Chereads / Caught in the Middle / Chapter 16 - Miss CPA

Chapter 16 - Miss CPA

Miss CPA

"Okay! Ash! You can do this!!" pag-papalakas ko ng loob sa sarili ko, ngaayon ang first day ko sa trabaho. Tinanggap ko ang offer saakin ng isang accounting firm.

"Are you ready Miss?" tanong ng isang magandang babae saakin, Her name is Sofia if I remember it correctly. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo at naka-ngiting tumango kay Sofia. "Let's go then."

Sa pangatlong palapag ng building tumigil ang elevator, nakasunod lang ako kay Sofia nang tumigil siya sa isang pinto, "Come on,"

Nang buksan niya ang pinto kinakabahan pa din ako but I made sure na hindi 'yun halata, nilingon ako ni Sofia at hinawakan sa braso, "Okay everyone. This is Ms. Ashanti Canizares, siya ang bagong accountant natin," tumingin saakin si Sofia, "Starting today sila ang makakatrabaho mo," tumingin siya sandali sa relo niya bago ulit ako kinausap, "Paano maiwan na kita? Kaya mo na yan." tinapik niya ako sa balikat bago siya tuluyang lumabas.

A girl with glasses approached me, "Hi! I'm Jazel," sabi niya sabay lahad ng kamay.

Another girl introduced herself as Rafaella pero sabi niya she preferred to be called as Rafe, medyo pang-lalaki ang pangalan but she look like a super model. Bale anim kami na nasa kwarto, tatlong babae at tatlong lalake. Ang mga lalaki ay mga hindi tulak kabigin sa gwapo, and when I say gwapo gwapo talaga.

Si Von yung lalaking medyo tanned, matangos ang ilong, tanned pero singkit ang mata at may kulay itim na itim na bubok. Earl naman is a half foreigner, I think he's half Italian. Fair skin, pointed nose and red lips. While yung isa pang guy is si Maico, pure pinoy siya pero, he kinda look like Chris Evans a tanner Chris Evans.

"Nice to meet you all!" ngumiti lang sila

Nilapitan ulit ako ni Jazel, hinawakan niya ako sa kaliwang braso at dinala sa isang mesa sa pinaka-dulo ng kwarto.

"Ito ang desk mo, wala pa masyadong nakatambak na papel since bago ka pa lang daw--" ngiting ngiti siya saakin habang pinapakita ang desk ko, inayos niya ang salamin niyang matatanggal na bago ako ulit tiningnan. "Pero baka bukas meron na yan." weird na ngumiti ulit siya bago bumalik sa desk niya.

Tiningnan ko ang desk ko, well usual looking.. may computer at may maliit na drawer na siguro lalagyan ng mga papers. At dahil sabi ni Jazel bukas pa ako tatambakan ng trabaho ang pag-de-decorate sa desk ko na lang ang pinagka-abalahan ko. Kung kanina plain lang siya tingnan, ngayon mas may buhay na siya, sa kaliwang gilid ng computer nilagyan ko ng isang maliit na cactus plant samantalang 'yung maliit na drawer naman is nai-arrange ko at nilagay sa kanang gilid ng computer, since wala pang laman 'yung drawer mga planners at sticky notes ko na lang muna ang nilagay ko. Naglagay din ako ng isang jar, a handicraft jar na may lamang mga ballpen at pencils katabi ng cactus.

Ganito ba kapag firts day?

Nakapangalumbaba ako at ilang ulit nang bumubuntong hininga dahil sa sobrang pagka-bored. Naka-tulala lang ako sa kawalan nang biglang lumitaw sa harapan ko si Jazel.

Napa-hawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat, "Bored ka na no?" weird nanaman niyang ngiti saakin, she looks like Betty.

"Oo, ganito ba kapag first day?" tanong ko.

"Naku wag kang maexcite mag-trabaho medyo nakaka-stress siya, dapat ang gawin mo ienjoy mo 'yang wala ka pang tambak na gagawin."

"Jazel is right." segunda ni Earl

"Lunch time na, bakit di ka na lang muna sumabay saamin sa pag-kain?" tanong ni Rafe, tumango lang ako, excited akong lumabas dahil kanina pa ako nabuburyo.

