Chereads / THE MAN FROM UNDERGROUND WORLD / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Death 7

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Napatingin ako sa labas ng bintana, mataas na ang sikat ng araw.

Bumangon ako sa aking kama, naginat ako ng katawan at papikit-pikit na tinungo ang banyo. Kinuha ko sa gilid ang tuwalya at sinimulan ng maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Inayos ko muna ang higaan bago lumabas ng kwarto. Nabaling ang aking tingin kay kallixto. Mahimbing itong natutulog lampas ang paa nito, pilit nitong pinagkakasya ang sarili sa sofa.

Napangiti nalng ako sa kanyang posisyon. Ang inosente nitong matulog parang isang sanggol. Ang gwapo nya pala pagtulog hehe, pero mas gwapo sya pag gising dahil sa mga mata nyang ang sarap titigan. Napahagikgik ako sa aking naisip.

Agad kong sinampal ang aking sariling pisngi. Ang aga-aga lumalandi ka na kichay magtigil ka, baka nakakalimutan mo kahapon mo lng sya nakilala. Kailangan ba paabutin muna ng isang linggo bago ko sya landiin? Baka nakakalimutan mo na galing syang impyerno. Remember? Che! umalis ka nanga. At kunwaring may pinipitik sa aking harapan.

Hayst nababaliw na ako, kinakausap ko na ang sarili ko ngayon. Mukhang iba nato.

Napatingin akong muli kay kallixto. Napaatras ako sa gulat ng makitang dilat na ang mga mata nito. Nakatingin ito sa akin.

"Gi-ginulat mo 'ko, kanina ka pa ba gising? " nahihiya kong tanong sa kanya. Hindi nya naman siguro naramdaman na tinitigan ko sya diba?

"Kanina pa, paglabas mo palang ng kwarto. " tumayo na ito sa kinahihigaan at pumunta ng kusina.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Nakakahiya alam nyang tinitigan ko sya at humahagikgik na parang tanga? ayan kase landi pa napahiya ka tuloy. Napahampas nalng ako saking noo at sinundan ito sa kusina. Naghilamos ito at nagmumug, habang ako naman nahihiyang umupo sa silya.

"ahhm... gusto mo bang sumama sa akin? " nahihiya kong tanong sa kanya. Umupo na din ito.

"Saan? " maikli nitong sagot pinunasan din nito ang mukha gamit ang kamay.

"Bumili ng pagkain?... tyaka kilangan din natin bumili ng damit mo, kase muntanga ka lng sa suot mo hindi naman pwedeng gumala ka sa syudad na ganyan ang suot. " nakayoko kong sagot sa kanya habang kinukotkot ang kuko.

"Bakit ayaw mong tumingin sa akin? " nanunuksong tanong nito. Uminit muli ang aking pisngi.

"Kanina lng grabe kang makatingin, tapos ngayon ayaw mo na akong tingnan. " bakas sa boses nya ang tuwa. Kahapon lng ngumingiti lng ito tapos ngayon marunong na din syang matuwa? akala ko talaga sya yung tipo ng lalaking seryoso at suplado hindi pala.

"May sore eyes kase ako! " pagdadahilan ko sa kanya.

"Talaga? Kanina naman wala kang sore eyes ah. Imposible naman ata yun. " nang-aasar pa talaga. Natural hindi ako makatingin sa kanya, nahuli nya akong nakatitig sa kanya at kinikilig pa na parang timang. Malamang mahihiya talaga ako.

"eh ano naman! Yun ang dahilan ko. Hindi ba pwedeng maniwala ka nalng dun?!" masama ang tingin kong sabi sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng tumawa ito. Tila isang magandang musika ang kanyang pagtawa, parang huminto din ang paligid. Tulala lng akong nakatingin sa kanya. Ang gwapo nya pagtumatawa. Makalaglag panti beh.

Tumigil na din ito sa pagtawa pero may ngiti pa din sa kanyang labi.

