DARREL
*✧♡*♡✧*
"Alam mo Darrel, pagtinitignan kita para akong nakatingin sa langit."
"Ha? Bakit naman parang langit haha?" Natatawa kong tanong sa kaniya habang pinagmamasdan siya na nakatingala sa langit.
"Kapag tinitignan kasi kita gumagaan 'yung loob ko. Parang pag nakatingala ako at tinitignan 'yung langit at mga ulap, ang sarap sa pakiramdam," sagot niya at muling ngumiti sa harapan ko na siyang nagpapagaan naman sa loob ko.
Sa mga oras na 'yun alam kong masaya ako, kahit na hindi ko kilala 'yung babaeng katabi at kausap ko.
Minulat ko ang mga mata ko at nakitang maliwanag na ang buong kwarto ko, nakabukas na ang mga kurtina at pumapasok na ang sariwang hangin mula sa bintana.
"Panaginip na naman," bulong ko sa 'king sarili at hindi matandaan ang ilang pangyayari sa panaginip ko.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung tumira ako sa bahay na 'to pero kahit isang malinaw na memorya ay wala akong nakuha o naalala. Puro panaginip na putol o hindi naman kaya ay hindi ko maalala pagmulat ng mata ko sa umaga.
Hindi na ko makabalik sa pagtulog kaya tumayo na lang ako sa kama at lumabas ng kwarto para hanapin si Kristal.
Tinignan ko ang buong paligid pero hindi ko siya mahanap, mukhang nawala na naman siya at hindi na naman magpapakita sa akin.
Nitong mga nakaraang linggo kasi ay napapansin ko na minsan bigla na lang siya nawawala sa tabi ko, minsan minuto lang pero minsan oras ang tinatagal niya.
Madalas ding nasasanay na kong nasa tabi ko siya o kausap siya, na sanay na rin ako na ang maganda niyang mukha ang babati sa 'kin sa umaga.
Pero ngayong umaga ay kakaiba, hindi niya ko ginising at hindi ko siya makita sa loob ng bahay.
"Darrel!" Rinig kong tawag ni ate Nhing sa labas ng bahay kaya agad akong naghilamos sa kusina at dumaretsyo sa gate para pagbuksan siya.
"Magandang umaga Darrel, maaga ka atang nagising ngayon?" Tanong niya at agad ko naman siyang tinulungan sa mga dala-dala niya.
"Sinabihan po kasi ako ni Dillan na may check-up daw po ako mamayang tanghali sa hospital," sagot ko at parang ngayon lang pumasok sa isip niya ang bagay na iyon.
"Ay oo nga pala, nakalimutan ko na 'yun. Ano raw sabi? Susunduin ba kayo ni Dillan o ang papa mo ang maghahatid sa iyo?" Tanong niya habang nag aayos ng umagahan ko.
"Si papa na raw po," maikli kong sagot at parang hindi pa rin komportableng tawagin ang aking ama sa katagang 'yun.
"Osiya sige, mag-iingat kayo ah, at sasabihin mo lahat ng mga naalala o nararamdaman mo sa doctor mo," paalala niya bago maglakad palabas ng bahay at tumango naman ako.
"Sige po, salamat po ulit," bati ko sa kaniya at kumaway naman siya saka naglakad pabalik sa bahay nila.
Napatingin ako sa inihanda niyang umagahan, mukhang masarap ito at inihanda niya ng may pagmamahal.
Minsan tuloy iniisip ko na baka siya ang tunay kong ina, mas inaalagaan at iniintindi niya kasi ako kesa kay mama.
Hindi naman sa nagrereklamo ako o ano pero sa lumipas na linggo kasi ay ni isang beses ay hindi niya ko nabisita sa bahay ko. Nag chat lang siya sa akin kagabi at dumaan dito si papa pero pagtapos nu'n ay wala na, hindi ko alam kung talagang busy lang sila o baka may mas importante pang bagay na inaatupag.
"Hay, July na pala." Napatingin ako sa bughaw na langit sa labas ng bintana at biglang sumagi sa utak ko 'yung laman ng panaginip ko kanina.
"Sino kaya 'yung babae na 'yun?" Tanong ko dahil hindi ko maalala 'yung mukha niya at tanging mapupulang labi niya lang ang nakita ko. Kaya nasuklay ko na lang ang buhok ko saka umupo sa harap ng lamesa at kumain ng umagahan.
Pagtapos ay kumilos-kilos ako sa loob ng bahay, naglampaso, nagwalis at nag exercise ng sandaling oras.
