Hugs and kisses
"Kanino ka sasabay Ash?" tanong ni Vin saakin habang akay-akay si Colton at ako naman akay-akay si Cara, nalasing ang bruha.
"Ako na ang mag-hahatid sakaniya" sabi ni Colton sabay akbay saakin.
"Hoy Payong.. Alagaan mo kainigan ko huh. Ikaw na pay---" tinabunan ko ang bibig ni Cara bago pa niya maituloy ang sasabihin niya,
"Cars alam kong lasing ka pero wag ka namang ganyan." bulong ko. Bago ko binalingan ang dalawa.
"Wala akong sasabayan sainyo.. Magda-drive ako pauwi.. Mag-isa."
"Pero mapapalayo ka Ash. Ganito, ako ang mag-hahatid kaya Cara, at ikaw naman kay Colton." sabi ni Vin
Itinuro ko ang sarili ko, "Teka bakit ako?"
"Kasi ikaw. Hindi naman pwede si Graye dahil pare-parehas kami ng way." sinulyapan ko si Graye na kanina pa tahimik at nakikinig lang saamin.
"Okay Ash?" tanong ulit ni Vin habang kinukuha na sa pag-kakaakbay ko si Cara at pinasa naman niya saakin si Colton. Ang bigat ah.
"Ako na mag-dadrive." bulong ni Colton saakin. Ang lapit lapit ng mukha niya saakin naamoy ko na ang minty breath niyang may halong amoy alak.
"Mauuna na ako sainyo," sabi ni Vin at umalis na sila ni Cara, so ngayon ako, si Colton at Graye na lang ang nasa parking.
"Uh.. Mm. Mauuna na din k-kami Graye."
Lilingunin ko na sana siya para mag-paalam ng biglang hinawakan ni Colton ang baba ko at pinaharp sakaniya.
"Saakin ka lang ti-ti-ng-in. Hmmm." nasa balikat ko ang mukha ni Colton, para akong hinahalik halikan ng kaniyang ilong na nasa pisnge ko.
"Tulungan na kitang ipasok siya sa sasakyan?" hindi ko man lang namalayan na nasa tabi na pala namin si Graye.
Nang maipasok namin si Colton, nag-paalam na ako kaagad kay Graye.
"Mauna na kami. Ingat ka.. Uh.. Bye." pero bago ko pa man maisara ang pinto ng kotse hinawakan na niya ito.
"Mag-iingat ka." sabi niya bago yumuko para halikan ako sa noo.
What a Night....
"Susi.. Asan na yung susi mo? Colton ano ba." tina-tapik-tapik ko ang pisnge ni Colton.
"Mmmm. Susi? Nandiyan sa baba.. Kap-kapin mo." bulong niya sa tenga ko.
"Ano?" naitulak ko siya sa sobrang gulat ko,
"Shit aray."
"Sorry. Sorry. Ikaw naman kasi kung ano anong pinagsasabi mo." sabi ko sakaniya habang tinutulungan siyang makatayo, napalakas ang tulak ko nakalimutan kong lasing nga pala siya.
"Ash. Nasa baba ang susi ko. Nasa bulsa ko." ngi ngisi ngising bulong niya.
Nang maka-pasok kami sa loob ng condo niya dinala ko kaagad siya sa kwarto niya.
Malinis ang kwarto ni Colton. Panglalaking panglalaki ang dating. Sa kulay ng mga curtains pati sa design ng kwarto.
"Ugh. Mmmm."
"Ang sagwa mo Colton umayos ka nga." hindi na siya sumagot, nang silipin ko siya tulog na ang tukmol.
"Anong gagawin ko sayo?" pag-kausap ko sa sarili ko.
Hindi ko maiwan si Colton na ganito ang kalagayan. Kaya nag-stay ako at inalagaan ko na muna siya. Kumuha ako ng bimpo at tubig sa kusina. Naghanda din ako ng t-shirt.
Nahubad ko na ang tatlong butones sa polo niya at bubuksan na sana ang pang-apat nang bigla siyang magmulat at hawakan ang kamay ko.
"Anong ginawa niyo? Huh?" tanong niya sabay hila saakin palapit sakaniya.
"Colton!" hinila niya pa ako palapit sakaniya at lalong ipinulupot ang mga braso sa bewang ko.