"Nakalimutan ko nga palang itanong sayo. Ano nga palang pangalan mo? " nakangiti pa din ito.

"h-ha?... Ah ano.. Kichay. " lutang kong sabi sa kanya. Hindi pa din ako maka-get over sa tawa nya kanina. Gwapo kase ng lolo nyo sarap ibalibag.

"Kichay lng? Wala ng kadugtong yun. " panggagaya nya sa sinabi ko kahapon.

"Kichay Matampipi. " bigla naman itong tumawa.

Ano bang nakain nito, mukhang good mode sya ngayon eh. Kahapon lng ang seryos nito tapos ngayon bigla nalang tumatawa. Yung totoo, adik ka po?

"Mas mabantot pa pala ang pangalan mo kesa sa akin. " nagpantig ang aking tenga sa kanyang sinabi.

Ang kapal naman ng mukha ng lalaking to nalaitin ang pangalan ko. Hindi mo 'ba alam boy na isa ako sa may magandang pangalan sa probinsya namin?

"Hoy!... Sabay hampas ng dalawa kong palad sa lamesa napatayo na din ako... Wag mo ngang laitin ang pangalan ko di hamak naman na MAS maganda ang pangalan ko kesa sayo. SOLRI "kichay" MATAMPIPI!... may kasama pang hand gesture kong sabi... Tyaka wala ka ng maririnig na ibang pangalan na kaseng ganda ng sakin nu. " laitin nya na lahat wag lng ang pangalan ko si mader agnes kaya nagbigay nun.

Kaya ipinalayaw sa akin ni father ang kichay dahil bagay daw sakin yun tunog bida-bida, makulit at ma-attitude kase gaya ng personalidad ko. Hindi nalng talaga sinabi na ganon ang ugali ko. Hmp. At yun ang history ng pangalan ko, and i thank you.

Seryoso ng nakatingin sakin si kallixto ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng inis. Anyare? kanina lng ang saya nya tapos seryoso na ulit sya?

"Magbihis ka na ng makaalis na tayo. " padabog pa itong tumayo papuntang sala. Naiwan naman akong nagtataka. Napakamot nalang ako ng ulo.

Anyare dun? Mode swings ulit? May regla ganern?

Kasalukoyan akong nakaupo sa may sofa. Hinihintay ko kase si kallixto naliligo kase ito. Pagkatapos kase nitong mag-walk out ay tinanong nito kung nasan ang banyo. Mabaho at madumi na daw kase sya, pero para sakin mabango pa sya. Amoy lupa nga eh hehe.

Napatigil ako sa aking kalandian ng bumukas ang pinto. Lumabas doon ang isang bagong ligo na si kallixto. Nakatapis lng ito ng tuwalya kung peach, tumutulo ang tubig na galing sa buhok nito papunta sa kanyang matitipunong dibdib at tyan. Take note may pandesal ang kuya nyo, di 'mo kaya. Naghihimutok din ang maskels nito sa braso maugat din ang kamay beh!!

Naamoy ko din ang shampoo at sabon ko, lavender lalo tuloy akong naiinlove sa lavender scent. Ahhh

Napalunok ako sa aking nakikita napahawak pa ako sa aking lalamunan, bigla akong nauhaw shit.

"Ba-bakit hindi ka pa nagbibihis? " naiilang kong tanong sa kanya at umiwas ng tingin. Pag di 'ko pa iniwas ang tingin ko ay baka kusa ng tumulo ang laway ko. Hindi pa naman ako asong nauulol nu. Lakas kaseng makatulo laway ng lolo nyo. Hmmp.

"Wala akong maisuot, madumi na yun at tyaka ikaw na 'rin ang nagsabi na magmumukha akong tanga sa suot kong yun. " hinawi pa nito ang buhok na sumasagi sa kanyang mata.

"Ayos lng magmukhang tanga, gwapo ka naman eh. " malandi kong bulong na sinigurado kong hindi nya maririnig.