May biglang umakbay saakin, "Excited ka ah!" pang-aasar ni Rafe.

"Naku dapat ienjoy mo 'yang first day mo." sabi din ni Maico habang naka-akbay kay Jazel.

"How bout a welcome party?" tanong ni Earl.

"Welcome party your ass! Dude ang sabihin mo ikaw ang gusto ng party!" pang-aasar ni Von kay Earl.

Naka-tingin lang ako sakanila, aliw na aliw dahil para din silang mga bata kagaya nila Vin. "Pasensya ka na sakanila, ganyan lang talaga yan mga yan, di mo nga minsan iisiping mga Accountants sila eh." bulong saakin ni Rafe.

Habang papalabas kami ng building napapansin ko ang mga empleyadong iba-iba ang tingin saamin, may natatawa, may mga kinikilig na tila nagging puso ang mata meron din namang ang sama kung maka-tingin saamin.

Sa isang restaurant malapit sa office namin naisipang kumain. Kahit kumakain patuloy pa din sila sa pag-ku-kwentuhan.

"Ikaw! Ang sabihin mo mambabae ka lang nanaman." sabi ni Maico kay Earl.

"Wag mo akong igaya sayo no," sabi ni Earl at naituro pa si Von, "Ayan, yang damuho na yan ang tunay na babaero," tiningnan lang nila si Earl na parang hindi sila naniniwala.

Itinaas ni Earl ang dalawang kamay niya tanda ng pag-suko, "Fine! babaero ako pero runner up lang, si Von ang champion."

Kumakain lang ako at nanonood sakanila ng may biglang naglagay ng shrimp sa plato ko,

"I'm allergic to shrimps." 'yun lang ang sinabi ni Von at bumalik na ulit siya sa pag-kain, pero ang mga kasama namin parang ayaw paniwalaan ang nakita nila.

"Wow! Grabe ka Von kaka-sabi ko pa lang na  champion ka pinanindigan mo na kaagad, naku naku Ashanti wag kang mag-pa-pauto sa damuho na 'yan." mahabang litanya ni Earl.

Binato lang siya ni Von ng fries, nang medyo humupa ang asaran nila naki singit ako para mag-tanong, "Nga pala bakit parang  'yung ibang empleyado galit saatin?"

"Wag mo na pansinin 'yun," walang interest na sagot ni Jazel na sinang ayunan lang nang iba. Pero napansin ata ni Maico na naguguluhan pa din ako kaya siya na lang ang sumagot, ibinaba na muna niya ang kutsara at tinidor na hawak niya bago ako tiningnan, "Galit sila saatin kasi Accounting tayo, I mean dahil nasa Accounting Department tayo. Hindi naman lahat ng empleyado galit saatin 'yun lang mga empleyadong galing sa department na minsan na ku-question natin." paliwanag ni Maico.

"So guys balik na tayo sa office, tapos na pala ang break natin," sabi ni Von na nag-hahanda na para umalis

"Teka sandali naman, kitang umiinom pa eh. Bastusan? Bastusan?" sabi ni Rafe habang inuubos ang iniinom niya.

Dahil si Rafe na lang ang inaantay namin, pagka-tapos niya ubusin ang inumin niya nag-lakad na kami pabalik ng office, habang binabaybay ang daan pabalik sa building nag-uusap sila kung tuloy ba ang welcome party daw nila saakin mamaya,

"Sa friday na lang kaya?" tanong ni Jazel.

Tumingin saakin si Earl, naiilang ako.. hindi alam kung bakit siya naka-tingin. Pero kahit nalilito ngumiti na lang din ako, nilapitan niya ako at inakbayan, "Alam mo kasi Ashanti kami dito may routine kami, every friday night lumalabas kami para naman matanggal ng stress namin. And.. since kasama ka na namin syempre kung okay lang sayo sana sumama ka saamin." tiningnan ko si Earl sabay baling kay Jazel, sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko, at nang malamang si Jazel yun bigla siyang tumawa, lito tuloy na binalingan kami nina Rafe.

