Pinupukpok na parang sinasaksak sa sakit ang ulo ko. Gosh! So this is what hangover feels like. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko nagawa, bumalik na lang ulit ako sa paghiga at isinubsob ang mukha sa unan.
Bumukas ng pintuan ng kwarto ko, "Morning party girl!" Cara chirped, sinilip ko siya, "Morning." bati ko in a groggy voice. I received a glare from her. What? What did I do?
Kahit nahihilo pinilit kong bumangon, naupo muna ako at sumandal sa headboard ng kama,
Nag-lakad papalit saakin si Cara at umupo siya sa harapan ko, nakahalukipkip siyang nakatitig saakin, "Hey Cars!" bati ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Oh! I don't know," Kunwari'y nagulat siya sa tanong ko at may paghawak pa siya sa dibdib niya, "Bakit nga ba ako nandito?" tumayo siya at pabalik-balik na nag-lakad sa harapan ko.
"Cars tumigil ka nga, lalo akong nahihilo sayo." saway ko, tumigil siya at nakapamewang na humarap saakin.
"Oh! I know now!.... Nandito ako kasi early in the morning tumawag saakin si tita saying that, na ang unica ija niya ay nag-party kagabi umaga na umuwi and worse.... uminon ng marami hindi naman pala kaya!" pasigaw na bulyaw niya, nahilot ko ang sentido ko dahil sa lakas ng boses niya.
"Cars.. First gimik ko yun kasama mga katrabaho ko, and sobrang nastress ako dahil sa limang araw na trabaho." mahinahong paliwanag ko.
"Alright.. Whatever!"
Humiga ulit ako dahil nahihilo nanaman ako, nararamdaman ko nang bumibigat ang mga talukap ko,
"Nga pala, sino nag-hatid sayo?"
"Mga katrabaho ko," bulong ang naging sagot ko kaya hindi ko alam kung narinig ba niya.
"Lalaki daw sabi ni tita," napa-bangon ako tila nakalimutan ang antok at hilong nararamdaman ko kani kanina lang, namimilog ang matang tiningnan ko si Cara, "Binuhat ka pa nga daw papunta dito sa kwarto mo.." walang ganang sabi niya pero may himig na kuryosidad.
"Ewan... hindi ko maalala." wala sa sariling sagot ko.
"Inom pa more!" ginulo gulo ko ang buhok ko dahil sa frustration, bumuntong hininga ako pilit inaalala ang nangyare kagabi.
"Wala naman siguro akong ginawang kahiya hiya diba?"
"Aba malay ko! Never ka pa namang nagpakalasing kapag kami ang kasama mo." irap niya.
"Asan nga pala si mama? At ikaw wala ka bang trabaho?" tanong ko.
"Umalis si tita, kaya nga tinawagan niya ako diba? Swerte mo lang talaga dahil mamayang hapon pa ang pasok ko."
Nawala na ang hilo at antok ko, bumangon ako at dumiretso sa banyo para maghilamos at ayusin ang sarili ko,
"Bababa na ako, magluluto muna ako ng pananghalian!" sigaw ni Cara, hindi na ako nakasagot dahil nagto-toothbrush ako, narinig ko na lang na tumunog ang pinto tanda na naka-labas na siya.
Pagbaba ko naabutan kong nasa sala si Cara at nanonood ng palabas sa tv, kunot noong lumapit ako sakaniya,"Oh? Akala ko magluluto ka?"
"Bigla siyang dumating eh," turo niya sa kung sinong nasa kusina, iniwan ko siya at naglakad papuntang kusina, naabutan ko ang isang lalaking naka white t-shirt, black pants at white rubber shoes, na may suot na apron at nagluluto.
"VIN!?"
Lumingon siya, "Hi!" kaway niya, lumapit ako para yakapin siya.
"Kamusta? Ilang linggo din kitang hindi nakita ah!"
"Busy lang," sagot niya bago muling bumalik sa pag-luluto.
Sumandal ako sa bar counter habang pinapanood siyang mag-luto, "So... Kamusta na?" tanong ko.
"Ayos lang,"
"No.. I mean.. Kayo ni Cara? Kamusta na kayo?"
"We're good." tipid niyang sagot.
"Good? As in.. Good or... Just good?"
