Chereads / Caught in the Middle / Chapter 14 - Leave

Chapter 14 - Leave

Leave

After our trip to E.K medyo naging busy kami sa practice and all that,  and now, graduate na kami! Oh yes!  Graduate na kami. We finally finished college!

"Cheers!" sabay-sabay naming sigaw habang naka-taas ang mga wine glass namin.

"The last time we celebrate something like this beer lang ang hawak natin--" napatingin ako kay Colton at Graye remembering what happened that day, "At, hindi pa tayo graduate nun, but now.. Now is a different one, because tonight, we are celebrating our first step towards our dreams." all of us smiled.

"Cheers!" pangunguna ko

"Cheers!" pag-sunod naman nila.

"So ano nang plano niyo?" tanong ko sakanila pagkatapos.

"Well ako mag-rereview, obviously." sabi ni Cara

"May offer na ako sa isang tech company." si Vin ang sunod na sumagot, we all congratulated him.

"Work. Sa company namin and I'll take Masteral." sagot naman ni Graye

Napa tingin kami kay Colton dahil siya na lang ang hindi pa sumasagot.

"Masteral." maikli niyang sagot na nagpakunot ng noo ko.

Napabuga siya ng hangin ng makitang nag aantay pa din kami ng idudugtong niya.

"Kagaya din kay Graye..  Magta trabaho at mag-aaral din ako--" tiningnan niya muna ako bago siya nagpatuloy. "Sa ibang bansa."

He's leaving?

He is leaving.

Kahit may kirot at lungkot akong naramdaman, nginitian ko siya ng buong puso.

"So kelan ang alis mo?" tanong ko, naka ngiti pa din.

"Medyo matagal pa naman. I still have to train here." as he said those medyo nakahinga ako ng maluwag,  medyo matagal pa naman pala. Pero may kirot pa din.

"Matagal pa naman pala!" medyo pasigaw at may diing sabi ni Cara, saamin or saakin? Don't know.

"Enough of that, let's just enjoy this night. Come on guys! Dapat masaya tayo kasi wala nang quiz at exam." sabi ni Vin and because of that the mood instantly change.

We ended the night filled with laughters and joy. Looking back, before celebrations like this, it's just Me and Cara, ngayon lima na kami. How funny, because I never imagined that they will be my friends.

Ever sine sinabi saamin ni Colton na aalis siya para mag-aral sa ibang bansa palagi na niya akong dinadalaw,  just like today. Nasa sala ako, nagkakape at kagigising lang nang sabihin ni mama na nasa labas si Colton.

Natataranta ako hindi alam kung anong uunahin, ubusin ba yung kape? Mag susuklay? Or mag papalit ng damit, pero, hindi pa nga ako nakakapag desisyon nakikita ko na siya sa may pintuan at naka ngisi saakin. Dahil nandiyan na siya, nakita na naman ako pinag patuloy ko na lang ang pagkakape at kunwari walang pake.

"Morning." bati ko nang hindi siya tinitingnan.

"Morning. So.. Masarap ba uminom ng hangin?"

Natigilan ako at sinilip ang baso ko, doon ko lang narealize na wala na pala akong iniinom. Shems! Tumikhim ako at umayos ng upo bago siya tiningnan na parang wala akong ginawang kahiya-hiya.

"Pasok ka bakit ka ba nakatayo diyan?"

Nang maka upo na siya, naisip kong maling idea pala na paupuin siya.  Nakakahiya yung suot ko.

Iniiwas ko ang tingin sakaniya, "So bakit ka nandito? Nanaman? "

"Wala kang review today right? So.. I was wondering if gusto mo lumabas?" diretso at wala niyang prenong tanong.

"Saan pupunta?"

"Mall"

"Wow! Mall.. Pumunta ka para yayain akong pumuntang mall. Wow. " walang reaction kong sabi

"Yeah"

"Okay fine. Bigyan mo ako ng 2 hours." tumayo na ako para maghanda.

"2 hours?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Opo,  dalawang oras.  Para mag ayos at maligo dahil nakakahiya naman po saiyo aalis tayong naka pantulog pa ako." hindi siya sumagot at ginalaw lang ang relo niya.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Nag set ng timer."

"Timer? Para saan?"

