Chereads / THE MAN FROM UNDERGROUND WORLD / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Death 6

Nandito kami ngayon sa sofa nakasiksik ulit ako habang sya naman ay nanonood ng t.v., tapos na din kaming kumain buti nalng nakahiram ako ng plato at kubyertos kay landlord nagtaka pa ito kung bakit ako ng hihiram eh mag-isa lng naman daw ako sa unit ko. Sinabi ko nalang napadami ang luto ko at wala akong mapaglagyan. Mabuti nalng talaga at uto-uto si landlord, hindi na ako nagtaka kung bakit naloko sya ng jowa nyang inchik.

Kailangan ko na din mamili ng gamit dahil nga hindi na ako mag-isa ngayon, may naipon naman ako kahit papano. Pero ang totoo ipon yun ni mader agnes hehe.

Ipinangalan nya lng sakin sabi nya sakin noon magagamit ko iyon kapag nawala na sya at tama nga sya dahil nagamit ko yun sa pag-aaral.

Hindi ko naman nagalaw ang ipon na 'yun dahil noong elementary at highschool pinag-aral ako ni father bery sya ang tumayong tatay ko ng pumanaw si mader agnes lumaki kase ako sa kombento. Nong nagkoliheyo ako dun ko lng nagalaw. Lumuwas kase ako sa maynila para dito mag-aral ng koliheyo dahil mas maraming oportunidad dito kesa sa probinsya. Kasabay ng pag-aaral ang pagpapark time mas doble kayod pa ako dahil mahirap ang buhay dito, kahit naman may iniwang pera sakin si mader agnes ay kailangan ko pa din maghanap ng pagkakakitaan dahil hindi naman panghabang-buhay ang perang yun. Buti nalang at naitawid ko ang koliheyo at nakatapos ng business management pangarap ko kaseng magtayo ng sarili kong coffee shop kaya yun ang napili kong kurso.

Kasalukoyan pa din akong nag-aaply ng trabaho pero sa kasamaang palad nganga pa din ang lola nyo. Kung hindi kase 'balik nalng kayo pag may hiring na' o 'tatawagan nalng kayo ng companya' ay nauuwi lng sa wala matataas kase ang credentials na hinahanap nila, ok naman ang pinapasa kong resume sumasabit nga lng sa enterviews bobo kase ako sa english. Bagsak din ako pagdating sa grades madami kaseng palakol ang lola nyo. Late ko kaseng naipapasa ang mga requirements sa teacher ko, pero kahit ganon naka-graduate naman ako.

Kaya kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho bukod sa may kasama na ako dito ay kailangan ko din sustentohan ang sarili ko at si father bery nangako kase ako na susuklian ko ang pag-aalagang ginawa nya sakin noon.

Matapos magbalik tanaw sa nakaraan ay may naalala akong itanong kay kallixto.

"teka nga pala, ano nga pala yung bagay na hinahanap mo? at saan mo i mean natin hahanapin yun?. " nakahalumbaba kong tanong sa kanya. Lumingon naman ito sa akin. May kinuha ito sa ilalim ng mesa. Isa iyong nakarolyong papel inilapag nya ito sa lamesa. May pinatong din itong supot na kulay brown at may paribon pa. Inferness may props di 'mo kaya.

"ano yan? " lumingon ito sa akin habang ako nakatingin lng sa mesa.

"ang mapang yan ang direksyon natin upang mahanap ang bagay na hinahanap ko. " tinuro pa nito ang mapa. Alam ko kuya kaya nga mapa diba?.. Eh bat ka nagtanong kong alam mo naman pala?... Trip ko lng bat ba?! Nababaliw nako kinakausap ko na ang sarili ko ngayon. hayst

"teka, bat tatlo yung ekes? Hindi ba dapat isa lng yun para saan yung dalawa? " turo ko sa dalawang ekes. Tatlo kase yun.

Ang unang ekes ay may nakasulat na ilog maikli, ang pangalawa naman ay bundok matulis at pangatlo ang gubat katahimikan. Napakurap ako at napatawa ng malakas. Tumingin naman ito sakin at kumonot ang noo.

"sino ba ang nag-pangalan nyan? Bundok matulis?, bakit lahat ba ng nasa bundok nayan ay matulis kahit bato?... Ilog maikli? Wag mong sabihin na putol-putol ang agos ng tubig dyan kaya maikli? Gubat ng katahimikan, well jan wala akong say. Tahimik naman talaga ang gubat. " mahabang litanya ko sa kanya sinamahan ko pa ng malakas na tawa. Kahit sino naman talaga matatawa, ang weird kaya ng pangalan nila. Kung sino man ang nag-pangalan nyan siguradong may 'sapak.

