Chereads / Caught in the Middle / Chapter 9 - Water

Chapter 9 - Water

Water

Nights after akong maihatid pauwi ni Graye gabi-gabi kong napa-panaginipan ang nangyari sa araw na iyon. There are even times that I would find myself smiling while drinking coffee or every time na kakain ako ng meat. Which I find ridiculous, kasi wala namang kakilig kilig sa nangyari nung araw na 'yun, but, I guess ganoon talaga kapag gusto mo ang isang tao kahit hindi special ang ginawa niyong dalawa basta kasama mo siya pakiramdam mo everything is special.

Nasa hallway kami ngayon ni Cara at tinatanaw si Arvin na kinakausap ng isang babae, I think she's from the tourism department.

"I never thought na habulin ka din pala ng babae Arvs." pang-aasar ni Cara kay Vin habang papalapit siya saamin.

"Saan tayo kakain?" tanong ko sakanila diverting their topic dahil nagkaka-asaran nanaman sila.

"Labas ng school? Parang nasasawa na ako sa pagkain sa Canteen." naka-ngusong sabi ni Cara.

"Ang sabihin mo may kikitain ka lang sa labas na kung sinong lalaki nanaman. Tapos iiwan mo lang ulit kami ni Ash. Babalik ka.. Kapag paalis na kami." mahabang litanya ni Vin

"Alam niyo para walang away sa Canteen na lang tayo kumain," they both grunted, nginisian ko lang sila.

Habang kumakain kaming tatlo biglang may lalaking umupo sa tabi ko.. Sino pa ba ang basta basta na lang uupo nang hindi nagpapa-alam.

"Hi Colton! Napapadalas ka ata sa table namin," sabi ni Cara na may nanunudyong ngiti.

"Pero alam mo Colton nakakatampo ka, lalapit ka lang saamin kapag kumakain ng lunch." inirapan ko lang si Cara, samantalang ang sira binelatan lang ako.

Kagaya ng usual na nangyayare kapag nagla-lunch kami. We were quiet, but.. I gues today is a different day dahil bukod kay Colton, an unexpected person joined our table.

"Hi? Can I join you guys?" napatingin kami sa nagsalita, at hindi lang ako ang nagulat, lahat ng tao sa canteen napatingin at hindi makapaniwala.

"Graye?" tanong ko sa hindi maipaliwanag na boses.

"Hi Ashanti." sabi ni Graye habang naka-ngiti, giving me that giddy feeling again.

"Woah! Anong meron? Two hot guys in our table.. Ang galing naman right ASHANTI?" ang sama ng tingin saakin ni Cara mukhang mahaba habang paliwanagan ito mamaya.

Patingin tingin ako kay Graye habang kumakain siya. I cannot believe it, kasabay ko siyang kumakain. I mean namin.. I can't help but--

"Girl maawa ka sa tao mamaya wala na 'yan sa mundo sa kakatitig mo." bulong ni Cara habang kinukurot ako sa tagiliran.

" 'Yung tingin mo pa naman parang want mo siya kainin." ngingisi-ngising pahabol ni Cara. Napatingin akong may nanlalaking mata sakaniya at hindi ko na napigilang mabulunan sa mga pinagsasabi niya.

"Water." sabay na abot saakin ni Graye at Colton. Hindi ko alam kung kaninong tubig ang iinumin ko.Wait, kanino ang iinumin? Iinuming ano? Hold up! Ang pangit pakinggan.

Tinititigan ko lang silang dalawa na nag-aabang na abutin ko ang tubig na binibigay nila, patuloy pa din ako sa pag-ubo nang yung tubig na lang sa harapan ko ang kinuha ko.

"Ano girl ayos ka na? Kawawa naman 'yung tubig nung dalawa binibigay na sayo hindi mo pa ininom." I glare at her

"Cassandra!" tawag ni Vin na mukhang alam ang nasa isip ni Cara.

"Ayos ka na ba?" Graye

"Are you okay now?" Colton

Nagulat ako hindi dahil nasa magkabilang gilid ko na yung dalawa kung hindi dahil nasa harap na pala ng table namin si Hannah kasama ang mga kaibigan niya.

