Chereads / Kiss The Wind / Chapter 10 - CHAPTER 9

Chapter 10 - CHAPTER 9

DARREL

*✧♡*♡✧*

"Darrel ayos ka lang?" Napalingon ako kay Kristal at muling bumalik nang tingin sa harapan ng gate, wala na ang imahe na unang nakita ko roon at hindi ko na matandaan ang ilang detalye nito.

"Tingin ko may maalala ako pagpumasok tayo sa school na 'to," sagot ko sa kaniya at napalingon naman sa akin si Kaylie.

"Alam ko pwede pumasok sa school ground eh, kaso sarado ang mga classroom ngayon," sagot ni Kaylie at muli akong bumalik ng tingin sa school na 'to.

'Yung lumang mga school building, matatayog na puno na halatang tumanda na sa panahon, mga lumang pintura sa bawat pader ng kwelahan at ang pangalan ng skwelahan na 'to na hindi ko matandaan ngunit alam kong parte ng nakaraan ko.

Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung ano kaya ang high school life ko noon. Masaya kaya? Nahirapan kaya ako sa academics? Or ako 'yung tipo ng istudyante na chill lang?

"Navy blue ba ang kulay ng uniform sa school na 'to?" Tanong ko nang sumagi sa isip ko ang pumasok na memorya sa 'kin kanina.

"Oo kuya, tama ka navy blue ang suot na pants at skirt ng mga students sa school namin," sagot ni Kaylie at halata sa mukha niyang masaya siya dahil kahit papano may natatandaan ako tungkol sa lugar na 'to.

Na kahit papano may pumapasok na memorya sa utak ko dahil sa pagpunta namin sa lugar na 'to.

"Pwede mo ba sa 'kin ikwento 'yung ibang detalye na alam mo Kaylie?" Tanong ko at nagbabakasakaling makahingi sa kaniya ng tulong para maibalik ang mga memorya ko pero bigla siyang napayuko at mukhang nagdadalawang isip sagutin ang tanong ko.

"Ah... sabi kasi ni Mama, mas mabuti raw na huwag kong sabihin sa 'yo ang ilang detalye sa buhay mo kuya. Mas okay daw kung ikaw mismo ang makakatanda ng mga bagay na 'yun, kaya pasensya na kuya kung hindi ko makukwento sa 'yo," sagot niya at mukhang nakokonsesya siya dahil hindi niya ako matulungan.

"Ayos lang Kaylie. Ganiyan din ang sabi sa 'kin nila Darrel at pinayo sa 'kin ng doktor," sagot ko na lang sa kaniya at nakita ko naman siyang nakahinga nang maluwag.

Tumingin ako kay Kristal, nakita ko siyang nakangiti lang at nag-iintay sa kung ano ang gagawin namin dito. Inaya ko na lang siya habang nakatalikod si Kaylie at nauuna sa 'ming maglakad papasok ng school.

Pagpasok sa school ground ay agad na tumambad sa akin ang malawak na lugar na puno ng iba't ibang building, may mga sports field din sila rito at garden.

Sa pag-iikot ko ramdma kong pamilyar sa akin ang lugar na 'to, hindi ko lang ganong matandaan kung anu-ano ang mga pinagdaanan ko sa lugar na 'to.

"Saan kaya ang classroom ko noon?" Tanong ko habang nakatingala sa naglalakihang building sa harapana ko.

"Kuya Darrel, akin na 'yung bike mo itatabi ko lang para makapag-ikot tayo ng ayos," sabi ni Kaylie at inabot ko naman sa kaniya ang bisekleta ko at naglibot-libot sa school.

"May natatandaan ka ba?" Tanong sa 'kin ni Kristal at umiling naman ako.

"Wala masyado eh, ikaw ba?" Pabulong kong tanong sa kaniya at baka marinig ako ni Kaylie at isipin pang nababaliw ako dahil sa pagsasalita ko ng mag-isa.

"Meron pero sasabihin ko na lang sa 'yo pag-uwi natin sa bahay," bungisngis niyang sagot kaya napataas na lang ang kilay ko at tumingin sa buong lugar.

Naglakad-lakad pa ko habang kasama ko si Kristal sa likuran ko, hindi pa rin bumabalik si Kaylie kaya hinayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan ako dalhin nito.

Hanggang sa makapunta ako sa garden ng school, sa hindi kalayuan may natanaw akong babae na nagdidilig ng halaman. Nakatalikod siya sa akin, may mahabang itim na buhok at may hawak na pandilig.

"Ah excuse me," tawag ko sa kaniya nung makalapit-lapit ako at bahagya namang umihip ang hangin saka nagtama ang mga paningin naming dalawa.

"Na istorbo ba kita?" Tanong ko sa kaniya at para siyang natulala sa akin.