Tinigil niya sandali ang paggisa para lingunin ako, "Good.. As in GOOD. Miss CPA."
Natigilan ako at hindi na nakapag salita, nakatitig lang ako sa likod niya, naguguluhan at kinakabahan. Vin called me Miss CPA, does that mean? No.. That's impossible, why would he... No siguro nagkataon lang. Iwinaksi ko ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. Baka nga nagkataon lang. Pero... Wala naman sigurong masama kung magtatanong diba?
"Uh... Vin ba---"
"Antagal niyo naman magluto!" napalingon ako kay Cara na masayang pumasok sa kusina at niyakap galing sa likod si Vin, napa-iwas ako ng tingin, mabuti pa iwan ko na muna silang dalawa.
"May tatawagan lang ako." hindi ko na sila inantay sumagot at lumabas na ako ng kusina.
Nai-dial ko ang number ni Rafe pero hindi siya sumasagot maging si Jazel, mga tulog pa? Sino tatawagan ko? Si Earl? Kaya lang baka kung ano ano lang sabihin saakin. Si Von? No definitely not. Right! Si Maico na lang. Naka-isang ring pa lang sumagot na kaagad siya,
"Hi!?"
"Ash?" Shit! Yung boses! Kagigising niya lang ba?
"Uh... Morning? Sorry nagising ba kita?"
He chuckled, "Not really, bakit ka pala napatawag?"
"Itatanong ko lang sana kung.. kung ano.. kung sino--"
"Kung sino??"
Kinakain na ako hiya, bakit ba ako tumawag para pa magtanong, ano bang mapapala ko? Huminga muna ako ng malalim, "Sino nag-hatid saakin kagabi?"
Hindi siya agad naka-sagot, "Hello? Andiyan ka pa ba? Maics?" isang halakhak ang narinig ko galing sa kabilang linya. Anong nakakatawa?
"Yes yes! Sorry.. Well... Si Von ang naghatid sayo sa kwarto mo."
"May... may ginawa ba akong kahiya-hiya?"
"Gusto mo ba talaga malaman?" natatawang tanong niya. Napalunok ako sa tanong niya, gusto ko pa bang malaman?
"O...O?"
"Hindi ka sigurdo.. But fine.. Nung nasa bar tayo kagabi after namin sa dance floor nakita ka na lang namin na nakahilig kay Von, you're whispering someone's name.. di lang namin alam kung kaninong pangalan but I'm sure si Von narinig niya 'yun. But you know what's satisfying?" tanong niya.
"Ano?"
"You and Von's faces are only inch apart... Akala nga namin naghahalikan kayo.." natatawang sabi niya
Naubo ako sa sinabi niya, "What!?"
"Yep!" he said popping the P. "At eto pa--"
"Enjoy na enjoy ka ah!"
Tumawa siya, "Of course! Minsan lang kami makakita ng ganoon! So ano? Itutuloy ko pa ba?"
"Oo!" labag sa loob kong sagot.
"Nung pauwi na tayo, sinusubukan kang alalayan patayo ni Von pero nagmamatigas ka... Ayaw mo... kasi sabi mo, gusto mo bridal style! Nung una ayaw pa ni Von pero hinila mo ang batok niya and you whispered..Please! On his ears! So wala siyang nagawa kung hindi buhatin ka in bridal style, mamula mula nga pisnge niya habang palabas tayo ng bar eh! Siya din nag-hatid sayo sa kwarto mo pero hindi na namin alam kung anong nangyare."
Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa mga nai-kwneto niya, mukha kaming naghahalikan? The hell! Ashanti naman...
"You still there Ash?"
"Shut up Maics! Naririnig ko ang bungisngis mo!"
"Sorry!" he said na mukhang di naman sincere.
"Nakita ba nila Rafe?"
"Kinakabahan ka? Don't worry kami lang ni Von, mga lasing na din sila even Earl didn't saw that. Your lucky."
"Geez thanks." note the sarcasm please!
"Alright.. Babalik ulit ako sa pagtulog, See you Ash."
"Yeah... See ya!" I lazily drawled.
May umupo sa tabi ko, "Sino yun?"
"Katrabaho ko," bored kong sagot, "Cars di pa ba tapos mag-luto si Arvino?"
