Nakangiti pa ring tanong niya.
"Ilang taon ka na?" Kuryosong tanong ko. Kung kasing edad ko lang siya ay 16 or 17 lang siya ng maging sila ng Mau na tinutukoy niya.
Napakaaga naman niyang lumandi kung ganon. Kaya nasasaktan e.
"I'm 22. You?" Sagot niya. Nabulunan ako at agad niya akong inabutan ng tubig. "Dahan dahan kasi. Hindi tatakbo yang spaghetti." Inis na sabi niya na pinunasan pa ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.
Hindi ko inaasahang 22 na siya sa lagay na yan. Ang buong akala ko ay kasing edad ko lang siya.
Nakakainis naman tong matandang to.
"Ah, 19 palang ako." Halos pabulong na sabi ko. Pinaulit niya tuloy sa akin.
"Well, I'm turning 23 this month. 3 years of age gap isn't that bad." Painosenteng sabi niya bago tumawa. Mas lalo tuloy namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
Sinasabi ba niyang may pag-asa ako sakanya? Wag niya akong paaasahin, dahil pag ako nainis hindi lang halik ang mararanasan niya sa akin.
Pero hindi naman ako marunong humalik.
Nakagat ko ang ibabang labi. Kung ano anong iniisip ko.
"It is bad. Lalo na kung mas matanda ka nga sakin pero mas isip bata ka naman." Mariing sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay habang nakakunot ang noo.
Paano niya nagagawa iyon?
Umakto siyang nasaktan sa sinabi ko. "Grabe ka naman. Hindi naman ako isip bata ah? Pero pwede rin kung gusto mo'kong gawing baby mo." Malanding sabi niya na kumindat pa.
Broken ba talaga ang isang to? Parang hindi naman.
"Hindi mo naman kailangang itago sakin ang sakit na nararamdaman mo. Kapag ako ang kasama mo, hindi mo kailangang magpanggap. Sa kahit na anong paraang kaya ko ay iintindihin kita." Seryosong sabi ko. Halata sa kanya ang pagpapanggap. Hindi niya ako kayang pagtaguan ng nararamdaman.
Natigilan siya at napatitig sakin. Hindi siya umimik at umiwas nalang ng tingin. Tinamaan.
"Salamat sa pagsama mo sakin." Sinserong sabi niya matapos ang ilang minutong pananahimik.
Ngumiti ako. "Walang anuman."
"Bakit sumama ka sakin? Isang beses pa lang tayong nagkita. Dinamayan mo ako na para bang matagal na tayong magkakilala."
Napaisip ako. Bakit nga ba? Dahil ba naamin ko na sarili kong nagugustuhan ko na siya?
"Pakiramdam ko lang ay kailangan kitang damayan." Sagot ko.
"Yun lang? Napakabait mo naman palang kaibigan. Ang swerte ng nga kaibigan mo sa'yo." Pambobola pa niya pa.
"Wala naman akong kaibigan." Umiirap na sabi ko. Mukha naman siyang nagulat.
"Wala? Wala kang kaibigan?"
"Oo. Wag ka ng magtanong kung bakit." Masungit na sabi ko.
Nagtaas siya ng kamay na para bang sumusuko habang tumatango. Napailing ako. Minsan ka na nga lang magkacrush, sa siraulo pa.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bag. Wala namang ibang tatawag sa akin kung hindi si mama.
"Sagutin mo na." Sabi niya.
"Hello ma?" Bungad ko pagkasagot sa tawag.
"Oh? Tanghali na? Nasabi sakin ni Gab na nandyan ka lang sa malapit sa CT? May pinuntahan ka raw? Kumain ka na ba?" Sunod sunod na tanong niya. Nakagat ko ang labi.
"Ma, kumain na po ako. Uuwi na rin po ako. Riyan na lang po ako magpapaliwanag." Nakita kong tila nakikinig si Breaker sa mga sinasabi ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni mama mula sa kabilang linya. "Mag-iingat ka at wag kalimutang kumain at inumin ang gamot mo." Tumango ako na parang makikita niya.
"Opo ma." Namatay ang tawag matapos niyon.
"Pinauuwi ka na?" Umiling ako.
"Inalam lang niya kung kumain na ako." Tumango siya at tumayo na.