Para rin siyang pamilyar sa memorya ko, para siya 'yung babaeng nakikita ko sa panaginip ko na hindi.

"Miss?" Tanong ko sa kaniya at mukhang istudyante siya sa school na 'to.

"Kuya Darrel! Andito ka lang pala," napalingon kaming dalawa nung babae kay Kaylie na hapong-hapo kakahanap sa akin.

"Hu? Estelle?" Gulat na tanong niya at mukhang magkakilala silang dalawa.

"Ah hello," nahihiya namang bati sa amin nung babae at mukhang hindi makatingin sa akin nang diretsyo

"Kilala mo?" Usisa ko naman kay Kaylie at tumango siya. "Classmate ko siya kuya Darrel, mukhang siya ang naka-duty ngayong bakasyon para alagaan ang mga halaman sa garden," sagot niya at napalingon naman ako sa mga sun flower na kanina ay dinidiligan nung babae.

Parang may naalala ako pero hindi ko matantya kung ano.

"Hello po," maikling bati nung babae at hindi makatingin sa akin ng diretsyo. Nakakatakot ba 'yung mukha ko?

"Hmmm parang hindi ko gusto ang babaeng 'to," bulong ni Kristal sa akin na kinatakot ko, napalingon ako sa kaniya at nakita ko ang mukha niyang mapanghusga.

Ano naman kaya ang ginawa sa kaniya nung bata para kainisan niya?

"Anong tinitignan mo sa likod mo kuya Darrel?" Tanong ni Kaylie at umiling lang ako sabay hawak sa batok ko.

"Wala naman, 'yung mga classroom lang." Palusot ko na lang sa kaniya at mukhang kumagat naman ang paliwanag kong iyon.

"Uuwi ka na ba Estelle? Gusto mo sumabay ka na samin pabalik?" Pag-aaya ni Kaylie at nahihiya namang tumango si Estelle habang patagong sumusulyap sa direksyon ko.

Halata ko naman siya bakit kailangan niya pang gawin 'yun? May dumi ba ko sa mukha na hindi niya maturo o masabi?

Napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko, tapos ito pang si Kristal hindi ko alam bakit nakasimangot na ang mukha sa harapan ko.

"Maglilibot muna ako sandali," paalam ko sa kaniya at agad naman sumama si Kaylie sa akin.

"Samahan na kita kuya baka maligaw ka," saad nito at muling tumingin sa kaklase niya. "Balik kami Estelle," sagot niya at tumango naman 'yung babae kaya tumango na lang din ako sa kaniya.

Naglakad kami sa school ground at nag-ikot-ikot pa sa lugar. May mga lugar sa school na 'to na nagbibigay sa akin ng kakaunting sulyap sa nakaraan ko, katulad na lang ng kung saan ako naglalakad papuntang classroom, o kung saan kami nagpapahinga ng mga kaklase ko na hindi ko matandaan ang istura.

Mga maliliit na memorya na nagpapatotoo na naging isang normal na istudyante rin ako noon sa school na 'to.

Pero hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko o sa paglilibot ko dahil sa multong 'to.

Kanina ko pa siya napapansin na mukhang wala sa mood at tinotoyo, kanina pa nakanguso at hindi umiimik.

Alam kong cute siya pag nagtatampo, pero pag ganito na siya katahimik medyo nakaka-alarma na.

"Kaylie, uwi na tayo baka abutan pa tayo ng dilim sa daan," tawag ko kay Kaylie pero sa totoo lang gusto ko lang layuan ang multong 'to baka kasi kagatin na ko.

"Tara kuya, pero babalikan ko muna si Estelle ah," sagot ni Kaylie at tumango na lang ako saka kami bumalik sa garden ng school at sinundo ang kaklase niya roon.

"Tsk, kabata-bata eh," rinig kong reklamo ni Kristal nung makita namin si Estelle at mukhang nahihiya pa rin sa akin.

"Anong problema mo?" Tanong ko sa kaniya at inirapan niya lang ako.

Kakaiba talaga ang multong 'to, ang lakas ng toyo at minsan hindi mo pa malaman ang tumatakbo sa isip niya.

"Kuya Darrel, sira pala 'yung angkasan ko sa likod ng bike. Pwede ba sa 'yo na lang sumakay si Estelle?" Tanong ni Kaylie at tumango naman ako.

"Walang problema," sagot ko at bigla naman nataranta si Estelle.

"Ay hindi na po, maglalakad na lang po ako at mamamasahe sa kanto," sagot niya at natatarantang umiling sa harap naming dalawa.

"Hindi ayos lang, mukhang magaan ka lang naman," sagot ko sa kaniya at ngumiti saka tinuro ang upuan sa likod ng bike ko, pero paglingon ko sa likod ko nakita ko si Kristal na nanlilisik ang mata sa akin.