"Timer,  para kapag lumagpas ang dalawang oras at di ka pa tapos, aakyat na ako sa kwarto mo para silipin ka..  Mamaya kasi,  nalunod ka na di ko pa alam."

"Ha Ha Ha. " naiiling akong umakyat para mag ayos na.

Ito na yata ang pinaka mabilis kong ligo,  kaya lang sa pag bihis naman ako natatagalan, kanina pa ako naghahanap ng masusuot wala pa din akong makita, alam mo yung feeling na ang dami dami mong damit pero di ka makapili ng isusuot. Napahilamos na lang ako sa mukha ko, teka nga, bakit ba pinoproblema ko yung susuotin ko, samantalang dati naman kung anong una kong sukatin yun na ang susuotin ko. "Kasi nga si Colton kasama mo," bulong ng isip ko.

"Ilang minuto na lang! Nasa unang hagdan na ako Ash!"  sigaw ni Colton sa baba, dahil takot ko lang na umakyat siya kinuha ko na lang ang isang red dress na lagpas tuhod. Nang tingnan ko ang repleksyon ko sa salamin, okay na ito. Mukha na naman akong tao,  habang nakatitig ako sa sarili ko hindi ko mapigilang matawa dahil talagang nag ayos pa ako para lang kay Colton, sa mall lang naman kami pupunta.

Pagka baba ko, nakatayo na siya malapit sa pintuan. "Tara na." atat niyang sabi.

Nang nasa sasakyan na niya kami, hindi ko pa man naisasarado ang pinto ng kotse,

"Ija... Saan ka pupunta?" napalingon ako kay mama na nakatayo sa may gate.

"Sa mall ma,"

"Sino yang kasama mo?" tanong ni mama habang sinusubukang silipin ang kasama ko. Nilakihan ko ang pagkaka bukas ng pinto ng kotse para makita niya.

"Ay, Colton ijo! ikaw pala yan." natutuwang sabi ni mama. Napairap na lang ako dahil biglang lumiwanag ang mukha ni mama.

"Opo ma, si Colton po kasama ko, aalis na kami ma baka matraffic pa kami."

"Osiya siya,  mag-iingat kayo, Colton ijo magdahan dahan sa pagmamaneho."

"Yes tita."

Sinarado ko na nag pinto ng kotse niya, dahil hahaba pa ang usapan.

Hindi naman kami inabutan ng rush hour kaya maaga kaming nakarating sa mall, pagka park ng sasakyan dumiretso na agad kami sa loob.

Naglalakad kami sa loob ng bigla niya akong inakbayan, nilingon ko siya, "Ano yan? Bakit may pag-akbay?" nagkibit balikat lang siya kaya hinayaan ko na.

"Kumain ka na ba??" tanong ko sakaniya nang mapadaan kami sa mga fastfood chains, umiling lang siya.

"Kumain na muna tayo, early lunch." bago pa siya makatanggi, hinila ko na siya papuntang KFC.

Habang kumakain kami, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko, nang tingnan ko,

"Si Cara tumatawag," sabi ko sakaniya habang pinapakita ang cellphone ko.

"Hello?"

"Heeellooooo!" Cara chirped

"Cars? Bat ganiyan boses mo?"

"Wala naman. Wala... Nandito lang naman ako sa bahay niyo--"

"Nasa bahay ka?"

"Oh Yes! And, nalaman ko kay tita na.. Nasa mall ka!.. With Colton.."

"Niyaya niya ako."

"Right. Niyaya ka niya, for like..  Magkakasunod na linggo? Wow! Care to tell me something Ash?"

Nilingon ko si Colton nang kalabitin niya ako, "Is everything okay?" tumango lang ako.

"So....  Is everything okay daw ba?" panggagagya ni Cara kay Colton, inirapan ko siya kahit di niya nakikita.

"Tawagan na lang kita mamaya."

"What? Ang daya! Ash na---" binabaan ko na siya, bago niya pa matapos ang sasabihin niya.

Ibabalik ko na sana sa bag ang phone ko ng maka receive ako ng text kay Cara.

From: Cars

How dare you hang up on me! Humanda ka saakin kapag nakita kita😤.

Hindi ko na ako nag reply. At nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Bakit tumawag si Cara?" tanong ni Colton.

"Wala, sinabi niya lang na nasa bahay daw siya."

