Saakin
When second semester came unti-unti ko na ding nare-realize na malapit na kaming gumraduate. That everything na nangyare sa school na ito will turn into a memory. A memory I will definitely cherish.
"Class dismissed." sabi ng Professor namin sa last subject namin.
"Saan tayo mag O-OJT Ash?" Tanong saakin ni Cara habang palabas kami ng classrom.
"May choices na ako pero hindi pa ako nakakapili, ikaw ba?" tanong ko sakanya
"Saan TAYO sabi ko.. Meaning kung saan ka doon din ako DUH!" sagot ni Cara habang iniirapan ako.
"Cars magkaiba tayo ng course." may diin kong sabi.
"For sure naman may HR sila no." nakangusong sabi niya
"Nga pala manlilibre daw si Arvin ngayon. Magkasama na daw sila ni Colton.. Tara na." dagdag pa niya habang busying busy sa cellphone niya.
Nang mapadaan kami sa building ng mga taga Business Department hindi ko mapigilang maalala si Gray. Kamusta na kaya siya. I never saw him again kahit sa hallway man lang, kahit pasilip lang. But.. Every time na maaalala ko na minsan ko na din siyang nakasama ayos na din pala kahit sandali naranasan ko diba..
Pinag-mamasdan ko ang building nila ng hindi ko inaasahang makita na may nagmamasid na din pala saakin. Isang lalaki na kung ngumiti ay mahuhumaling ka. Isang lalaking matagal ko nang hinihiling na sana ako'y bigyan ng pansin.
Tinititigan ko lang siya nang may humawak sa braso ko at pilit akong pinahaharap sakaniya.
"Saakin ka lang tumingin." sabi ni Colton sa isang seryosong boses. His words stunned me at alam kong nababakas iyon sa expression ng mukha ko. Hindi niya iyon pinansin at inulit pa ang kaniyang sinabi, ngayon gamit ang mas seryoso at nakaka-panindig balahibong boses
"Saakin ka lang titingin Ashanti." sabi niya habang naka-hawak ang kaniyang mga kamay sa magkabila kong pisnge.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil kani-kanina lang ina-alala ko ang nararamdam ko para kay Graye samantalang ngayon hindi ko maialis ang mga mata ko sakaniya, ni hindi ko din maigalaw ang aking mga paa para umatras o alisin man lang ang mga kamay niya na saakin ay naka-hawak. Patuloy ko siyang tinititigan hindi malaman ang dapat gawin..
"Ehem.." paulit-ulit na tikhim nina Vin at Cara na nagpabalik saaking ulirat. Agad agad akong umatras at iniiwas ang aking mga mata kay Colton dahil hindi ko siya kayang tingnan, natatakot na baka iba nanaman ang aking maramdaman.
"Ano okay na? Tara na? Pwede na? Gutom na ako." pagtatanong ni Cara habang tinitingnan kami gamit ang nanunudyong tingin. Hindi ko sila pinansin at nauna nang lumabas.
Kinabukasan, tulala pa din ako at wala sa sarili pero akala ko tapos na kahapon, pero hindi ko inaasahan na may kasunod pa pala dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon at binibigyan ako ng isang matamis na ngiti kagaya ng palagi niyang ginagawa.
"Anong.. An--o.. Anong.." hindi ako makabuo ng salita.
"Coffee? Later? Okay?" tulala lang ako at naguguluhan sa nagyayare
"Sunduin kita after class. Okay?" sabi ni Graye bago tuluyang umalis para pumasok sa una niyang klase. Tulala pa din ako at nakatayo lang sa hallway. Hindi ko pa din ma-absorb kung ano ang nangyayare.
Dumating ang uwian at hindi ako mapakali hindi ko alam kung seryoso ba si Graye or what pero.. hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling seryoso nga. Wala si Cassandra ngayon at may inaasikaso para sa OJT namin. Pagkalabas ko ng classroom saka ko nalaman na talagang seryoso siya nang makita ko siyang nakatayo at naghihintay saakin.
"Let's go?" tanong niya sabay hawak sa braso ko. Tahimik lang kami habang naglalakad palabas ng school hanggang makarating sa sasakyan niya. Pasakay na sana ako sa kotse niya ng may biglang humila saakin palayo, sisigawan ko na sana 'yung walang habas na tukmol nang makita ko ang hindi maipaliwanag na expression sa mga mata ni Colton.
"Saan mo siya dadalhin?" maangas na tanong ni Colton kay Graye.
"None of your business dude." maangas din na sagot ni Graye.
Tinitingnan ko lang silang dalawa nang mapansin kong there's fiery in their eyes. One thing is for sure though hindi ito dahil saakin pero kahit ganoon pumagitna na ako sakanilang dalawa kahit naguguluhan pa din ako.
"Stop it you two. Graye mauna ka na please.. kakausapin ko lang si Colton." paki-usap ko na agad din naman niyang sinunod, buti na lang. Nilingon ko si Colton gamit ang nagtatanong na mata pero iniiwas niya lang ang tingin niya.
"Sinabi ni Cara na ako muna ang bahala sayo. Kaya lang it seems to me na may kasama ka na pala." sabi niya na hindi pa din makatingin saakin.
"Hindi ko alam. Walang sinabi si Cara." malumanay kong sabi
"It's fine. I should go now" he said at tumalikod na para umalis not giving me a chance to speak. I don't know but it pains me seeing him like that. It pains me seeing him walking out and turning his back on me. But, may tanong pa rin sa isip ko, yung tinginan nilang dalawa kanina, they act like that, not because of me I'm sure it's something else. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad papunta sa sasakyan ni Graye.
