Chereads / Kiss The Wind / Chapter 9 - CHAPTER 8

Chapter 9 - CHAPTER 8

DARREL

*✧♡*♡✧*

Itim na buhok na hanggang balikat, maliit na pangangatawan at nakasuot ng isang puting bistida. Iyon ang imahe na nakita ko sa babaeng dumaan sa kaharap kong hallway dito sa loob ng hospital.

Hindi ko alam kung si Kristal nga ba iyon pero kusa na lang gumalaw ang mga paa ko at sinundan siya papunta sa hindi ko alam na direksyon. Maraming tao sa paligid kaya tanaw-tanaw ko lamang siya, hindi ko rin naman matawag ang pangalan niya dahil baka magtaka ang mga tao sa paligid ko kung sino ang tinatawag ko sa kanila.

"Anong ginagawa mo rito Kristal?" Tanong ko na lang sa sarili ko at nais makumpirma kung siya nga ba 'yung babaeng nakita ko.

Lumiko siya sa kabilang hallway kaya lalo akong namadali sa paglalakad pero bago ko pa siya masundan ay napatigil na ako sa paglalakad nang makita ko ang aking ina at alalang-alala na naghahanap sa akin.

Nang makita niya ko ay agad siyang lumapit sa akin, "Darrel anak? Saan ka ba nagpupunta? Kanina pa kita hinahanap, kinabahan ako sa 'yo," sabi niya sa akin at tinanaw ko naman ang hallway sa hospital pero nawala na sa paningin ko ang imahe nung babaeng hinahabol ko.

"Anong hinahanap mo? Bakit ka na rito?" Tanong niya at na pansin ko na puro bata ang nasa paligid ko. "Pedia na ito anak," dagdag niya at napahawak na lang ako sa batok ko saka sumama sa kaniya pabalik sa clinic.

"Naligaw lang po ako, bumili lang ako ng maiinum tapos hindi ko na matandaan ang daan pabalik," palusot ko sa kaniya habang naglalakad kami pabalik sa doktor ko.

"Sana nagpaalam ka muna sa amin, may dala rin akong tubig sa bag," sagot niya at hindi na lang ako umimik para hindi humaba ang usapan.

Muli akong pinapasok sa loob ng clinic at sa pagkakataon na 'to kasama ko na sila sa loob at kinausap kami tungkol sa kalagayan ko. Wala naman ibang sinabi 'yung doktor, nagbilin lang ulit siya tungkol sa mga gamot na iniinum ko at ang mga bagay na bawal sa akin.

"Mauna na ako sa inyo, ingat kayo sa pag-uwi ah," pagpapaalam sa amin ni Mama dahil babalik na raw ito sa trabaho niya kaya kami na lang ulit ang umuwi ni papa at dumaan muna kami sa isang kainan bago tuluyang bumalik sa bahay.

Nang makauwi ay agad kong hinanap si Kristal sa loob ng bahay, iniisip ko pa rin kasi kung siya ba 'yung nakita kong babae kanina o iba 'to.

"Kristal?" Tawag ko sa kaniya pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay sabay hubad ng sapatos na suot ko.

"Welcome back!" Bati niya na pinagtaka ko, tinignan ko siya at mukhang wala namang pinagbago sa kaniya, hindi rin siya mukhang umalis ng bahay pero hindi pa rin ako mapakali at gusto ko pa rin siyang tanungin.

"Umalis ka ba ng bahay?" Tanong ko sa kaniya at kumunot naman ang noo niya.

"Ha? Nahihibang ka na ba? Pano ako makakalabas ng bahay?" Tanong niya at lalo naman kumunot ang noo ko. Iyon din ang tanong na tumatakbo sa isipan ko.

"Oo nga, 'di ba poltergeist ghost ka? Pero bakit inaaya mo ko lumabas ng bahay?" Tanong ko sa kaniya at napatakip siya sa bibig niya.

"Huh? Inaya ba kita?" Maang-maangan niya pang sagot sa akin na lalong kinakunot ng noo ko.

"Ano ba talaga? Nakakalabas ka ba ng bahay o ano?" Tanong ko sa kaniya at nagbikit-balikat naman siya sa harapan ko.

"Hindi ko pa nasusubukan pero gusto ko kaya inaaya kita," sagot niya. Edi kung ganoon hindi niya pa nasubukan umalis dito? Pero bakit siya nawawala minsan? Saan siya pumupunta saka sino 'yung nakita ko kanina sa hospital.

"Hindi mo ba ko sinundan kanina sa hospital?" Tanong ko sa kaniya at umiling naman siya. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo, hindi naman kasi ako magaling bumasa ng expression ng tao o multo.