Nang makapagpapawis ay agad na kong umakyat sa second floor ng bahay para maligo.
Nakaharap ako sa salamin habang nagsisipilyo nang mapansin kong mas humaba pa ang buhok ko.
"Paputol ka na ng buhok Darrel."
"Ay pun—!" Muntikan na ko mapamura nang bigla na namang sumulpot si Kristal sa likuran ko at panay ang bungisngis.
"Bakit ba hindi ka marunong magparamdam?" Tanong ko sa kaniya at inis na tumingin sa kaniya sabay mumog.
"Sabagay, naturingan akong multo pero hindi ako marunong magparamdam. Pero at least 'di marunong mag ghosting hehe," biro niya na akala niya naman nakakatawa, muntikan na kong atakihin sa pagsulpot-sulpot niya.
"Bakit ka nasa loob ng banyo? Maliligo ako," tanong ko sa kaniya at gusto ko rin sana tanungin kung saan siya nagpunta o bakit siya nawawala bigla pero ayoko naman paki-alaman ang buhay niya.
"Hinahanap kasi kita, eh nakita ko 'yung mga damit mo sa ibabaw ng kama kaya naisip ko na baka nasa banyo ka hahaha nakalimutan ko isipin kung anong ginagawa mo sa loob hehe," biro niya pa pero halata naman sa mukha niyang sinasadya niya.
Kinilabutan tuloy ako sabay yakap sa dalawang braso ko habang tinitignan siya nang mapang husga.
"Grabe ka naman makatingin, ito na lalabas na nga eh," sagot niya at lumutang na palabas ng pinto ng banyo kaya nakahinga na ko nang maluwag.
Naligo na ko at naghanda para sa pag-alis namin ngayong tanghali, doon na rin siguro kami kakain kaya hindi nagbigay ng ulam si ate Nhing ngayon.
Humarap ako sa whole body mirror sa loob ng kwarto ko at inayos ang polong suot ko, iniwan kong nakabukas ang mga butones nito dahil mainit ngayong araw at naghanap ng ipit sa loob ng kwarto.
Hindi ko alam pero tanda ng utak ko kung saan nakalagay 'yung isang hair tei na itim sa drawer ng study table ko. Nagtaka ako nang makuha ko 'to, "bakit alam kong may hair tei rito?" Tanong ko sa sarili ko at takang-taka.
Naglakad na ko pababa ng hagdan at nakita ko si Kristal na nakaupo lang ulit sa harap ng malaking sliding window sa tapat ng lamesa sa kusina.
"Aalis ka na?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Babalik din agad ako," paalam ko naman sa kaniya at hindi ko rin alam sa sarili ko bakit kailangan ko pa magpaalam sa kaniya samantalang siya nga hindi marunong magpaalam pag-aalis siya.
Pero teka nga, bakit ba prinoproblema ko ang bagay na 'yun?
Napailing ako at sinuot ang sapatos ko saka lumabas ng pinto, nakita ko siyang kumaway sa akin at tinatanaw ako mula sa pintuan. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at naglakad papunta sa bahay ng mga magulang ko.
Pagkarating ko roon ay agad na bumugad sa akin si papa na nag-aayos ng sasakyan. "Oh Darrel, nakaayos ka na pala," sagot niya at halatang namamadali.
"Opo, tayo lang ba dalawa Pa?" Tanong ko sa kaniya at nakita kong na bigla siya at napangiti nung tawagin ko siyang papa.
"Hahaha, na una na ang Mama mo sa hospital susunod na lang tayo," sagot niya na pinagtaka ko naman.
"Bakit po? May nangyari ba kay Mama?" Usisa ko at umiling naman siya at halatang hindi alam ang sasabihin.
"Ah ano... na una lang siya dahil malapit lang ang trabaho niya sa hospital," sagot niya pero iba ang kutob ko roon. Hindi kaya may sakit din si Mama kaya hindi niya rin ako nadadalaw?
"Huwag ka na mag-isip anak, hindi nakakabuti sa 'yo ang bagay na 'yan," sagot niya sa akin at tumango na lang ako saka niya binitawan ang basahan na hawak niya at sumakay na sa sasakyan.
Bago ako sumakay ay ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, ito na naman ako kinakabahan sumakay sa bagay na 'to na para bang muling kukunin nito ang buhay ko.
"Ayos ka lang ba Darrel? Gusto mo bang mag bus na lang tayo?" Tanong niya pero umiling ako at pinilit ang sarili kong sumakay sa kotse.
