Chereads / Caught in the Middle / Chapter 18 - Lunch date

Chapter 18 - Lunch date

"Umuwi ka na nga!" tulak ko sakaniya,

"Okay.. Okay.. Sorry." he said, not sorry at all.

Umayos siya ng tayo, at pigil pa din ang tawang naka tingin saakin. Umirap ako at humalukipkip, nawala na ang antok ko dahil sakaniya.

Naka titig lang siya saakin, iniiwas ko ang paningin ko sakaniya at tumingala sa langit.

Ang gaganda talaga ng bituin,

"Ang ganda diba?" nagulat ako ng makitang katabi ko na pala si Graye na nakasandal sa gate,

"Yeah.." sagot ko at tumingala ulit sa mga bituin.

"Sana may dumaang shooting star."

"Really? Shooting star?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Don't laugh.."

"Mas kapani paniwala kasi kung babae magsasabi niyan--" binunggo ko ang balikat niya, "Ikaw ah... Baka may hindi ka inaamin." pang aasar ko.

"What's wrong kung lalaki ang hihiling sa shooting star?"

"Seriously!?" tumango lang siya,

Tumikhim ako, "Okay.. Well.. Wala namang masama kung hihiling ka sa shooting star, pero kasi kapag humiling ka sa shooting star or kahit anong uri ng star pa 'yan, it's kinda useless kasi they're dead stars, so para kang humihiling ng isang bagay na hindi naman mangyayare."

"Kaya pala.."

"Kaya pala ano?"

"Kaya pala hindi mo na ako gusto,"

"Graye--"

Ginulo niya ang buhok ko at naglakad papunta sa kotse niya, pinatunog niya ito at binuksan ang pinto,

"It's late, uuwi na ako. Goodnight Ash."

Tulala at nakatayo pa din kahit naka alis na ang sasakyan niya. Did he? Did he wished on a star?

The hell!?

Wala sa sarili at aligagang naglakad ako pabalik sa loob ng matisod ako sa bato at nauntog sa gate ang ilong ko.

" Ugh.. Ar-ay," nakahawak sa ilong na tumayo ako, may maliit na gasgas ang gilid ng talampakan at kamay ko, hindi pa ako nangangalahati sa pag hakbang nang mauntog naman ako sa hamba ng pintuan, "Kakaloka!" tunog ngongong usal ko.

"Mor... Ay girl, ano nangyare sayo?" pigil ang tawang tanong ni Rafe habang naka turo sa ilong kong may bandage, pag akyat ko kasi kagabi sa kwarto ko nakita ko sa salaming may konting dugo sa ilong ko at may bukol pa ako sa noo...

"Wala!" irap ko sakanila,

"Oh! Inaasar niyo nanaman 'tong si Ashanti, ano ba kasing nangyare sayo?" tanong ni Maico habang hinahaplos ang noo kong may bukol,

"Huh? Uh.. Wala wala ito.. Nauntog lang."

"Are you sure?"

"Huh! Uh.. Oo.. Wala ito."

Hindi ko na pinansin si Maico na nasa gilid ko at pinapanood ang bawat galaw ko, nag patuloy na lang ako sa pag tapos ng financial report ng company na pinahawak saakin,

"Saan ka pupunta?" tanong ni Maico pagtayo ko sa desk ko,

"Uh.. Ano may iko-consult lang kay Miss Sofia,"

"Gosh Ashanti! Wala ka ngang boyfriend, wala ka din namang manliligaw, bakit ka na-i-i-stress sa mga lalaki na 'yan." bulong bulong ko habang naglalakad.

Actually, ginawa ko lang excuse yung report na ginagawa ko para maka iwas sakaniya, napapansin ko kasing medyo nagiging too attentive saakin si Maico. Habang binabaybay ko ang opisina ni Ms. Fia pinapalo palo ko sa ulo ang folder na dala ko.

"Wow!" napalingon ako sa nag-salita,

"Graye!?" namimilog ang mata kong salubong sakaniya, lumilimga linga ako sa paligid, hindi ko din alam kung bakit.

