Chereads / THE MAN FROM UNDERGROUND WORLD / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Death 4

Nakatingin ako sa babaeng walang malay.

Tss. Yan pa nga lng ang ginawa ko nawalan agad sya ng malay. Mga tao nga naman masyadong mahihina.

Tumayo ako sa aking kinauupoan. Lumapit ako sa kanya, ilang segundo ko pa syang tiningnan bago binuhat ang kanyang katawan.

Hinanap ng aking tingin ang kanyang kwarto, nasa gilid lng ito. Malapit kong saan ang t.v. Maliit lang ang kanyang apartment pang isahang tao lng.

Pinihit ko ang pinto, bumungad sa akin ang di kalakihang kwarto may pang-isahang kama sa gilid nito ay ang study table. May binta na hindi kalakihan nasisinagan nito ng kaonti ang kama. Sa pader naman ay may nakasabit na mga bag at sumbrero may malaking kabinet din malapit sa isang pinto. Yun ata ang banyo.

Naglakad ako papalapit sa kama, inihiga ko ang kanyang katawan at kinumotan hanggang bewang. Napakagaan nya lang parang kinulang ata sa pagkain ang babaeng ito. Ngunit kung gaano kawalang laman ang kanyang katawan, kabaliktaran naman nito ang kanyang pisngi. Maliit ang kanyang mukha pabilog ang hugis nito.

Maitchura naman sya kahit papano. Singkit ang kanyang mga mata tama lng ang kapal ng kanyang kilay. Hindi ata sya kagaya ng ibang babae na inaayos ang kilay dahil magulo ito. Ang ilong nito ay pwede na ding ipagmalaki hindi ito pango hindi din naman sobrang tangos, maliit din ang kanyang labi may pagkahugis puso ito pero maputla ang kulay nito. Epekto siguro ng ginawa ko sa kanya. Hindi din sya katangkaran hanggang balikat ko lng sya.

Maputla ang balat nito na parang kay 'tagal ng huli itong masikatan ng araw. Pumasok sa aking isipan ang nangyaring pangingialam nya kanina. Napangiti ako ng maalala ang nangyari.

Nagulat talaga ako ng bigla itong tumakbo papalapit saamin at hinampas ang lalaking yun. Bakas sa kanyang mukha ang matinding kaba naparang ayaw talaga nitong mangialam. Alam kong nakikinig sya sa engkwentrong nangyari kanina dahil kumirot ang aking pulsohan senyales iyon kung malapit ang tutulong sa akin. Kaya ako napadpad doon ay dahil hinahanap ko ang tutulong sa akin at nahanap ko na sya. Hindi mukhang sya ang nakahanap sa akin.

Bago pa malunod ang aking isipan ay napag-disesyonan ko ng lumabas. Isinara ko ang pintuan at muling inilibot ang tingin sa sala at kusina. Bumalik akong muli sa sofa, nakatitig ako sa aking repleksyon sa harap ng t.v.

Ngayong nahanap na ng marka ang tutulong sa akin oras na para simulan ang misyon. Kinuha ko sa gilid ng aking bewang ang nakasoksok na mapa. Inilatag ko ito sa mesa. Nasa mapang ito ang direksyon ng bagay na dapat kong hanapin.

Sa totoo lang kaya ko naman talaga itong mag-isang gawin pero hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa ng makakatulong. Hindi ko talaga maintindihan ang matandang yun. Sya ang nag-lagay ng markang ito.

Flashback

Sa isang maiinit na lugar kung saan ipinatatapon ang mga kaluluwang makasasala. Puno ito ng sigawan, iyakan at pasakit. Hinihiling na sana bigyan sila ng isa pang pagkakataon na itama ang kanilang pagkakamali ngunit hindi na pwede dahil sa kanilang mga kasalanang nagawa habang sila ay nabubuhay.

Sa lugar na yun ay may malaking kastelyo. Sa loob nito ay ang taga bantay ng mga kaluluwang makasasala. Nakaupo ito sa kanyang trono, hawak ang isang malaking tinidor (diko po alam ang tawag dun hehe) malalim itong nagiisip ng plano kung paano mahahanap ang bagay na makakapuksa sa kanya.

"Ipatawag ang anghel ng kamatayan. " utos nito sa kanyang kawal.

"Masusunod kamahalan." inilagay nito ang kamay sa dibdib bago yumuko tanda ng pagrespito.

Nakatingin sa bukana ng kanyang palasyo habang malalim pa ding nagiisip. Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaking may katangkaran at mala 'adonis na mukha. Nakasuot ito ng baluti at may ispada sa tagiliran.

"pinatawag nyo raw ako kamahalan? " nakaluhod ito habang nakayoko ang ulong sabi.

"ipinatawag kita, dahil ililipat na kita sa iyong bagong misyon. " nakahalumbaba nitong sabi.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha. Tiningnan nito ang kanilang pinuno.

