Chereads / Caught in the Middle / Chapter 19 - Tayo

Chapter 19 - Tayo

"I'll pick you up later." naka ngiting basa ko sa text ni Graye.

After last night, I felt like everything is normal again, not that it's not normal, it's just that, parang yung adoration ko kay Graye noon is bumalik or bumabalik ulit. I feel like, me liking Graye again is what I need.

"And so I heard..."

Nasa bahay ako ni Cara ngayon, nagpapatulong siya mag empake ng mga damit. Gusto daw niyang puro fashionable 'yung mga damit na dadalhin niya.

"Heard what?" tanong ko habang tinutupi yung mga damit na napili namin kanina sa closet niya.

"That you and Graye.."

Itinabi ko ang damit na tinutupi ko at itinuon sakaniya ang atensiyon ko, "Me?" turo ko sa sarili ko, "And, Graye?"

"Ye-ah?... Narinig ko pumunta ka daw ng condo niya?"

"Sino nagsabi?"

"Si--"

"Arvino?"

"Oo.. So totoo?" nilapitan niya ako at umupo sa tabi ko.

"Oo, nung isang araw kasi nagyaya siya ng dinner, pero sabi niya sa unit na lang daw niya magluluto siya," pagkwento ko while resuming sa pagtutupi ng damit niya,

"Woah! Ito na ba? Ito na ba ang karugtong ng kuwento niyong dalawa?"

"Exagg. ka Cars!"

Pero on second thought, ito na nga ba? Is this a second chance for us? Wala palang US. Let me rephrase it,

"Walang second chance na magaganap,"

"What? So ano 'yun? Pinapaasa mo lang?" histeryang tanong niya,

"Kasi wala naman kaming nasimulan noon. Those encounters when we were in college, that's not counted as a first cause I never gave him a chance."

"So.. You.. Will.. Give him a chance?"

"Yes." sigurado kong sagot, nagtititili si Cara, tumalon talon pa siya sa kama niya, gusto ko man siyang sawayin dahil nagugulo ang mga natupi ko, hindi ko magawa dahil maging ako ay natatawa at nadadala sa kasiyahan niya. Tama naman ako diba? 'yung mga encounters namin ni Graye noong college, hindi siya matatawag na first chance niya saakin. Kasi in the first place, hindi ko naman siya binigyan talaga ng chance. I mean, oo gusto siya noon, pero I never admitted that to him, and noong panahon naman na nararamdaman kong nagiiba na ang trato niya saakin, si Colton na ang gusto ko.

Hinihingal na umupo sa baba ng kama si Cara, "So alam na ba niya? Na bibigyan mo na siya ng chance?"

"I'm not vocal... Siguro naman gets niya na 'yun? Action speaks louder than words."

"Yeah, but it can be misleading too. So it's also useless without words."

"Matalino naman siya.. He can surely guess it." giit ko,

"Ay kaloka ka! Ash kailangan sabihin mo sakaniya, gagawin mo pang manghuhula 'yung tao. Kakaloka ka!"

"We're adults.."

"Exactly! Kaya mas lalong hindi na dapat uso sainyo ang hulaan. Wala kayo sa pinoy henyo." irap niya,

"Okay, okay." sabi ko na lang para matigil na siya, but I don't really know how... Bahala na nga, nakatitig pa rin si Cara saakin, huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang cellphone sa bulsa ko, nakatitig lang ako sa number ni Graye, nakailang type at bura ako ng message bago ako nakapag compose ng sasabihin sakaniya. Nakailang buntong hininga din ako, ni hindi ko alam kung tama ba pinagte-text ko. Napasapo na lang ako sa noo after ko ma-hit ang send.

To Graye:

Are you free tonight? Wag mo na akong sunduin, dinner sa bahay? Pambawi ko sa dinner kagabi.

"Nag-reply na." turo ni Cara sa cellphone kong hindi ko man lang naramdang nag-vibrate na pala, nanlalamig ang kamay kong binuksan ang message ni Graye.

From Graye:

Sure.

"Oh alam mo na gagawin mo! Start--"

"Start with a simple conversation, blah blah blah... Opo Cars, nakailang ulit mo nang sinabi 'yan."

I heard her scoffed, nasa kabilang linya si Cara, at magmula ng maka-uwi ako, hindi na niya ako tinantanan sa mga bilin niya kung paano aakto sa harap ni Graye. I mean seriously!?

Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang isang busina ng sasakyan,

"Cars--"

"Yeah yeah narinig ko, GOOD LUCK!"

"Pasok ka."

Umupo si Graye sa sofa habang ako ay dumiretso sa kusina, naghahanda ako ng plato nang pumasok siya sa kusina,

"Tulungan na kita."

"Hindi na, umupo ka na lang, bisita ka."

"You're extra caring."

"Huh?"

Nakapangalumbaba siyang nakatingin saakin, namumula ang mukhang umiwas ako sakaniya. Shocks! Halata ba ako masyado?

"Kung ano ano sinasabi mo, kumain na tayo."

Tahimik kaming kumakain, hindi ko mapigilang maya mayang sumilip sakaniya. Natapos na kaming kumain pero hindi ko pa rin nasisimulan ang sinasabing simple conversation ni Cara, tumikhim ako para makuha ang atensyon ni Graye na tahimik lang din na nakatingin saakin.

"Uh.. Em.." gosh, I've never been this nervous.

"Hmmm." tanong niya habang pinaglalaruan ang labi niya,

Why does he have to play his lips!?

"So... I--"

"Deep breath Ash." sinunod ko ang sinabi niya, "Now.. Tell me what is it."

"I-I-I.." tumayo siya at naglakad palapit saakin, kinakabahang tiningala ko siya,

"Gr-aye what--"

In a matter of seconds I felt his lips met mine.

"I know." bulong niya sa labi ko, namimilog ang matang napatingin ako sakaniya, "I know." pag ulit niya bago ako muling hinalikan.

His kisses were soft, tender, it was like he was savoring every moment of it. He drop three little kisses before he let go of my lips.

"Thank you." bulong niya,

I slept peacefully that night, I even dreamt about the kiss. I don't think that's normal, especially in my age.

"Hey, morning." nakangiting bati ni Graye, before siya umuwi kagabi sabi niya siya na daw ang maghahatid saakin sa trabaho, hindi na ako tumanggi. More like hindi na ako nakatanggi.

"Morning." hindi makatinging bati ko, so ano, ganito ba ako palagi? Naiilang?

Nasa tapat na kami ng building, bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng hawakan niya ang kamay ko,

"May nakalimutan ka."

I checked my bag, "Wala naman."

"Its here,"

"Huh, saan?" litong lumingon ako sakaniya,

"This." he said, then kissed my lips.

"I'll pick you up later." nakangising sabi niya, namumulang lumabas ako ng sasakyan niya.

"Morning."

Gulat na napatingin ako sa gilid ko,

"Maics.. Mor..ning."

"You seem preoccupied," binalingan niya ako ng tingin, "I miss you Ash."

"Huh? Uh.."

Biglang bumukas ang elevator, saved.

"Tara na." yaya ko sakaniya, nauna na akong lumabas, dire diretso ang lakad ko, hindi ko nilingon si Maico hanggang makarating ako sa desk ko...

Buong maghapon kong hindi pinansin si Maico, pero ramdam kong gusto niya akong lapitan hindi niya lang magawa. Nagliligpit na ako ng gamit ng nilapitan ako ni Jazel,

"Ash,"

"Oh bakit?"

"Iniiwasan mo ba ang pinsan ko?"

Hindi ako sumagot, nakatitig lang ako sakaniya nang lumapit saamin si Maico at Earl. Inakbyan ako ni Earl,

"Ano 'yan girls? Seryoso ata kayo masyado."

Siniko ko si Earl, "Eh ikaw? Ano nanamang kalokohan ang sasabihin mo? Bakit ka nandito?"

Hinawakan niya ang dibdib niya at tiningnan akong tila nasasaktan, inirapan ko lang siya dahil sa kaartehan niya, akala mo babae..

"Jazel let's go." singit ni Maico,

"Maico--"

"Let's go." may diing sabi ni Maico, tiningnan ako ni Jazel na nalulungkot, na-guilty naman ako bigla. Sumenyas ako kay Jazel na ako na muna ang susunod sa pinsan niya, sumagot lang siya ng oo nang walang boses.

Naabutan ko si Maico na nag aantay sa labas ng pinto, naka sandal siya sa pader at tila may malalim na iniisip. Tinabihan ko siya,

"Why are you here?" tanong niyang hindi nakatingin saakin.

