Napabalikwas ng bangon si kichay mula sa isang masamang panaginip, pawis ang noo at kanyang likuran mabilis din ang pagkabog ng kanyan puso. Sumulyap sya sa gilid ng kanyang kama kung saan nakalagay ang kanyang orasan 3:57, madaling araw napala. Bumangon si Kichay at nagtungo sa banyo tinitigan nya ang kanyang repleksyon sa salamin magulo ang kanyang buhok may muta pa sya kanyang mata at panis na laway sa gilid ng kanyang labi.
Shit kahit ganito ang mukha ko ganda ko padin talaga heheh.
Pagpuri nya sa kanyang sarili feeling pretty ang ate nyo. Muling sumagi sa kanyang isipan ang kanyang napanaginipan.
"S—si-no ang lalaking yun? Ano ang ibig sabihin ng panaginip na iyon." Pagkausap nya sa sariling repleksyon.
Napatingin sya sa kanyang kanang kamay hanggang ngayon nararamdaman nya pa din ang mainit na kamay ng lalaki, malambot ito at parang hinulma ang kamay na yun para lng sa kanya na sya lng ang pwedeng humawak wla ng iba. Napatingin syang muli sa salamin nababakas sa kanyang mukha ang pagkalito, hindi nya lubos maisip na mapapanaginipan nya si Satanas.
Sign na kaya ito na matitigok na ako? Kaya ko ba iyun napanaginipan. Wag namn sana, bakit ba kase nakalimutan kong magdasal bago matulog ayan tuloy binangongot ako. Pagkausap nya sa kanyang sarili. Ilang minuto pa syang nakatulala lng bago nya naisipang maghilamos at lumabas na binuksan nya ang ilaw sa kanyang kwarto napatingin sya sa orasan 4:01, alas'kwatro napala. Umupo sya sa gilid ng kanyang kama kung matutulog sya ulit siguradong babangungutin lng sya kaya gumayak na sya palabas ng kwarto papunta ng kusina upang magluto ng agahan.
Nakatira si kichay sa isang maliit na apartment na 2,500 lng ang upa buwan-buwan kasama na din ang bayad sa tubig at kuryente, meron lng itong maliit na kusina na kasya namn ang maliit na ref na napanalonan nya sa pa-raffle noong may piesta sa brgy. may rice cooker din at dibotien na kalan at kawaling gamit sa pagluto maliit na lamesita at dalawang upuang kahoy, ilang hakbang lng din ay makikita muna ang sala dikalakihang sofa at lamesa na may flower vase ng paborito nyang bulaklak, maliit lng din ang kanyang tv ngunit hindi nya namn ito masyadong nagagamit dahil sayang sa kuryente. Mag-isa nalng sa buhay si kichay wala na ang mga magulang nya chismis sa kanya ng madreng nag-alaga sa kanya hindi rin nito naikwento kung ano ang nangyari sakanila.
Si mader agnes ang nagalaga sa kanya ng mahigit 20 years pero sa kasamaang palad pumanaw na ang madre namatay ito sa sakit sa bato, kung hindi ba namn adik lahat ba namn ng kinakain nilalagyan ng asin ayan tuloy natigok ng maaga may salt tooth ata si mader. Pero nag papasalamat padin ako na inalagaan ako ni mader agnes sya ang nagturo saakin ng mabuting asal. as in Asal, ASAL ASO hehe. Kaya nga lumaki akong maganda eh, kasi maganda din ang ugali ko umangal malaglag matres.
Binuksan ni kichay ang kanyang ref at tiningnan ang laman, wla napala syang stock ng pagkain. Ang laman nalng ng ref nya ay isang itlog, supot ng uling at palato ng tirang kanin at limang malalaking bote ng tubig. Kinuha nya ang kawali syempre wag kakalimuntan e-on ang kalan hindi namn pwede na magluto ka ng wlang apoy muntanga kalng nun. Kinuha nya ang bote ng mantika sa may aparador pangtingin nya wla napalang laman hayst.. bat ba ang malas ko ngayong araw?. Pinatay nya ang kalan tinakpan ang nabiyak na itlog at binalik sa ref ang natirang kanin.
Bumalik sya sa kanyang kwarto kinuha ang kanyang kulay puti nyang hoodie nagsuot din sya ng pajama dahil malamig salabas 5:30 na din pala konting oras nalng sisikat na ang araw, siguro namn ay may bukas ng convenience store ngayon. Lumabas na sya ng kwarto pinatay nya ang ilaw sa kwarto at sala isinuot ang sapin sa paa at lumabas sa apartment nya, inilock nya muna iyon bago umalis mahirap ng malooban nu wla na nga akong masyadong gamit mananakawan pa.
Nasa 2nd floor ang nirerentahan nyang kwarto malapit lng din ito sa may hagdan pinili nya talaga ito incase na maysakuna una akong makakababa safety first ika nga. Nasa labas na sya ng apartment naglalakad sya papunta sa malapit na convenience, sirado pa kase ang mga tindahan dito ang tagal talagang magbukas ng tindahan dito pero pagdating sa chismisan daig pa ang manok sa sobrang agang magising. Tsk.
Dinadama nya ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang mukha, napatingin sya sa kalangitan kulay dark blue na ito may kaunting mga ulap at madidinig ang mga huni ng mga ibon nilanghap nya ang simoy ng hangin at pinakawalan sa kanyang bibig Yayks ang baho nakalimotan kong magmumug. Natatanaw na nya ang convenience ilang hakbang nalng ngunit bigla syang napahinto ng may marinig na boses na animoy may hinoholdap.
"Ibigay muna ang pera mo kong ayaw mong masaktan."
Biglang naalerto ang kanyang chismosa radar at sumilip sa iskenitang malapit sa convenience, medjo may kadiliman din dahil nasa madilim itong parte. May tatlong kalalakihan ang dalawa ay nakatalikod sa kanya at ang isa ay nakaharap sa
direksyon nya may hawak na balisong ang isang lalaki.
Shit mukhang hinoldap nila si kuya mukha namng sa tayo ni kuya ay yakang-yaka nya ang dalawang kupal nato.
Patpatin ang mga pangangatawan nito na animoy kinulng sa nutrisyon, nasobrahan ata sa diet tong dalawang itlog nato. Hayst. Sila pa talaga may ganang mang-holdap konting balibag lng dito bali agad buto ng mga to eh, butot balat na sila eh.
"Ano na? Bibigay mo ba ang pera mo, oh hindi?" sabi ni boy malnurish. "Mukhang ayaw talagang magsalita pri, pipi ata to eh." hirit namn ng sidekick nyang kalansay.
"Wla akong pera kaya iba nalng ang pagtripan nyo." bakas sa boses nito ang pagkaseryoso malamig ito at buong-buo. Ang boses na yun parang nadinig ko na ang boses na iyon...