Chereads / Kiss The Wind / Chapter 11 - CHAPTER 10

Chapter 11 - CHAPTER 10

DARREL

*✧♡*♡✧*

"Good morning my loves!" Naalimpungatan ako, maaga akong na alibadbaran sa multong 'to. Kinusot ko ang mga mata ko at masamang tumitig sa kaniya.

"Pwede ba Kristal, umagang-umaga wag mo pasamain ang araw ko," sagot ko sa kaniya at pupungas-pungas na bumangon sa kama.

"Ginagawa ko lang naman 'yung mga gawain ng mag jowa. Dapat may endearments tayo para sweet," sagot niya at naglakad na lang ako papuntang banyo para magmumog.

"Wait loves! Wala bang good morning kiss d'yan?" Habol niya sa 'kin papasok ng CR kaya mabilis ko siyang sinarahan ng pinto.

"Kiss mo mukha mo," bulong ko sabay harap sa salamin at yumuko na sa lababo para magmumog. Naghilamos ako ng mukha at pag-angat ko ng ulo ay bigla na lang siyang sumulpot sa salamin kaya muntikan na kong mapatalon sa gulat.

"Siguro nahihiya kang halikan ako kasi mabaho hininga mo?" Tanong niya at napasagitsit na lang ako sabay wisik sa kaniya ng tubig sa kamay ko.

"Asa ka naman." Ang lakas talaga mang asar ng multong 'to, mabuti pa na wag ko na lang siya pansinin at lumabas na sa banyo.

"Ngayon na nakapaumog ka na, pwede mo na kong halikan my loves," sagot niya at pakiramdam ko puputok ang mga ugat ko sa ulo sa sobrang pikon sa multong 'to.

"Kristal pag hindi ka pa tumigil magpapatawag ako ispiritista at papalayasin kita sa bahay na 'to," sagot ko sa kaniya at nakita ko siyang sumenyas sa bibig niya na parang sini-zipper ito pasara.

"Mabuti," maikli kong tugon at bumaba na ng hagdan.

"Pero Darrel, naisip ko lang naman na baka mas mapabilis ang pagbalik ng memorya ko kung iki-kiss mo ko," pahabol niya at halos mahilamos ko ang mukha ko sa sobrang frustration.

Hindi ko siya pinansin at dumaretsyo sa kusina para magpainit ng tubig. Kinuha ko rin ang wallet ko sa ibabaw ng refrigerator para bumili ng pandesal sa labas.

"'Di ba 'yung mga magkasintahan nag ki-kiss? Kahit sa pisngi lang hehe," pangungulit niya sabay turo sa malambot niyang pisngi kaya napatitig ako rito.

Bakit ganu'n parang ang sarap ngang halikan ng mga pisngi niya, gusto ko 'tong panggigilan.

Hu? Teka Darrel anong kahibangan ang pumapasok sa kokote mo?

"Alam mo tumigil ka sa kakulitan mong 'yan, lalabas muna ako para bumili ng pandesal," sagot ko sa kaniya at sinuot na ang tsinelas ko saka naglakad palabas ng gate ng bahay.

"Eh kasi na e-excite ako, baka kasi may matandaan na naman ako tungkol sa lalaking 'yun," sagot niya at s'yempre hindi ko siya inintindi at pinakinggan dahil nasa labas na kami ngayon ng bahay at baka may makakita sa akin dito na nagsasalita mag-isa.

"Gusto ko na maalala 'yung teen age years ko, feeling ko kasi high school boy friend ko siya," dagdag niya pa at mukhang tama naman 'yung hinala niya. Kung titignan kasi siya ngayon mukha na siyang nasa twenties niya at 'yung kinukwento niya naman ay high school life niya.

"Siguro boy friend ko pa rin siya hanggang ngayon? Baka naman ang regrets ko ay hindi ako nakapagpaalam sa kaniya bago ako mamatay? O hindi naman kaya siya ang pumatay sa akin!" Paliwanag niya sabay takip sa bibig niya nung mapagtanto ang mga pinag-iisip niya.

Napailing na lang ako habang naglalakad papunta sa tindahan at hindi siya sinasagot sa mga tanong niya dahil may iilang tao ngayon sa daan na baka makakita sa akin.

Baka pagkamalan nila akong baliw.

"Pano kung siya ang pumatay sa 'kin Darrel? Omg! Pinatay ako ng boy friend ko? Pero bakit?" Pagkausap niya sa sarili niya at pumila naman ako sa tindahan dahil maraming nabili.

Ito lang kasi nag-iisang tindahan dito sa lugar namin at buti na lang walking distant lang mula sa bahay ko ang tindahan na 'to.

"Hu? Kuya Darrel?" Napatingin ako sa babaeng nasa unahan ko, nakatingala siya sa akin habang nasa likod niya ako.

"Oh, Estelle ikaw pala 'yan," bati ko sa kaniya at agad siyang humarap sa akin sabay tango.