"I don't care who you are,
Where you from,
Don't care what you did,
As long as you love me."
Kumakanta siya, kinakantahan niya ako it's a backstreet boys song. Ang lamig ng boses niya ang sarap sarap pakinggan.
"Don't care what you did as long as you love me." this time hindi na niya ito kinanta, he said it to me with utmost sincerity.
"As long as you love me."
Hinawakan niya ang buhok ko at hinaplos haplos bago niya ako pinahiga sa dibdib niya.
Nahimasmasan ako nang maramdaman ko nang inaamoy amoy na niya ang buhok ko. Padarag akong tumayo at tiningnan siya ng masama.
Ang tukmol pipikit pikit lang.
"Hoy Colton umayos ka... Akala mo hindi ko alam ang history mo sa mga babae? And I am a witnessed to that, FYI narinig kita one time sa bathroom at---" kung kanina parang patulog na siya ngayon nanlalaking mata niya akong tiningnan, napatakip ako sa bibig ko, halos dumugo na din ang labi ko sa kaka-kagat ko. Shit.
"So it was you..."
"Ah ewan!. Bahala ka na diyan uuwi na ako. Malaki ka na kaya mo na yan" tinalikuran ko na siya
Bumangon siya at naglakad palapit saakin. Hindi pa man ako nakakalapit sa pinto naramdaman ko nanaman ang mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko, tiningnan ko iyon bago ko sinubukang alisin pero hindi siya natinag, ang tukmol ipinulupot pa ang mga braso niya, ang higpit ng pagka-kayakap niya saakin. Nararamdaman ko na ang bilis ng tibok ng puso ko nakadagdag pa nang isinisksik niya sa leeg ko ang ulo niya.
"Stay. Please." he whispered.
We stayed like that, just feeling each others warmth.
Around 5am na ako nakauwi ng bahay, after ng yakapan session pinilit ko si Colton na matulog na dahil napansin kong antok na antok na siya. Before ako umalis ng condo unit niya nagprepare muna ako ng soup para sakaniya, pati gamot nailagay ko na din malapit sa higaan. And I just left a note for him na umalis na ako.
Pag-dating ko sa bahay, buti na lang tulog pa si mama. Pagkapasok ko sa kwarto dumiretso kaagad ako sa banyo para maligo, feeling ko ang lagkit lagkit ko na.
Habang nasa shower bigla kong naalala ang nangyare kagabi, simula nung sinabihan ako ni Graye na maganda hanggang sa hinalikan niya ako sa noo. Hindi ko mapigilang ngumiti tuwing naalala ko na hinalikan niya ako. Kaya lang hindi pa nga ako nakaka move sa ginawa ni Graye bigla namang lumitaw saakin yung saamin ni Colton ano ba yan.
Hanggang sa pagbihis ko nagfa-flash parin sa isip ko yung mga pinag-gagawa nung dalawang tukmol saakin kagabi. Kainis naman. Pero kung tutuusin si Graye naman talaga ang gusto ko noon pa, simula first year Crush ko na siya samantalang itong si Colton gwapo man dina daan daanan ko lang.
Pero... Masama ba kung sasabihin kong... Oo na tama nga si Cara medyo nalilito na ako kung sino ba talaga sakanilang dalawa gusto ko.. Pero..Teka nga bakit ko ba ito iniisip eh hindi ko naman sure kung gusto ako ng isa man sakanila, dahil si Graye sadyang gentlemen lang siya ,si Colton naman babaero lang talaga.
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis.
"Ija?" tawag ni mama sa labas ng kwarto ko.
"Po?"
"Bumaba ka na at kakain na tayo."
Walang gana akong lumabas ng kwarto, nakailang buntong hininga ata ako bago nakarating sa kusina.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Akala ko ba nag-celebrate kayo? Bakit mukha kang pumunta sa lamay?"
"Wala ma, puyat lang."
"Hindi ka mukhang puyat, mukha kang bangkay."
"Ma!"
Tinawanan lang ako ni mama at binigyan pa ng salamin para daw makita ko ang sinasabi niya. Okay fine.. Hindi naman kasi ako nakatulog, sinabi kong 5am ako nakauwi pero wala akong sinabi na natulog ako no. Duh!.
