Chereads / THE MAN FROM UNDERGROUND WORLD / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Saan ko nga ba narinig ang boses na yun, parang—

Bigla akong nagising sa aking pagiisip ng marinig kong muli ang kanilang paguusap.

"Ibigay mo nalng kase, bat ayaw mo pang ibigay ang pera mo? gusto mo pang daanin namin to sa dahas." sabi ni malnurish

"Sinabi ko na, wla akong pera kaya pwede ba? Padaanin nyo ako dahil may hahanapin pa ako. " humakbang ito papalapit sa mga holdaper ngunit napahinto ito ng may dinukot na baril si kalansay. Shit bat may baril, may pambiling baril pero wlang pambiling makain? eww ang cheap ah, baka namn nakaw din yan? Itinutok nito ang baril, seryo namng nakatitig ang lalaki sa baril at walang imik. Mukhang nagiisip ata ng strategy si kuya para makatakas sa dalawa.

"Wla naman palng pera to bert patayin nalang natin to, mang-holdap nalng tayo ng iba." sabi ni kalansay at naiirita na din ito.

"Tama ka walang kwenta na ito ang natyempohan nating holdapin, akala ko pa namn makapal ang laman ng pitaka nito dahil mukhang mayaman di namn pala. " sabay suksok ng balisong sa likod ng kanyang short, kinamot pa nito ang kanyang ilong sabay sabay sabing... Patayin mo na yan." bigla akong kinabahan sa sinabi ni malnurish. Nalilito ako kung ano ang aking gagawin, tutulongan ko ba sya? o tatawag nalng ng pulis?

Tama! tatawag nalng ako ng pulis mahirap na at baka madamay pako. Kinapa ko ang bulsa ng aking hoodie anak ng! bat nakalimotan kong dalhin ang cellphone?! Tanga talaga!! Paano nato ngayon? Wla pa namang kataotao sa paligid dahil madaling araw

palang, kung sisigaw naman ako ng tulong baka ako namn ang tigokin nila.

Isip kichay madami ka ng napanuod na ganito sa t.v dapat alam mo na ang dapat na gawin.

Mag-ala darna kaya ako? pero wla dito si ding wla ang bato, san ba kase naggagala ang ding na yun at wla dito? ka-embyerna!! Nagdadalawang isip pa din ako kung tutulong ba ako? Oh hindi.

Ihahakbang ko na sana ang aking paa para umalis, ngunit may pumipigil sa akin ayaw ko namang madamay pero, kawawa namn si kuya ayaw ko namang makita syang mamatay at wla man lng akong ginawa. Magpaka-concern citizen nalng ako hehe. Naghanap ako ng maaaring gamiting panlaban sa kanila nakatago kase ako dito malapit sa tambakan ng basura kanina pa din masakit ang ilong ko sa sobrang baho pweh!

Nakita ko sa gilid ang nakatambak na mga kahoy kumuha ako ng isa sa mga yun pinili ko ang may mga pako pa para pag inihampas ko sa kanila ay siguradong makakakita sila ng flying stars.

Kakalabitin na sana ni kalansay ang gatilyo kaya dali-dali akong tumakbo sa direksyon nila bahala na! agad kong pinokpok ang likod ni kalansay, napalakas ata ang hataw ko sori prii.

"ahhh tangina!!" mura pa nito. Nabitawan nya ang hawak na baril at napaluhod iniinda ang paghamas ko sa kanyang likod. Napalingon namn sa akin si malnurish bakas ang gulat sa kanyang mukha.

"lintek sino ka naman ha?!" tananong nya sa akin. "Isang concern citizen na napadaan? hehe. " kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Pakialamera!" sabay dukot ng kanyang balisong.

Nanlaki ang aking mata ng iniwasiwas nya ito sa akin muntik akong maabot ng patalim ngunit hinila sya ni kuya at binigyan ng isang malakas na sapak sa mukha. Dumugo ang ilong nito at parang nakakita ng flying stars sa kanyang ulo, napahiga ito sa lupa. Gago ang lakas nyang manapak dapat kanina nya pa ginawa yan edi sana hindi ako nangialam dito. Sabi ko nanga ba isang sapak lng tumba agad tong mga to, yan ang ipikto ng hindi pagkain hayst

Bigla akong naalarma ng tumayo si kalansay dinampot nito ang nabitawang baril at tinutok sa aming dalawa, hinihimas nito ang hinampas kong likod nya.

"Puta pakialamera kang babae ka!! Bert tumayo ka jan. " sabi nya kay malnurish na nahihilo pa at dumudugo pa din ang ilong.

"i sshe shkies of bblue and chlouds op whiiitee and i shey to myselp wat a wanderpul worldd." napakanta pa ang kupal. Ang panget na nga ng boses mali-mali pa ang lyrics epekto ata ng pagkakasapak sa kanya.

Dahan-dahang tumayo si malnurish muntik na itong matumba ulit buti nalng at naalalayan sya ni kalansay.

"Sino ka bang babae ka ha? bat nangingialam ka, gusto mo na bang mamatay!!" galit nitong sabi sa akin. Makasigaw namn to akala mo naman ang layo namin sa isa't-isa.

"Kakasabi ko nga lng diba concerned citizen ako, bingi ka ba? Hindi namn kita sa tenga pinokpok pero bakit sa tenga ang may dipirensya?" pagmamaldita kong sabi sa kanya inokot ko pa ang aking oh so gorgeous eyeballs.