"Good morning po," bati niya at halatang nahihiya siya sa akin. Nakita kong namumula ang dalawang tenga niya at hindi makatingin nang diretsyo sa akin.

"Good morning," maikli kong bati at muli na siyang humarap sa tindahan dahil siya na ang susunod sa pila.

"Tsk, ayoko talaga sa batang 'yan," bulong ni Kristal at lumapit kay Estelle saka ito inikutan at tinignan maigi.

Napansin ko na parang biglang gininaw si Estelle at napahawak sa dalawang braso niya. Napalingon siya sa paligid at nagtataka bakit siya biglang nilamig kahit na hindi naman umiihip ang hangin.

Napailing na lang ako saka sinenyasan si Kristal na bumalik sa tabi ko.

"Ahaha, medyo malamig ang klima ngayon no?" Umakto na lang ako na kunwari nilalamig din ako.

"Kaya nga po eh," maikli niyang sagot at inabot ang bayad sa tindera. Humarap siya sa akin bago umalis. "Una na ko kuya Darrel, ingat ka po," sagot niya at tumango na lang ako sabay kaway sa kaniya.

Bago siya umalis ay ngumiti muna siya sa akin at tumango saka kumaripas ng takbo. Halatang nahihiya siya sa akin at hindi naman ako manhid para hindi mahalata 'yung bagay na 'yun.

"Mga kabataan talaga ngayon, ang bata-bata pa nagkaka-crush na, tapos gusto pa 'yung mas matanda sa kanila!"

Ano bang pinagsasabi nito ni Kristal, siya talaga 'yung multo na malakas ang amats kahit saan.

"Inaano ka ba nung bata?" Tanong ko kay Kristal at tumingin na sa tindera para ituro ang pandesal pero nagulat ako nung makita ko 'tong nakatingin sa 'kin na para bang nahihibang ako.

"Hijo, ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin at napangiwi na lang ako ng ngiti sabay tango at turo ng bibilhin ko.

Nang makuha ko ang paper bag ay agad-agad akong nagbayad sa tindera at payukong naglakad pabalik ng bahay. Kasalanan 'to ni Krsital eh! Pag ako talaga pinagkamalan nilang baliw, ipapatawag ko talaga si Ed Caluag.

*✧♡*♡✧*

Naging normal naman ang araw ko ngayon, normal na sa 'kin na may kasamang multo sa bahay at unti-unti na rin akong nasasanay sa presensya ni Kristal dito.

"Dumating ba si ate Nhing?" Tanong ko sa kaniya pagkagaling ko sa paliligo at nakita ko siyang napanganga at mabilis na tumalikod sa akin.

Doon ko na pagtanto na topless nga pala ako, pero ano naman ngayon? Ngayon pa ba ko mahihiya sa kaniya pagtapos niya ko silipan sa unang araw naming dalawa na magkakilala.

"Seryoso ka ba? Nahihiya kang tumingin sa 'kin ngayon?" Tanong ko sa kaniya at naglakad sa kama kung na saan siya nakaupo.

"Hi-hindi ah, ba-bakit ako mahihiya sa 'yo eh, mu-multo na ko?" Nauutal niyang sagot na medyo kinatawa ko.

Ang sarap din palang makaganti pagtapos kang asarin at harasin ng multo na 'to araw-araw. Parang gusto ko pa siyang asarin ng kaunti kaya umupo ako sa tabi niya at tinukod ang dalawang kamay ko sa likuran ko saka nag lean sa kaniya.

"Kung hindi ka nahihiya sa 'kin, bakit hindi ka makatingin sa 'kin ngayon?" Tanong ko sa kaniya at napatakip siya sa kaniyang mukha habang hindi humaharap sa 'kin.

"Sye-s'yempre, babae pa rin naman ako no, saka ngayon na alam kong may boy friend ako kailangan kong maging loyal," sagot niya na talagang nagpakunot sa noo ko.

"Hu? Loyal? Nakakalimutan mo na bang inaya mo kong maging boy friend mo sa isang buong buwan para maalala 'yang boy friend kuno mo? 'Di ba mag boy friend girl friend na tayo ngayon? Bakit hindi ka makatingin sa 'kin ha?" Tanong ko sa kaniya at halatang hindi niya alam kung ano ang ipapalusot sa 'kin.

Napangiti ako, hindi ko talaga maiwasang makyutan sa kaniya tuwing nahihiya o napipikon siya.

"Hi-hindi kasali sa usapan 'yung ulam, este 'yung topless!" Sagot niya na lalo kong kinatawa.

Hindi ko na napigilan at tumawa na ko sa kakulitan ng babaeng 'to.

"Baliw hahaha!" Wala talagang araw na hindi niya ko napapangiti, simula nung dumating siya sa buhay ko hindi ko na naiisip masyado ang mga problema ko.

Siya 'yung nagbibigay kulay sa blangko kong pagkatao.

