DARREL
*✧♡*♡✧*
Putikan na ang shorts na suot ni Kaylie, hindi pa rin siya nakakatayo sa pagkakaupo niya sa damuhan at sa maputik na labas ng bahay.
"Pa-pa-nong—"
"Hep! Wag ka magsasalita kung hindi sasaniban kita! Tumayo ka muna r'yan at mag-uusap tayo ng one on one!" Utos ni Kristal at napalingon naman ako sa kaniya habang nakataas ang isang kilay ko sa pagtataka.
"So tama nga ako, nakikita ka ni Kaylie? Kailan pa?" Sabi ko na nga ba't nakikita siya ni Kaylie dahil halata sa reaksyon at gulat sa mukha nito ngayon.
"Wag kang kabahan, ngayong araw niya lang ako nakita, simula pa lang 'to Darrel," paliwanag naman ni Kristal at tumingin siya kay Kaylie nang diretsyo.
"Tatayo ka r'yan o sasaniban kita?" Tanong niya at mabilis na nakatayo si Kaylie mula sa putikan na kinagulat ko. Hindi ko tuloy alam kung tatawanan ko ba siya o ano kasi kanina parang nawala na 'yung mga paa niya at hindi makatayo pero ngayon para siyang sundalo kung makatindig sa harap ni Kristal.
"Darrel pwede bigyan mo muna kami ng time? Kakausapin ko lang saglit ang bata na 'to," sagot sa akin ni Kristal at kumunot naman ang noo ko bilang pagtataka.
"Bakit hindi ako pwede sumama? Bakit bawal ko ba marinig ang pag-uusapan niyo?" Tanong ko sa kaniya kasi pwede niya naman kausapin si Kaylie sa harap ko.
"Alam ko kasing sasabat ka at marami ka pang itatanonng sa 'kin kaya imbes na maguluhan lalo 'tong bata na 'to, mabuti pa siguro na kami muna ang mag-usap saka ko sa 'yo ipapaliwanag ang lahat," sagot niya sa akin at sumenyas pa na parang pinapalayas ako sa harapan nila.
"Tara Kaylie, maghugas ka muna ng shorts mo sa likod bahay, may poso at gripo roon," pag-aaya ni Kristal kay Kaylie papunta sa likod kung na saan ang labahan ko.
"Tsk, hindi mo talaga ako isasali?" Tanong ko kay Kristal at umiling siya habang sinusundan siya ni Kaylie na nanginginig sa takot.
Hindi ako mapakali, gusto ko marinig ang pag-uusapan nila dahil marami rin akong tanong tungkol sa mga bagay-bagay. Lalo na kung pano siya nakikita ni Kaylie at kailan pa 'to nagsimula?
Sabi niya sa 'kin noon, kaya ko raw siya nakikita ay dahil baka nabuksan ang third eye ko dahil sa aksidente. Pero bakit pati si Kaylie nakikita siya? Bakit biglaan naman at sa pagkaka-alam ko nung umalis kami at naggala sa bayan ay hindi pa siya nakikita ni Kaylie nu'n.
"May kakaiba talaga sa 'yo Kristal," bulong ko habang nakahalukipkip at hindi mapakali sa kinatatayuan ko.
Pabalik-balik ako sa harap ng bukas na sliding door at iniintay sila matapos sa pag-uusap. Gusto ko sanang sumilip at makinig sa kanila sa pamamagitan ng pinto sa likod ng bahay na 'to pero baka malaman ni Kristal at lalo pa mag sikreto sa 'kin.
"Hindi niya naman siguro sasaniban si Kaylie no?" Tanong ko sa sarili ko at umupo na lang sa harap ng mesa saka sumalumbaba roon.
Inabot din siguro sila ng limang minuto saka sila bumalik sa harapan ng sliding door at nakita kong basang-basa ang shorts ni Kaylie pero wala na 'tong putik.
"Tapos na kayo? Anong pinag-usapan niyo? Hindi ka ba niya sinaniban?" Dare-daretsyo kong tanong kay Kaylie at umiling naman siya.
Pansin ko na tahimik lang si Kaylie at nawala na rin ang pangangatog sa katawan niya dulot ng takot.
Napaikling na lang ang ulo ko sa pagtataka at tumingin kay Kaylie. "Hindi ka na natatakot?" Tanong ko sa kaniya sabay turo kay Kristal na nasa loob na ng bahay.
"Hindi na," umiling si Kaylie at parang hindi makatingin sa 'kin nang diretsyo.
"Talaga? Two weeks ako bago nagkaroon ng tapang sa babaeng 'yan eh," paliwanag ko at napatingin siya sa 'kin nang may pagtataka at halatang-halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwala.
"Wag mo na igaya si Kaylie sa 'yo, Darrel!" Sigaw ni Kristal at napalingon naman ako.
"Tinakot mo ba 'to? Anong sinabi mo sa kaniya?" Tanong ko at inaya si Kaylie pumasok pagtapos niya magpatulo ng shorts niya at kumuha ako ng tuyong tuwalya mula sa mga hinango ko kanina.
