Picture
Since tapos na kami sa lahat ng requirements na kailangan two weeks before the graduation na-isipan namin na pumuntang Amusement Park sa Sta. Rosa. Kung noon sa Pilillia ako si Vin, Colton at Cara lang, ngayon nadagdagan kami ng isa, si Graye. Noong una medyo nagka-kahiyaan pa lalo na kaming dalawa ni Graye dahil dun sa nangyare few weeks ago, pero kalaunan naging komportable na din naman kami sa isat-isa. Kung tutuusin nga sa aming lahat ako ang pinaka-close niya.
Pagdating naman sa E.K. para kaming mga batang excited na nagtakbuhan kay Elder. Bago kami tuluyang pumasok sa loob nagkanya kanya muna kaming papicture sa tabi ni Elder nang magsawa saka namin naisipang pumasok na.
Ang ganda talaga ng E.K, pagpasok mo pa lang matatanaw na kaagad ang Victoria Park kung nasaan ang Grand Carousel at ang fountain. Pero kagaya ng palagiang nakasanayan inuna naming puntahan ang EKstream Tower, bago kami makarating sa tower nadaanan muna namin ang mas maliit na version ng tower ang Bouncing Boulders, nadaanan din namin ang malalaking Hot Air Balloons the Up,Up and Away.
Nagta-tatalon na parang bata si Cara nang nasa harapan na namin ang tower at rinig na rinig na namin ang sigawan ng mga naka-sakay dito.
"Ayan na guys bilisan niyo wala pa masiyadong tao." excited na sabi ni Cara.
Isa pang batch bago kami, kaya habang wala nag-picture picture muna kaming lima. Pero ang mas masaya ay ang manood ng reaction ng mga naka-sakay sa tower, medyo brief nga lang dahil mas matagal pa ang pag-taas kesa ang pag-bagsak ng tower. Nang kami na ang sasakay hindi na mapakali si Cara para na siyang bulate na binudburan ng asin, nang lingunin ko naman sina Vin, Colton at Graye hindi ko alam kung matatawa ako sa reaction nila or maaawa paano ba naman kasi namumutla na silang tatlo, parang anytime mahihimatay na sila. Kahit gustong-gusto ko silang asarin hindi ko na ginawa dahil baka mamaya pag-kinausap ko sila tuluyan na silang bumagsak. Bago kami pinasakay sa tower pinahubad muna saamin ang mga bag na suot namin maging mga cellphone at camera.
At dahil lima lang kami may mga kasabay kaming ibang tao. Hindi pa man umaandar ang tower sumisigaw na ang mga katabi namin.
"Ayan na umaakyat na ang tower." sabi ni Cara
Gustuhin ko mang makita ang mga reaction ng mga kasama ko hindi ko na sila pinansin at nai-focus ko na lang ang atensyon ko sa ganda ng view na nakikita ko, kung tutuusin kung gusto mo makita ng malayuan kung gaano kaganda ang E.K, EKstreme Tower ang dapat mong sakyan, well pwede din naman sa Wheel of Fate pero kasi iba pa rin ang view sa tower mas maganda.. Panandalian nga lang dahil kung gaano kaganda ang nakikita mo sa itaas ilang segundo lang maririnig mo na ang mga sigaw na...
"AYOKO NA....."
"MAMA!...."
"YUNG KALULUWA KO..."
Sigaw na parang nag-sisisi silang sumakay pa sila. Hindi naman lahat sumisigaw yung iba tumatawa dahil sa reaction ng katabi nila pero yung iba walang ka rea reaction kagaya na lang nung tatlong tukmol. Nang maka-baba kami dire-diretso lang sina Vin na nag-lalakad sa exit nakalimutan na ata nilang kasama nila kami.
Kinalabit ako ni Cara, "Anyare sa tatlong yun?" nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko din alam.
Bago kami tuluyang umalis tiningnan muna namin ang mga picture namin, si Cara naka-taas ang dalawang kamay at halatang hata na nag-eenjoy, ako naman walang reaction, ano ba yan dapat pala mgumiti ako pero ang mas nakakatuwa yung tatlo mga naka-hawak sa safety belt nila at walang reaction, actually mga mukha silang constipated. Tinawanan namin sila ni Cara, tumigil lang kami nung tiningnan na nila kami ng masama.
At dahil maaga pa naman sasakay muna kami sa siguro dalawa pang rides. Kaya lang nung niyaya ko silang sumakay sa Roller Skater umayaw sila at itinuro ang Anchors Away. Okay Fine...
Habang pumipila kaming lima, may naririnig akong bulungan sa likod at harap namin, yung iba may tinuturo turo pa sa likod ko, nang lingunin ko kung sino yun, yung tatlong tukmol pala. Hanggang dito ba naman may fans sila.