"Kasi dito ako dadaan?" pilya kong sagot, pero mukhang badtrip ata talaga siya dahil hindi man lang siya umimik, tumikhim ako.

"I'm sorry, about dun sa kanina.. Narinig ko 'yung sinabi mo pero umakto akong walang narinig."

"Ayos lang. Alam ko naman." hindi pa rin siya makatingin saakin. "I just hope you'll be happy this time." he finally looked at me.

Ngiti lang ang naisagot ko sakaniya, I hope too Maics, that this time, it'll be different from what I had with Colton.

"You look radiant." asar ni Cara saakin,

"Naol radiant!" sigaw naman ni Vin, magkausap si Cara at Vin sa video call, pinag uusapan nila ang nalalapit na pag alis ni Cara papunta sakaniya. Samantalang ako, ito... Taga tupi ng damit at taga ready ng sapatos, kakaloka kasi si Cara, akala ko noong pumunta ako noong nakaraang araw ayos na ang damit na inayos ko, 'yun pala may pahabol pa, sa tingin ko nasa dalawang bagahe na ang dala niya at alam ko ring pwede pa 'yang madagdagan.

"Nakakahiya!" pagpaparinig ko sa dalawang nakalimutan na atang nandirito pa ako, natapos na ako sa pag-tutupi, nailagay ko na rin ang mga damit na tinupi ko sa maleta. Nakapamewang na lumapit ako kay Cara, and I made sure na kita ni Vin na nakasimangot ako, natatawang itinuro ako ni Vin, ganumpaman, akala ko ako talaga ang itinuro niya,

"Hey." bulong ni Graye habang yakap niya ako sa likod, ang tukmol na si Vin tuloy panay ang asar saakin. Naku! Kung pwede ko lang batukan ang taong nasa screen, kanina ko pa nagawa.

Lumipat si Cara ng pwesto, umalis siyang dala dala ang laptop niya habang kausap pa rin si Vin. Habang, kami ni Graye ay mas piniling tumambay sa may pool area, magkatabi kaming naka-upo sa iisang sun lounger, nilingon ko siya.

"So.. napadaan ka ata,"

"I heard from Arvin na tutulungan mo si Cara mag-empake. Kaya dumaan na lang ako, besides wala naman akong ginagawa sa opisina." paliwanag niya,

Tumango ako, "Oo nag-pa-patulong siya, noong isang araw pa nga kami nag-aayos ng mga dadalhin niya, sa dami nga ng dala niya iisipin kong wala na siyang balak umuwi," natatawang kwento ko sakaniya, natatawang napailing din siya,

"Kelan nga pala ang alis niya?"

"Next month."

"Next month?"

"Yes! Next month pa, pero kung makapag-ayos siya ng gamit akala mo bukas na aalis," nilakasan ko ang boses ko dahil nakita kong palapit si Cara saamin, ang bruha binelatan lang ako. Talaga naman!

Umupo sa katabing sun lounger si Cara, hindi na niya dala dala ang laptop niya so I guess tapos na siya makipag-usap kay Vin. Nakatitig lang siya saaming dalawa ni Vin, nilakihan ko siya ng mata dahil alam ko na kung anong nasa utak niya, pero dahil isa siyang dakilang loka loka ngumisi lang siya.

"Kayo na?" walang patumpik tumpik na tanong niya, inubo pa si Graye sa tanong niya, teka.... anong nakaka ubo?

"Yes." sagot ni Graye, this time ako naman ang naubo sa sinabi niya, nangungunot ang noong nilingon ko si Graye,

"Tayo?" wala sa sariling tanong ko sakaniya, mas lumapad ang ngisi ni Cara sa sinabi ko, habang namumula naman ang tenga ni Graye,

"Hindi ba?" tanong niya,

Nilingon ko si Cara na halatang pinipigilang matawa, mukhang enjoy na enjoy sa nakikita niya. Namumula pa rin ang tenga ni Graye, kami na ba? Wala man lang bang ligaw ligaw?