"Abat ikaw pa ang may ganang mag maldita." tumawa pa ito ng pagak... Sige dahil nangialam ka na din naman kasama kana din sa mamamatay ngayong araw." sabay ngising pang manyak. Shit bagay sa kanya ang ngising yan mukha syang asong ulol.

"Sinong tinatakot mo? Hindi mo ba alam ang kasabihan na, ang masasamang damo ay matagal mamatay at sa kalagayan ko ngayon hindi ako masamang damo. " nanlulumo kong sabi sa kanya. Binitawan ko ang hawak kong kahoy at pinagdikit ang aking palad na animoy nagdarasal.

"Maawa kana kuya, hindi ko namn talaga intinsyong mangialam eh, naawa lng ako... tinignan ko ang aking katabi na kanina pa walang kibo... sa kanya. " pagmamakaawa ko sa kanya. Sana namn umipekto ang acting skills ko ayaw ko pang matigok nu. Bigla kong naalala ang panaginip ko kanina shit beh mukhang sign nga yun na matitigok nako. huhu help!

"kanina lng ang tapang mo, tapos ngayon nagmamakaawa ka? Tss. Di ako madadala sa ganyan miss. " kinalabit nito ang gatilyo ng baril.

Di namn pala sya naaawa sa akin edi wag diko naman sya pinilit hmpp!

Agad akong napahakbang paatras napakapit pa ako sa braso ni mute yan nalng ang itatawag ko sa kanya total kanina pa sya tahimik. Nagtago din ako ng bahagya sa kanyang likuran, grabe beh ang tigas ng braso pasimple ko pa itong pinisil ok lng din naman palng mamatay ngayon kase nakalibreng chansing ako hehe

Babarilin na sana kami ni kalansay ng bigla itong napahawak sa kanyang dibdib, napaluhod pa ito sa simento. Bakas sa kanyang mukha ang matinding pagbalatay ng kirot sa kanyang dibdib.

Wlang ano-anoy bumulwak sa kanyang bibig ang madaming dugo. "Bwuaarkk!!" Kinilabutan ako sa aking nasaksihan, nanginginig ang aking mga binti na parang ako ay mabubuwal sa kinatatayuan. Ano ang nangyayari sa kanya? para syang kinukulam.

"choi anong ngyayari sayo?!!" kinakabahan na sabi nito.

Nangingisay na ito at kinakapos na ang kanyang hininga bakas ang pamumutla sa kanya buong mukha, parang ilang segundo nalng ay malalagutan na ito ng hininga.

"choi!? choii gumising ka?!!" kinakabahan nitong sabi. Nakaluhod na din ito at inaalo ang katawan ni kalansay, tinatapik din nito ang mukha ngunit hindi na ito nagmulat ng mata. Yan nanga ba ang sinasabi ko eh... hithit pa yan tuloy ikaw ang unang natigok sa ating dalawa. RIP brother naway maging masaya ang byahe mo patungong impyerno.

Nabaling ang aking atensyon kay kuyang mute nakatitig lng ito sa lalaking wla ng buhay wla man lng itong reaksyon at seryo lng na nakatingin.

Grabe parang wla naman syang keber na may namatay sa harap nya

Hinawakan ko ang kanyang pulsohan napaigtad pa sya sa aking ginawa ngunit hindi ko na pinansin iyon at hinila na sya paalis sa iskenitang yun. pag nagtagal pa kami dun baka mapagkamalan pa kaming mamamatay tao. ehh konek?

Lakad takbo na ang ginawa ko dahil na din sa kaba, sa araw nato ay nakasaksi ako ng taong namatay na hindi ko man lang alam ang dahilan. Huminto kami sa harapan ng apartment ko, hinarap ko si kuyang mute tahimik lng syang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa pulsohan nya. Bigla namn akong nahiya at binitawan ang pulsohan nya. Baka iniisip nyang china-chansingan ko sya ah? well sligth lng namn hehe

"Yung ngyari sa may iskinita kanina, satingin ko kailangan nating humingi ng tulong. May cellphone ka ba jan?." kabado kong sabi sa kanya.

"Bagay lng sa kanya yun, ang masasamang tao na kagaya nya ay bagay lng na mamatay ng maaga." seryoso nyang pagkakasabi na walang pake na may namatay sa kanyang harapan kanina lng.

Gulat lng akong nakatingin sa kanya, baliw ba sya hindi manlang sya naaawa sa taong yun kahit namn masamang tao hindi deserve na mamatay ng maaga.

"dito ka ba nakatira?" nakatingin ito sa aking tinitirhang apartment.

"Ha?...lumingon ito sa akin, ah.. Oo b—akit?" inihakbang nito ang paa palakad sa gate nakasunod lng ang aking tingin sa kanya. Nakatayo sya ng ilang sigundo dun bago ako nilingon at sabay sabing "simula ngayon hawak ko na ang buhay mo, tutulongan mo akong mahanap ang bagay na iyon. " seryoso nyang sabi at pumasok sa loob ng apartment. Ano daw? Ako? Hawak nya ang buhay ko? At ano namn ang bagay na hinahanap nya? Baliw sya. Nasabi ko na lamang sa aking isipan, napailing ako at agad syang sinunda mahirap na baka makita sya ng landlord siguradong mapapagalitan ako.