Sa pinaka dulo kami umupong lima, hindi kami mag-katabi ni Cara dahil si Vin ang kalampungan niya, samantalang ako eto napapagitnaan nina Colton at Graye.
"Kinakabahan ba kayo?" tanong ko sa dalawa nang hindi sila tinitingnan.
Nilingon nila akong dalawa at sabay pang umiling. Nararamdaman ko na, unti-unti nang umaandar ang ship, sa una medyo mabagal pa habang patagal ng patagal pataas ng pataas din ang pag-swing ng ship, umaabot na nga kami sa puno. Tiningnan ko ang mga kasama ko, mukhang mas ayos to kesa sa tower dahil dito mukhang nag-eenjoy sila, mga naka-ngiti sila hindi namumutla. At dahil loka loka si Cara hinamon niya kaming apat na itaas ang mga kamay namin at dahil uto-uto kami ginawa din naman namin.
Pagka-baba namin, naisipan na naming kumain muna, sa foodcourt kami kumain para malapit sa Jungle Log Jam, yun ang susunod na sasakyan namin. Dahil hindi naman pwedeng sumakay kaagad kami kahit katatapos pa lang namin kumain naisipan muna namin sumakay sa Swan Lake, pero dahil lima nga kami may isang walang kasama.
"So kami ni Vin ang mag-kasama." sabi ni Cara habang pinupulupot ang braso kay Vin.
"Sino ang kasama mo Ash?" nanunudyong tanong ni Cara.
"Ako," Graye
"Me," Colton
Napatingin ako sa dalawa nang sila na ang nag-desisyon para saakin. Wow lang huh.
Tiningnan ko ng masama yung dalawa, "Wala.. Wala akong kasama."
Napalingon silang apat saakin, inirapan ko lang sila.
"Hindi ako sasakay.. Ako ang magging photographer niyo." nangi ngiting sabi ko sakanila,
"Kaya kayong dalawa ang mag-kasama." nakitaan ko ng disgusto yung dalawa dahil sa sinabi ko, pero dahil mapilit ako wala na din silang nagawa.
"Smile." natatawang sigaw ko kay Graye at Colton, napatingin na ang ibang tao saakin dahil kanina pa ako sigaw ng sigaw dito. At dahil tinamaan na ako ng hiya nag-picture na lang ako ng nag-picture.
"Ano pwede na? Tatlong rides pa ang sasakyan natin." tanong ko ng tapos sila sa swan.
Hindi nila ako sinagot at nagdire diretso lang sa pag-lalakad. Naiiling na sumunod ako sakanila habang tinitingnan ang mga pictures.
Napalingon ako ng may tumabi saakin, "May I?" tanong ni Colton.
"Sure." sabi ko sabay abot sakaniya ng camera.
"Ano to?" natatawang tanong niya.
Pinakita niya saakin ang picture niya na nasa may swan habang naka simangot at ang ang isa naman ay parang ang sweet sweet nila ni Graye. Natawa din ako sa nakita ko.
"Ano nga ba? Ikaw ah.. Baka mamaya may aaminin ka saamin." panunukso ko sakaniya.
"Ah.... Ganoon.. Gusto mo bang patunayan ko sayo.. Baka--"
"Hahalikan mo ako? Dude! ancient na yan. Wala na bang bago?" pang-aasar ko.
"Who says I'm going to kiss you?" tanong niya.
"Huh?" nalilito ko siyang tiningnan.
"Gaya nga ng sabi mo Ancient way na yang halik halik na yan--" magkatabi na kami pero mas lumapit pa siya saakin,
"So...?" kinakabahan ako hindi sa sasabihin niya kung hindi dahil sa distansya naming dalawa kung meron man.
"So... What I'm gonna do, is ask you a chance to prove to you that I am man enough to be with you." bulong niya saakin. Shit.
"OKAY... Tama na yan, humahaba na ang pila sa jungle log." pag-singit ni Cara,
"Thanks Cars." bulong ko sakaniya
"No prob."
Sumakay kami ng jungle log ng walang imikan medyo hindi tuloy namin na enjoy, pasimple kong nilapitan si Cara para hingin ang tulong niya.
"Cars ang tahimik na," nahihirapang bulong ko dahil sinisilip-silip kami ni Vin.
"Ako na ang bahala," pag-a-assure ni Cara saakin, tinatapik-tapik pa niya ang kamay kong naka-kapit sa braso niya.
Napa-hinto kami sa pag-lalakad dahil humarang sa daan si Cara at namewang kaming tinitigan.
"Ookay... Since, hindi tayo nabasa sa jungle log--" tinitigan niya muna kaming apat bago siya ulit nag-salita
"Bakit hindi na lang muna tayo sumakay sa Rio De Grande bago sa Space Shuttle hmmm? Ano sa tingin niyo?" nakapamewang pa din niyang tanong.