Tahimik lang kami at walang imik habang papunta sa kung saan. Ang akala ko sa isang cafe kami pupunta, nagulat ako ng bigla siyang nagpark sa isang mall.
"Anong gagawin natin dito?" nalilito kong tanong sakniya.
"Lalangoy," pamimilosopo niya
"Ano?"
"Basta halika," sabi niya sabay hila saakin papasok. Napapansin ko palagi niya na lang akong hinihila ha.
Pagkapasok namin sa mall dire-diretso lang siya at basta niya na lang ako hinila papuntang Cinema.
"Teka manonood tayo?" tanong ko, hindi niya ako pinansin at basta na lang ulit ako hinila sa bilihan ng popcorn.
"Teka nga.. Kanina ka pa hila ng hila ah." naiinis kong sabi sakaniya habang tinatanggal ang pagkaka-hawak niya saakin.
"Sorry." sabi niya, ang akala ko bibitiwan na niya ako, binitiwan niya nga ang pagkaka-hawak sa pulsuhan ko ibinaba naman niya sa bewang ko.
"Better?" pinamulahan ako ng mukha sa tanong niya at lalo pang nakadagdag sa hiya ko ang tingin niya saakin.
Habang nasa sinehan kami wala akong imik at tahimik lang na nanonood nang may maramdan akong kamay na naka-hawak sa kamay ko, Kamay ni Graye na kukuha dapat ng popcorn pero iba ang nahawakan niya. Napatingin ako sakaniya nang masaktuhang saktong pagtama ng paningin namin ang halikan ng bida sa pelikula, hindi ko alam kung saan ibabaling ang paningin ko, kung sa movie ba o sa mga mata niya.
Unti unti siyang lumalapit saakin, hahalikan niya na ba ako? Parang ang aga pa, palapit ng palapit na siya saakin, nasa tenga ko na ang labi niya, naamoy ko na din ang hininga niya, nararamdaman ko nang pipikit na ang mga mata ko ng....
"May tumatawag sayo." bulong niya
"Huh?"
Tiningnan ko ang cellphone ko at shems tumatawag pala si mama. Napatingin ako sakaniya habang pinapakita ang cellphone ko sakaniya.
"Sagutin ko lang." sabi ko sakaniya, tumango lang siya at hinayaan na ako sagutin ang tawag.
"Hello Ma?"
"Ija asan ka na? May bisita ka dito sa bahay ang gwapo. Bilisan mo umuwi ka na." yun lang at binabaan na niya ako.
Gulat akong napatingin ng may biglang kumalabit saakin.
"Oh bat ka lumabas? Tapos na yung movie?" tanong ko kay Graye habang sinisilip ang loob ng cinema.
"No, anong sabi ng mommy mo?"
"Pinapauwi na ako... May bisita daw kasi sa bahay," sagot ko
"Okay. Let's go?" sabi niya sabay hawak sa bewang ko habang palabas kami.
"Thank you. Nag-enjoy ako. Bye." paalam ko kay Graye bago bumaba ng sasakyan niya, bumusina siya habang kumakaway ako sakaniya.
Pagkapasok ko sa gate, si mama ang unang taong inaasahan kong bubungad saakin, kaya naman nagulat ako ng makita ko Si Vin at Cara sa sala namin na nakaupo at nanonood ng tv na akala mo sila ang may-ari ng bahay.
"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa dalawa na naramdaman lang na may tao na ng marinig nila akong mag-salita.
"Oh! Hi Ash!" bati ni Cara sabay tayo at halik sa pisnge ko.
"Ikaw ba yung bisita na gwapo?" tanong ko kay Vin na ngumisi lang sa tanong ko.
"Alam kong gwapo ako." binato ko siya ng unan, ang yabang eh.
"Chill, hindi ako yun, nasa kusina niyo nagluluto." iniwan ko kaagad sila para puntahan yung sinasabing gwapong bisita.
Pagdating ko sa kusina nakita ko si Colton na walang damit pantaas at may suot na apron habang may ginagayat na gulay. Base sa naamoy kong amoy galing sa niluluto niya, He's cooking ginataang langka my favorite, pero hindi yun ang nakakapag-pangiti saakin sa oras na ito.. kung hindi ang fact na marunong siyang magluto.
"Ehem" tikhim ko at napabaling siya saakin pero kaagad din siyang bumalik sakaniyang ginagawa.
"So.. Ikaw pala ang bisita kong gwapo." panunudyo ko sakaniya,
"Yeah, Ako nga ng bisita mong GWAPO." at ang loko pinagdiinan pa talagang gwapo siya.
Humarap siya saakin at humalikipkip, habang tinititigan niya ako tinitigan ko din siya pabalik. Akala niya huh. Umiling siya at tiningnan na ang niluluto dahil kumukulo na.
Naglalakad ako palapit sa refrigirator para kumuha sana ng tubig ng may matapakan akong madulas na bagay at unti unti ko na din nararamdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig pero nakikita ko din ang pag abot saakin ng kamay ni Colton. Nakangiti ko na sana itong aabutin nang hindi pala ako ang tutulungan niya, tuluyan na akong nahulog sa sahig na gumawa ng ingay dahil may nasagi ako.
Ang sama ng tingin ko kay Colton dahil hinayaan niya lang akong mahulog sa sahig hindi man lang ako sinalo. Hawak-hawak ko ang puwetan ko habang tumatayo at ang tukmol tinatawanan lang ako.
Nung makatayo na ako ng maayos akala ko maiinis ako... pero nang makita kong tumatawa si Colton nawala kaagad ang inis na nararamdaman ko. Patuloy lang siya sa pagtawa habang pinag-mamasdan ko siya.