"This is my first time visiting you here, only to see na..." tinuro niya ang folder na hawak ko at ginaya pa ang ginagawa ko kanina, nilapitan ko siya at hinampas na braso gamit ng folder na hawak ko, naku! Malalagot ko nito! Mamaya lukot lukot na yung financial report! "Bakit ka ba nandito!?"

"Gaya ng sabi ko, para bisitahin ka. Let's eat lunch together."

"Wala ka bang trabaho?" iritang tanong ko,

"Meron, but it can wait."

"Magaling! Hoy tukmol! Hindi naman dahil boss ka eh.."

"Eh??"

"Eh.. Ano.. Uh.. Pabisita bisita ka na lang!"

Lito siyang naka tingin saakin, pero lamang ang pagpipigil niya ng ngiti, "You do know that it doesn't make any sense, right?"

"A'ewan!"

Wala na akong masabi, hindi ko alam ang sasabihin sakaniya, kunot noong tinitingnang ko na lang siya, bakit ba kasi siya nandito? May kinalaman ba 'to sa sinabi niya kagabi?

"So--"

"Ashanti!" sigaw na nanggaling sa likuran ko,

"Jazel?"

"Kailangan na ni Miss Sofia 'yung report." pormal na sabi niya sabay turo sa folder na hawak ko.

Shit!

'Yung report nga pala. Nasapo ko na lamg ang noo ko dahil sa kapalpakan ko, nilingon ko si Graye, "Kita na lang tayo mamaya, tatawagan na lang kita." hindi ko na inantay na sumagot si Graye, tinalikuran ko na siya bago binalingan si Jazel, "Tara na? Asan si Miss Fia?"

Sa office ni Miss Sofia kami dumiretso ni Jazel, pagkahatid niya saakin, umalis na din siya dahil may ti atapos pa daw siya.

"I'm impressed!" puri ni Miss Sofia saakin habang binabasa ang financial report.

"Thank you po." ngiting ngiti kong sabi,

"Sige na, bumalik ka na, I'll check this first, ipapatawag na lang kita if I have questions."

Tumango lang ako at nakangiting lumabas sa office ni Miss Sofia.

"So saan magla lunch?" tanong ni Von habang nag a apply ng powder. Oh Yes! Powder! That time na nalasing ako at inasikaso ni Von hanggang sa bahay, it was a pure torture for him. Von is gay, kaya after I found out na gay siya I pity him, nagpakarga ako sakaniya bridal style tapos mukha pa kaming naghahalikan. Geez! Kaya pala ganoon na lang ang pagka amused ni Maico that night.

"Guys hindi ako makakasama sainyong mag lunch."

"Why?" tanong ni Rafe,

"Lala---"

"May lunch date siya!" tiling anunsiyo ni Jazel, nilakihan ko siya ng mata, at ang babaita nginisian lang ako. Talaga naman!

"Lunch date with who?" tanong ni Earl,

"Uh.. Kay ano yung--" hindi pa ako tapos magsalita ng mg vibrate ng cellphone ko, si Graye tumatawag na. Ibinalik ko ang cellphone sa bag at hinayaan na lang ito sa pag vibrate.

"Guys mauna na ako."

"Anong mauna? Sabay sabay na tayo." pigil ni Rafe,

Nasa lobby na si Graye pagbaba namin, naka upo siya sa lounge area at may hawak na bulaklak. Tiningnan ako ng mga kasama ko kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko, nang makita niya ako, naka ngiti siyang kumaway at agad na tumayo.

"Halika na!" hinila ko kaagad siya pagka lapit ko, pero hindi pa man kami nakakatalikod may kamay na umakbay saakin at kay Graye, nang lingunin ko, si damuhong Earl pala,

"Hindi mo ba kami ipapakilala Ash?" naka ngisi niyang tanong,

"Huh? Uh.. Okay," tinanggal ko ang braso ni Earl saakin, "Graye mga katrabaho ko, this is Rafaella, Jazel, Von, Earl and you've met Maico."