"Oy damuho nabubuang ka nanaman!" sabi ni Maico.

"Sorry guys, eto kasing si Ashanti--" itinuro niya ako, "Parang hindi sigurado kung marunong bang mag-party si Jazel!" natatawa niyang kuwento. Samantalang ako tinubuan na ng hiya at hindi na nakapag-salita kasi naman baka isipin nilang napaka judgemental ko.

Nangingiti lang na tiningnan ako ni Jazel, "Hindi ikaw ang unang tao na nagulat, wag ka mag-alala okay lang." naka-ngiti niyang sagot, naka-hinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

Pagkarating naman sa office diretso kaagad sila sa mga ginagawa nila at syempre ako balik sa upuan. Ilang minuto pa akong naka-tambay ng may kumatok sa pintuan, bumukas 'yun at iniluwa si Sofia na may matamis na ngiti saamin, "Ashanti may I borrow you for a minute?" tumango ako at agad na tumayo.

Dumiretso siya sa isang kwartong dalawang pinto ang layo saamin, umupo siya sa isang mahabang sofa, habang ako nililibot ang paningin sa kabuoan ng opisina. Maganda ang interior ng opisinang ito, light blue ang curtains na bumagay sa glass window kung saan tanaw ang labas, may malalaking halaman din sa magkabilang gilid ng salaming bintana samantalang ang desk naman ay nasa gitna kung saan naka-lagay ang pangalan ni Sofia, nanalalaking mata ko itong tiningnan at si Sofia, Oh damn! Boss ko pala siya? Akala ko secretary.

"Boss kita." wala sa sariling sabi ko, she just chuckled.

"Yeah! Well base diyan sa nakasulat-" turo niya sa napaka-laking pangalan niya sa desk, "Yep, Boss mo ako. But no worries it's fine," pekeng ngiti lang ang naisagot ko, nahihiya pa rin sa kagagahan ko, ano ba yan Ashanti unang araw mo pa lang sa trabaho puro na kahihiyan pinag-gagawa mo.

"Sit down." umupo ako sa tapat niya. "I ask you here para itanong kung ayos lang ba ang first day mo? You know I don't like my employees na hindi masaya sa department namin."

"Masaya naman, mababait sila." hindi ko na binaggit na wala akong ginagawa dahil nakakahiya pero for sure alam niyang tumatambay lang ako. Tumango lang siya sa sagot ko, biglang pumasok ang isang balinkinitang babae na may hawak na telepono, "Miss Sofia may urgent meeting daw po ngayon." aligagang sabi nito.

Tumayo na ako at nag-paalam na dahil mukhang wala na naman kaming pag-uusapan, ngumiti lang ako sa secretary ni Sofia nang madaanan ko siya.

Bago ako bumalik sa opisina lumabas muna ako sandali para bumili ng kape, ang plano ko, para saakin lang ang kape na bibilhin ko pero nang nasa cafe na ako na-realize kong ang sama ko naman kung ako na nga ang walang ginagawa tapos pakape kape lang ako.

"Guys coffee!" sigaw ko pagka-pasok ko. Tumayo kaagad sila para kunin ang mga kape na hawak ko naguna sa pag-kuha si Maico at Jazel.

"Thank you!" pasalamat nila.

"Bait ah! May pakape pa," bati ni Rafe habang umiinom.

"Nga pala boss pala natin si So- I mean Miss Fia?" tumango lang sila, tiningnan ako Earl nang may pag-tataka, "Di mo alam?" tanong niya.

Umiling ako, "Akala ko secretary siya," nahihiya kong sabi, tumawa lang sila, "Well, sexy kasi siya, SEXYTARY!" natatawang sabi ni Earl, binatukan siya ni Von dahil dun.

Umiling lang ang mga kasama ko.

Buong hapon akong walang ginawa kung hindi ang mag social media, talagang pinanindigan kong sulitin ang first day ko.

"Paano guys mauna na kami ni Jazel sainyo." paalam ni Maico, lumapit si Jazel saakin para bumeso kumaway lang si Maico, nang maka-alis ang dalawa nilingon ko si Rafe, "Si-S-si Jazel at Maico ba?" alangan kong tanong, ngumiwi si Rafe sa tanong ko samantalang pigil naman ang tawa ni Von at Earl.

