Chereads / Caught in the Middle / Chapter 8 - Sloth

Chapter 8 - Sloth

Sloth

"Ash." sabay na sigaw ni Cara at Vin sabay hawak sa pisnge kong nasampal.

"What is your problem Hannah bakit mo siya sinampal?" tanong ni Vin sa naiinis na boses.

Habang kinakalma ko si Vin at Cara tsaka ko lang narealize na ang dami na palang nakatingin saamin nakita nila ang pag-sampal saakin ni Hannah. Ugh! I hate attention.

"Babe what's goin on here?" it was Graye

"Hoy Graye pagsabihan mo yang girlfriend mo.. Basta basta nana-nampal baliw na ata. Baka gusto niyang siya ang kauna-unahang pasyente ko." nanggigigil na sabi ni Cara

"Cars." pagpipigil ko kay Cara, hinawakan ko siya sa braso at inilingan para sabihing kaya ko na ito.

"Look Hannah I don't know kung--"

"You called me a slut." sabi ni Hannah

Graye looked at me with nothing but judgment in his eyes.

"Hannah." mahinahon kong tawag sakaniya

"You have no right to slap me. And hindi ikaw ang tinatawag kong sloth, it was Cara." sabi ko sabay turo kay Cassandra

"At pwede ba ang sloth na sinasabi ko ay hayop, S--L--O--T--H, isang uri ng hayop na mabagal kagaya ng pagong. Sloth the animal sloth, not the slut slut." madiin kong sabi at nai i spell ko pa sakanya, baka kasi hindi niya alam. Kawawa naman.

"And next time Hannah, bago ka susugod sa isang gera make sure you have the knowledge para hindi ka napapahiya. At kung tinamaan ka man sa sinabing kong sloth," pagdidiin ko, "sana umilag ka diba?."

I looked at them once more bago ako umalis sa venue. Great, now I can't watch the fireworks.

"Wow that was..." sabi ni Vin tunog namamangha

"Amazing," pagtatapos ni Cara. Napapailing na lang ako sa kanila. Mga loka loka talaga.

Kahit hindi naging maganda ang naging experience ko kagabi sa event I still slept peacefully that night. But when Monday came, I realized that for sure pag-uusapan ako sa school. At.. Hindi nga ako nagkamali dahil sa gate pa lang may nakikita na akong nagbubulungan. Hindi ko na lang pinansin.

Papasok na ako ng may humarang sa daraanan ko.

"Hey."

"Graye?"

"Pwede ka bang maka usap?"

"Sure." walang pag-aalinlangan kong sagot

"Sa grounds tayo."

Pagdating namin sa grounds ilang minuto pa siyang nanahimik bago niya ako tiningnan ng seryoso.

"I.. I just wanna apologize sa ginawa ni Hannah sayo. Don't worry I'll talk to her. I'll tell her to apologize."

"Why? Bakit ikaw ang humihingi ng sorry? It wasn't your fault."

Graye and Hannah's relationship is.. Peaceful. Too peaceful na akala ko noon maganda but, after what I saw that day. What I saw with Hannah and Klyde. Nakakatakot pala ang sobrang peaceful na relationship. It looks perfect to some pero, it's actually dangerous kasi nagloloko na ang isa kunwari wala ka na lang nakita. May problema na pala, binabalewa na lang.

"You know Graye," nilingon ko siya, "I don't know you personally.. Just by rumors.. But, I know you're a good guy. You should open your eyes. Try opening them. You have to wake up to your reality Graye." I sincerely told him.

"Mauuna na ako. Maiwan na kita." sabi ko sakany, nginitian ko siya at tinapik sa balikat bago ako tuluyang umalis.

After the talk with Graye, he became very friendly to me, not that he isn't friendly before pero, kasi every time na makakasalubong ko siya sa hallway man, corridor, canteen or even sa labas ng school he would stop whatever he's doing just to greet me. Very friendly right?

Gaya ngayon, nasa isang grocery store ako kasama siya.. Yepp si Graye kasama kong nag-grocery, nakasalubong ko siya kanina sa entrance ng supermarket, and he told me na bibili din siya ng supplies niya for a week so sumabay na lang siyang bumili saakin para daw may kasama ako. I insisted na wag na, na no need kaya ko pero may pagkamakulit siya kaya hinayaan ko na lang.

Nasa meat section kaming dalawa nang bigla siyang humarap saakin at tinitigan ako, hindi ko alam ang gagawin ko nakakataranta kaya hindi ko na lang siya pinansin at itinuon na lang sa mga karne ang mata ko, bakit naman kasi ganiyan siya tumingin.

"Ashanti? right? Your name?" napatigil ako sa pamimili ng karne dahil sa tanong niya, tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala. All along na magkasama kami he's not even sure sa pangalan ko. Magaling.

"Yeah" sagot ko at bumalik na ulit ako sa pamimili.

"How bout coffee? I mean, can we talk while having coffee?" tanong niya saakin pero sa halip na sagutin siya nilagyan ko na lang ang cart niya ng ilang pirasong baboy at manok, napatingin siya sa nilagay ko at napangiti.

"Thanks, hindi ako marunong mamili ng meat. It's always mom who would do this." sabi niya

Nang natapos kami sa pag-grocery natuloy nga kami sa pagkakape, nasa isang coffee shop kami. I ordered my favorite Iced Americano and brownies while he just simply ordered Brewed coffee.

"So.. What do you want to talk about?" tanong ko while sipping my coffee.

"About what you said the last time. I actually want to thank you. I just don't know how." sabi niya while smiling at me. Totoo pala talaga ang sabi sabi, na kapag nginitan ka daw ni Graye makalaglag panty.

Kung titingnan kaming dalawa sa perspective ng ibang tao, we actually look like a couple engrossed with something na pinag uusapan namin while drinking coffee. Pero syempre alam kong malabo yun but hey, hindi masamang managinip right.

"Thank you again. I actually know that Hannah is with Klyde, I just couldn't accept it I guess, I mean 4 years din kami ni Hannah so I never thought she could actually do that." pagkwento niya sa isang malungkot na boses.

"Nag kausap na ba kayo?"

"Yeah she actually want to fix it, our relationship but ayoko na."

"Na or Muna?" seryoso kong tanong sakanya

"Na Ash. Ayoko na. Like you said, I should open my eyes. And this is me opening my eyes." sagot niya habang seryosong nakatitig sa mga mata ko. I feel giddy. Not good masiyado siyang mataas para saakin.

"So you're the sloth then." naguguluhan siyang napatingin saakin.

"The animal sloth I mean. Kasi it took you long to finally realize and accept yours and Hanna's reality." I boldly told him, he just nod.

We talked everything under the sun hanggang sa kailangan na naming umuwi.

"Mauuna na ako," paalam ko sakaniya.

"Sandali." pigil niya saakin habang hawak ang pulsuhan ko. Napatingin ako sa kamay niya. Why does it feel good to be hold by him kahit wrist ko lang ang hinahawakan niya.

"Ihahatid na kita. Come on." hindi na niya ako binigyan ng chance na humindi basta na lang niya ako hinila papunta sa sasakyan niya.