"And this is," nilingon ko si Graye pagkatapos ko silang ipakilala, pero hindi siya saakin naka tingin, sinundan ko kung saan naka tutok ang mga mata niya, kay Rafe. The way they look in each others eyes, it's.. It's like magkakilala na sila. "Graye."

"Graye!"

"Huh?" lito siyang lumingon saakin, pero maya mayang sumusulyap kay Rafe. What's going on?

"Magkakilala ba kayo?" I silently thank Earl dahil tinanong niya 'yun.

"Ye..ah." hindi siguradong sagot ni Rafe,

"Schoolmates kami before." tipid na sagot naman ni Graye, nang mahimasmasan siya, hinawakan niya ako sa siko, "Let's go?"

"Una na kami." paalam ko sakanila, pero kay Rafe ako naka tingin,

"Ingat kayo. Be back before one." paalala ni Maico, napa tingin ako sakaniya dahil kanina pa siya tahimik,

"Halika na."

"Magkakilala pala kayo ni Rafe?" di naka tiis na tanong ko.

"Schoolmates kami."

"Yeah.. Sabi mo nga kanina."

"What do you mean?"

"Wala." malamyang sagot ko.

"Here," inabot niya saakin ang flowers na dala niya, "Flowers to cheer you up."

"Thanks!" pasalamat ko bago inamoy 'to.

Tahimik kaming dalawa ni Graye habang kumakain, pero napapansin kong may bumabagabag sakaniya, naka ilang ulit din siyang buntong hininga, hindi nga ata niya napapansin na tapos na akong kumain samantalang siya naka dalawang subo pa lang ata.

"Are you okay?" tsaka pa lang siya tumingin saakin,

"Yeah, just.. Thinking of something."

"Something? Or someone?"

"What do you mean?"

"You're preoccupied Graye. Ni hindi mo nga magalaw 'yang pagkain mo... Naging ganiyan ka after ko ipakilala sayo ang mga katrabaho ko.."

"Ash--"

"Si Rafe ba?"

"Ash--"

"Si Rafe ba?" ulit ko, napalunok siya, inabot niya ang tubig na nasa lamesa at ininom ito ng diretso,

"Nakaka uhaw ba tanong ko?"

"No. I'm sorry, hindi tuloy natin na enjoy 'yung lunch natin,"

"Nope! I enjoyed my food. Naubos ko nga eh." I looked at him sarcastically,

"Again, I apologize. Well.. You see that Rafaella is my schoolmate--"

"Kanina mo pa sinasabi 'yan," pambabara ko,

Tumikhim siya bago nagpatuloy, "She's my ex girlfriend's friend."

"Oh!"

"Yeah."

"Uhm.. So.. Where is the ex?"

"I have no idea, after namin maghiwalay.. Wala na akong naging balita sakaniya,"

"Do you miss her?"

"No." wlang kurap niyang sagot,

"No?"

"Our relationship, it started as a mistake."

"Was it? Was it really a mistake?" paniniguro ko,

"For her it was, but as for me, it was never a mistake."

"Parang gusto ko ata makilala 'yang ex na 'yan. Nosebleed ka kausap dahil sakaniya eh!" pagbibiro ko,

"Silly!"

"Labuyo?"

"Ashanti!" natatawang saway niya,

Hindi ako makapag focus sa trabaho ko dahil sa pinag usapan namin ni Graye kanina, mayat maya din akong lumilingon kay Rafe. Sobrang na-ku-curious ako dun sa kaibigan ni Rafe na ex ni Graye. What a small world!

Around four pm, naka receive ako ng text galing kay Cara, sabi niya mag kita daw kami bukas dahil may sasabihin siya.

"Ash pizza?" napatingin ako sa hawak ni Jazel,

"Wow! Sige pahinge,"

Nasa pagkain na ako ng pangalawang pizza nang mapansin kong naka titig saakin si Jazel, napahawak ako sa pisnge ko at kinapa kung may cheese or kung ano ba sa mukha ko, nang wala naman akong nakapa, nagtatanong na tumitig din ako kay Jazel,

"Bakit?" tanong ko habang kagat kagat ang pizza,

"Uh.."

