Chereads / Kiss The Wind / Chapter 13 - CHAPTER 12

Chapter 13 - CHAPTER 12

DARREL

*✧♡*♡✧*

Letchong manok, sisig at vegetable salad, iyan ang dala nila Dillan at Dexter galing sa trabaho at nag saing naman si Mama sa rice cooker saka ko ininit ang niluto kong sinigang kanina.

"Kamusta ka kuya?" Tanong ni Dexter sa akin habang nakaupo sa harap ng mesa.

"Ayos naman," sagot ko saka sumandok ng isang malaking mangkok ng sinigang at inilapag sa gitna ng mesa.

"Woooah! Luto mo?" Gulat na tanong ni Dexter at nagkatinginan naman sina Mama, Papa at Dillan sa isa't isa na pinagtaka ko.

"Oo luto ko kaninang tanghali, sinabi ko kay ate Nhing na ako na ang magluluto ng ulam ko simula ngayon," sagot ko sa kanila saka tinaas ang manggas ng damit ko at naupo na rin kaharap ni Dillan.

"Buti tanda mong magluto ng sinigang kuya haha," tanong niya at napatawa rin ako.

"Oo nga eh, hindi rin ko alam pero solo ko naman kung pano magluto," sagot ko sa kaniya at sinandukan ako ni Mama ng kanin sa plato ko.

"Pansin kong umaaliwalas ang mukha mo ngayon Darrel, ngumingiti ka na rin," bati sa akin ni Papa kaya medyo nahiya ako.

"Kaya nga kuya, hindi ka na nakasimangot na mukhang sinakluban ng langit at lupa," biro ni Dexter kaya agad siyang nakakuha ng kurot galing kay Mama.

"Tigilan mo nga ang kuya mo Dexter," suway ni Mama kaya natawa kaming tatlo nila Dillan at Papa.

"Pwera biro nga Ma. 'Di ba nung nasa hospital si kuya lagi lang siyang tulala at nakatingin sa labas ng bintana. Akala ko nga sa sobrang bored niya nagbibilang na lang siya ng eroplanong dumadaan eh," sagot niya at iiling-iling na lang si Mama sa kaniya

Pano ko ba mapapaliwanag? Pano ko sasabihin sa kanila na ang dahilan ng pagngiti ko nitong mga nakaraan ay dahil sa multong nakilala ko sa loob ng bahay na 'to?

"Siguro may ka-chat 'yan si kuyang babae, o hindi kaya may nakilalang chiks d'yan sa labas," sagot ni Dexter kaya natawa ako pero iba 'yung reaksyon na binibigay nila Darrel sa akin ngayon.

"May kausap ka ng babae kuya?" Usisa niya at agad naman akong umiling. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanila na nakakausap ko si Kristal.

"Wala, hindi naman ako ganong nalabas ng bahay at si Kaylie lang lagi kong kasama pag gumagala ako," paliwanag ko at tumango naman si Darrel.

"Tama na nga 'yan, kumain na tayo at baka lumalig pa ang pagkain," saad ni Papa kaya lahat sila ay pumikit at napapikit na lang din ako saka nakinig sa panalangin na ginawa sa harap ng hapag-kainan namin.

Nang makatapos magpasalamat ay kumain na kami nang sabay-sabay at nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa 'min nitong mga nakaraang linggo.

"Ah, Dillan matanong ko lang. Na sa 'yo ba 'yung susi sa huling kwarto sa hallway?" Tanong ko dahil baka makalimutan ko ang bagay na 'yun, ilang araw ko na rin kasi gusto makita ang laman ng kwarto at baka ito pa ang magturo sa 'min sa mas malalim na impormasyong kailangan ni Kristal.

"Hala! Nasama ko ata sa gamit ko sa condo, dalhin ko sa susunod na pag-uwi ko," sagot niya at tumango na lang ako saka tumingin kay Dexter.

"Ikaw Dex, nakuha mo na ba 'yung cellphone ko sa pagawaan?" Tanong ko naman sa bunso kong kapatid at muntikan na siyang mabilaukan.

"Hehehe, sorry kuya," sagot niya habang kakamot-kamot ng ulo. "Nakalimutan ko naman sa dorm ko haha," dagdag niya at wala naman na akong nagawa sa bagay na 'yun.

"'Yung totoo, sino ba ang nakakalimot sa inyong tatlo? Parang kayo pa ang may amnesia kesa sa kuya niyo," sagot ni Papa na kinatawa na lang namin.

Wala na kong magagawa kung nakalimutan nilang dalawa ang mga bagay na importante kong makuha ngayon, gusto ko na lang muna mag-enjoy sa maliit na salo-salo naming pamilya.

Unang beses ko 'tong naranasan pagtapos kong makalabas sa hospital. Parang normal na kainan lang 'to sa kanila pero para sa 'kin, isa rin 'tong memorya na itatabi ko kahit maalala ko na ang nakaraan ko.