"Tapos na po, kanina pa, inaantay ka lang namin matapos sa ka telebabad mo."
"Tara na. Gutom na ako."
Habang kumakain kami, napapansin kong hindi masiyadong nagpapansinan ang dalawa, hindi din sila sweet kagaya ng lagi nilang ginagawa. Hindi sila nagsusubuan ng pagkain at hindi nila ipinapamukha saakin na single ako. Ngumunguyang pinakatitigan ko sila, may problema ba sila? Kanina lang sa kusina sweet pa silang nagluluto ah.
Tumikhim ako, "May problema ba?" sabay silang natigil sa pag-subo, nagkatinginan sila bago ako tiningnan at sabay na sumagot, "Wala!" nagulat ako sa pagsigaw nila.. Okay may problema nga, itinigil ko muna ang pagkain ko at seryoso silang tiningnan.
"Anong nangyayare?" tumigil si Cara sa pagkain at walang paalam na umalis.
"Teka! Vin anong nangyayare!?" taranta kong tanong, hindi ko na nahabol si Cara dahil narinig ko na lang ang sasakyan niyang paalis. "Vin?"
"Aalis ako Ash." malungkot niyang sabi, nilapitan ko siya, umupo ako sa kaninang inupuan ni Cara sa tabi niya.
"Aalis ka?" tumango siya, "Elaborate."
"Gusto akong i-assign ng company namin sa sister company nila sa New York."
"Gaano katagal?"
"4 years ang contact."
Napaayos ako ng upo, "Pero diba bago ka pa lang? Bakit ikaw kaagad ang ipapadala nila sa ibang bansa? Di ba dapat 'yung mga mas matatanda or mas matatagal na sa company niyo?" naguguluhan kong tanong.
"I was picked. After maging successful yung app na nai launched ng team namin, napasama ako sa mga employees na gustong i-assign sa ibang bansa," malungkot niya akong tiningnan, "Gusto kong i-grab ang opportunity Ash.. Pero si Cara kasi.. She thinks--"
Malungkot ko siyang nginitian, "She thinks magagaya ka kay Colton."
"Yeah."
"Sinubukan mo na ba siyang kausapin ng maayos?"
Umiling siya, "Every time na ioopen up ko yung topic nagagalit siya,"
"Ako na ang kakausap sakaniya." pag-assure ko sakaniya.
"Thanks Ash."
"Anytime."
To Cars:
Cars? Nasa work ka pa ba? Wala na si Vin dito sa bahay, if nasa trabaho ka pa daan ka dito after work mo. Mag-usap tayo.
Hindi nag-reply si Cara sa mga text ko. Inantay ko siya nung linggo pero hindi siya dumating, Monday came wala pa din. Dalawang linggong hindi nagparamdam saakin si Cara. It was Thursday night nang sabihin ni mama na nasa labas si Cara at inaantay ako.
"Cars?"
"Hi! Sorry hindi ako nagrereply sayo," panimula niya
"Ayos lang."
"When is he leaving?"
"A month from now."
"A month from now." ulit niya.
"Cars I know you think.. Na magagaya ka saakin--"
"We are different Ash!" sigaw niya
"Then prove it." hamon ko
Naguguluhan siyang tumingin saakin, "Prove what!?"
"Prove to me that we are different. That what Colton and I had was far different from your relationship with Vin." nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang braso, "Kami ni Colton... We're not together... I know it's not right na iniwan niya na lang ako basta basta... pero walang kami maybe that's why it didn't work, pero kayo.... Kayo ni Vin.. You can make it work."
"Can we really?"
"Of course!"
Niyakap niya ako, "Thanks Ash! Sometimes I think you're the psychiatrist not me." biro niya.
"Now go! Puntahan mo si Vin, mag-usap kayo." tulak ko sakaniya.
Pag-alis ni Cara papasok na ako ng bahay ng may bumusina saakin sa likuran.
"I never thought na magaling kang magbigay ng advice." ngisi ng isang damuhong nakasandal sa big bike niya.
"Anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na ah!"
"Ipapaalala ko lang sayo na susunduin kita bukas?"
"Hindi mo ako mapapasakay diyan," turo ko sa big bike niya, "Nakapalda kaya ako!"