"Darrel," tawag niya at nakita ko siyang nakatulala sa akin, tatawa-tawa kong pinunasan 'yung luha sa gilid ng mga mata ko at napaikling ng ulo bilang pagtatanong.

"Haha, bakit?" Tanong ko at nakita ko siyang napangiti. Mga ngiting hindi ko alam bakit parang sobrang saya pero may lungkot ka ring makikita.

"Masaya akong makita kang tumatawa ng ganiyan— lalo kang gumagwapo," biro niya sa dulo pero alam ko may kakaiba sa reaksyon niyang 'yon.

"Tsk, wag mo na nga kong bolahin," sagot ko sa kaniya at humarap na sa salamin para ayusin ang buhok ko.

"Sana lagi ka pang ngumiti araw-araw, sana kahit wala na ko rito o kung ma-solve na natin 'yung pagkamatay ko at maalala mo na ulit 'yung mga memories mo, sana maging masaya ka pa rin," sagot niya at napalingon naman ako sa kaniya.

Nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nakangiti lang sa harapan ko. Ngumiti na lang ako sa kaniya para kung sakaling panahon niya na para umalis, hindi niya ko intindihin at makapunta siya sa dapat niyang puntahan nang walang inaalala.

"Asa ka naman na malulungkot ako pag nawala ka," sagot ko sa kaniya at tumawa na lang siya.

"Babalik talaga ako pag nakita kong umiiyak ka sa pag-alis ko, mumultuhin na kita forever haha!" Biro niya kaya napangiti ako, siguro hindi na rin masama kung multuhin niya ko araw-araw.

"Multuhin mo, bahala ka d'yan. Pag naalala ko na 'yung mga memories ko aalis na ko sa bahay na 'to kaya hindi mo na ko masusundan," sagot ko sa kaniya para hindi niya na ko isipin pa.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong niya.

Umupo ako sa harap ng study table ko at kinuha 'yung notebook na gamit namin para ilista 'yung mga natatandaan naming bagay tungkol sa amin.

"Edi s'yempre sa Manila. Babalik ako sa pagtatrabaho dahil ayoko maging pabigat. Panganay ako kaya dapat maging responsable akong kapatid at anak sa pamilya ko," paliwanag ko sa kaniya saka ko sinulat ang salitang nobyo sa tapat ng pangalan ni Kristal.

"Oo tama 'yan, tapos maghanap ka na rin ng mapapangasawa mo. 'Yung aalagaan ka at mamahalin ka ng todo," sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Pano kung ayoko?" Tanong ko dahil hindi naman pumapasok sa isip ko ang bagay na 'yun.

Sa ngayon, wala sa plano ko ang pumag-ibig o magsimula ng sarili kong pamilya kahit na tatlong taon na lang ay mawawala na sa kalendaryo ang edad ko. Siguro magiging bachelor na lang ako sa buong buhay ko.

"Hindi pwede Darrel, malungkot kaya mag-isa," sagot niya at tumaas pa lalo ang kilay ko sa kaniya.

"Pano mo naman nalaman? Naramdaman mo na ba? Natandaan mo na ba 'yung pakiramdam ng mag-isa?" Tanong ko sabay salumbaba sa mesa.

Yumuko siya bahagya, marahan na nawala ang mga ngiti niya sa labi at napalitan ng mga ngiting peke at may halong lungkot.

Sa ilang linggo naming magkasama ng multong 'to, alam na alam ko na kung ano ang totoo niyang ngiti sa hindi.

Alam kong totoo siyang masaya kapag pati mga mata niya ay naniningkit na sa saya, at alam kong peke kung hindi kasama ang mga 'to sa pagngiti niya.

"Hindi ko mapaliwanag eh, siguro dahil multo na ko. Alam kong mag-isa na lang ako at wala na kong babalikan dito sa mundo. Swerte lang talaga ako at andito ka, pero kung sakaling hindi mo ko nakikita— sino na lang ang kakausap sa 'kin?" Tanong niya at doon ko na pagtanto na sobrang lungkot ng sitwasyon niya ngayon.

Tama siya, patay na siya. Hindi na ito ang buhay na dapat mayroon siya at wala na siyang babalikan sa mundong 'to.

Kahit na maalala niya kung sino siya, kung may pamilya ba siya o kung may kasintahan. Lahat 'yun bali wala na rin dahil hindi naman niya makakasama ang mga 'to.

Kailangan niyang maging kuntento at maging masaya sa pagmamasid sa kanila. Siguro iyon na lang din ang magpapasaya sa kaniya at magiging dahilan para makatawid na siya sa kabilang buhay.

"Hindi ko alam kung anong regrets mo sa buhay Kristal, pero susubukan kong tulungan kang matupad 'yung last wish mo para makapagpahinga ka na," sagot ko sa kaniya.

Nakita ko siyang ngumiti kasabay ng pagtulo ng ilang luha niya sa mata.

"Salamat Darrel."

TO BE CONTINUED