Bandang hapon nang naisipan kong manood na lang ng movie. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng makatanggap ako ng text.
From: Cars
ASHANTIIIII! MAGREPLY KA BILISAN MO!
Napairap na lang ako sa pag-kademanding ni Cara
To: Cars
Oh?
Wala pang isang minuto nag ring na ang cellphone ko.
"Oh?" tanong ko pagka-sagot ko ng tawag.
"Anong oh?, kakaloka ka, oh sa text oh pa din sa tawag."
"Ano ba kasi yun?"
"Si Arvin Ash.. Si ARVIN!" nailayo ko sa tenga ko ang cellophone sa sobrang lakas ng boses ni Cara.
"Uso hinaan ang boses. Anong meron kay Vin?"
"Hinalikan..."
"Hinalikan mo siya?" pagtatapos ko sa sasabihin niya.
"Teka ako agad?.. Pero oo hinalikan ko siya, Ash ano gagawin ko?" naiiyak niyang tanong saakin.
Napa-upo ako ng ayos dahil sa tono ng boses ni Cara, mukhang seryoso to ah.
"Mmmmmm. Akitin mo na sa susunod"
"ASHANTI!"
"Joke lang, paiyak ka na kasi. Pero Cars naman maka react ka diyan parang first time mong mang halik."
"Iba to..." pabulong niyang sabi akala siguro hindi ko maririnig.
"Iba.. Kasi.. Gusto mo siya."
Hindi na siya sumagot at binabaan na ako ng tawag, biglang nag vibrate ang phone ko.
From: Cars
Ganda mo kausap. 😒
To: Cars
IKR. SALAMAT. 😊
From: Cars
PAPUNTA NA AKO SA BAHAY NIYO. HUMANDA KA SAAKIN ASHANTI! 😤
To: Cars
Hala 😱. Takot ako. 😖
Makalipas nga ang ilang oras nasa bahay na si Cara at ngayon hinahampas ako ng unan.
"Okay tama na." sabi ko habang sinasalag ang unan
"Bakit ba ako hinahampas mo?.. Dapat yang labi mo dahil yan ang humalik kay Vin hindi ako."
"Kasi naman ang pula pula nang labi niya tapos parang ang sarap-sarap halikan--"
Natatawa ako sa mga pinag-sasabi niya kaya lang agad napawi ko yun dahil pag-lingo ko sa likod niya nakita ko ang seryosong mukha ni Arvin. Kinakalabit ko si Cara para matigil na siya kaya lang ang loka loka tuloy pa rin sa litanya niya.
"Yung tipong maauubusan ka ng hininga kasi gusto mo lang siyang--"
"Uh! Cars.."
"Halikan lang, yung labi niya di kagaya nung mga dati kong naha--"
Tumayo na ako at kinawayan si Arvin dahil ako na ang nahihiya para kay Cara.
"Hi VIN!" may diin kong bati habang may asiwang ngiti.
"Sa kusina lang ako.. Kukuha lang ako ng snacks. Maiwan ko muna kayo." hinawakan ni Cara ang braso ko para pigilan ako, nilakihan ko lang siya ng mata.
"Mag-usap kayo." bulong ko kay Arvin nang madaan ko siya, tinanguan niya lang ako.
Kakatapos ko lang i-prepare ang snacks at juice nang pumasok ang dalawa sa kusina. Una kong napansin ang ngisi sa labi ni Arvin at ang namumulang mukha ni Cara.
"May CCTV sa sala guys ah baka nakalimutan niyo."
"Ano?" nanlalaking mata na tanong ni Cara samantalang ngumisi lang si Vin
"Joke lang. Gusto ko lang makita reaction niyo."
Nakahinga ng maluwag si Cara sa sinabi ko pero kaagad din niya ako tiningnan ng masama.
"So may round two." natatawa kong sabi habang nagsasalin ng juice sa baso
Hindi naka-sagot si Cara at lalo pang namula ang mukha.
"Yeah we kissed again. Gaya nga ng sabi ni Cara ang sarap-sarap ng labi ko.. Well yung sakaniya.. Hmmm. Pwede na."
"Arvin!"
Tuluyan na akong humalakhak, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ito kasi ang unang beses na nag-blush si Cara at kelan man hindi ko naisip na mahihiya siya kapag pag uusapan ang ganitong bagay.