Umayos siya ng tayo, at sumakay na sa big bike niya, "Sino bang nagsabing ito ang gagamitin ko?"
"Huh?"
"Basta susunduin kita bukas," yun lang at pinaharurot niya na ang sasakyan niya.
I hate traffic, bakit naman kasi hindi ako ginising ni mama, tanghali na tuloy akong nagising. Ngayon pa naman ang alis ni Arvino mamaya hindi ko na maabutan.
"Hello Cars!" sagot ko sa tawag ni Cara,
"Aba Ashanti asan ka na? Hindi mag-aadjust ang eroplano para sayo, bilisan mo!.. teka nga pala wag mong sabihin na sinagot mo ang tawag ko habang nag-da-drive ka!?"
"Chill Cars, si Graye ang driver," lingon ko sa kasama ko, naabutan ko na lang si Graye kaninang umaga na nag-aantay sa labas, ang sabi niya sabay na daw kami pumuntang airport, aarte pa ba ako? Libreng gas na 'yun.
"Mag-iingat ka Arvino. At wag na wag mambabae!" pangangaral ni Cara kay Vin, medyo nakakahiya na dahil kung makangawa si Cara ay akala mo naman hindi na sila mag-kikita pa.
"Sige na Vin baka maiwan ka ng eroplano," tinanguan niya ako bago siya lumapit kay Cara at niyakap ito, hihilahin ko na sana si Cara nang bigla niyang tinuka si Vin, talaga naman! Inabot ng ilang minuto ang halikan nilang dalawa samantalang kami ni Graye ay nasa isang tabi at inaantay lang silang matapos.
At first, sobrang nahirapan mag-adjust si Cara sa sitwasyon nilang dalawa ni Vin. There are even times na magrereklamo siya kasi sobrang napupuyat daw siya. One time pa nga nung mag first anniversary sila umiyak saakin si Cara dahil hindi daw niya kasama si Vin. Pero habang tumatagal unti unti na niyang natatanggap ang sitwasyon nila, unti unti nakakapag-adjust na siya sa estado ng relasiyon nila. I must admit, mahirap pala talaga ang long distance relationship... I wonder kung... if ever kaya na... natuloy ang communication namin ni Colton at hindi naputol magwowork kaya ang ldr saamin? Kung may iwowork man saamin...
From Cars:
Kita kits mamaya! 😘
"So ano tuloy tayo mamaya?" napalingon ako sa taong nag-salita, shit! oo nga pala naka pangako nga pala akong lalabas kami mamaya.
"Uh.....kasi--"
"Hindi tayo matutuloy?"
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong sumagot ng oo, hindi ako maka-tingin ng diretso sakaniya,
"Sorry... Bigla kasi kaming nagkaroon ng lakad---"
"It's fine," sagot niya pero ramdam kong hindi okay, gusto kong batukan ang sarili ko, naman kasi naman Ashanti! Nangako ngako ka tapos ganito, talaga naman! Tumalikod na siya para umalis,
"Sandali!" hinawakan ko ang pulsuhan niya para pigilan siya, "Ano... Ano uh.. Kung gusto mo.. Sumama ka na lang saakin mamaya?" nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko, pero bigla din itong naging seryoso, sinusubukang maging mukhang seryoso.
"Are you sure? I mean.. Is it okay with your friends?" tumango lang ako.
"Okay! Anong oras ba?!?" excited niyang tanong.
"Kumalma ka nga! Sasabihan ko pa sila, baka mamaya magulat na lang sila na may kasama na ako samantalang dapat kaming tatlo lang,"
"I am calm." inirapan ko lang siya.
Habang busy siya kakaisip kung paano i-a-approach sina Cara, nag-text na ako para hindi sila mabigla na may kasama ako mamaya.
To Cars:
May kasama ako mamaya.
Wala pang isang minuto akong nag text, nag vibrate na kaagad ang cellphone ko galing sa tawag ni Cara,
"He---"
"Ano yung text mo!?"
"Na may ka---" hindi nanaman niya ako pinatapos.
"Huh! Ano sumagot ka! Sumagot ka Ashanti! Akala ko ba moving on ka pa? Ay hindi tapos na pala siya, pero si ano.. si Graye! Akala ko ba!?"
