"Hoy! Ano itong narinig ko ha?." bigla, mula sa likuran kinalabit ako ni Winly. Lumingon ako sa kanya matapos pagsawaang titigan ang labas na kinaroroonan nina Kian at Jaden kanina. Nginiwian nya ako bago tuluyang humarap sakin at binuksan ang pamaypay nyang maingay. Humalukipkip ang kaliwa nyang braso habang nakangawit ito sa kanan na kamay nyang abala sa paggawa ng hangin.
"Ang alin?.." tanong ko dahil di ko naman alam bakit bigla nalang syang magsasabi ng ganun.
Tumaas ang isa nyang kilay. Tinatarayan ako. "Susss.. kunware pa.." ngiwi pa nyang todo. Ako naman ngayon ang tumaas ng ilang pulgada ang kilay sa kanya.
"Ang alin ba kasi.. alam mo ikaw?. ang weird mo ngayon.." sagot ko sa kanya saka ko sya tinalikuran para tawagan si Bamby. Kami nalang yata naiwan sa library. Baka multuhin kami rito. Ayoko nun!!
Inikot ko ang buong library pero wala akong nakita na Bamby. "Sinong hinahanap mo?." tanong na naman nya nang bumalik ako sa may gawi. Sa parte ng nakahilerang computer.
"Si Bamblebie.. asan na yun?.." luminga ako't pinagtakhan ang pagkawala nya nang di ko nalalaman.
"Yan." singit nya ilang segundo matapos ang katahimikan. Kunot ang noo ko tuloy syang tinapunan nang tingin. "Yan ang kanina ko pa sinasabi sa'yo.."
"Ano ba kasi yun?.. tsk.. nakakainis ka na bakla! Tara na nga!." nauna na akong lumabas. Dali dali rin syang sumunod.
"Ang high blood mo naman mars.. meron ka ba?. hehe.. alam mo.. wag mo nang hanapin ang wala dahil nauna na yun sa pwesto nya.. you know what I'm saying.." he motioned pa ang pagtakbo in a slow walk. Tinuturo ang saril tapos pabalik sakin. Than I get what he meant. Nauna na raw si Bamby sa canteen. Alam mo na. Para masilayan ang ultimate crush nya. And that is Jaden Bautista. Ang dyosang yun! Naghahabol pa kahit di naman na kailangan dahil ramdam kong mutual lang sila ni crushy. Hihi! Ako kaya?. Magiging ganun kaya ako kasaya katulad nya o mas higit pa ata!?. Ennngggkjj! ASA!
"At sa tinutukoy ko kanina." sinalubong nya ako galing sa pagmotion nya kanina sa pagtakbo ni Bamby papunta ng canteen para makita si Jaden. Patalikod na sya maglakad. "Yung katabi mo kanina.. si Kian.. ayiiieee!!.." tukso nya. "May gusto ka dun noh?.."
"Ano!?. wa-wala ah." malakas kong tanggi.
"Weh?.. bat namumula ka kung wala nga?.. hahaha.."
"Syempre mainit.. ang bagal mo kasi maglakad."
"Sige tanggi pa more.."
"Anong tanggi?. wala nga talaga.."
"Hahaha.. sinong niloko?. kaibigan mo ko gurl.. di ako bulag at di rin ako manhid.. ramdam ko yang titig mo.. yang mata mo.." turo nya pa sa mata ko. "Pansin kong, bawat kilos nya pinapanood mo.. haha.." natameme ako. Talaga ba?. "O ha?. Tatanggi ka pa?. hahaha.. alam mo maganda ka na eh.. tanga nga lang.. haha.." pinukpok ko sya ng hawak ko notes. Umaray ito at lumayo sakin. Ngunit mali pala iyon dahil sa daldal ng taong to. Baka marinig pa ng iba ang matindi kong sikreto.
"Ano kamo?.."
"Ang sabi ko. tanga ka.. tanga ka pagdating sa pagdetermine ng feelings mo sa taong gusto mo."
"O e anong punto mo?." wala akong ibang maisip na sabihin kundi ang maging sarkastiko.
"Na gusto mo si Kian Lim!!. " sigaw nya! What the hell!!.....
Napanganga ako. Di makapaniwala sa kanya. Huli nalang nang matanto kong pinagtatawanan na nya ako. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin dito.
"Bwahahahahaha!! Got you gurl!. you like him.."
Di ako makahanap ng tamang salita to defend myself. Wala akong ibang pwedeng idahilan. At ang syang naisip ko lang na gawin ay ang aminin ito sa kanya. Kumurap ako't humugot ng malalim na bumuntong hininga.
"Masaya ka na?.." pagod kong tanong sa kanya matapos kong isalaysay ang kung paano ako nagsimulang magkagusto sa pangalang isinigaw nya kanina. Like damn! Asan ba yung tubo?. Pangpukpok lang ng ulo! Kidding!
Nakangiti syang tumango tango. "Support kita dyan gurl.. no worries. " anya saka palang kami nagmadalibg pumanhik ng canteen. Malapit nang magsimula ang next subject namin at kapag nalate kami, matik na absent na gurl!