"So hindi pa pala kayo." pang-aasar ni Cara kay Graye na mas lalo niyang ikinapula,

"Kami na." matapang kong sinabi para matigil na ang loka loka,

"Mabuti. Congratulations!" 'yun lang at umalis na siyang malapad ang ngisi saakin, nasapo ko na lang ang noo ko, panigurdong aasarin ako ni Cara mamaya. Bakit naman kasi hindi ko alam na kami na pala. Wala man lang nagsabi saakin na may boyfriend na ako.

"Tayo na pala.." kunwari'y natatawa kong sabi,

"We already kissed. Akala ko automatically tayo na." naaasiwang pag-amin niya,

Ang akala ko kapag may magsasabing boyfriend ko sila kahit di ako informed maiinis ako, pero sa halio na mainis natatawa ako. Ang cute pala ni Graye mahiya. Para mabawasan ang awkwardness, humilig ako sa balikat niya. Inakbayan niya naman ako, naka-ngiting tumingala ako sakaniya,

"Yeah.. We already kissed, so you have to take care of my lips, cause you're my boyfriend now."

He gulped, and I saw him glancing from my eyes to my lips, ngumiti ako sakaniya at ako na ang nag initiate na halikan siya. I felt him stilled, but seconds later, he returned the kiss.

"I'm really excited Ash!" tili ni Cara habang niyuyogyog ang balikat ko, nandito kami ngayon sa Airport. Ngayon ang flight niya papuntang New York. Simula kagabi excited na siya dahil makikita na daw niya si Arvino, naka ilang sukat pa nga siya ng damit na susuotin, gusto daw niya pagkakita pa lang ni Vin sakaniya sa Airport maglaway na ito sa ganda niya.

"Oh yung paalala ko.. Wag na wag kakalimutan! Kokotongan ko kayo ni Vin, tandaan niyo 'yan."

"Opo NAY." irap niya,

Kagabi kasi, pinaalalahanan ko siya na.. since ilnag buwan siya sa America tapos silng dalawa lang ni Vin mag-ingat sila, hello! Hindi natin alam baka pagbalik niya ninang na ako. Malelerki ang parents ni Cara kapag nalaman 'yun. May pagka conservative pa naman sila tita. Kasal muna bago baby.

"Tinatawag na ang flight mo. Mag-iingat ka."

"Bye!" malaki ang ngiting kumaway siya saakin,

To Graye:

Naka-alis na si Cara. Papasok na ako sa trabaho.

"Ash."

"Oh Maics?"

"Free ka ba tonight?"

"Tonight?"

"Oo sana, birthday kasi ni Jazel."

"Wow! Really? Oo nga pala, kaya nga pala nag off siya ngayon. Sorry hindi ko naalala. Pero titingnan ko."

"Alright, basta sabihan mo lang ako," tumango lang ako, sabay na kaming pumasok sa loob, dumiretso siya sa desk niya at ako naman ay sa akin. Birthday ni Jazel, parang ang rude naman kung di ako pupunta.

"Ash?"

"Sorry. Naistorbo ba kita?"

"Oh no, may mga binabasa lang naman akong papeles, bakit ka nga pala napatawag?"

"Kasi birth--" narinig kong may babae siyang kinakausap kaya tumigil na muna ako sa pagsasalita, may binibilin siya about sa mga papeles na due nang pirmhan.

"Ano nga ulit 'yun?"

"Birthday ni Jazel, lalabas kami mamaya."

"Jazel? The girl with glasses?" tanong niya tila inaalala kung tama siya,

"Oo."

"Where?"

"I'm not sure yet, sasabihan na lang kita."

"Alright, basta mag-iingat ka."

"Opo, ikaw--" may boses nang lalaki akong narinig, mukhang busying busy siya. Magpapaalam na sana ako nang maunahan niya ako,

"I gotta go,"

"B--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko binaba na niya ang tawag, napa buntong hininga na lang ako,

Nang mag-uwian nilapitan ko si Maico,

"Maics, tuloy ba?"

"Oo naman, makakasama ka ba?" tanong niya,

"Oo, saan ba?"

"Ayun oh! Sasama si Ashanti." sigaw ni Earl na nakikinig pala saamin,

"Really? Buti naman." sabi ni Rafe,

"Oo nga buti makakasama ka, antagal ka na naming di nakakasama gumala." kunwari ay nagtatampong sabi ni Von,

"Tigilan niyo nga si Ash, baka mamaya magbago pa isip niya dahil sa inyo." saway ni Maico sakanila, nag-iritan lang ang mga damuho,

"Pasok kayo."