"Ano? may sinasabi ka? "

"Wala!... Tumayo na ako saking kinauupoan at tinuro ang pintuan palabas... Ang sa-sabi ko, maghintay kalng saglit dito. Manghihiram nalng ako ng damit kay ina siguradong kasya ang damit ng boyfriend nya sayo. " kamot ang ulong lumabas ako sa unit ko. Pumunta naman ako sa katabi kong unit.

Si ina ang pinaplastik kong boarders dito naging close kami dahil parehas kaming plastik. Nagbibigayn din kami ng pagkain sa isa't-isa. Ang jowa nya ay madalas makitulog sa unit nya, hindi naman ito nahuhuli ni landlord dahil maylahi itong akyat bahay. hehe biro lng

Nagkakaisa kase kaming mga nakatira dito. Karamihan kase samin ay may jowa, kaya tulongan kami dito. Dahil pagnahuli ka ay magbalotlot ka na at humanap ng bagong marerentahan linya yan ni landlord ginaya ko lng hehe.

Kumatok ako ng tatlong beses. Kumatok ulit ako may pag-kabingin kase si ina.

"Sandali lng! " sigaw nito. Bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang naka-apron at messy bond na si ina. Mukhang nagluluto na naman sya.

"Ikaw pala kichay, anong kailangang mo ghirl? " maaliwalas nitong tanong sakin.

"ahhm... Ina pwede bang..... Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba. Nakakahiya kase baka kung anong isipin nya pag ng hiram ako ng damit ng jowa nya, may pagka-praning pa naman to.... Pwede bang, makahiram ng damit ng jowa mo? " nangiti kong sabi sa kanya.

Ang maaliwalas nitong mukha ay biglang napalitan ng magkasalubong na kilay.

"Ano!!? at bakit mo naman hihiramin ang damit ng boyfriend ko? Siguro gagamitin mo yun para gayumahin sya nu? Para maagaw ka mo sya sakin. Anong klaseng kaibigan ka. Ahas ka pala kichay!! " naprapraning nitong sabi. Ito nanga ba ang sinasabi ko eh.

Praning kase ang babaeng to, kumbaga tamang hinala lng wala namang ebidens. Kapag may dumidikit kaseng babae sa jowa nya iniisip agad nito na aagawin ito sa kanya. Epekto ng pag-inom ng kape tuwing alas 'tres hayst.

"Ina hindi ganon, kumalma ka ghirl. " sabay ikot ng mata masyadong praning dyos ko!

"eh ano!? "

"Kase ano... Ahhm ano kase. " sasabihin ko ba?

"O MY GHIRL!!!! Wag mong sabihing?! " nakatakip pa sa bunganga nito ang kamay. Tumango naman ako.

"Ang landi mo! " sabay hampas sakin.

"Che! Alam ko haha. " mas malandi ako sa kanya nu. Wag sya.

"Kaya pala may narinig akong boses ng lalaki kahapon, sa unit mo pala yun. Gwapo ba?! Patingin. " Kinikilig pa ito. May jowa na kumekere pa. Tsk.

"Wag kang malandi may jowa ka na ghirl. "

"Damot sisilip lng eh. O' sya kukuha lng ako ng damit. " pumasok na ulit ito. Ilang minuto lng bumalik din ito.

"Ayan na. " isa itong pares ng pantalon at t-shirt na kulay gray nagulat pa ako ng may makitang brief.

"Teka bat may brief? Siraulo ka ipapahiram mo brief ng jowa mo. " nandidiri kong sabi sa kanya.

"Gaga! Hindi pa gamit yan, kakabili lng nyan noong isang araw. "

"Akala ko naman gamit na. O' sya isusuli ko nalang ito bukas wag kang mag-alala lalabhan ko. " tumango naman ito at pumasok na. Bumalik na din ako baka nilalamig na ang kallixtong yun.

Nagbabalik HAHHAHAH miss nyo ba ako? .....Chawt out sa mga readers jan andami na natin yeheyy!! salamat sa supporta huhu