"So saan tayo? After dito?" pag iiba ko ng usapan.

"Cinema?"

"Cinema? Okay tara na,  tingnan natin kung ano ano mga available movies nila."

Habang papunta kami sa Cinema di ko mapigilang maalala yung araw na si Graye ang kasama kong nanood, that time ang saya saya ko kasi it felt like a dream come true, I mean, since first year crush ko na siya, but now. Everything felt like a memory, yung feelings ko sakaniya, lahat lahat. Nilingon ko ang katabi ko, and this guy, he actually. He taught me a different one, made me feel something I wanna keep feeling. Now I understand, Graye is a friend while Colton is a friend too, a special kind of friend.

Wala kaming nagustuhan na movie, so we end up in an arcade. Halos lahat ng pwedeng laruin nilaro naming dalawa, we even battle sa shooting, at sino pa bang nanalo, syempre.. Ako! I know right!  Even Colton cannot believe it too, na natalo ko siya sa shooting. Nang makaramdan kami ng pagod tsaka lang namin naisipang tumigil sa paglalaro.

After sa arcade,  naglibot libot na lang kami sa mall, and all throughout nakaakbay siya saakin.

Nasa sasakyan na kami ngayon,  pauwi na, or so I thought dahil iba ang route na dinadaanan niya.

"Saan tayo pupunta?"

"We're gonna meet some friends, or else they will definitely grill us."

"Huh?"

"You'll see."

Hindi na lang ako umimik at pinagmasdan na lang ang mga buildings na nadadaanan namin.

"We're here." he announced as he park his car in a resto bar.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko pagka-baba ng sasakyan. Ngunit hindi pa man niya ako nasasagot...

"Aray!" nilingon ko ang taong bumatok saakin at saktong pag-harap ko pinitik naman ako sa noo.

"Cars nakakadalawa ka na!" inis na sabi ko kay Cara na inirapan lang ako.

"Kasalanan mo... How dare you hang up on me?" inis na usal niya.

"Sorry na..." paglalambing ko habang tunog nagpapaawa.

"WHATEVER!" sabi niya bago binalingan si Colton.

Nakapamewang niya itong hinarap sabay duro dito, "Nanliligaw ka na ba? Or kayo na?" nanlalaking mata kong nilingon si Cara, nilapitan ko siya at agad na tinakpan ang bibig niya....

"Sorry Colton.. Medyo baliw lang to si Cara alam mo naman 'yun diba? Kaya wag mo na lang pansinin sinabi niya, hindi kasi to naturukan ngayong araw." tiningnan ako ng masama ni Cara

"It's fine. Sanay na naman ako kaya Cara. Pasok na tayo sa loob?" naaaliw na sabi ni Colton.

"Sige sige.. Una ka na.."

Nginitian niya lang kami bago siya pumasok sa loob. Tiningnan ko ng masama si Cara but she just rolled her eyes..

"Umayos ka Cars... Lagot ka sakin..." babala ko, nang itinaas niya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko saka ko lang inalis ang kamay ko sa pagkaka-takip sa bibig niya.

Pag-pasok namin sa loob nagbubulungan ang tatlong tukmol at magkakalapit na tila ayaw ipadinig sa iba ang kung ano mang pinag-uusapan nila.

At, bilang isang dakilang tsismosa si Cara pilit siyang nagsusumiksik sa tatlo, "Ano yan... Ano pinag-uusapan niyo!?"

"WALA!" sabay na sagot ng tatlo, nagkatinginan kami ni Cara at tiningnan sila Vin ng may pagdududa.

"It's nothing guys.. mabuti pa umupo na kayo." sabi ni Graye

"So...." panimula ko, "Anong meron? Bakit tayo nandito?"

"I actually don't have any idea, bigla na lang din akong nagulat na nasa labas na siya ng condo unit ko." sabi ni Vin habang naka-tingin kay Cara.

"Okay. Sorry for the short notice, masama bang mag-kitakita ulit tayo? I miss you guys. We were all busy!" naka-ngusong sabi ni Cara.

"Nandito na naman tayo, might as well enjoy this right?" sabi ko, tumango lang sila.