Nang makatapos kumain ay nagtulong-tulong kaming nagligpit ng pinagkainan, binuksan ni Papa ang TV at naupo sa sofa habang si Mama naman ay naghugas ng plato at tinutulungan ni Dexter.

"Ako na po r'yan," pag-ako ko pero umiling si Mama. "Ako na anak, unti lang naman 'to," sagot niya kaya wala na kong nagawa kung hindi panoorin na lang sila.

Nagpahinga muna sila sa bahay, binuksan ko ang malaking sliding door sa tapat ng lamesa sa kusina at naupo roon para magpahangin.

"Hilig mo talaga umupo sa pwesto na 'to kuya," sagot ni Dexter at umupo sa tabi ko. Sunod na umupo si Dillan sa tabi namin na may hawak na isang plato ng hiwa na mansanas.

Nilapag niya ito sa sahig at umupo rin sa tabi ko, ngayon ay pinag gigitnaan nila ako habang nakatingin sa malaking buwan at makinang na langit dahil sa mga bituin.

"Kamusta trabaho Dillan?" Usisa ko sa kaniya at tinukod niya naman ang dalawang palad niya sa sahig at tumingala.

"Ayos lang kuya, medyo pressure lang haha," sagot niya na pinagtaka naming dalawa ni Dexter.

"Bakit ka naman na pe-pressure kuya?" Usisa ni Dexter at parang takang-taka sa sinagot ni Dillan.

"Ewan ko rin ba, alam ko naman na maganda ang buhay ko ngayon pero minsan pagtumitingin ako sa mga ka-batch-mate ko na pe-pressure ako," paliwanag niya saka kumuha ng mansanas at nginuya 'to.

"Na pe-pressure ka kasi may mga asawa't anak na sila?" Tanong ulit ni Dexter at tumango naman si Dillan.

"Parang ganun na nga," maikli niyang sagot at napatingala rin ako sa langit sabay subo ng mansanas.

"Para sa 'kin hindi mo kailangan ma-pressure." Alam ko na wala ako sa lugar para sabihin 'to sa kaniya dahil ako nga sa sarili ko may mga oras din na nakakaramdam ako ng pressure sa buhay ko.

"Wala ka man sa finish line, alam ko malayo na ang narating mo."

Nagkatinginan silang dalawa at napangiti naman si Dillan. "Hahaha kino-comfort ba ko ng kuya ko?" Tanong niya at napakamot naman ako sa ulo ko dahil hindi ako sigurado kung gawain ba 'to ng Darrel na kapatid nila.

"Pakiramdam ko kasi iyon lang kaya kong gawin sa ngayon bilang kuya niyo. Pagpapalakas na lang ng loob ang ambag ko," sagot ko sa kanila at umiling naman si Dexter.

"Kuya kung nasa ilalim ka man ngayon, hindi naman namin makakalimutan 'yung mga naitulong mo sa amin noon nung nasa taas ka pa. Kaya don't worry hindi mo kailangan isipin na wala kang ambag sa ngayon, sapat na para sa 'min na nakaligtas ka sa aksidente na 'yun," sagot ni Dexter na kinagulat naming dalawa ni Dillan.

First time kong marinig na magsalita ng seryoso 'tong si Dexter. Hindi ko alam na pwede rin pala siyang magseryoso minsan at lumabas sa bibig niya 'yung mga ganitong salita.

"Ano? Ba't ganiyan kayo makatingin sa 'kin? Bakit bawal ba ko magseryoso? Grabe kayo ah," sagot niya at sabay kaming napatawa ni Dillan.

Halata pala sa mukha namin 'yung iniisip namin tungkol sa kaniya? Hindi makakaila na kahit wala akong maalala ay kapatid ko ang dalawang 'to dahil nagkakasundo kami sa mga bagay na kami lang din ang nakakasabay.

Panay lang ang kwentuhan namin doon at nakisali na rin sa kwentuhan sila Papa at Mama. Na kwento nila sa akin ang ilan sa mga kabataan ko at mga bagay na paborito at ginagawa ko noon. Mga kalokohan naming tatlo at iba pang kakulitan na hindi nila makalimutan.

Kahit papano sa mga oras na 'to ay pakiramdma ko unti-unti kong nakikilala ang sarili ko. Dahil sa mga kwento nila ay may naalala akong mga bagay tungkol sa nakaraan ko.

Lumalim ang gabi at napagpasyahan na nilang umuwi, gusto sanang makitulog ni Dexter sa bahay ko kaso wala siyang mahihigaan at iisa lang ang kama sa bahay.

"Dapat talaga maayos ko na ang ibang kwarto para kapag may bisita ay may matutulugan sila," bulong ko pagtapos ko silang maihatid sa gate at papasok na muli sa bahay.

Nang makapasok ako sa pinto ay bigla akong nanibago. Sobrang tahimik sa loob ng bahay at tanging ingay lang galing sa TV ang naririnig ko.