"Kanina mo pa ako tinitingnan."

"Itatanong ko lang sana kung.. kung ano.. kung.."

"Kung??"

"Kung.. Kung b-b-boy-friend mo ba 'yung kasama mo kanina?"

"Si Graye ba?"

"Oo, boyfriend mo ba siya?" namumulang tanong niya,

"Hindi, kaibigan ko lang si Graye," pigil ang tawang sagot ko, ang cute pala mamula ni Jazel, naka ngisi ako sakaniya nang hindi naka takas sa paningin ko ang sandaling sulyap ni Rafe saamin.

"So.... Anong meron?"

"Eto na nga.. Ihhhh! Gosh!"

Napa tingin ako sa paligid dahil sa lakas ng tili ni Cara, hinampas ko siya sa blikat para tumigil siya, pero ang bruha mas lalo lang nag inarte, kunwari pa niyang pinapaypayan ang sarili niya habang hindi mpakali sa upuan.

"Ano ba yan Cars! Magtigil ka nga, para kang uod na binudburan ng asin diyan." pananaway ko,

"Kasi naman,"

"Ano ba kasi 'yun? Umayos ka nga!"

"Bibistahin ko si Vin!" niyugyog niya ang balikat ko, "Sa New York kami mag-ce-celebrate ng 2nd anniversary namin!"

"Talaga!? Wow! So kelan ang alis mo?"

"Probably next month or next next month. Gusto ko kasing sakto ang dating ko sa anniversary namin." malaki ang ngiting sabi niya, mukhang sobrang miss na miss na nga niya si Vin, sabagay almost 2 years na din silang hindi nagkikita, kahit naman kasi nag uusap sila through video chat, hindi sapat. I know Cara's still longing for that physical affection.

"Pasalubong ko, wag kakalimutan." pinalo niya ang braso ko,

"Syempre duh! Pero saka mo na ako sabihan ng gusto mong pasalubong. Kapag nandoon na ako. Quality time muna with my Arvino, at ayokong mamroblema kung saan ako bibili ng mga gusto mo, knowing you." irap niya na ikinatawa ko,

Tumingin ako sa relo ko,

Shit!

"Cars male-late na pala ako. Mauuna na ako sayo," tumayo na ako at nag beso sakanya, "Call you later!" pahabol na sigaw ko.

After ko mag park ng sasakyan patakbo akong naglakad papunta sa elevator, 'yung lakad na nagmamadali pero may poise pa din. Dahil sa pagmamadali ko, hindi ko sinasadyang mabunggo ang tao sa harap ko,

"Shocks! I'm so sorry!"

"It's fine." naka ngiti niyang sabi habang inaayos ang shoulder bag niya.

Woah! Who is this woman? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, she look like a freaking model. From her almond eyes, golden brown hair, heart shaped face, milky skin, and most of all, her natural red pouty lips. Geez! Ang ganda, pero syempre hindi ko pinahalata na gandang ganda ako sakaniya.

"Pasensiya na ulit, mauuna na ako." nilagpasan ko na siya.

"Wait!" tawag niya,

"Bakit?" lingon ko,

"By any chance, do you know Rafaella?"

"Rafaella?" si Rafe ba ang tinutukoy niya?

"You mean Rafa--"

"Eyedis!" sigaw galing sa malayo.

Lumingon ang babae sa sumigaw, tiningnan ko siya, so Eyedis pala ang pangalan niya? Unique name.

"Eyedis!"

"Raf!" nakipag beso si Rafe kay Eyedis, so si Rafe pala ang sumigaw kanina. Bakit nga ba nagulat pa ako, isa ba ito sa mga model friends niya?

Nagulat si Rafe nang makita niya akong nakatayo sa tabi, "Ash? Nandiyan ka pala,"

"Uh.. Oo, nabunggo ko kasi siya kanina dahil sa pagmamadali ko." turo ko kay Eyedis.

"By the way, Ash I want you to meet my friend, Eyedis. Eyedis si Ash, katrabaho ko."

