Death 5
"HAHAHA!! A-ang bantot naman ng pa-pangalan mo. " nahihirapan kong sabi sa kanya dahil sa kakatawa.
Napatigil ako sa pagtawa dahil sa tingin nya, parang sinasabi nito nakapag di ako tumigil ay ihahampas nya ang ulo ko sa mesa sa aming harapan.
"hehe sori, peace. " pilit na ngiti kong sabi. Pero totoo naman eh kallixto? parang sinaunang tao lng hehe.
"so, kallixto lng? Yun lng, wala ng kadugtong yun? " tumango naman ito.
"so wala kang apelyido? Teka wag mong sabihin na kamag anak ka ni glock9 wala ring apelyido? " pakanta kong tanong sa dulo habang tumatawa. Bigla naman ako nitong pinitik sa noo.
"Aray!! Hoy! sino ka para pitikin ako? close ba tayo ha! close tayo? ang sakit nun ah. " sinamaan ko ito ng tingin. Kung makapitik kala mo naman magkakilala kami ng lubusan.
"kung ano-ano kase ang pinagsasabi mo. " mag-kasalubong ang kilay na wika nito.
"ikaw nga tong kung ano-ano ang sinasabi eh. " nakanguso at pabulong kong sabi.
"ano? "
"Hindi mo pa sinasagot ang ibang tanong ko. Ano yung tungkol sa marka? Yung bagay na hinahanap mo? Tyaka bat kailangan kitang tulongan? " gulong-gulo na utak ko hindi na kayang e-absorb ang nangyayari pero may absorber ba ang utak?
Ito ba yung consequence ng pangingialam ko kanina? Hayst. Dapat di 'na ako nangialam eh.
"Ang tungkol sa marka ilang minuto nalng magkakaroon ka na din nito." nakatingin ito sa orasan na nakasabit sa pader. Pagtingin ko 2:56 na ng hapon. Wala pa akong agahan at tanghalian, naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura ngayon ko lng naramdaman ang gutom.
"ikaw ang napili ng marka na makakatulong sakin. Hindi ko din alam kung bakit kailangan ko ng makakatulong kung ano man yun siguradong may dahilan. Wag kang magalala sa oras na matapos ang aking misyon mawawala din ito. " mahaba nyang explinasyon.
"so, ang ibig mong sabihin makakawala lang ako sa cursed or something keme na 'to sa oras na mahanap mo 'na ang hinahanap mo? " nagugulohan ako kung hindi nya naman pala kaylangan ng tulong, eh bakit nya ako pinipesti?. May mga bagay talaga na hindi mo maintindihan kahit pinaliwanag na sayo. Hay buhay parang sya walang KAYO, eh konek?
"ano naman ang bagay na hinahanap mo. "
"isa yung armas. Armas na makakatalo sa aming pinuno. Inatasan nya akong hanapin yun dahil yun ang makakakulong sa kanya ng habang buhay sa impyerno. " walang bahid ng pagbibiro nitong sabi.
"Te-teka, ang si-sinasabi mo 'ba ay galing kang im-impyerno? "
tango
"at inatasan ka ng misyon kaya ka andito?"
tango
"at kailangan mong mahahanap ang bagay na yun upang ibigay yun kay satanas, upang hindi mapigilan ang kademonyohan nya sa mundo?"
"oo, tama ka. " nakita ko sa kanyang mga mata naseryoso talaga sya.
Nababaliw na 'to grabe. Anong akala nya sakin mauuto nya ako ng ganon-ganon lng?
"haha! Alam mo confirmed baliw ka nga. Walang katotohanan yang sinsasabi mo epekto lang yan ng malikot mong isipan, kahit ekwento mo yan sa pagong hindi ka paniniwa—" napatigil ako sa pagsasalita ng kumirot ang aking pulsohan para itong tinutusok ng sandamakmak na karayom.
"a—ahh! A-anong? " umiilaw ito parang may ginuguhit. Hindi ito dumudugo kung baga may sugat lng pero walang dugo. Namamanhid ang aking kamay sa sobrang sakit. Ano nanaman ba 'to? Kanina lng sa puso ngayon sa pulsohan, baka ang susunod ay sa ulo na. Diyos ko wag naman. Unti-unting nawawala ang sakit at pailaw effect nito.
Tama nga sya nagkaroon ako ng markang sinasabi nya, ibig sabihin totoo ang sinasabi nya. Hindi nga sya baliw. Pero ang marka ko ay hindi buo, kundi hati. Napatingin ako kay kallixto nakatingin ito sa sariling pulsohan. Ang kaninang buo nyang marka ay hati na din gaya ng sakin. Ang sa kanya ay kaliwa at sakin ay kanan. Pag pinagdikit ay parang nabubuo. Lakas maka-couple tattoo beh.
"naniniwala ka na ba sakin? " naniniwala na ako hindi sya baliw mukhang galing nga syang impyerno.
Marahan akong tumango bakas pa din sakin ang gulat. Hindi talaga ako makapaniwala para lng itong penikula sa t.v.
"pero bat nahati sa dalawa? "
"kaya ito nahati dahil kapag sinubukan mong tumakas ay mahahanap kita sa pamamagitan ng markang yan."
"so, ang ibig mong sabihin kahit saan ako magpunta ay mahahanap mo ako dahil sa markang to? "
"oo, ganon nanga. Kaya wag kang magtatangkang tumakas. " sabay tayo nito. Pinatay nito ang t.v.
"saan ka pupunta? "
"nagugutom na ako kumain muna tayo. " tinungo nito ang kusina. Nagugutom na din ako kaya sumunod nako sa kanya. Napahinto ako ng bigla itong humarap sakin. Naiilang ako sa tingin nya.
"ba-bakit? " kinakabahan kong tanong sa kanya.
"walang kalaman-laman ang ref mo maliban sa kanin at bote ng tubig. Kumakain ka pa ba? Ang payat mo rin. "
"hehe sori naman hindi ako nakapag-grocery at tyaka hindi ko naman alam na may makakasama na ako dito. " hinila ko ang upuan upang umupo sya naman ay nakatingin sakin iniling pa nito ang ulo bago tumalikod at humarap sa lababo.
Hayst. Mukhang kailangan ko ng maghanap ng trabaho lalo't may nakikisampid na gwapo i mean engkanto.
Kaya mo 'to kichay pansamantala lng naman sya rito eh. Pagnahanap na nya ang bagay na sinasabi nya babalik din sa ayos ang lahat.