Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 15 - Chapter 15: Libre

Chapter 15 - Chapter 15: Libre

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o hindi. Nasa loob na kasi ako ng mall. Malayo na sa simbahan ng masagip na naman ng mata ko ang bulto nya. And wait. Hindi lang pala simpleng sagip, tingin na dahil napamaang na naman ako sa ganda ng ngiti nya. He's now heading towards me at ang pilyo nitong suot na ngiti sa kanyang labi ay naging dahilan ng pagkunot ng noo ko.

"Oh! Baby clumsy, what on earth?. haha." iyan ang naging bati nya matapos nyang huminto sa aking gawi. Napakurap ako. Pinanood lang sya. Hindi kaso ako makapaniwala. Paanong, sa dami ng mall and store dito sa amin ay dito pa sya napunta, sa mismong kinaroroonan ko. Oh wait! Is he even stalking me?. Might be. Might be not!

Ugh! I don't know what to do already. Pakiramdam ko, swerte ang araw ko na to na parang malas. Nasasabi kong swerte dahil of course, I saw him accidentally, pero may bad side din dahil nakita nya kung paano ako madapa pagkatapos kong makipagtitigan sa kanya. Kingwa! Pinagtawanan na nga ako, nakitawa pa sya. Kaya paano ko sasabihng swerte ako ngayon?. Tsk!

After siguro ng matapos ang buong araw na ito. Duon ko masasabi kung maswerte ka nga ba ako o hinde.

"Oh boy! What on earth are you doing here huh?." pagsusungit ko. Kunyari humalukipkip ako. Sobra kasi ang kaba ko at hindi ko alam kung paano ibsan.

"Baka bumibili din ako you know. E ikaw?. Anong ginagawa mo rito?. Stalking me huh?." yumuko sya't dinungaw ako. Malapit na malapit ang mukha nya sa mukha ko. Ilang pulgada lang ang agwat ng mga labi namin ateng! Damn it! Provoker!

"Waah! Ano ba!?. Ilayo mo nga mukha mo!?." tili ko sabay tulak sa mukha nya. Humagalpak ito ng tawa. Mabuti nalang walang tao sa section ng mga damit. Iyon pa nga pinagtaka ko dahil kadalasan maraming mga kaedad ko ang andito pag linggo. Ngayon lang ang wala. I wonder why. But back to him. Kingwa! Pinapatay nya na ba ako?. Bakit pabigla bigla naman sya kung ilapit ang mukha. Ayaw nya ba ako sa future nya para gusto na nyang atakihin ako sa puso ngayon!?. Naku naman Kian Lim!!!

Patuloy pa rin sya sa pagtawa. Sa inis ko ay lalong kumunot ang noo kong pinasadahan sya mula ulo hanggang paa. Presko itong nakatayo. Nasa magkabilang bulsa ang dalawang kamay habang nakatingalang tumatawa. Ang gwapo na sana eh. Subalit, ang sutil lang!

"Ano bang nakakatawa ha? Akala mo kung sinong gwapo." bulong ko sa huling linya ko. Duon sya huminto sa ginagawa at walang hiyang tumingin sakin. Este, titig.

"Bakit, sino bang nagsabi na gwapo ako. E ikaw lang naman tong ilang ulit ng nagsabi na gwapo ako. Type mo siguro ako noh?."

Inirapan ko sya. Of course! Again. Natawa na naman ito. Ano ba kasing nakakatawa?!. Bwiset!

"Asa ka." panunuya ko. Gagayahin sana yung ginawa nya kanina kaso masyado akong amliit para dungawin ang mukha nya. Baka pagtawanan na naman nya ako. Ayoko ko kaya!

"Hindi ako umaasa kasi may nagsabi na at ikaw yun. Akalain mong gwapo pala ako noh. Tapos lampa pa yung nagsabi."

"Psh!. Kung andito ka lang para asarin ako. Pwede ka nalang umalis. Busy ako." iritado kong sambit. Bully! Nakakainis!

"Talaga?. Saan ka namang busy?."

"Wala ka bang mata?. Eto oh, namimili ako." kinailangan ko pang kumuha ng damit para ipakita sa kanya. Mabilis din syang tumalikod at kumuha ng kanya.

