Chereads / THE MAN FROM UNDERGROUND WORLD / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Nasa-gate palang ako ng apartment ng makita ko syang papaakyat na sa 2nd floor, dali-dali akong lumapit sa kanya at hinablot ang kanyang braso. Napalingon ito sa akin.

"bawal ka dito, hindi ka namn boarders dito. " humarap ito sa akin.

"sinabi ko na sayo hawak ko na ang buhay mo, kaya kong nasaan ako dapat.... "

Biglang nabaling ang aking antensyon sa may hallway ng apartment. Nanlalaki ang aking mga mata ng makita si landlord, may 'dala itong tasa ng kape at nahikab pa. Mukha papunta ito sa labas para lumanghap ng chismis, i mean hangin. Bago pa kami makita ni landlord ay agad ko ng hinila si kuyang mute.

Malalagot ako pagnakita nyang may 'dinala akong lalaki dito, 'nambawhan rule!' nya pa namn na bawal magdala ng lalaki sa apartment nya.

Ang chismis kase niloko ito ng jowa nyang inchik pinaniwala kase sya na mahal sya nito pero ang totoo peniperahan lng sya, kaya ayan bitter ang lola nyo natroma ata pag may nakikitang lalaki. Budol talaga ang mga inchik na yan tsk.

Pumasok kami sa aking unit, hindi namn sya condo pero yan ang tawag ni landlord mas sosyal daw kase. Sinara ko ang pinto at humilig dito.

"muntik na tayo dun." nagugulohan nya namn akong tiningnan pero agad din naman itong nagbawi ng tingin, nilibot nya ang kanyang paningin sa loob ng aking unit.

Nak' ng bat dito ko sya dinala? Hayst.

Alangan namang hilahin ko sya palabas edi nakita kami ni landlord nun. Ipinikit ko ng sandali ang aking mata sabay hampas sa aking noo. Sinundan ko si kuyang mute, patungo na ito sa kusina.

"Teka— " hindi ko natapos ang aking sasabihin ng maglakad ito pabalik ng sala. Inilibot nya ang kanyang panigin, lumapit ito sa sofa at prenteng umupo.

Wow ha, feeling at home ang peg? Nakalimotan nya atang hindi kami magkakilala at nasaloob ng unit ko? akin po hindi sayo tsk.

"teka nga lng hindi pa naman kita sinasabihang umupo ah? mas nauna ka pa sa may-ari. " kapal ng mukha gwapo nga wla namang hiya.

"simula ngayon dito muna ako titira. " sabi nya sa paynalidad na boses nakatingin ito ng seryoso sa akin.

"Ano? Sino ka para sabihin yan, eh hindi nga kita kilala." Nakaunot noo kong sabi sa kanya. Wala na nga akong halos makain, tapos magpapa-kopkop pa sya? kapal ha.

"hawak ko na ang buhay mo ngayon, simula ng hinawakan mo ang pulsohan kong may 'marka... sabay pakita nya sa akin ng kaliwang pulsohan na hinawakan ko kanina. Tattoo ito na illuminati napapaligiran din ito ng apoy at may 'nakapatong na korona sa mata...

ikaw ang napili upang tulongan ako sa aking misyon. " seyoso nitong sabi. "sa ayaw mo man o hindi wala ka ng magagawa, kung hindi ang tulongan ako dahil kong hindi, mamamatay ka. "

Tulala akong nakatingin sa kanya napakurap pa ako ng dalawang beses bago humagalpak ng tawa.

"HAHA!! grabe!, a-ng lakas ng amats mo mas malakas pa sakin HAHA! " magkasalubong ang kanyang kilay na nakatingin sa akin. Sandali akong napatigil sa pagtawa, hinimas ko pa ang nanakit kong tyan at pinunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata.

"Hoy, alam ko nato eh. Hindi mo ako mauuto, budol-budol ka eh. " nakangisi kong sabi sa kanya at iniling ang aking ulo.

"Hindi ako nagbibiro. " pinag-krus pa nito ang braso sa kanyang dibdib.

Ngayon ko lng din napansin na maitchura pala ang lalaking to, maganda at plakado ang kanyang kilay matangos din ang kanyang ilong, bigla tuloy akong nahiya ang ilong ko hmp.

Mayron itong pares ng magagandang mata hindi kalakihan di din naman kaliitan kung baga sakto lng. Ang kulay nito ay itim pero kong titigan mo ito ng matagal nagiging kulay tsokolate ito. Kung tsokolate siguro to siguradong dark chocolate ang plybor nya hehe.