Umandar ang makina, nakita kong sumusulyap si Papa sa rear mirror at sinisilip ang kalagayan ko. Huminga ako nang malalim at tinuon na lang ang atensyon ko sa magandang kapaligiran at ewan ko ba bakit biglang sumagi sa isip ko 'yung babae sa panaginip ko, kaya napatingin din ako sa langit at bahagyang napawi nito ang kaba ko.
Mabilis lang kaming nakarating sa hospital at sinalubong kami roon ni Mama, hatala sa mga mata niya na kulang siya sa tulog at mukhang pagod na pagod.
"Darrel, kamusta na anak?" Tanong niya kahit na sobrang lapit lang ng bahay namin sa isa't isa.
"Ayos lang po," maikli kong tugon at nakita ko silang nagkatinginang mag-asawa saka kami inaya ni Papa na pumasok na sa loob ng hospital.
Nakayuko lang ako habang naglakakad kami papunta sa doktor ko. Kabado na baka may makasalubong akong ibang multo maliban kay Kristal.
Sabi kasi nila mas marami raw multo sa hospital.
"Darrel, gusto ka makausap ni Doc nang mag-isa," sagot ni Papa matapos niyang lumabas sa pinto at tumango naman ako saka pumasok mag-isa sa loob ng clinic.
"Good morning Darrel, kamusta ang kalagayan mo?" Tanong niya at inaya akong maupo sa upuan na nakapwesto sa harap ng desk niya.
"Ayos naman po," maikli kong sagot at tumango siya sabay buklat ng isang folder na may laman ng mga records ko.
"May kakaiba ka bang nararamdaman lately? O may naalala ka na ba paunti-unti? Tell me, makikinig ako," sagot niya sa akin sabay ngiti kaya napaisip naman ako kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na nakakakita ako ng multo?
Bigla ko tuloy naisip 'yung sinabi ni ate Nhing kanina bago siya umalis ng bahay.
"Wala pa rin po akong maalala na memorya ko, pero may paunti-unti po akong natatandaan katulad na lang ng alam ko kung saan nakalagay 'yung ibang gamit ko noon o 'yung password ng computer ko," sagot ko sa kaniya at nakita ko naman na nag ta-take note siya sa mga sinasabi ko.
"Anything else? Like dreaming some scenes or seeing things?" Tanong niya at napatingin naman ako sa kaniya.
"You can tell me Darrel, maniniwala ako sa 'yo," sagot niya at napabuntong hininga ako.
"Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong nakakakita ako ng multo?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko naman na hindi siya nagulat o nag-react sa kwentong iyon, kinuha niya lang ulit 'yung ballpen niya at sinulat ang sinabi ko sa records.
"Can you describe it to me?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Isa po siyang babae, siguro nasa age twenty five pataas, may itim siyang buhok na hanggang balikat at dark brown na kulay ng mata," sagot ko sa kaniya at tumango naman siya habang nakikinig sa 'kin.
"Kinakausap ka ba ng mutlong 'to?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Okay, ilang raw na?" Tanong niya at sinagot ko naman 'to, "isang linggo po nung umuwi kami galing hospital," sagot ko sa kaniya at tumingin siya sa 'kin habang panay pindot sa ballpen niya.
"What's her name?" Tanong niya at tumingin din ako sa kaniya nang seryoso.
"Kristal," maikli kong sagot at nakita ko lang siyang tumango saka binilugan 'yung pangalan ni Kristal sa papel.
"Can I talk to your parents privately?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Kakausapin pa kita pagtapos nito," sabi niya at tumayo kami sa upuan saka ako lumabas ng kwarto at pinapasok naman sila Papa sa loob.
Nakita ko silang bumati sa doktor pero pagkatapos noon ay sinara na ng doctor ang pintuan at umupo na lang ako sa waiting area.
"Naniwala kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko at napasandal sa upuan saka pinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon ko.
May nakapa akong barya at papel na pera sa loob nito kaya naisipan kong pumunta sa bending machine at bumili ng maiinum.
Hinulog ko ang pera at pumili ng inumin, agad kong narinig 'yung tunog ng paghulog ng bote sa baba ng bending machine at agad 'tong kinuha.
Maglalakad na sana ako pabalik nang biglang may nahagip ang paningin ko sa malayo.
Kumunot ang noo ko sabay kusot sa mga mata ko.
"Si Kristal ba 'yun?"
TO BE CONTINUED