"Oh," abot ko sa kaniya at kinuha niya naman 'to.
"Hindi ko siya tinakot no, pinaliwanag ko lang lahat ng nangyayari sa 'tin, 'yung mga usapan natin para makaalis ako sa bahay na 'to. 'Di ba Kaylie?" Tanong niya kay Kaylie sabay ngiti rito at tumango lang si Kaylie bilang sagot kay Kristal.
Lumapit ako kay Kaylie at bumulong sa kaniya, "sure ka hindi ka niya tinakot o ano?" Tanong ko at umiling naman si Kaylie.
"Hindi kuya, nagpakilala lang siya at sinabi kung bakit siya andito sa bahay mo," sagot ni Kaylie pero hindi ako mapakali, feeling ko may kakaiba at may bagay silang tinatago sa akin.
"Pero bakit hindi ka na natatakot sa kaniya kaagad? Sanay ka ba makakita ng multo?" Tanong ko kay Kaylie at hindi makapaniwala na kampante lang siya at parang wala lang sa kaniya makakita ng multo.
"Natatakot pa rin ako hanggang ngayon kuya, kumalma lang ako s'yempre pero kinakabahan pa rin naman ako kasi hindi naman normal ang bagay na 'to."
Pano niya kaya nagagawang kumalma? Ako nga muntikan na kong tumakbo at magsisigaw sa labas nung una ko siyang makita.
"So, kuya totoo bang nakilala mo siya pagdating mo pa lang sa bahay na 'to? Totoo pala 'yung sinasabi nila kuya Darrel na nakakakita ka ng multo? Akala namin nababaliw ka lang," tanong niya pero hindi ko alam kung anong reaction ang gagwin ko roon sa part na iniisip nilang nababaliw na ako.
"Ha-ha-ha, hindi ako nababaliw pero nung una akala ko rin nababaliw na ko pero patunay na hindi pa kasi nakikita mo rin siya ngayon," sagot ko sa kaniya at napatingin siya kay Kristal na nakaupo lang sa sofa at pinagmamasdan kaming dalawa.
"Hindi mo pa ba siya bibigyan ng pamalit na shorts? O maliligo na tayo sa dagat?" Tanong niya at nakita kong napalunok si Kaylie na patago kong kinatawa.
Kinakabahan nga rin siya, akala ko ako lang 'yung may ganitong reaksyon pero siya rin pala. Mas malala nga lang 'yung akin.
"Tara mataas na naman ulit ang sikat ng araw eh. Sandali, magpapalit lang ako ng sando," sagot ko sa kanila at tumayo na sa pagkakaupo saka umakyat sa kwarto ko.
Sandali ako nagpalit ng damit, pagtapos ay agad akong bumaba ng hagdan at muntikan ko na silang maabutan na nag-uusap.
Napatingin ako sa kanilang dalawa pagkababang-pagkababa ko sa hagdan at sakto rin na tinikom nila ang mga bibig nilang dalawa na para bang ayaw nila ipaalam sa akin kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Anong pinag-uusapan niyo hanggang wala ako?" Usisa ko sa kanila at umiling naman si Kristal sabay lapit sa akin.
"Wala lang, nagtatanog lang siya ng mga bagay-bagay tungkol sa akin," sagot naman ni Kristal at nakita ko naman agad tumango si Kaylie bilang pag sang-ayon.
"Pero sandali nga, bakit nga ba nakikita ka ni Kaylie? Akala ko ba ako lang ang nakakakita sa 'yo? Saka 'di ba nung nakaraan naman hindi ka pa niya nakikita?" Tanong ko dahil hindi talaga ako makakampante hanggat hindi ko nalalaman ang sagot.
"Malay ko, bigla niya na lang ako nakita kanina eh," palusot niya pero may feeling ako na kaya niyang piliin kung sino ang pwedeng makakita sa kaniya. Kaya niyang magpakita sa taong gusto niyang pakitaan.
"Talaga? Pano mo mapapaliwanag 'yun ng ayos aber?" Inis kong tanong at pabalik-balik na tumingin sa aming dalawa si Kaylie habang nagsasagutan kamin ni Kristal.
"Aba malay ko rin po! Bigla niya na lang ako nakita eh, siguro kaya niya alam na may multo kasi nakita niya nalutang 'yung kumot na puti kanina," sagot ni Kristal at tumingin naman ako kay Kaylie.
"Hu? Ganun ba 'yun? Eh, pano mo ipapaliwanag 'yung nangyari sa akin? Hindi ko naman alam na may multo sa bahay na 'to nung unang araw tayo nagkita ah, bakit kita nakikita ngayon?" Tanong ko at halatang nag-iisip ng ipapalusot si Kristal sa akin.
"Kaya mo pala dumaldal ng ganiyan kuya Darrel? Ngayon na lang ulit kita nakita nakipagbangayan," sabi ni Kaylie habang nakaupo ng baliktad sa upuan. Nakadantay ang dalawang braso niya sa sandalan ng bangko habang nakasalampak ang dalawang binti sa likuran nito.