Nagkibit balikat lang ang tatlong tukmol, tumango naman ako.
"Okay set na, rio de grande muna. Mas masaya kasing sumakay sa space shuttle ng basa, ewan ko kung bakit." nangingiting sabi ni Cara.
Pumila kami ng halos 30 min. sa rio de grande, well, mabilis pa nga yun eh, dahil usually ang normal is talagang almost 1 hour dahil sa dami ng gustong sumakay. May kasabay kaming ibang tao, babaeng mag-kakaibigan, at gaya ng dati pasulyaup-sulyap sila sa tatlong tukmol, napairap na lang ako.
Unti-unti nang umiisod ang sinasakyan namin, pababa na kami sa tubig, kaya lang, ang nakakairita pababa pa lang tumitili na ang mga babaeng kasama namin, kairita huh. Habang patagal ng patagal nababasa na kami.
Natatawang itinuro ni Cara ang kaliwang hita ni Vin, "Vin ano yan? Ihi? Gosh! Tanda tanda mo na umiihi ka pa goodness" tatawa tawang pang-aasar niya.
"Ikaw? Wag ka tumawa diyan, tingnan mo nga sarili mo para kang basang sisiw. " pang-aasar din ni Vin na may pahawak hawak pa sa buhok ni Cara na akala mo kaliligo lang.
Si Graye, Colton at ako ay hindi pa basang basa, mga braso at talsik ng tubig lang ang---
Binabawai ko na... Pag-dating sa may falls tuluyan na nga akong nabasa, ang malala nabasa ako habang tumatawa, nakainom tuloy ako ng tubig.. Konti lang naman. Right!
"Ano gurl yummy ba ng tubig?" ngayon hindi lang si Cara ang tumatawa sa sinapit ko maging ang tatlong tukmol humahalakhak na din.
Tiningnan ko sila ng masama pati yung mga babae na kasama namin, nakiki tawa di naman namin kilala. Kaya lang, dahil nga loka loka ang mga kaibigan ko tuloy pa din sila sa pag-tawa, hindi pa nga sila nakaka move on, nabasa nanaman ako.
The whole ride ako ang pinaka nabasa, pero hindi ko malilimutan yung mukha nung mga babaeng kasama namin, paano ba naman dahil nagpapa cute nga sila kina Vin nung nabasa sila hindi man lang sila nag react kahit gustuhin man nila. Tuloy ayun kami ni Cara tawa ng tawa dahil sa itsura nila. Okay bad but, sorry can't help it dapat kasi nakita niyo yung reaction nila. Hanggang matapos tawa pa din kami ng tawa, pati sila Vin naki tawa na din pagka baba namin.
"Sooo.. Hanggang dito pala may mga fans kayo. " tuwang tuwang sabi ni Cara na may pahampas hampas pa sa braso ko.
Nang matigil si Cara sa kakatawa, pumila na kami sa space shuttle.
Hindi na muli kami nag-try sumakay sa iba pang rides, mas pinili na lang namin mag libot libot at mag laro ng mga games. Nanalo pa nga si Vin ng isang human size panda stuff toy, at kanino pa ba mapupunta ang prize, kay Cara..
Tumingin ako sa relo ko at nakitang isang oras na lang ala sais na. Nasa isang bench kami at nag mamasid lang sa mga tao, iba ibang mukha at expression ang makikita, may magka kaibigang tumatawa, pamilyang masayang kumakain, magkarelasyong parang nasa ibang mundo.
"Anong oras tayo uuwi?" tanong ko sa mga kasama kong parang may sari sarili ding mundo.
"Maya maya." Cara answered lazily.
Tumango lang ako. Nag intay pa ako ng ilang sandali bago ako tumayo sa harap nila.
"Picture tayo." it wasn't a question.
"Picture? Nag picture na tayo kanina pag pasok diba?"
"Cars solo pics yun." tumayo si Cara tila nabuhayan nang ma gets ang ibig kong sabihin.
"Right.. Solo pictures yun.. Ngayon.. Mag pi picture tayong lahat. " may diing sabi ni Cara habang tinuturo kaming lahat.
Pumayag namam ang tatlong tukmol. Nag tanong kami sa isang staff ng E.K kung pwede ba niya kaming picturan, pumayag naman siya. Ang pwesto namin is, Si Graye, Ako, Colton, Cara at Vin.
Unang shot namin is mga nakatayo lang kami at nakangiti. Sa pangalawa magkaka-akbay kaming lima at ang pinaka-maganda ang pang huling shot kung saan magkaka-akbay kaming nakatalikod sa camera. It was more like a candid shot of friends which shows happiness even without the camera, but what makes it even more magical is the sunset that was captured with us.