"Ihahatid na kita kung gusto mo. Pasasalamat na rin para sa pagsama mo sa akin." Alok niya. Tumayo ako at nag-isip. Ayoko pang umuwi.
"A-ahh wala ka bang ibang pupuntahan?" Naiilang na tanong ko. Sandali siyang nag-isip.
"Wala. Why?"
"Ayoko pa kasing umuwi ng bahay." Gusto ko pang makasama ka. Gusto ko sanang idugting ngunit di ko na ginawa.
Kumunot ang noo niya habang tinitig-- nakatitig sakin. Tapos ay ngumiti. "Gusto mo bang pumunta muna tayo sa mall?" Naexcite akong bigla sa sinabi niya.
"Sigurado kang ayaw mong maglaro sa WOF? Alam mo ba si Mau h-. " Naputol ang sinasabi niya. Narealize rin sigurong dapat ay hindi niya na iniisip pa ang nakaraan dahil masasaktan lang siya.
Hinawakan ko siya sa balikat. "Hindi ako pwedeng mapagod. At kung pwede naman, hindi rin ako papayag lalo na at alam ko ng iyon ang madalas na ginagawa niyo noon. Ayaw kong maalala mo siya sakin."
"Sorry." Hinging paumanhin niya. Ngumiti ako at tumango.
"So.. Anong gusto mong gawin?" Tanong niya matapos naming maglibot ng kaunti sa loob. Sa tingin ko ay naiinip siyang kasama ako. Pero ako ay hindi. Hindi kami naguusap, siguro ay naiilang siya sakin. Ganoon din naman ako sa kanya pero sinisikap kong maging pormal. Para sa akin ay siya na ang unang kaibigan ko at sana ay nariyan siya hanggang sa huli.
"Ice cream?" Sabi niya na nagpaningning yata ng mga mata ko.
Agad akong tumango at halos hatakin siya para bilisan niya ang lakad niya.
"H-hey wait!" Tumatawang saway niya sa akin ng tuluyan ko na siyang parang batang hatakin papasok sa loob. "Akala ko ba ako ang isip bata? Nakarinig lang ng ice cream nabaliktad na." Pangaasar niya ng makaupo na kami. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Makasama ng tingin! Close tayo be?" Boses babaeng sabi niya. Napapahiya akong natawa. Oo nga naman, hindi naman kami close. Ako lang naman itong feeling close na lumapit sa kanya.
"Sorry." Napapahiyang sabi ko pa rin at nagbaba ng tingin.
"Hey, I was just kidding. We're now friends. Aren't we?" Nag-angat ako ng tingin at nakita kong mukhang kinabahan siya. Natawa ako at nagokay sign.
Magkaibigan.
"Rocky Road ang gusto ko!" Masayang sabi ko at sinenyasan siyang umorder na. Gusto ko yon dahil may Marshmallows hehe.
"Childish. Wait here." Nakatawang sabi niya at iniwan na ako para umorder sa counter.
Habang nakatitig ako sa likuran niya habang umoorder siya ay napaisip ako. Posible ba talaga ang mainlove ka sa taong nito mo lamang nakilala? Ano ba ang pakiramdam ng magmahal? Masasaktan ba talaga katulad ng nararamdaman ni Breaker ngayon?
Napabuntong hininga ako sa isipin. Kung masasaktan ako, tiyak na mas doble ang sakit na mararamdaman ni mama.
"Lalim ah. Ayaw mo na ba akong kasabay kumain?" Ibinaba niya sa harapan ko ang ice cream. Agad ko iyong kinuha at sumubo. Narinig ko siyang tumawa.
"Dahan-dahan." Tumango lang ako at muling sumubo. "So," tumikhim siya. "Magkaibigan na nga tayo?"
Napatingin ako sa kanya. "Magkaibigan na ba tayong matatawag ng ganito?" Taka kong tanong.
"Siguro? Para sa akin ay oo." Patanong niyang sagot.
Tumango tango bilang pagsangayon. "Kung ganoon ay, ikaw ang unang kaibigan ko."
"Unang kaibigan?" Nakatawa ngunit naguguluhang tanong niya.
"Hmm. Nasabi ko na ba saiyong wala akong kaibigan?" Umiling siya. "Wala akong kaibigan."