"Oo kaya ko rin dumaldal pagdating sa multong 'to," sagot ko sabay turo kay Kristal dahil hindi ko rin talaga alam bakit masyado akong naiinis sa idea na para bang may sinisikreto silang dalawa sa akin.
"Tara na nga, wag mo na masyadong isipin ang tungkol kay Kaylie, baka bumukas din ang third eye niya nung nadulas siya sa putikan."
Wow, ang galing niya maghanap ng dahilan. Hindi na ako kakagat sa kasinungalingan na 'yan. Alam kong may kakaiba talaga kay Kristal at pakiramdam ko kaya niyang piliin ang sino mang gusto niyang makakita sa kaniya.
"Kuya Darrel, masama sa 'yo ang mag-isip nang mag-isip, tara na sa dagat at kanina pa siguro tayo iniintay ni Estelle sa labas ng bahay nila," sagot ni Kaylie at nakita ko naman nagbago ang timpla ng mukha ni Kristal.
"Ha!? Bakit kasama ang bata na 'yun?" Tanong niya at napatigil si Kaylie sa paglalakad at parang nakaramdam ng takot sa tanong ni Kristal.
"Ah, eh..." hindi niya alam ang sasabihin niya kay Kristal na lalo ko naman pinagtaka.
"Bakit parang natatakot ka kay Kristal ngayon, Kaylie? Ano naman problema kung kasama si Estelle?" Tanong ko sa kanilang dalawa at inirapan lang ako ni Kristal at si Kaylie naman ay hindi na alam ang gagawin.
"Ayaw ata ni ate Kristal na may kasama tayong iba," sagot ni Kaylie at napataas ang isang kilay ko nang kataas-taas sa narinig ko.
"Wow, tinatawag mo na agad siyang ate?" Tanong ko sa kaniya at napakamot na lang si Kaylie sabay mabilis na lumabas ng kusina sa pamamagitan ng sliding door.
"Bahala nga kayong dalawa d'yan! Ginugulo niyo ang tahimik kong summer vacation!" Sigaw niya saka naglakad palabas ng bakuran ko kung nasaan nakaparada ang bisikleta niya.
Nagkatinganan na lang kaming dalawa ni Kristal at lumabas na rin, kinuha ko ang bike ko at lumabas na kaming dalawa.
Nasa likod ko lang si Kristal at nakakapit sa balikat ko habang nauuna naman sa daan si Kaylie. Dinaanan namin ang bahay ni Estelle at nakita namin siyang nag-iintay na sa harap ng bahay nila.
Nakasuot siya ng sandong puti at short na kulay brown, may malaki rin siyang sumblerong dala at basket.
"Sorry na late ako, ang tagal kasi ni kuya Darrel," sagot ni Kaylie kay Eatelle at umiling naman ito sabay lingon sa akin at yumuko. "Magandang tanghali po kuya Darrel," bati niya sa akin at tumango rin ako sa kaniya.
"Magandang tanghali," bati ko sa kaniya at pansin ko na mukhang mabigat ang dala niyang basket.
"Mukhang mabigat 'yung dala mong basket, ano bang laman n'yan?" Usisa ko at mukha siyang nahihiya sagutin ang tanong ko.
"Ahmm... gumawa lang po ako ng unting meryenda para sa 'tin habang nasa dagat tayo," sagot niya at napangiti naman ako.
"Sakto hindi pa ko nakakapagtanghalian," tugon ko at napangiti naman si Estelle kaso nakakaramdam ako ng matatalim na tingin mula sa likuran ko.
Akmang sasakay si Estelle sa likuran ng bike ko pero agad na kinuha ni Kaylie 'yung basket na dala niya at inaya siyang sumakay sa likod niya.
"Maayos na 'yung upuan sa likod ng bike ko, dito ka na sumakay Estelle," aya ni Kaylie at tumingin naman ako sa kaniya sabay ngisi ng patago at taas ng mga kilay ko.
"Kuya Darrel, nagkakamali ka!" Agad niyang awat sa akin at natawa na lang ako saka nagbikit balikat sa kaniya.
Sumakay si Estelle sa likuran ng bike ni Kaylie kung saan may angkasan na maliit na upuan. Nagmaneho na siya pababa ng burol at sinundan ko lang sila papunta sa dagat.
Dumaan kami sa kalsada na wala gaanong bahay at mga sasakyang dumadaan, pansin ko rin na wala syadong tao sa parte ng lugar na 'to at nakakagulat na pamilyar sa akin ang lugar na dinadaanan namin ngayon.
Alam ko bawat kalsada na lilikuan namin, bawat madadaanan naming mga lumang waiting shed at iba pang palatandaan sa daan.
Sa pagbibisikleta namin ay may nahagip ang mga mata ko, isang sign board kung saan nakalagay ang isang katagang.
"Sunflower field."
TO BE CONTINUED