*gulp*

Napalunok ako, hindi ko na lang siya pinansin at sumakay na sa bike saka inaya si Estelle na sumakay na rin para makauwi na kami nang maaga.

"Kumapit ka sa likod ko," sabi ko sa kaniya at tumango naman siya saka nahihiyang kumapit sa damit ko.

Nag bike na kaming dalawa ni Kaylie palabas ng school, muli naming nadaanan ang magandang dagat sa harap ng burol.

"Ang ganda ng sunset," rinig kong sabi ni Estelle at sumang-ayon naman ako sa kaniya.

Nang makauwi ay nalaman kong kapit-bahay lang pala namin si Estelle at malapit lang ang bahay nito kina Ate Nhing at Kaylie.

"Salamat po sa paghatid," sagot niya at umiling naman ako.

"Walang anuman," saad ko at kumaway na siya kay Kaylie saka pumasok sa bakuran nila.

Umuwi na rin kaming dalawa at nagpalasamat ako kay Kaylie sa pagsama niya sa akin sa pag-iikot. "Nasa kusina mo na ang hapunan mo Darrel," paalala ni ate Nhing nung makarating kami sa kanila.

"Sige po, salamat po ulit!" Saad ko at kumaway na rin sa akin si Kaylie kasama ni ate Nhing.

Umuwi na rin ako at pinarada ang bike sa likod ng bahay, dumaretsyo ako sa kusina para umunim ng tubig at nabigla ako nung umurong ang upuan sa harapan ko at nakita ko si Kristal na nakabusangot at nakatingin sa akin.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa bata," sagot niya at muntikan ko nang maibuga ang iniinum kong tubig.

"Ha? Anong pinagsasabi mo r'yan?" Tanong ko at sumagitsit lang siya sabay salumbaba sa harap ng table.

"Wala," maikli niyang sagot kaya hindi ko na lang siya pinansin at ininit ang ulam ko para ngayong hapunan.

Umupo ako sa kaharap niyang upuan at tumingin sa kaniya. "Sabi mo may naalala ka kanina, ano 'yun?" Tanong ko para maiba ang usapan at hindi na siya magmaktol.

"Oo meron nga," maikli niya na naman sagot kaya medyo napapakamot na ko sa batok ko.

Hirap talagang kausap ng mga babae, minsan ang daldal nila minsan naman ayaw kang kausapin. Hindi ko naman alam anong nagawa kong mali sa kaniya para maging cold siya sa 'kin ngayon.

"Gusto mo ba ikwento o bukas na lang?" Tanong ko para kung ayaw niya ko kausapin edi bukas na lang, baka sakaling wala na siyang toyo bukas.

"May naalala akong lalaki," sagot niya na nakatawag naman ng pansin ko. Napataas ang isang kong kilay at humarap sa kaniya para makinig.

"Natatandaan mo 'yung lalaking na kwento ko sa 'yo nung nakaraan?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Oh 'yung sinasabi mong gwapo?" Tanong ko at siya naman 'tong tumango.

"Oo iyon nga, na tandaan ko na boy friend ko pala siya," sagot niya na lalong kinakunot ng noo ko.

"Edi, ayos." Maikli kong sagot at hindi ko rin alam sa sarili ko bakit naiirita ako ngayon.

"Gusto ko siyang matandaan Darrel," sagot niya at lumingon naman ako para sagutin siya.

"Anong gusto mong gawin ko?" Mataray kong tanong at napahawak na naman siya sa baba niya na lagi niyang ginagawa tuwing mag-iisip siya.

"Hmmm... gusto kong maging mag boyfriend tayo for a month," suggestion niya na kinanganga ko.

"Ha?" Tanong ko dahil baka nabibingi lang ako o hindi kaya nabibigla lang siya.

"Gusto kong gawin natin 'yung mga ginagawa ng mag boyfriend girlfriend, baka kasi sa way na 'yun lalo kong maalala kung sino ako or kung sino ba 'yung lalaking 'yun," paliwanag niya at lalo akong napanganga.

"Nahihibang ka na ba? Ako? Boy friend mo sa isang buwan?" Tanong ko dahil hindi talaga makuha ng kokote ko 'yung mga pinagsasabi niya.

Ano pa bang mas nakakabaliw? 'Yung tumira ka sa isang bahay na may multo? O maging girl friend mo 'yung multo na 'yun?

"Please Darrel, para bumalik na kaagad 'yung memory ko at hindi na kita guluhin," sagot niya at nasapo ko na lang ang noo ko dahil ano pa bang magagawa ko?

Wala akong choice kung hindi maging boy friend ng multong 'to for one month!

TO BE CONTINUED