Napahinto ako sa pagtawa ng masama itong nakatingin sakin napaayos ako ng upo sabay turo sa mapa.

"sige na tuloy mo na yung kwento mo hehe. " at kunwaring zinipper ang bibig. Yan kase lait pa.

"hindi ko din alam kung para saan ang dalawa, at yan ang aalamin natin. Sa susunod na mga araw ay sisimulan na nating puntahan ang mga yan. " seryoso nitong sabi habang nakatingin sa mapa.

So within this week ay magsisimula na kaming puntahan ang mga yan. Ang bilis naman ata, nagmamadalli ka kuya? May humahabol sayo? pero ayos din naman. Pag madali namin iyong mahahanap ay babalik na sa dati ang lahat.

"OK! within this week ay sisimulan na natin ang paghahanap. Teka, saan nga pala jan ang uunahin natin? "

"ilog maikli. " maikli nya ring sabi. Maikli nga hehe. Nabaling naman ang aking tingin sa supot na nasa gilid ng mapa.

"ano nga palang laman nyan? " inabot naman nito ang supot. Mukhang madami iyong laman. Ano kayang laman nyan, tigpipisong candy? baka naman barya.

"ito?... inangat naman nito ang kamay at tinanggal ang pagkakatali. Marahan nya itong binuksan. Nanglaki naman ang aking mata sa nakita..... ay ginto." Sabay lapit sa aking mukha. Napatakip ako sa aking bibig at napakamot sa aking mata.

"Gi-ginto?!" gulat kong tanong sa kanya. Tumango naman ito at parang nasisiyahan sa aking gulat na mukha.

"teka, tunay ba 'to?.... Kumuha ako ng isa sa mga yun. Kasinglaki lng ito ng maliliit na bato, get's nyo?.....baka pwet lng to ng kaldero ah. " nagdududa kong tanong sa kanya. Pinaningkitan ko ang gintong hawak ko at kinagat. Ganon mo malalaman kung tunay ang ginto, kung sasakit ang ngipin mo ibig sabihin Tanga ka! kagaya ko huhu. Ang sakit ng ngipin ko.

"mukhang tunay nga 'to. Teka bat ang dami mong ganyan?" ibinalaki ko sa supot ang kinagat kong ginto.

"hindi ako makakagalaw kong walang pera magagamit natin to sa paglalakbay. Kailangan ko din palitan ang suot ko. " ibinalik nya ito sa pagkakatali. Tama nga naman sya mas madali yung mahahanap pag may pera. Mukhang sa malalayong lugar ang pupuntahan namin.

Come to think of it, kanina pa nya sinasabi ang bagay na 'yun pero hindi nya pa sinasabi ang itchura nito. Muntanga lng ako na sasama sa kanya pero di 'ko naman alam ang itchura nito. Paano nalang pala kung nasa harapan ko lng diba? edi masasalisihan pa kami.

"ano nga pala ang bagay na hinahanap mo? kanina pa tayo nagkwe-kwentohan dito pero hindi mo pa nasasabi ang itchura nun. " nahikab kong tanong sa kanya mejo inaantok na din kase ako.

"hindi ko alam ang itchura nun. " biglang nawala ang pagkaantok ko sa narinig. Napatulala akong nakatingin sa kanya.

"A-ano? Hindi mo alam? seryoso ka? edi mukhang tanga lng tayong naghahanap pero hindi naman pala natin alam ang itchura. " hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. Siraulo sya pumunta dito ng hindi alam ang hahanapin. Ayts.

"kaya nga may mapa hindi ba? Dahil nandito ang bagay na hahanapin natin. " inosenteng sabi nito at pinag-krus ang braso.

"hayst! Bahala nanga.... tumayo nako sa kinauupoan.... Matutulog nako bukas nalng ulit tayo mag-usap. " tinalikuran ko na sya at nagtungo saking kwarto. Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa kanya. Nakatingin ito sakin.

"teka, dyan ka ba matutulog? " turo ko sa maliit kong sofa. Sa tangkad nya siguradong hindi sya kasya pero ika nga sa kasabihan matutong bumaloktot kapag kita ang iyong kuyokot. Kumot yun ghirl. Ay binago na ba? Hindi ikaw lng naman tong imbento. Hehe sori naman

"oo, hindi naman tayo kasya sa kwarto mo dahil maliit yan. "

"asa ka naman na patutulogin kita sa kwarto ko. Dalagang pilipina kaya ako. " at pumasok na saking kwarto.

Umupo ako sa gilid ng kama. Pano nalang kung lamigin sya dun?... Ok lng yan galing naman syang impyerno ng ma-experience nya namang malamigan. Humiga na ako saking kama. Bukas bagong pakikipag-saparan na naman.