"anong misyon kamahalan?" nakakunot noo nitong pagtatanong.

"Isa ka sa magagaling kong alagad, kaya sigurado akong mahahanap mo agad iyun... tumayo ito sa kanyang trono... Hanapin mo ang bagay na makakapuksa sa akin, dahil sigurado akong nagkukumahog na ang ibang

hanapin iyun upang mapatahimik ako dito. " inilahad nito ang palad sa kawal na nasa kanyang gilid. Ibinigay naman nito ang isang mapa at isang supot.

"Dalhin mo ito sa iyong pag-lalakbay makakatulong iyan upang masmadali mo iyong mahanap. Nasa mapang yan ang direksyon, ang ginto ay makakatulong din sayo. Mahirap gumalaw kung wala kang pera doon. " inilahad nito ang kanyang kamay at inibot ito.

"Masusunod kamahalan." yumuko ito at tumayo sa pagkakaluhod, akmang aalis na ito ng magsalita itong muli.

"Siguradohin mong mahahanap mo ito agad. Alam mo naman siguro ang iyong hahanapin hindi ba? " tumango ito.

" May 'tiwala ako sayo at wag... mo akong tratraydorin. " seryosong wika nito. Yumuko syang muli bago lisanin ang lugar na iyon.

**** Noon nakakapunta lng ako dito kapag may sinusundong kaluluwa, pero ngayon nakikita na nila ako.... Mundo ng mga tao. Mausok, maingay, at puno ng makasasalang tao.

Naglalakad ako ngayon sa gilid ng daan, nakatingin sa akin ngayon ang kanilang mapanghusgang mata. Tila nagtataka sa aking kasuotan.

"ghirl sayang sya nu? gwapo sana mukhang may topak lng Haha. "

"Ano yang suot nya?"

"may costume party atang pupuntahan haha. "

Bulungan ng mga tao sa aking paligid, mga tao nga naman kung ano ang nakikita ng kanilang mga mata ay agad nilang huhusgahan. Tsk.

Napahinto ako sa paglalakad ng lumapit sa akin ang isang matandang babae may tulak itong kareton. Isang pulubi. pero parang pamilyar ang kanyang mukha.

"nandito ka na. Ibig sabihin hinahahanap na nya ang bagay na yun. " tinitigan ko ito ng matagal. Sya nga! Ang matandang babae aking nakikita tuwing may sinusundo akong kaluluwa.

"sino ka? Ano ang iyong nalalaman? "

"hindi na mahalaga kong sino ako. Akin na ang iyong pulsohan. " tila nagmamadali nitong sabi Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

"at bakit? "

"kai—kailangan mo ng makakatulong sa paghahanap sa bagay na yun."

"kaya kong taposin ang misyon ko ng mag-isa. " akmang aalis na ako ng hawakan nito ang aking pulsohan.

"Maawa ka, ito nalang ang tanging paran ang naiisip ko para maprotektahan sya. " kita ko sa kanyang mga mata ang matinding lungkot at takot. May kung anong bumubulong sa aking isipan na kaylangan kong sundin ang sinasabi nya.

"Ano ang ibig mong sabihin? " ngunit hindi ito sumagot. Napabuntong hininga nalng ako at ibinigay ang aking kaliwang pulsohan. May kung anong binubulong ito.

"ang markang yan ang hahanap sa makakatulong sa 'iyo, ang sino man ang unang makahawak ay syang makakatulong sayo sa oras na mahawakan nya ito ay hawak mo na ang buhay nya. Kapag kumirot ang marka ibig sabihin malapit lng ito." Napatingin ako sa markang kanyang iniwan. Pagtingin kong muli sa aking harapan wala na ito. Mukhang matatagalan akong masimulan ang misyong to.

Sa isipan ng matanda " Protektahan mo sya. Wag mong hayaan na makuha sya ng demonyong iyon. Protektahan mo sya. "

***

Inimulat ni kichay ang kanyang mga mata ng hihina ang kanyang katawan, bumangon sya sa kanyang higaan. Pumasok sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Napahawak sya sa kanyang dibdib hindi na ito sumasakit.

Bigla syang kinabahan sa lalaking muntik ng tigokin sya.

Umalis na kaya sya? Bumangon sya sa kanyang kama. Dinikit nito ang tenga upang pakinggan kung may tao sa sala. Naririnig nya ang ingay ng t.v.

Nandito pa sya, anong gagawin ko!?

Kinakabahan itong nag pabalik-balik ng lakad habang ngatngat ang kuko. Isip kichay kung paano mo sya mapapaalis dito. Kung tumawag kaya ako ng pulis?

Agad kong hinanap ang aking cellphone. Nasa study table ito nakapatong. Ititipa ko na sana ang numero ng mapahinto ako. Teka, pagtumawag ako ng pulis baka maalarma sya. Baka hindi pa sila dumadating ay tigok na ako.