"That's incest!"

"Incest? So mag-pinsan sila? Omy! Buti na lang pala hindi ko kay Jazel tinanong!" inakbayan ako ni Earl na pinipigilan pa din ang matawa, "Okay lang yan, nung una nga akala ko mag-asawa sila." biro niya. Natawa na lang din ako sa kalokohan ni Earl.

Nasa bahay na ako ngayon at nasa veranda,

"Ija." tawag ni mama, "So... kamusta first day mo?" tanong niya bago umupo sa harapan ko,

"Okay lang po. Wala naman akong ginawa ngayong araw kasi daw first day ko pa lang, bukas pa daw nila ako tatambakan ng trabaho," pag-kwento ko,

Nakikinig lang si mama saakin nang bigla siyang excited na tumayo, tiningala ko siya na nag-tataka, "Bakit ma?" hindi niya ako pinansin at pumasok lang sa loob, maya maya bumalik na ulit si mama at may dala dala siyang box, inilapag niya ito sa harapan ko..

"Buksan mo dali," excited na sabi ni mama. Kinuha ko ang box at sinuri, rectangular ang shape ng box, kulay gray siya na may kulay navy blue na ribbon, inalog-alog ko ito bago tuluyang binuksan. Pag-bukas ko, bumungad saakin ang isang kulay blue na fountain pen, at kung tititigang mabuti makikita mo ang maliliit na letrang naka-ukit dito, "Miss CPA," basa ko, tumingin ako sandali kay mama, ibinalik ko ang fountain pen sa box nang mahagip ng paningin ko ang isang maliit na papel na nakadikit sa likuran ng ribbon na tila ba ayaw ipabasa ang laman nito.

"Congratulations?" kinuha ni mama ang papel sa kamay ko, inikot ikot niya ito, binaliktad, tinupi tupi baka sakaling may hidden message daw na makita pa, napairap na lang ako, si mama talaga.

Busy pa din si mama sa kakatingin sa papel nang kunin ko ito sakaniya," Ma kanino galing to?" tanong ko,

"Hindi ko alam ija, kanina pag-alis mo may dumating na delivery boy hinahanap ka, ang sabi may delivery daw para kay Ms. Ashanti Canizares, aba sino pa ba si Ashanti diba at ikaw lang naman? Kaya kinuha ko na, ang akala ko nga may order ka nanaman sa online shop." nag-tataka man hindi na ako muling nag-tanong kay mama, sino naman kaya ang mag-bibigay saakin ng ganitong regalo.

"Hindi kaya sa mga manliligaw mo yan galing anak?" napa-isip ako sa sinabi ni mama, kaya lang agad iyong napawi at nauwi sa simangot nang maalala kong,

"Pero ma wala naman akong manliligaw,"

"Kung ganoon huwag mong sabihing hindi mo manliligaw yung dalawang gwapo na lagi kang dinadalaw."

"Hindi nga po, mga kaibigan ko lang sila, at ma alam niyo naman po ang nangyare diba po?"

"Naku! Ija, iniisip mo pa din ba ang batang 'yun?"

Gusto kong mag-sinungaling at sabihing hindi, na kailanman sa mga buwan na nakalipas ay hindi man lang siya sumagi sa isipan ko, ngunit sino pa ba ang lolokohin ko, kung hindi ang sarili ko.

Malungkot akong tumango, "Di ko maiwasan, kung tutuosin ay sandali lang naman kami nag-kasama, pero hindi ko maintindihn kung bakit hindi ko siya agad makalimutan." huminga ng malalim si mama bago hinawakan ang mga kamay ko.

"Ija wala yan sa tagal ng pinagsamahan niyo, pero ito lang ang maipapayo ko. Huwag mong hayaang ang taong nanakit sayo ang maging dahilan ng lungkot mo."

Ang taong nanakit saakin ang maging dahilan ng lungkot ko? "Ma hindi ko maintindihan."

"Sabi na nga ba." tila tuwang tuwa si mama dahil alam niyang maguguluhan ako, pero magulo naman talaga.

