Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 13 - Chapter 13: Dummy

Chapter 13 - Chapter 13: Dummy

"Karen, pakuha nga nung gitara dyan sa kwarto ko!.." isinigaw ito ni ate Kiona nang pababa na ako ng hagdan patungo sana ng kusina para mag-almusal. Weekend na kaya medyo tinanghali na kaming nagising. Matapos ng habulan at pag-amin ko ng pagtingin ko kay Kian sa kay Winly, ay parang ayaw ko nang magpakita dito dahil lagi nalang nya akong tinutukso sa tuwing napapadaan kami sa corridor ng section nila Kian. Bukambibig nito ang tao kahit di naman dapat. Lakas mang-asar lang.

Kinamot ko ang magulong buhok saka sinimangutan at binelatan ko sya sa kanyang likuran. Bat kailangan pang iutos eh. May paa naman sya! Kainis!

"Wag mo kong mukmukan dyan. Gusto mong sabunot?!.." di ko alam bat ganyan sila kahard pagdating sa pang-uutos sakin. Bakit di nila ako utuin para man lang ganahan ako ng bahagya di yung kailangan pang takutin para lang sumunod! Nakakabadtrip talaga!!

"Eto na nga!.." tamad nalang akong naglakad pabalik sa taas at kinuha nga ang gitara nya. Palibhasa marunong ng istrumento kaya hayan sya kung magyabang.

"Oh dear Karen! Pakilaba naman ng white shoes ko later.. promise lulutuin kitang cake.." sa likuran ko ay bigla akong hinila ni ate Kendra upang kausapin.

Heto rin tong isa! Hay naku! Ano bang ginagawa nila at lahat nalang ng bagay ay iniuutos nila sakin! Kaya nga ginawa ang sabado at linggo para magpahinga diba?. Bat parang pakiramdam ko ay ayaw nila akong paghingahin?. Humanda sila! Isusumbong ko sila ke papa!

"Tinatamad ako ate.." bumagsak ang dalawa kong balikat nang akbayan nya ako. Ang ibig sabihin na nun, kailangan kong gawin ang sinasabi nya sa ayaw at sa gusto ko.

"Sige na please.. ako sana maglalaba e kaso may date ako ngayon hihihihihihi.." ibinulong nalang nya ito sakin. Tumaas pa ng kaunti ang kanan kong balikat dahil sa kiliti na naidudulot ng hagikgik nya sa tainga ko.

"E di after nalang.." giit ko. Para alam mo na. May gawin din sya.

"Sis naman.. ginagabi ako pag may date ako diba?.."

"Alam na ba ito nila mama?.." tanong ko dahil sa pagkakaalam ko ngayon ay grounded ito dahil sa lagi nalang pinapatawag ng Dean ng school nila sina mama. Palaaway kasi!

"I already told her na." idinikit pa ang pisngi nya sa pisngi. Kunyari naglalambing! Hay naku! Basa ko na ugalo mo te! Magtigil ka nga!

"Si papa?.."

"Wag nang maraming tanong sister. Ganito nalang.. bigyan nalang kitang pera.."

"May pera ako.." mabilis kong tanggi sa offer nya. Tumaas ang isang kilay nya't umiling.

"Di ko naman sinabi na wala.. hayst! E, milktea?. Gusto mo?.."

"Sawa na ako duon. Tsaka, di na masarap para sakin.." nguso ko.

Puamdyak sya at binitawan ako. Humakbang sya paatras upang maharap ako. Pagkatapos nyang tumayo at humalukipkip. Pinakatitigan na nya ako.

Kumunot ang noo ko dahil di palang simpleng titig ang ginagawa nya kundi pananakot na. Naku naman!!

"E anong gusto mo kung ganun?.." maarte na nyang sabe. "Sa dami ng sinabi imposibleng wala ni isa doon ang gusto mo?.." di makapaniwala nyang saad.

Nagkibit balikat lamang ako't hinayaan sya sa mga pamatay na linya nya kapag galit.

Nilagay ko sa baba ang kamay saka tumingala.

"Anong ginagawa mo?." taka nyang tanong.

"Nag-iisip.."