Binalot tuloy ako ng lungkot at doon ko naalala si Kristal na kanina pa hindi nagpapakita sa akin.

"Kristal?" Tawag ko sa hangin at nilibot ang paningin ko sa buong sala at kusina.

"Kristal? Wala na sila, na saan ka?" Tanong ko pero walang sumasagot na dahilan bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ng kaba sa hindi malaman na dahilan.

"Kristal?!" Hiyaw ko sa loob ng bahay at hindi ko alam bakit parang naninikip ang dibdib ko. Natatakot ako mag-isa, pakiramdam ko mabibingi ang tenga ko sa sobrang katahimikan sa loob ng bahay.

"Kristal asan ka ba? Magpakita ka! Natatakot ako!" Naninikip ang dibdib ko, nahihirapan akong huminga at nararamdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko sa mata.

Pilit akong naglakad patungo sa kwarto ko at umakyat sa hagdan habang paulit-ulit siyang tinatawag.

"Kristal, natatakot ako."

Kakaiba.

Ngayon natatakot na ko mag-isa at humihingi ng tulong sa kaniya. Samantalang nung unang punta ko sa bahay na 'to ay gusto ko lang mapag-isa at ayaw na kumausap ng iba.

Pero ngayon, natatakot ako sa katahimikan sa paligid ko. Natatakot ako na baka mag-iisa na lang ako.

Ito ba 'yung tinatawag nilang panic attack? O baka isang phobia at takot sa pagiging mag-isa?

Nahihirapan ako mag-isip, gusto ko lang siya makita. Gusto ko lang marinig ang boses niya, gusto ko lang may makasama sa bahay na 'to.

"Kristal, asan ka na ba?" Tanong ko habang papa-akyat ng hagdan at hawak ang dibdib ko dahil sa hirap ng paghinga.

Napaupo ako, parang umiikot na ang paningin ko at nagkukulang na sa hangin ang katawan ko.

"Darrel!" Napa-angat ang ulo ko nang marinig ang boses niya. Nakita ko ang mukha niyang maganda na sobrang nag-aalala.

"Anong nangyari?!" Nag-aalala niyang tanong at unti-unting kumalma ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Sa-saan ka ba ga-galing?" Tanong ko habang hinahabol ang hininga ko.

"Iniintay ko lang makaalis ang pamilya mo para hindi ko kayo magulo, ano bang nangyari sa 'yo?" Tanong niya at gusto ko sana tanungin din sa kaniya kung bakit ilang beses ko na siyang tinatawag pero hindi siya nagpapakita sa harapan ko.

Pero pinili kong 'wag na lang.

"Hindi ko alam, bigla na lang akong kinabahan nung makita kong wala akong kasama," sagot ko sa kaniya at alam kong kakaiba ang sitwasyon ko pero agad niya kong inintindi.

"Andito na ko, wag ka na matakot may kasama ka na Darrel," sagot niya at tumabi sa akin sabay sandal sa balikat ko.

Kahit hindi ko nararamdaman ang presensya niya, ramdam ko naman ang pag-aalala niya at kuntento na ako sa bagay na 'yun.

Habang nakaupo kami ay kinantahan niya ako ng kanta na lagi niyang kinakanta. Nakinig lang ako sa maganda niyang boses habang katabi siya.

Unti-unting naging normal ang paghinga ko, kumalma na ang tibok ng puso ko at hindi na rin ako kinakabahan.

Idinantay ko ang ulo ko sa pader at tumingin siya sa akin. "Uminum ka ng tubig at matulog ka na," utos niya sa akin na mayamaya ay ginawa ko rin.

Pagtapos kong makainum ng tubig ay dumaretsyo ako sa kama at humiga. Tumingin ako sa kaniya na nakangiti lang sa akin at binabantayan ako.

"Hindi mo ba ko tatabihan?" Tanong ko sa kaniya na kinalaki ng dalawang mata niya kaya napa-ismid ako.

"Hahaha, gusto ko lang ng kasama."

Gusto ko makatulog na alam kong may katabi ako at may kasama sa tahimik at malaking bahay na 'to.

"Sige na nga, pero wag ka mantya-tyansing ah," sagot niya na kinatawa ko.

"Para namang magagawa ko?" Tanong ko sa kaniya at nahiga siya sa tabi ko saka humarap sa akin.

"Alam mo, kung buhay lang ako ngayon niyakap na kita nang sobrang higpit," sagot niya sa akin.

Nabigla ako roon pero agad ding napalitan ng ngiti 'yung gulat sa mukha ko.

"Kung tao ka lang ngayon, baka nahulog na ko sa 'yo," sagot ko sa kaniya at nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya.

Totoo Kristal, siguro kung buhay ka ngayon. Ikaw 'yung babaeng mamahalin ko kahit alam kong may nag mamay-ari na ng puso mo.

Dahil ikaw 'yung babaeng hindi mahirap mahalin, ikaw 'yung babaeng masarap mahalin.

TO BE CONTINUED