"Ija... Ang gusto ko lang naman sabihin sayo ay, gamitin mo ang sakit na nararamdaman mo para mas maging masaya ka hindi para mas maging malungkot dahil sinaktan ka niya."

Buong gabi kong inisip ang mga sinabi ni mama maging sa aking panaginip ay dala dala ko pa.

"Morning Ash. Aga natin ah." bati ni Rafe. Pag-pasok ko kanina wala pang tao dito sa opisina at naka-lock pa ang pinto. Humiram pa ako sa guard ng susi dahil hindi naman ako nabigyan kahapon.

"Woah!" gulat na naka-tingin saakin si Earl, "Nandito ka na agad." di makapaniwalang lumingon si Earl kay Rafe na umiinom ng dala niyang kape.

"Hi guys! Nandito na ba si---" hindi na naituloy ni Maico ang kaniyang sasabihin ng makita niya ako, "Sabi ko nga nandito na siya." bulong pa niya sakaniyang sarili.

Sa totoo lang maaga ako dahil hindi naman talaga ako naka-tulog ng maayos kakaisip sa sinabi ni mama at kakaisip kung kanino galing 'yung fountain pen. Kaya naman nang makita ko kanina sa orasang 4am na bumangon na ako at nag-handa para sa trabaho kahit 9am pa naman talaga ang pasok ko.

I never thought that working was this hard. When I was in college ang gusto ko na kaagad is mag-trabaho para magkaroon ako ng hard earned money ko, pero ngayon kung iisipin mas masarap pala 'yung nag-aaral ka pa lang at iisang routine lang ang susundin mo, lessons-review-quiz-exam.

After a week of working, a word to describe me is... HAGGARD and STRESS. I never expected na isang linggo pa lang ako sa trabaho haggard na haggard na ako, kaya naman kudos to those people na ilang taon nang nag-tatrabaho is fresh looking pa din.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa mga kasama kong busy sa pag-aayos ng mga sarili nila.

Nasa loob pa din kami ng opisina, lalabas kaming anim ngayon para sa sinasabi nilang Friday night out.

Nilingon ako ni Rafe, "Hindi ka ba mag-aayos?"

"Hin--"

"Tsk. No need fresh ka pa din naman." sabi ni Rafe habang naglalagay ng lipstick. Napa-what look ako sa sinabi niya, itinuro ko ang sarili ko at tumingin sa salamin malapit saakin at tiningnan ulit si Rafe, "Fresh pa ako sa lagay na to?"

Lumapit saakin si Earl at ginulo gulo ang buhok ko. "Earl!" saway ko, tinapik niya ang kamay ko at pinaharap niya ako sa salamin, " 'Yan ba ang hindi fresh? Tingnan mo ngang mabuti sarili mo sa salamin. Ginulo ko na at lahat lahat 'yang buhok mo, maganda ka pa din." kinurot ko siya sa tagiliran dahil sa pambobola niya.

"Tara na!" masayang tili ni Jazel.

Gamit ang isang Van nakarating kami sa isang bar sa BGC. Tahimik lang akong naka-upo habang ang mga kasama ko ay busy sa pag-entertain ng mga kakilala nila.

This reminds me of my first interaction with Colton. That cold prick, leaving without a reason and left me with so many questions. But I wonder, kamusta na kaya siya? Iniisip niya din kaya ako? Umiling iling ako, nababaliw na ata ako, paano nga ba niya ako iisipin ganoong ang huling message na iniwan niya saakin ay sorry. Hindi ko kakilala ang mga kausap nila Rafe kaya naman tahimik lang akong naka-masid sakanila,

"Are you okay?" tanong ni Von, am I supposed to answer honestly? Should I tell him no? That being here in a bar doesn't really remove my stess, it only doubled it.

"Yeah! I'm good. Sino yung mga kausap nila Rafe?" tanong ko.

Nakatitig lang siya saakin as if reading what's going on with my head. Like he can clearly see that I am not okay. Iniiwas niya ang tingin saakin, huminga siya ng malalim bago ako muling tiningnan. "Mga kaibigan niya." tipid niyang sagot.