Maganda at mapula ang kanyang labi malambot na kay'sarap halikan. Makinis din ang balat walng ka pores-pores ang kuya nyo, saan kaya to nagpapa-derma? nahiya naman tuloy ako sa mukha ko. Iba rin ang kasuotan nito pwera lng sa t-shirt nitong kulay itim, ang pangibaba nito ay parang kasuotan ng mga kawal sa kapanahonan ni Jesus.

Napatingin ako sa mga hita nito, hindi naman sa minamanyak ko sya ah. Mapuputi ito at walang kapeklat-peklat. Grabe mas makinis pa hita nya kesa sa mukha ko mapapa-sanaoll ka nalng talaga, ang perpek mo naman po huhu.

Pagkatapos kong busogin ang aking mga mata ay seryoso ko syang tiningnan baka isipin pa nito pinagnanasahan ko sya, well konti lng hihi

"hindi din ako nagbibiro, kung ako sayo umalis ka na sa apartment nato at sa iba ka nalang mangtrip. " wala pa din itong kibo at seryosong nakatingin.

Ay! nakalimotan ko nasalabas si landlord, talaga naman oh! natyempohan pa imbes na sya lang ang umalis ay baka madamay pa ako. Pano nato ngayon? grabe pa namn makipag-chismisan yun, umaga hanggang hapon kung makipag-chikahan.

"hindi mo ako pwedeng paalisin, kung aalis ako kasama ko ding aalis ang kaluluwa mo." nanginig ang aking kalamnan sa kanyang sinabi. ano bang sinasabi nya? diyos ko mukhang nakapag-patuloy ako ng baliw.

"HAHAH! nagpapatawa ka ba? anong kaluluwa-kaluluwa ang sinasabi mo?.. kuya, hindi ka namn siguro takas sa mental nu? " nagtatapang-tapangan kong tanong sa kanya, sa totoo lng natatakot na ako maling-mali na dito ko sya kinaladkad. Tanga mo talaga Solri!!

"hoy, hi-hindi mo ako matatakot sa kaluluwa nayan ah, hindi mo ba alam na mas m-atapang pa ako sa d-daga?! Alis!! ....sabay turo ko sa pintuan palabas ng aking unit.... umalis kana dito wala na akong pake kung makita ka ni landlord, sasabihin ko nalang na—

Napahinto ako sa aking pagsasalita ng sumakit ang aking dibdib, para itong pinipiga upang tumigil sa pagtibok.

"ahhh!.... a-nong na—nangyayari?" kapos ang hiningang tanong ko sa kanya, nakatitig lng sya sa akin. Parang may 'sinasabi din ang kanyag mga mata. Isinandig nito ang kanyang likuran sa sofa.

"sinabi ko na sayo, hawak ko na ang buhay mo. Hindi ka pwedeng tumakbo, magtago o tumakas dahil mahahanap at mahahanap kita, ilang oras nalang magkakaroon ka na din ng marka, mawawala lng ito sa oras na matapos ko na ang misyon ko at makabalik sa aking pinanggalingan." Mahaba nitong litanya ngunit isa sa mga yun wla akong maintindihan dahil iniinda ko ang sakit sa aking dibdib.

Hindi ako makahinga, nawalan ako ng balanse at napaluhod sa sahig napakapit din ako sa gilid ng lamesa, lumalabo ang aking paningin namamawis ang aking noo. Mawawalan na ako ng malay.

"iti—gil mo na to-o. " alam ko kahit di nya sabihin sya ang may 'gawa nito. Ibig sabihin sya rin ang may 'gawa sa pag-kamatay ng lalaking yun? Anong klaseng nilalang sya?... Hindi nga sya tao.

"Ma—awa kaa. " habol ang aking hiningang nagmamakaawa sa kanya. Namuo ang luha sa aking mga mata, mamamatay na ba ako dito? for real na talaga? Walang halong keme?

"Ititigil ko lng yan kung papayag ka sa kondisyon ko. " mas lalong sumasakit ang aking puso na para itong pinupunit.

"O-oo pa—payag na a-ko." walang alinlangan kong sabi sa kanya. Sana lng hindi ko pagsisihan to.

Kasabay ng pagkawala ng sakit sa aking dibdib ay ang paghandusay ko sa sahig at pagdilim ng paligid...

Chawt out sa mga readers jan kung meron man salamat kase binasa nyo to HAHAHA pagbubutihan ko pa every chapter...

Ito po yung tattoo na sinsasabi ni kichay ghirl, imaginin nyo nalang po na may karona sya HAHAHA