Kumunot ang noo niya. "Napakaimposible ng sinasabi mo." Hindi naniniwalang sagot niya.
Bahagya akong natawa. "Sa buhay ko ay maraming imposibleng mangyari sa inyo pero sa akin ay posible. Walang imposible sa mundo."
"Sabihin na nating totoo nga. Pero siguro naman ay may nanay ka? Hindi mo ba siya kaibigan? Mother is the best bestfriend." Nakangiting sabi niya.
"Syempre bukod sa mga kasama ko sa bahay." Tumango tango naman siya. Hindi na siya muling nagtanong pa kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
Tahimik kami sa pagkain ng ice cream na binili niya at pag nagkakatinginan ay magngingitian lang.
Napakasimple para sa ibang tao ng ganitong kaganapan pero para sa akin ay sobra na itong masaya. Ang makasama ang taong nagugustuhan ko ngayon ay isa ng magandang alaalang babaunin ko hanggang sa pag-tanda ko.
Sa gitna ng katahimikang namamagitan sa aming dalawa ay biglang tumunog ang phone niya,may tumatawag.
"Excuse." Paalam niya at tumayo bago iyon sagutin. Hindi siya masyadong lumayo sa lamesa namin. Kaya't di ko man intensyon na makinig ay narinig ko ang mga sinasabi niya.
"What?! Hey, stop crying. I'll be there. Wait for me. I'm gonna punch that asshole hard." Nasa boses niya ang matinding inis na nararamdaman hanggang sa matapos siyang makipag-usap. Hindi ko man narinig kung anong sinasabi ng kausap niya ay nasisigurado kong hindi maganda iyon. "Okay. Bye."
Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring walang narinig.
"Nani--" "Go." Putol ko sa sasabihin niya. Hindi naman niya kinakailangan pang magpaliwanag sa akin.
"Emergency. I'm sorry. Let's go, I'll--"
"No. P-pwede naman akong magpasundo sa driver. I'll be fine. Just go." mahinahon kong sabi. Tinitigan niya ako bago bumuntong hininga.
"Are you sure? Nakakahiya, sinamahan mo ako tapos ay bigla nalang kita iiwan dito. Kung hindi lang umiiyak si Maureen ay---" Siya pala ang kausap niya. Ang ex niya.
"Okay lang. Umalis ka na, emergency yan hindi ba? Dali na at mag-iingat ka. " Pagtutulak ko sa kanya. Alanganin siyang ngumiti at tuluyan ng umalis ng hindi man lang ako nililingon.
Hindi ko alam na posible nga talagang mahulog ang loob ko sayo ng ganito kabilis. Pero alam kong hindi kita nagugustuhan dahil lang sa itsura mo. Alam kong may mabuti kang puso.
"Kuya, pakisundo po ako."
"Kamusta yung crush mo?" Nakadapa ako sa kama habang si mama ay nasa tabi ko at nagbabasa ng kung ano. Narito kaming dalawa sa kwarto nila ni papa na solo niya na ngayon.
"Hindi siya okay ma." Bagot na sagot ko. Inaantok ako pero ayaw kong matulog. Gusto ko lang pumikit.
"Bakit?" Naramdaman kong gumalaw siya.
"Break-up." Tipid na sagot ko. Hindi siya sumagot.
Tumihaya na ako at nakita ko siyang nakatingin lang sa akin.
"Mali yata ang desisyon ko noon na palakihin kang puro katotohanan lang ang sasabihin at ipakikita." Nakangiwing sabi niya kaya natawa ako.
"Ma, ayaw mo non? Wala akong itinatago sayo?" Nakatawang sagot ko.
"Natatakot naman akong abusuhin ka ng ibang tao. Sakin ay ayos ang maging mabait ka pero sana ay wag sosobra." Lumapit ako at yumakap sa kanya ng mahigpit, naglalambing.
"Wala naman po kayong dapat na ipagalala." Malambing ba sabi ko.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung hanggang saan ako aabot. Kaya hangga't maaari ay gusto kong bigyan ng kalayaan ang sarili kong maranasan ang lahat.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng landas na tinatahak ko, pero ang tanging hiling ko lang ay matupad ang hiling ko. Ang mabuhay pa ako ng matagal para makasama ang mama ko.