"Hindi kita sinundan sa hospital, hala ka baka mamaya ibang multo 'yung nakita mo. Kinausap mo ba sila?" Tanong niya na nagbigay sa akin ng kaba, agad akong umiling sa kaniya at nag thumbs up naman siya sa harap ko.

"Very good, wag ka kakausap ng ibang multo kasi susundan ka nila at hihiling sila ng tulong sa 'yo." Oo, parang ikaw. Simula nung malaman mong nakikita kita hindi mo na ko tinantanan at ayoko na dumami ang kaluluwang nakabuntot sa akin no.

"Hindi ko siya kinausap, sinundan ko lang kasi akala ko ikaw pero agad din nawala sa paningin ko," paliwanag ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa harapan ko.

"Dapat lang, ako lang dapat ang multong kinakausap mo," sagot niya at bigla naman akong nahiya sa pinagsasabi niya.

"Tsk, bahala ka d'yan," sagot ko at dumaretsyo na sa kwarto para magbihis ng t-shirt at short para maghanda sa paggagala namin ni Kaylie sa labas. Ngayon lang kasi matutuloy ang paglilibot namin sa bayan dahil sa madalas akong tinatamad at hindi ko rin gusto lumabas.

Pero nitong mga nakaraan ay napilit na rin ako nina ate Nhing, Kristal at Kaylie na mag-ikot-ikot lang sa lugar at pumunta sa tabing dagat para mamasyal.

Nakasuot ako ng itim na t-shirt at mukhang maalinsangan sa labas kaya inipitan ko ang buhok ko saka tinupit ang mangas ng t-shirt ko.

"Aalis ka? Sama ako!" Pangungulit niya pero pano ko naman gagawin 'yun kung siya na mismo ang nagsabi na hindi siya makaalis sa loob ng bahay na 'to.

"Pano?" Maikli kong sagot sa kaniya habang nagmamakaawa siya sa harapan ko gamit 'yung magaganda niyang mata.

"Susubukan kong lumabas sa gate, hawakan mo ang kamay ko," utos niya at nanlaki naman ang mata ko saba iling.

"Ayoko nga," kinikilabutan kong sagot at sumama lang ang tingin niya sa 'kin.

"Hindi mo naman actual na mahahawakan ang kamay ng patay, parang iisipin mo lang na magkahawak 'yung kamay na 'tin kasi hello, nakikita mo naman siguro 'to?" Tanong niya sa akin sabay pakita ng kamay niya sa mukha ko.

Tama naman siya, pano ko nga naman mahahawakan ang kamay niya. Kung siya nga mismo tumatagos sa mga bagay at pader, sa akin pa kaya?

"Oh sige, susubukan ko," sagot ko at agad kong nakita ang matatamis niyang ngiti na minsan nagpapatameme sa akin.

"Sama ako ah, pagbigla akong naglaho alam mo na haha," sagot niya at hindi ko alam kung biro ba 'yun o ano.

"Pwede kang maglaho paglumabas ka sa bahay na 'to?" Tanong ko sa kaniya at nag-aalala kung saan siya mapupunta pag nangyari 'yun.

Pero teka nga, bakit ako mag-aalala sa kaniya? Hindi ba't mas maganda kung mawala na siyang tuluyan sa bahay ko?

"Hindi ko rin alam eh, hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan," sagot niya pero hindi ko maiwasan matakot sa kung anong pwede mangyari sa kaniya.

Aminado naman ako na sa lumipas na linggo na kasama ko siya naging malapit na ang loob ko sa kaniya, s'yempre normal na sa akin mapaisip sa kung anong mangyayari sa kaniya.

Tama Darrel, iyon lang ang dahilan wala ng iba.

"Kuya Darrel! Nakauwi ka na ba?" Narinig naming sigaw ni Kaylie mula sa labas, sinilip ko siya sa bintana at nakita ko naman siyang may dalang bike.

"Oo, pababa na!" Sagot ko naman sa kaniya mula sa second floor at tumango lang siya sa 'kin.

"Tara na?" Tanong sa akin ni Kristal at napabuntong hininga na lang ako.

Lumabas ako sa kwarto at dumaretsyo sa likod ng bahay para kunin 'yung bike ko roon. Nakakapagtaka na alam ko kung nasaan nakalagay 'to lalo na kung saan nakasabit 'yung susi ng lock nito.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Kaylie habang dala-dala 'yung bike ko palabas ng bakuran.

"D'yan lang mag-iikot-ikot," sagot niya at tumango ako pero sa totoo lang kinakabahan akong lumagpas ng gate habang katabi ko si Kristal ngayon.

"Hawakan ko na 'yung kamay mo ah," bulong niya sa akin at tumingin naman ako sa kaniya saka ako nakaramdam ng malamig na pakiramdam sa kanang kamay ko kung saan nakahawak 'to sa manubela.