Sa bahay nila Jazel ang party niya, nauna na ang mga kasama ko, nilapitan ko si Jazel at nakipag beso ako sakaniya,

"Hey, happy birthday."

"Thank you. Tara na sa loob."

Simple lang ang bahay nila Jazel, two storey house, hindi siya sobrang laki pero very cozy ang ambiance. And one thing na napansin ko is, mahilig sa violet ang mga naka tira dito, from the curtains to the sofa, pillows tables, even mga plates at baso nila ay puro kulay violet.

"Di niyo favorite ang violet ano?" patingin tingin sa paligid na tanong ni Earl,

Natawa naman si Jazel sa sinabi ni Earl, "Si mommy 'yan, hanggang taas puro violet ang makikita niyo." natatawang pag-kwento niya,

"Ang sarap ng pasta, sino nag-luto?" puri ni Von,

"Ako at si mommy," naka ngiting sagot ni Jazel,

"Where's your mom nga pala?" tanong ni Rafe,

"May pinuntahan, kanina pa kasi dumating mga bisita niya, puro mga bisita niya nga ang bisita ko eh."

"Kain ka pa, masarap mag-luto si tita," sabi ni Maico, habang nilalagyan ng pasta at lumpia ang plato ko, nahihiya akong patigilin siya dahil bisita ako, pero ayos lamg naman kasi tama lang naman ang dami ng nilalagay niya.

"Thanks." sabi ko nang matapos siyang lagyan ng pagkain ang plato ko. Ngumiti lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

"Ano gagawin natin after kumain?" tanong ni Earl habang kagat kagat ang isang hita ng chicken,

"Oo nga, ayoko pang umuwi," maarteng sabi ni Von,

"May beer sa refrigerator," sabi ni Jazel,

"Ayun oh! Ayos na 'yan." masayang sabi ni Earl, binatukan ni Rafe si Earl, "Napaka lasenggo mo!" ngumuso lang si Earl. Cute,

Sa may sala kami nag set up, parang nakakahiya pa ngang ilagay ang mga beer sa table nila, parang nakakahiya kasing dumihan ang table nila. Masaya silang ngku-kwnetuhan tungkol sa mga boss naming parang menopause na daw kung magalit, mga baliw talaga.

Tumayo si Rafe at lumipat sa tabi ko,

"Kayo na pala." it wasn't a question, more like a statement. Kahit wala siyang pangalang binanggit, alam ko na agad kung sino ang sinasabi niya,

Lito man kung paano niya nalaman, sumagot pa rin ako, "Oo, kami na."

Naka-titig lang siya saakin, maya maya ngumiti siya pero may something,

"Congrats." sabi niya,

"Thanks."

Paubos na ang beer sa refrigerator, pero parang bitin na bitin pa rin si Earl. Tiningnan ko ang violet na wall clock sa taas ng tv, almost 11:00 pm na pala,

"Guys uuwi na ako," pagkuha ko sa atensyon nila,

"Ang aga pa!" sigaw ni Earl,

"Manahimik ka nga!" sigaw din ni Rafe at binato pa niya ng unan si Earl.

"You know what, mabuti pa nga umuwi na tayo, masisira ang beauty rest ko." maarteng sabi ni Von, na may pag-flip pa sa imaginative hair niya,

"Jaze, mauuna na kami, salamat sa pag-imbita," paalam ko,

"Sige mag-iingat kayo, salamat din sa pag-punta." beso niya saamin ni Von.

Naiwan pa sina Earl at Rafe sa loob, maya maya pa daw sila uuwi, pasakay na ako sa kotse ng humahangos na lumabas si Maico at lumapit saakin,

"Ingat ka."

"Ay ganoon? Ako hindi mo sasabihan na mag-ingat? Nakaka-hurt!" pagpaparinig ni Von,

Naiiling na lumingon si Maico kay Von, "Bye Von, ingat." kinawayan pa niya ito.

Sumakay na ako sa kotse, ibinababa ko sandali ang bintana para makapag-paalam,

"Maics uuwi na ako," kaway ko sakaniya,

"Ingat." tumango lang ako bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.

"So kamusta na kayo?"

"Masaya... Lalo na kapag gabi," bulong niya sa huling sinabi, nilakihan ko siya ng mata, napaka bulgar talaga.