"Hi! Nice to meet you." pakikipag kamay ko,

"Likewise." ngiti niya,

Nauna na ako sa office,

"Morning Ashanti." bungad ni Maico saakin,

"Morning, Maics."

"Breakfast?" tanong niya habang pinapakita saakin ang dala niyang pancake at coffee.

"No thank you, nag breakfast na kasi ako,"

"Ganoon ba.."

"But.. I would love to have that coffee." nakangiting sabi ko sakaniya,

"Here." ngiti niya,

"Thank you." pakita ko sa kape na bigay niya,

Maya maya dumating na din si Rafe, nakangiti siya, but she seems bothered about something, hindi din naka takas sa paningin ko ang ilang ulit niyang pagbuntong hininga.

Nasa parking na ako nang tumawag si Graye,

"Ash?"

"Yes?" sagot ko bago pinatunog ang alarm ng sasakyan.

"Dinner? Pwede ka ba?"

"Dinner? Hmmm.. Pag-iisipan ko muna," pagbibiro ko.

"Tsk, mukhang gusto mo pa atang pilitin kita."

"Whatever! Saan ba?"

"Sa condo ko?" tila di niya siguradong tanong, natigilan naman ako.

"Marunong ka bang mag-luto?"

"Of course. So sa condo ko na lang okay?"

"Daya! Convenient sayo.. But, fine."

"Great, I'll wait for you." he said in a whispered voice,

"I'm on my way."

This is my first time sa condo ni Graye, mostly kasi kapag nagkikita kami, laging sa labas. Nasa 15th floor ang unit ni Graye, pagpasok mo, bubungad sayo ang square type sofa, there's a small glass table sa gitna just before the Smart TV. Every corner of the room has a small abstract painting. I think apat ang kwarto dito. Sinundan ko si Graye sa kusina,

"So anong lulutuin mo?" mapanuyang tanong ko,

"You'll see." mayabang niyang sabi, nakangisi pa ang tukmol, inirapan ko lang siya. Ang yabang eh.

"Mmmm.."

"So how was it?" nakadungaw na tanong niya,

"Pwede na," pang-aasar ko, well, to be honest masarap siya, I never thought na ganito pala kasarap magluto si Graye.

Naka kunot ang noo na tiningnan niya ako bago tinimman ang niluto niya, "Masarap naman ah."

After namin kumain, dumiretso ako sa living room, while si Graye kumuha ng beer sa refrigerator.

"Here."

"Thanks, so anong gagawin natin?"

"Di ko alam." sagot niya, umisod siya palayo saakin, itatanong ko pa lang sana kung anong problema niya nang nilagay niya sa center table ang beer niya at humiga siya sa lap ko,

"Anong?--"

"Wag kang madamot! Nakikihiga lang ako."

Aba! Pinitik ko ang noo niya.

"Ouch!" napahawak siya sa noo niya, namula 'to pero wapakels ako. Napaka naman kasi.

"Ikaw lang ang nakikihiga na mayabang! Napaka mo!" irap ko sakaniya,

"Sorry na po." kinuha niya ang kaliwang kamay ko at pinaglaruan 'to,

"Ay nga pala! Nasabi na ba ni Cara sayo?"

"Na?"  tanong niya habang nilalaro pa din nag mga dairi ko.

"Na pupuntang New York si Cara, doon sila mag-ce-celebrate ng anniversary nila."

"Yeah.."

"Ganda mo kausap!"

"What?" natatawang tanong niya,

"What-What-in mo 'yang mukha mo!"

"Sorry, I was just feeling the moment."

"Feeling the moment?"

"Yeah, this." turo niya saakin at sa sarili niya, "Just us.." ngiti niya, umupo siya ng maayos at pinakatitigan ako sa mata habang hinahalikan ang kaliwang kamay ko.

Hindi ko alam kung anong nangyare saakin but, I only saw myself smiling. I rested my head on his shoulder, ang for the second time, I felt a soft and lingering kiss on my forehead, just like what he did the last time.