"CARS!" napangiwi ang mga kasama ko sa lakas ng boses ko, nag peace sign lang ako.
"Cars," tawag ko sa mas mahinang boses, "Nakapangako kasi ako sa tao na lalabas kami... Eh may lakad tayo kay nai cancel ko,"
"Kaya niyaya mo na lang siyang sumama mamaya!?"
"Oo... Sorry!"
"Siguraduhin mong gwapo yan!"
"Cassandra!"
"Joke lang! Grabe makabuo ng pangalan ko ah!... Basta siguraduhin mong maayos yan ah! Marunong makisama! At ayaw ko yung pahiya hiya!" bilin pa niya, tango lang ako ng tango kahit hindi niya nakikita.
"Yung mga kaibigan ko.... mga loka loka din sila, pero mababait yun." napahinto ako sa paglalakad nang may maalala ako, "Atsaka nga pala wag kang mahihiya sakanila, ayaw nila ng mahiyan... huh! Lalo na si Cara."
Hindi siya sumagot kaya hinila ko na siya papasok, ang usapan sa isang bar kami magkikita kita, pero ewan ko ba kay Cara at biglang intimate dinner na lang daw sa bahay niya.
"Ma'am Ashanti andito na po pala kayo, sila Ma'am Cara ata Sir Graye inaantay na po kayo," sabi ni manang pag pasok namin.
Dinala kami ni manang sa pool area ng bahay nila Cara, sa pool naka set up ang dinner, sa isang rectangular table magkatabing naka upo si Cara ata Graye. Pinaghandaan niya ba to?
"Hi guys!" bati ko pagkalapit ko sakanila,
"Ash... May kasama ka pala?"
Nagtatanong na tumingin ako kay Cara, pekeng ngiti lang ang naibigay niya saakin.
"Sorry Graye nakalimutan kong sabihin." alangang sabi ni Cara kay Garye.
"Ayos lang. Upo na kayo."
Bago pa kami maka-upo pinakilala ko na ang kasama ko,
"Uh.. Guys I want you to meet Maico Asuncion, katrabaho ko siya." nilingon ko si Maico, "Maico this is Cara," naglahad siya ng kamay kay Cara, "And this is Graye," nakipag kamay din siya kay Graye, "Mga kaibigan ko."
Hindi pa dumadating ang pagkain namin, kaya naman todo kung maka interview si Cara, samantalang si Graye ay seryoso at tahimik lang na nakikinig sa usapan nila.
"So Accountant ka din?" parang batang tanong ni Cara.
"Oo, 3 years na." naging O ang bibig ni Cara, sinaway ko siya dahil masyado siyang halatang interesado.
"Wow! So mas matanda ka pala saamin! Ilang taon ka na ba? 27?"
"26, turning 27 pa lang." naka ngiting sagot ni Maico.
Habang busy sa pag-uusap sina Cara at Maico tumayo si Graye ng walang ingay at umupo sa isang sun lounger, sinundan ko siya at umupo ako sa tabi niya, pabirong binunggo ko ang braso niya.
"Bakit nandito ka?" tanong ko.
"Wala lang," nilingon niya sina Cara kaya lumingon din ako sa kinaroroonan ni Cara at Maico, "That guy.. Nanliligaw ba siya sayo?" tanong niya habang nakatingin kay Maico.
"Magkaibigan lang kami,"
"Magkaibigan." lingon niya saakin.
Masuyo ko siyang nginitan, "Yes Graye, magkaibigan." pinal kong sagot.
"Guys! Dali na dito, kain na tayo!" sigaw ni Cara,
Natatawang tumingin ako kay Graye, "Tawag na tayo." tumayo na si Graye, nilahad ko ang kamay ko, kinuha niya naman at hinila niya ako patayo, "Makasigaw tong si Cara akala mo nasa kabilang bundok 'yung kausap." bulong ko kay Graye, tumawa lang siya sa sinabi ko.
Tahimik at payapa ang naging dinner namin kasama si Maico, at sa kalagitnaan ng dinner naka video call namin si Arvino, naipakilala ko na din sakaniya si Maico well wala naman siyang naging kakaibang reaksyon maliban sa kakaibang ngisi niya.