"They look like models."

"Well.. dahil mga models sila."

Umusod palapit saamin si Earl, "Ano yan? Heart to heart talk?" inismiran ko lang siya, sa limang araw na naka-trabaho ko sila unti unti na akong nasasanay sa ugali nila. Si Earl kasi ang palabiro at palaging may bong kalokohan kahit saan, si Maico naman ang palabiro pero may pagka-seryoso, samantalang si Von ang pinaka-tahimik sa lahat, pero marunong siyang makisama at makipag-biruan. Sina Rafe naman at Jazel ay halos walang pinagkaiba, parehas silang mahilig sa fashion kahit hindi halata kay Jazel. At isa pa sa napapansin ko ay kung gaano ka-sweet si Maico at Jazel, kung hindi ko nga lang alam na mag-pinsan sila aakalain kong may relasyon talaga sila.

"Oh! Wala na ba ang mga model friends mo ELLA?"

"Shut up Earl!"

"Shut up Earl!" panggagaya ni Earl sa boses ni Rafe in a sing-song voice.

"Sayaw tayo guys!" yaya ni Jazel. Umiling ako at hindi naman na sila nag-pumilit. Ako at si Vin na lang ang naiwan, hindi ko nga alam kung bakit siya nag-paiwan dahil base sa naririnig ko kila Rafe matinik to sa babae, sinulyapan ko siya sandali at nakita kong may kausap siyang isang babae, isa ata sa mga model friends ni Rafe. Kaya naman pala hindi na siya pumunta sa dance floor, no need na, babae na mismo ang lalapit sakaniya.

"Oh! Asan na 'yung babaeng kausap mo?" tanong ko habang nag-sasalin ako ng alak sa baso.

"May boyfriend ka ba Ashanti?"

Natigilan ako sa naging tanong niya, kinakagat kagat ko ang labi ko maging ang dila para lang pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mata, why does he have to ask that? tumikhim ako at huminga ng malalim, "Wala." sagot ko ng hindi siya tinitingnan. Para mabawasan ang kaba, I drunk the alcohol in my glass with one shot bago ulit nag-salin ng panibago.

"So mali pala ako," I looked at him using my peripheral vision, "Wala ka palang boyfriend. Wala na." presko niyang sabi bago kinuha ang alak na hawak ko at siya na ang uminom.

Tumuwid ako ng upo at humarap sakaniya, "How--how can you ask something like that so casually?"

"Kasi makapal ang mukha ko." balewalang sagot niya, ngangi-ngising napa-iling na lang ako.

Biglang umupo sa gitna namin si Rafe at inakbayan kaming dalawa, "Hindi kayo sasayaw?"

"Hindi na muna," pinakita ko ang baso kong may lamang alcohol, "Iinom na muna ako." nilingon naman niya si Von, "Ikaw hindi din?" tumayo na si Rafe nang ma-realize niyang wala kaming interest sumayaw.

"Okay... babalik na ako sa dance floor iwan ko na muna kayong dalawa dito." hinalikan niya ang kanang pisnge ko at kaliwa naman kay Von, "Ciao!"

I wanna start a conversation, so I ask the most random thought na naisip ko, "Ilang taon ka na?"

Hindi makapaniwalang tumingin siya saakin, "Really!?"

"Oh just answer the damn question."

"Fine... 27. May itatanong ka pa ba?" ngisi niya,

"Atleast I'm trying to start a conversation."

"A boring kind of conversation." pag-diin niya. Inirapan ko lang siya.

Wala na ulit nag-salita saamin, at dahil sa katahimikan, thoughts about Colton resurfaced again. Naka-hawak sa ulong humilig ako sa kinauupuan ko, nahihilo na ako dahil unti unti na akong tinatamaan ng alak, naka-ilang shots na ba ako? Ilang baso na ba ang nainom ko? My sight is a bit blurry.

Naramdaman kong may lumapit saakin at hinawi ang nakatabing na buhok sa mukha ko, "You. Are. Drunk."

Gamit ang walang lakas kong kamay, hinawakan ko ang mukha ng tao sa harapan ko at hinaplos ito, "Colton."