"Nice scene. So ano to kakabreak lang natin may bago ka na?" sabi ni Hannah sabay tingin saakin

"At ikaw naman you're taking advantage at dala-dalawa pa ang binibingwit mo. Nakakabilib ka din ano, hindi lang basta basta ang lalaking pinipili mo."

"Hannah stop it." may babalang banta ni Graye while apologetically looking at me.

"Whatever."

After sabihin ni Hannah 'yun umalis na din kaagad si Graye na sinundan ni Colton. And much worse is kumalat na sa buong Campus na hiwalay na sila Graye at Hannah. May rumors pa na alam na daw nila 'yun dahil nakikita na nila si Hannah dati na laging kausap si Klyde, buti na lang hindi naman nadamay ang pangalan ko sa issue.

Second semester is fast approaching. Kung gaano kabilis ang mga araw ganoon lang din pala kabilis ang attention na maibibigay ni Graye saakin, dahil after the canteen incident never nanaman ulit niya akong pinanasin... Actually pinapansin naman niya ako though just a glance and a smile but, fine it'll do. I can't demand anything anyway. And every lunch si Colton na lang ang nakakasabay namin, at habang tumatagal napapalapit na din kaming tatlo sakaniya.

Just like today, nasa byahe kami papuntang Pilillia Rizal. Gusto naming makita 'yung sinasabi nilang wind mill. Ako ang naka-upo sa harap katabi ni Colton habang nasa likod yung dalawa at natutulog.

"Pwede mo ba akong painumin?"

"Huh?"

"I want to drink pero nagdadrive ako so..." sabi ni Colton sabay tingin saakin

"Oh! Okay."

Umisod ako palapit sakaniya at itinapat 'yung bote ng tubig sa labi niya...Nanginginig ang mga kamay ko habang pinapa inom ko si Colton, muntik ko pa siyang matapunan buti na lang nasalo siya ng isa kong kamay kaya lang.. Sobrang lapit ko na naman sakaniya, sa sobrang lapit naamoy ko na ang minty breath niya. Nanigas ako at hindi na nakagalaw nang bigla akong natigilan dahil sa tunog ng isang click ng camera. Napa-ayos kaagad ako ng upo dahil doon. Shit talaga.

"Sweet natin ah! Natulog lang kami may iba na palang nangyayare dito." itinuon ko na lang sa kalsada ang paningin ko at hindi na pinansin pa ang mga pang-aasar ni Cara.

Nang dumating kami sa Pilillia bumungad kaagad saamin ang naglakakihang wind mill, hindi man siya kasing dami ng kagaya sa ilocos maganda pa din siyang pag-masdan. Nakadadagdag pa sa ganda ng tanawin ang mga bundok at mga berdeng damong nakapaligid dito. Ang malakas na hangin na nagpa-paalala sayo kung gaano kaganda ang mamuhay ng simple at walang ina-alala.

Nagkanya-kanya muna kaming apat, picture doon picture dito. Hindi lang magba-barkada ang nandito mayroon din mga pamilya,magjowa mga bikers at kung sino-sino pa.

Abala ako sa pagkuha ng litrato ng hindi ko sinasadyang mahagip ng camera si Colton, tahimik lang siya at nakatanaw sa malayo, kung pagmamasdang mabuti ang larawan na nakuha ko, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko ang ganyang expression sakaniya. He seems contented and at piece with everything he sees.

Nilapitan ko siya at sabay naming pinagmasdan kung gaano kaganda ang lugar na ito. Hindi nagtagal lumapit na din si Vin at Cara sa tabi namin, sabay sabay naming minememorya ang pakiramdam na ganito, wala kang ibang iniisip kung hindi ang hangin na nalalanghap mo. Ang sinag ng araw na tumatama sa balat mo at, Ang pakiramdam na masaya kayong magkakasama kahit sa simpleng pagtanaw lang.

Nagkatinginan kaming apat at sabay-sabay na ngumiti sa isa't-isa na nauwi sa mahihinang pag-tawa.