"I have eyes, ito nga eh. Kausap ko ang isang magandang dilag na sobrang iritado na sa akin. Haha."

"At natawa ka pa?. Astig ka noh?."

"Ang cute mo kasing magalit eh. Hahah." at sumingit pa ng kurot sa pisngi ko.

Ang mukha ko! Nadumihan na! Char lang!

I'm dumbfounded! Bigla akong natigilan sa kung paano sya ngumiti ng napakaganda sa mismong mukha ko. Para akong nakakita di umano ng isang anghel na bumaba mula sa langit.

Ang oa Karen!

"Aw!." dahil sa pagkatulala ko. Kailangan pa nyang pitikin ang noo ko para matauhan ako.

"Hindi pala gwapo ah. Ngayon mo sabihin sakin na hindi ako gwapo." dinungaw muli ako. Ngayon, iba na ang ngiti. Totoong ngiti na at hindi nang-aasar lang.

"Ang gwapo... mo. Wa! Papa!.." hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sambitin ang gusto nya. Dahil kingwa! Paano ako magsisinungaling e ang gwapo nga naman nya?. Hindi sya pang-artistahin. Iba ang level ng kagwapuhan nito. Pang model. High class international model.

Tumakbo na ako palayo sa kanya. Palabas ng stall at hinanap sila Papa. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na kahit ang halakhak nya ay dinig ko pa hanggang sa kinaroroonan ko.

Damn it! Nakakahiya ka Karen! Ano nalang iisipin niyon bukas?. Lunes pa naman!

Hay naku! Ikaw talaga! Hindi na nga nag-iisip, padalos-dalos pa ng galaw. Ano ba?.

Hinihingal kong natagpuan sila Papa sa game zone. Doon sila parehong nakatayo. Nakamasid sa batang si Kim. Tahimik akong tumayo sa gilid nila na parang walang nangyari.

"Oh, may nabili ka ba?." si Papa ang unang nakapansin sa akin. Doon lang din ako sinulyapan ni Mama tapos binalik ulit sa aking bunsong kapatid ang atensyon.

"Wala po e. Balik nalang po ako siguro."

"Bakit, wala bang maganda?." anya pa ulit. Nacurious kung bakit wala akong bitbit.

"Wala po akong matipuhan e." pagdadahilan ko nalang. Baka kasi pag sinabi kong iba ang natipuhan ko ay baka magwala sya bigla at hanapin ang bagay na tinutukoy ko. Brat ako pero not in a lavish way. Binibigay mga gusto ko pero laging limitado. Tama na ang isa sa kada isang buwan. Di tulad kila ate noon na, kulang ang isang araw kung mamili sila. I don't know. Nao bang masaya sa pamimili?. Nakakapagod kaya.

Tumango nalang sya hindi na muling nagtanong. Maya maya ay nagpaalam muli ako na bibili ng pagkain dahil bigla akong nagutom at nauhaw.

Sa stall palang ay madami ng pila. Nung ako na ang nasa harapan ay hindi na pinabayad sakin yung order ko. Lalong gulat ko. Ang sabi nung nagtitinda. Free daw ngayong oras lalo na sa limang nakapila. Nilingon ko nga ang likuran ko at eksaktong lima lang kami. Mabilis akong nagkibit nalang ng balikat saka nagpasalamat bago umalis at bumalik kila Papa.

Kung tatanungin nyo ako kung hindi ba ako nagtataka?. Syempre, magtataka ako dahil sino namang anak ng anghel ang manlilibre sa ngayon lalo na dito sa mall?. Wala akong kakilala pero may kung ano sakin na nagsasabing sya nga. Impossible sa paningin ko pero possible sa pandama ko. Parang sya pero hindi ko makumpirma. I tried to look out for him. Nagkandahilo na ako kakahanap sa kanya kung sa kanya ba galing to pero nahilo lang ako. Wala syang bakas at anino. Baka nga. Iniisip ko nalang na, promo lang siguro ng stall iyon. Tsk! Bahala na nga! Basta libre, grab na!