"Ang paalala ko Cara huh! Umayos kayo."

"Oo naman, wag ka mag-alala Nay, protected kami parehas,"

"Napaka mo Cars!"

"Ikaw nauna."

"Bakit ka nga pala nakipag video chat saakin? Akala ko ba ayaw kausapin ng kahit sino, dahil gusto mong puro si Vin ang kausap mo? May nangyare ba?" nag-aalalang tanong ko,

"Uh kasi..." tila alanganin siya,

"Kasi?"

"Wag na kaya? Di naman to importante," inirapan ko siya,

"Pwede ba! Ano ba kasi 'yun Cars?"

"Wala." sagot niya, sabay patay sa video call. Napasandal ako sa upuan ko, napapa isip kung anong nangyare. Sinubukan kong tawagan ulit ang account ni Maico dahil 'yun ang ginamit ni Cara, kaya lang naka offline na.

Isang buwan nang nasa ibang bansa si Cars, napapasarap na ata siya doon, nakakausap ko na rin siya pero hindi niya binaggit or sinubukang banggitin ang bagay na 'yun, kung ano man 'yun, hindi ko na rin siya kinulit pang tanungin dahil mukhang wala namang ibig sabihin, baka mamaya napa-paranoid lang ako.

About naman kay Graye at ako, we're okay. Every weekend lalabas kami at pupunta sa kung saan, kapag naman kinaya ng oras siya ang maghahatid saakin sa trabaho at sabay kaming mag be-breakfast, sa pag-uwi ganoon din, susunduin niya ako at sabay kaming mag di-dinner, naipakilala ko na rin siya kay mama, not as my friend, but as my boyfriend.

"Ano, Ash? Makakasama ka ba next week?" tanong ni Rafe saakin, balak kasi nilang mag-hiking next week, kaya lang may plano na kasi kami ni Graye next week. Plano naming pumuntang Airport. Kami ang magsusundo kay Cara, ewan ko ba sa babaitang 'yun at kami pa ang pinapasundo niya, may driver naman sila.

"Hello?" I answered the call in a groggy voice.

Anong oras na ba? Inalis ko sandali ang cellphone sa tenga ko at sinilip ang oras, ang aga pa... 4am pa lang, teka sino bang tumawag?

"Ash? You still there?"

"Mmm..."

"Sorry nagising ba kita?"

Hindi na ako nakasagot, naramdaman ko na lang na nabitawan ko na ang cellphone sa sobrang antok.

Kinaumagahan, humihikab ako nang makatanggap ako ng text galing kay Von, tumawag daw si Maico kaninang madaling araw para itanong kung makakasama ako sa hiking, nag-aalala daw dahil sinagot ko ang tawag pero wala namang nagsasalita.

To Vonny:

Paki-sabi na lang kay Maics, sorry inaantok pa kasi ako nung tumawag siya. Ingat kayo.

Hindi na ako nag-antay ng reply at nag-ayos na, basa ang buhok na bumaba ako.

"Ma!" tawag ko habang pababa ng hagdan,

"Oh gising ka na? Ang aga ata. At, nakabihis ka, may pupuntahan kayo ni Graye?"

"Susunduin po namin si Cara, ngayon ang uwi niya." sagot ko, kumuha na ako ng pagkain sa lamesa; fried rice, hotdog at egg. Bilin kasi saakin ni Graye kumain na ako dito sa bahay. Asan na nga pala ang tukmol na 'yun, hindi pa nagtetext simula kagabi.

To Graye:

Morning. Anong oras mo ako susunduin?

Nangunot ang noo ko ng ilang minuto na ang lumipas wala pa rin siyang reply, tulog pa? Baka nga, nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng hindi pinapansin ang cellphone ko.

Ready na akong umalis, naka-sapatos na din ako, si Graye na lang talaga ang inaantay ko. Ilang sandali nag-vibrate ang cellphone ko,

From Graye:

Sorry Ash, something came up. Kung pwede ikaw na lang sumundo kay Cara.

What?

Kung pwede? Kung pwede daw? Tinawagan ko siya pero unattended, kung pwede? Sabi niya kung pwede, eh wala naman akong choice.

Talaga naman! Lagot ka saakin Graye Lacson kapag nakita kita...