Nakita kong nakapatong lang ang isa niyang kamay sa kamay ko at hindi ko namamalayan na nakalabas na pala kami ng gate ng bahay nang magkahawak ang kamay.

"Kuya Darrel, ayos ka lang ba?" Napalingon ako kay Kaylie at nakita kong nakatitig siya sa akin kaya agad akong tumango at sumakay sa bike ko.

"D'yan ka lang ba sa likod ko?" Bulong at tanong ko kay Kristal habang nasa unahan namin si Kaylie.

"Oo, 'wag ka mag-alala hindi kita iiwan," sagot niya sabay kindat sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako at iiling-iling.

Pero hindi ko rin maitatanggi na nakaramdam ako ng gaan ng loob nung makalabas siya sa gate ng hindi naglalaho sa paningin ko. Doon ko na pagtanto na lumalalim na ang halaga ng multong 'to sa buhay ko.

"Tara na nga," naiinis kong bulong sa sarili ko habang hindi maitago ang pamumula ng mukha ko.

"May sinasabi ka kuya Darrel?" Tanong ni Kaylie at tumigil sa pagmamaneho.

"Ha? Wa-wala," sagot ko at nakita ko siyang tumitig sa mukha ko.

"Naiinitan ka na ba agad? Malilim naman ang daan pero bakit pulang-pula na agad 'yang mukha mo kuya?" Tanong niya at napayuko ako sabay takip sa bibig ko.

"Ayos ka lang ba Darrel?" Tanong naman ni Kristal sabay silip sa mukha ko kaya lalo akong umiwas sa kaniya.

"Hi-hindi lang ako sanay maarawan," palusot ko sa kanila at nauna nang magbike pababa ng burol papunta sa dagat.

"Teka kuya Darrel intay!" Rinig kong tawag ni Kaylie at panay naman ang tawa ni Kristal habang nakasunod sa likod ko.

Naglibot kami sa iba't ibang lugar sa baryo na 'to, pababa ng burol ay madadaanan ang mas maraming palayan, sa dulong bahagi naman ay mag-iintay sa 'yo ang maganda at kulay asul na karagatan.

"Kuya gusto mo daanan natin 'yung mga school dito? Baka may bumalik na memories sa 'yo pagnakita mo 'yung dati mong school," suwisyon ni Kaylie at tumango naman ako.

Malapit sa dagat ay ang malaking mapayanan sa bayan na 'to, sa pagbaba namin sa patag na daan ay doon sumalubong sa amin ang mayaman na pamayanan ng lugar.

"Darrel! Kaylie!" Tawag sa amin ng isang matanda sa labas ng flower shop na nadaanan namin.

"Nanay Beth kamusta po?" Sagot naman ni Kaylie saka nagmano sa matanda kaya tumango lang ako sa harap nito.

"Kilala mo?" Bulong ni Kristal sa akin at umiling naman ako.

"Ayos lang naman anak, buti naman pinasyal mo ang kuya mo," saad niya kay Kaylie at mukhang alam ng matanda ang pinagdadaanan ko ngayon.

"Masaya akong makita na nakalabas ka na ng hospital Darrel, nawa'y maging maayos na sana ang lahat sa 'yo anak," saad nito at ngumiti nang malambing sa akin. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko sabay abot sa akin ng isang bulaklak na pamilyar na pamilyar sa akin.

"Mag-iingat kayo sa pamamasyal, magdahan-dahan kayo sa pagbi-bike sa daan," paalala niya at tumango naman kaming dalawa saka siya pumasok sa loob ng shop niya.

"Iyon si nanay Beth, kilala siya ng lahat sa baryo na 'to at tinuturing niyang anak ang lahat," kwento ni Kaylie at napatitig naman ako sa hawak kong sun flower.

Sobrang tingkad ng kulay nitong dilaw na parang araw sa gitna ng bughaw na langit.

"Tara na kuya," aya sa akin ni Kaylie at inilagay ko naman sa basket sa unahan ng bike ko iyong bulaklak at sumakay na ulit sa bike ko.

Nag bike kami ng kinse minuto sa lugar bago kami makarating sa isang paaralan, medyo luma na ang pintura nito pero halatang alaga naman ang mga building at classroom sa loob. May malawak 'tong school ground na matatanaw na agad sa gate ng school kahit hindi ka pumasok.

Nasa tapat pa lang kami ng gate ay bigla nang may pumasok na alaala sa isip ko.

Iyon ay panahon kung saan maaga akong pumapasok at naglalakad papasok sa gate na 'to habang suot ang uniporme ko nung high school at hawak ang strap ng bag ko.

Sa dami ng mga kasabay kong pumasok na istudyante, nangingibabaw ang isang babae sa paningin ko. Babaeng hindi ko matandaan pero pamilyar sa puso ko.

TO BE CONTINUED