"Ng?.." nauubusan na nitong wari.

"Ng gusto kong gawin mo matapos kong gawin yang utos mo po ma'am.." idiniin ko ang huling salita para malaman nyang naiinis na rin ako sa ginagawa nya.

Asan ba kasi si mama?. Maglalakwatsa na naman tong pariwara nyang anak. Tsk!

"Ayiiieee!! Talaga!? Gagawin mo na!?.." tumalon sya't niyakap ako. Ang oa naman!

"Wala pa akong sinabi.." paalala ko.

"Karen!!. where the hell are you!?.." O'right!! Ayan na rin yung isang amo ko!

Papa, uwi na kayo please. Inaapi na naman ako eh!

Wag oa Karen, ano ba!?.

"Basta, bilhan nalang kita ng donuts, milktea at pizza mo later huh?. Basta ba yung sapatos ko?.." pagmamakaawa na nito sakin nang basta ko nalang syang talikuran upang iabot kay ate Kiona yung gitara na kanina ko pa hawak.

"Basta ba, hindi puro salita lang ang pangako ha?. Umaasa rin ako.." panggagaya ko sa pananalita nyang lumiko yata ang dila dahil sa arte nito. Psh! Ang arte! Erk!!

"Hahahaha.. of course sis.. love you.. see you later.." hinalikan nya ako sa pisngi tsaka na sya kumaripas ng takbo pabalik sa kanyang kwarto.

Hay! Kapatid ko ba ang dalawang to?. Bat ang layo ng ugali namin?. Pinalaki naman kami ng pareho. Bat kaya ganun tong dalawang to?.

"Ang tagal.." di ko pa iniabot ang gitara sa kanya ay basta nalang nya itong hinablot sa braso ko. Tuloy, nagulat ako sa magaspang nyang galaw. Dati naman na nya itong galaw pero bat di ka pa nasasanay Karen?. Gumising ka nga!

Di ko nalang pinansin ito dahil baka pagtalunan lang namin ang bagay na maliit. Ganyan pa naman sya. Maliit na bagay pinapalaki nya. Tipong di naman sana pinag-aawayan pero kapag sya na ang nagsalita, malaking bagay na iyon.

Gusto kong matawa nalang sa masasamang ugali ng mga kapatid ko. Malayong malayo kasi ako sa kanila. Di sa inaangat ko ang sarili kong bangko ngunit, kung pagbabasehin ko naman talaga. Ako ang mas nakakaangat sa kanila pagdating sa good manners and right conduct. Basta pangako ko kila papa na di ako tutulad sa kanilang dalawa. Na magtatapos muna ako bago mag-asawa. I mean. Wala pa naman silang mga asawa subalit di malayong mangyari ito ng mas maaga dahil sa papalit palit sila ng nobyo o di kaya ay natutulog sa kung saan nila gusto. Masyadong matitigas ang kanilang mga ulo na kahit ang ayaw ni papa ay ginagawa na nila. They're too young for God's sake tapos.. Naku!! Ewan sa kanila! Mga baliw!

Kumain akong mag-isa sa kusina habang nag-iiskrol ng Facebook sa cellphone. May limampu akong notification kaya tinignan ko ito. May mga friend requests. Tinignan ko rin ito isa isa. Yes. Stalk muna bago accept. Wala e. Pag di ko trip yung tao. Di ko talaga inaaccept.

Kapag si Crush na!!!.

O holy!! Accept agad. Wala nang isip isip.

And that.

May isang Kian Lim ang pangalan. I stalked his timeline pero pribado. Walang profile pic. Yung cover nya lang ay sa St Mary school. Yung gate mismo. I don't know pero bigla akong kinabahan. I don't understand my feelings right now. Naghalo halo yata lahat kaya siguro ganito. Naeexcite ako na masaya na natatawa na gustong sumigaw na ewan! May kung ano sakin na nagsasabing tanggapin na ang taong to kahit parang dummy account lang yung account. A part of me saying that it's not just a dummy account. Para syang ginawang account just to stalk... me!...

What the hell Karen!! Hilig mo na talaga ang umasa gurl! Magtino ka nga!