Nasa kwarto na ako ngayon at handa na sa pag-tulog ng makatanggap ako ng text, nalaglag pa sa mukha ko ang cellphone ko, hawak hawak ang ilong kong binasa ito.
From Graye:
Can I call?
Tatawag siya? Hindi mapakaling nag iisip ako ng irereply ng mag ring ang cellphone ko.
Tumikhim muna ako at huminga ng malalim bago sumagot, "Hello?"
"Hey!" sagot niya pero nangibabaw sa pandinig ko ang tunog ng isang kanta.
"Nasaan ka?"
"Nasa loob ng sasakyan.. Outside your house." napaupo ako sa naging sagot niya, agad akong tumayo at pumunta sa bintana, hinawi ko ang kurtina, at nakitang nasa labas nga ang sasakiyan niya, at dahil hindi tinted ang salamin nito nakikita ko na nakatungo siya sa manibela habang kausap ako.
"Umuwi ka na." nakasilip sakaniyang sagot ko,
"Mmmm."
Kagat ang labing tinitingnan ko siya, tumingala ako bago huminga ng malalim,
"Sandali, bababa ako." nakita ko pang napa angat siya ng tingin sa bintana ko bago ako tuluyang lumabas sa kwarto.
Paglabas ko ng gate nakita ko siyang naka sandal sa hood ng sasakyan niya, napatigil ako sa paglalakad palapit sakaniya dahil sa intensidad na nakikita ko sakaniyang mga mata.
"Bakit ka nandito? Gabing gabi na."
"I just... I don't know." he honestly told me.
Nasa gate pa din ako nakatitig lang sakaniya, tumayo siya at dahan dahang lumapit saakin, iniiwas ko ang tingin ko dahil hindi ko matagalan ang emosyong nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Nanghihina niyang itinaas ang kanang kamay niya at hinaplos ang kaliwang pisnge ko, hindi ako makahinga ng maayos, sumisikip ang dibdib ko dahil sa ginagawa niya, "Graye." bulong ko. Unti unti siyang lumapit saakin at niyakap ako ng sobrang higpit, pilit nagsusumiksik ang ulo niya sa leeg ko, tuluyan na akong hindi nakagalawa dahil bukod sa higpit ng pagkakayakap niya ay naramdaman kong iniangat niya ang ulo niya para dampian ng halik ang panga ko.
Shit!
Muntik na akong himatayin sa ginawa niya, gustuhin ko man siyang itulak ay hindi ko magawa, para akong nawalan ng lakas dahil sa halik na 'yun.
"G-g-graye." nauutal kong tawag sakaniya
"Mmmm."
"Ang higpit ng yakap mo hindi ako makahinga--" nahihiyang sabi ko, teka bakit ako nahihiya?
"Sorry!" niluwagan niya ang pagkakayakap saakin pero hindi niya din inalis.
Nangangalay na ako, kanina pa kami nakatayo dito sa labas, luminga linga ako sa paligid, kahit alam kong tulog na ang mga kapitbahay namin dapat pa ding manigurado, Hello! Mahirap na, mamaya umagang umaga bubungad saakin mga chismosa.
"Ash--"
Hihikab sana ako pero pinigilan ko dahil sa pagtawag ni Graye "Huh?" nakalabo ang pisngeng tanong ko.
"After Colton left... I thought magkakaroon na ako ng chance, pero hindi ko pa man nakukuha ang chance ko may karibal na kaagad ako." malungkot niyang sabi, pero wala sa sinabi niya ang atensyon ko, nasa kung paano ko magagawang normal ang sarili ko habang pilit pinipigilang humikab sa harap niya. Kakaloka!!
Medyo seryoso siya habang nagsasalita pero nang makitang nakalobo ang pisnge ko at lumalaki ang butas ng ilong, napairap ako dahil sa pigil na tawa niya. Nang makitang inulit ko ulit ang ganoong itsura tuluyan na siyang humalakhak, ang tukmol may paghawak pa sa tiyan.
Nakakatuwa 'yun? Masama ang tingin ko sakaniya pero parang wala siyang pakialam dahil patuloy pa din siya sa pagtawa.
"Masaya!? Masaya ka?" naasar na tanong ko sa tukmol na tango lang ang naisagot saakin at tuloy tuloy lang sa pag tawa.
Talaga naman!