Ibinalik ko ang cellphone. Kaya ko 'to malulusotan natin to. Kung sa bintana kaya?!. Lumapit ako sa bintana maliit lang ito pero kasya naman ako ang kailangan ko lng gawin ay alisin ang jealousy. Tama!

Napatingin ako sa ibaba. Ang taas beh nakalimutan ko nasa 2nd floor pala ako, kapag tinalon ko 'to kung hindi pasa at bali ng katawan ay baka matuloyan pa ako huhu. Lumayo ako sa bintana at nag-isip ng bagong plano.

Kung lumabas nalng kaya ako? Siguro naman hindi nya ako sasaktan.

Hayst! malabo yun muntik nanga nya akong tigokin kanina eh. Napasabunot nalang ako sa aking buhok. Bumalik ako sa aking kama at umupo.

Kalma lng hindi tayo makakapag-isip ng maayos kung kakabahan tayo. Napatayo ako ng bigla may kumatok sa pintuan agad akong napatakbo at hinawakan ang doorknob.

"gising ka na 'ba? " kamatok ito ng tatlong beses. Hindi ko sya sinagot at tinakpan ang aking bibig, baka bigla akong pasokin nito at balian ako ng leeg wag naman sana.

"alam kong gising ka na. Kanina ko pa naririnig ang paglakad mo." sumikdo ang kaba sa aking dibdib. Alam nya naman palang gising na ako bakit tinatanong nya pa. Siraulo lng.

Lumayo ako ng bahagya sa pintuan ng pinihit nito ang doorknob. Dali-dali akong naghanap ng ipanghahampas sa kanya, napatingin ako sa kama at kinuha ang aking unan. Pwede na 'to.

Lumapit ako sa pintuan at hinanda ang aking sarili. Ok! ready na ako, bigyan mo lng sya ng isang malakas na hampas sa mukha kichay at kumaripas ng takbo. Bumukas ang pintuan.

"bakit ayaw mong—" hindi na nya natapos ang sasabihin ng hinampas ko sya ng malakas sa mukha. Napapikit pa ako. Ibinababa ko ng kaonti ang unan.

Hindi man lng ito natinag sa kinatatayuan naparang wala lng sa kanya ang paghampas ko ng malakas.

"AAHHHH!!!!" sigaw ko ng malakas sabay hampas ng dalawang beses sa kanya. Nawalan ito ng balanse ng itulak ko ito upang makadaan.

Mabilis pa sa nakawalang manok akong tumakbo. Malapit na ako sa pintuan ng may humila sa braso ko.

"aaahhhhh!!! Bitawan mo 'ko!! Tulong tu—"

"ano ba!.. tumahimik ka nga ang ingay mo. " naiinis nyang sabi hinila ako nito paupo sa sofa. Ang lapit ng mukha nya. Kinakabahan akong umusog kaya natanggal ang pagkakatakip ng kamay nya.

"TULONG!!!! " sigaw ko ng malakas. Tinakpan nyang muli ang aking bibig.

"Hmp! hmmpp!! " nagpupumiglas ako upang makawala.

"ano ba tumahimik ka nga, hindi kita sasaktan ok? " kunot noo nitong sabi at inalis ang nakatakip nyang kamay. Kumalma na din ako sa sinabi nya, umusog ako muli baka biglang magbago isip nito at sunggaban ako.

"Hindi ako naniniwala kanina lng muntik mo na akong patayin, tapos sasabihin mo sakin yan. Sinong niloko mo? ika nga sa kasabihan maniwala tanga! " mabilis kong sabi sa kanya. Nakatitig ito sa akin wala na din ang kunot nyang noo.

Nagulat ako ng bigla itong ngumiti. Kanina lng ang seryoso nito na parang pinaglihi sa sama ng loob pero ngayon nakangiti na ito. Mas gwapo pala sya pag nakangiti, i mean hindi sya gwapo mukha syang engkanto!

Nawala naman agad ang ngiti nito ng makitang nakatitig ako sa kanya. Sumeryoso itong muli. Parang babae lng mode swings ganern?

"ang daldal mo. " iniwas nito ang tingin at ibinaling sa t.v. kahit nakatagilid ang gwapo pa din perfect po ng jawline nyo hehe.

Hayst!! Ano ba kichay tama nanga yang kakasabi mo na gwapo sya. Nakakalimotan mo na bang muntik ka na nyang tigokin kanina!

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya, sumiksik ako sa gilid ng sofa habang sya naman ay tahimik lng na nanonood.

"si-sino ka ba? Ano yung s-sinasabi mo kanina, to-totoo ba talaga yun? Ano yung bagay nahinahanap mo? Pa-pano kita matutulongan? Ano yung markang sinasabi mo? " Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Namamawis ang aking kamay sa kaba.

Tumingin ito sakin, seryoso na naman nya akong tiningnan bago binuka ang bibig. "sino nga ba ako? Ako... ako si Kallixto."