All of us talked everything we had missed from the month's we haven't seen each other. We found out that, the app Vin launched was successful, Graye was still working on his dad's company, while me and Cara are, well still reviewing for the boards. Samantalang si Colton hindi na namin masyadong tinanong dahil alam naman namin na ang pinagkaka-abalahan niya lang ay ang mga papeles para sa pag-alis niya.

When it was time to leave, "Saakin ka na sumabay," bulong ni Colton, tumango lang ako. I don't know pero I feel like I still want to be with Colton. Nang palabas na kami hinanap ko si Cara at nakitang kausap niya si Vin, nilapitan ko siya para mag-paalam.

"Cars kay Colton ako sasabay."

Naka-tingin lang siya saakin, medyo natagalan pa siya sa pag-sagot, "Mag-iingat kayo." she smiled sadly.

"Are you okay?" tanong ko Cara pero kay Vin ako naka-tingin

"Yeah!" this time mas genuine na ang ngiti niya.

Nasa byahe na kami ngayon para umuwi. Habang nag-mamaneho si Colton maya't maya ko siyang nililingon. Wondering what's going on with me and him. Or meron nga ba? Nahilot ko ang noo ko dahil masiyado nanaman akong assuming. Talaga naman Ashanti!! Habang nagmumuni muni ako hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay... Bumaba na ako, sumunod si Colton.

"Ash--" there was hesitation in his voice.

"Mmmmm?" hindi siya maka-tingin ng diretso saakin, nag-antay pa ako ng ilang segundo, pero makalipas ang isang minutong katahimikan napa-buntong hininga ako, "What is it? You want to tell me something?"

Tinitigan niya muna ako bago siya sumagot,

"I'm leaving tomorrow."

Natigilan ako sa sinabi niya, hindi alam ang dapat maramdaman, dapat akong maging masaya diba? He once told me na he actually wants to be with his grandpa.. Ayaw man niya sa ibang bansa gusto niya pa ding makasama ang lolo niya. And besides, a friend should support a friend. Yeah, a friend.

Malapad ko siyang nginitian, "Wow! I-- I'm-I," huminga muna ako ng malalim, "I'm happy for you."

"Ash--"

Hindi ko siya pinatapos, "Bakit hindi mo sinabi sa iba?" tanong ko.

"They already knew."

"Oh! Right." nanginginig na ang labi ko kaka-ngiti. So the talk wih the boys kanina pag-pasok namin ni Cara and yung malungkot na ngiting ibinigay saakin nila Vin kanina bago umuwi.. all along it's because alam nilang bukas na ang alis ni Colton.

Kasabay ng pamamanhid ng labi ko kakangiti ang pamamasa ng mata ko, hindi ako pwedeng umiyak.. hindi ako iiyak sa harapan niya.

"I'll miss you." he sincerely told me.

"I'll miss you too." naiiyak kong sabi sakaniya, without second thought I hugged him, tightly as I could afraid that if I let go he'd slip away.

"Ija.. wala ka bang balak sagutin 'yang tawag? Kanina pa ring ng ring ang cellphone mo." sabi ni mama.

Napatingin ako sa cellphone ko, nakaka-ilang tawag na sina Cara at Vin saakin, maging si Graye ay tinadtad na din ako ng missed calls. After I hugged Colton last night, pinagtulakan ko na siyang umuwi saying na bawal siyang mapuyat baka maiwan siya ng eroplano, he insisted on staying kahit ilang oras pa but... I was persistent on telling him to leave kaya wala siyang nagawa kung hindi ang umalis. It was painful to see him leave last night so I made up my mind na hindi ako sasama sa pag-hatid sakaniya sa Airport, that's why tawag sila ng tawag saakin ngayon.

At dahil gusto ko din malaman kung naka-alis na si Colton nang mag-ring ulit ang cellphone ko, sinagot ko na ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag,

"Hello?"

"Ash--" natigilan ako, balak ko na sanang ibaba pero hindi ko ginawa, I wanted to hear his voice. "I'll leave in a minute, nasa eroplano na ako but, I won't say goodbye to you, instead of goodbye, I think I'll see you soon is better-" huminga siya ng malalim,

"I'll contact you after I landed, mmm?" mag-sasalita na sana ako nang makarinig ako ng boses ng babae, it's the flight attendant, "I'll see you soon.." he said then ended the call.

"I'll see you soon, take care Colton." bulong ko sa hangin dahil hindi na niya ako naririnig.