Chereads / Caught in the Middle / Chapter 11 - Number

Chapter 11 - Number

Number

Time flies so fast. Ilang linggo na lang graduate na kami. I know.. ang bilis diba parang nung kelan lang pasukan pa lang ngayon ga-graduate na kami. I actually didn't expect na makaksabay ako sakanilang gumraduate since supposed to be five years ang course ko, but I pursued it for four years.. well hindi siya madali dahil para sabay sabay kaming gumraduate I always took summer classes. Well it's worth it naman dahil bukod sa kasabay nila akong ga-graduate I also have a latin honor kaming tatlo actually, ako si Vin at Cara ang alam ko nga pati si Colton meron din.

"The time present of things is memory; the time present of things present is direct experience; and the time present of things future is expectation." paliwanag ni Cara kay Vin

Nasa library kami ngayon at nakikinig lang ako habang nag-uusap sila about time, Cara is explaining to Vin, St. Augustine's reflection on the relations between time and memory, hindi ko actually alam kung paano sila napunta sa topic na yan, basta nung nakita ko silang dalawa kanina ayan na ang pinag-uusapan nila, hindi ko din alam kung alam ba nilang nasa harapan lang nila ako, masiyado silang focus sa isa't-isa na hindi man lang nila ako napapansin. How cute.

Inabot pa ng ilang minuto bago nila ako napansin at ang dalawa gulat na gulat pa ng makita ako sa harap nila na tinititigan sila habang nakapangalumbaba.

"Oh anong nakaka-gulat? Mga mukha niyo.. Kanina pa po ako dito. Kaloka kayo. Itong table lang ang pagitan natin ni hindi niyo man lang ako naramdam." iiling-iling kong sabi sakanila.

"Focus na focus tayo ah," pang-aasar ko pa sakanilang dalawa, at mas ikinatuwa ko ay nung mamula silang dalawa. Itong dalawang to napag-hahalataan.

"Ikaw Ash what do you think about time?" tanong ni Cara diverting the topic, nginisian ko siya dahil alam kong wala talaga siyang balak na tanungin ako nagkataon lang talaga namumula na sila sa hiya, sa pag-ngisi ko lalo pang namula ang loka loka.

"Time... Time is something that people measure within their own memory. Time is not a feature or property of the world, but a property of the mind." sagot ko sa tanong ni Cara para madivert ang usapan at mawala ang awkwardness ng dalawa.

Nagdedebate ulit ang dalawa tila nakalimutan na kani-kanina lang ay inaasar ko sila, napaangat ako ng tingin nang may tumayo sa gilid namin.

"Hey." sabi ni Graye habang tinitingnan ako,

"Graye." usal ko.

"Can I borrow you for a minute?" tanong niya saakin, nilingin niya din sila Vin maybe asking for their permission.

"Sure." sabi ko sabay tayo at sunod sakaniya palabas ng library

"Anong meron?"

"I just want to congratulate you. I heard you have latin honors."

Nag-aantay ako ng kasunod pero wala. Yun na yun? Pinuntahan niya ako para lang icongratulate? Nag-antay pa ako ng ilang segundo baka kasi may kasunod pa pero wala talaga, tumikhim ako bago nagsalita.

"Uh.. Thank you. Ikaw din naman may honors. Congrats." sabi ko sakaniya pagka-tapos hinampas ko ang braso niya para mabawasan ang hiya na nararamdaman ko.

"I'll treat you later, okay lang ba?" pinamulahan ako ng mukha sa tanong niya. Niyayaya niya ba akong makipag-date? Pero teka wala naman siyang sinabi--

"You can bring your friends." oo nga sabi ko nga.. Sabi ko nga hindi date.. ang assuming ko talaga.

"Actually may celebration din kami mamaya.. Uh.. Kung.. Kung gusto mo sumama ka na lang saamin." pagyaya ko sakaniya.

"Okay lang kaya sakanila?" tanong niya na tila nag-aalangan. Kanina siya nagyayaya ngayon naman siya na yung nahihiya.

"Oo naman. Ayos lang yun. Saka apat lang naman kami."

"Alright, tatawagan na lang kita mamaya." sabi niya nagre-ready na para umalis.

Pero sandali...

"Teka Graye." tawag ko sakaniya, napatigil siya sa pag-lalakad at bigla akong dinalaw ng hiya dahil sa ginawa ko. Shems naman ang lakas pala ng boses ko. Pero kunwari wala akong pake, dire diretso lang ang lakad.

"Tatawagan mo ako mamaya?" tumango siya

"Pero... Kasi.. Paano mo ako tatawagan wala kang number ko?" tanong ko ng hindi maka-tingin sakaniya habang nakayuko ako at magka-dikit ang mga palad.

"I have your number. Hiningi ko sa kaibigan mo. Si Cara ang nagbigay saakin " sabi niya habang winawagayway ang cellphone niya.

"Ang cute mo." sabi niya sabay pisil sa kanang pisnge ko.

Hawak-hawak ko pa din ang pisnge ko habang bumabalik ako sa library kung saan naabutan ko ang dalawa kong kaibigan na ngi-ngisi-ngisi, at ang mga tao sa library na tila hindi makapaniwala sakanilang nakita.

Buong maghapon akong tahimik, hindi makaget-over sa nangyare. Totoo pala yun ano, yung tipong kapag hinawakan ka ng crush mo ayaw mo nang ipahawak sa iba or ang malala ayaw mo nang basain yung parte na yun para lang hindi mabura yung marka niya doon. Well sorry naman dahil sa edad kong ito ngayon lang ako napansin ng crush ko.

"Tara na." yaya ni Colton.

Pupunta kami ngayon sa antipolo para mag-celebrate.

Convoy kaming lahat.. well except saamin ni Cara dahil mag-kasama kami sa sasakyan. Ako ang nagdadrive dahil hindi siya pwede, bawal sa driver ang hindi mabitaw bitawan ang cellphone. Dahil sobrang boring at mga 2 hours pa kaming magba-byahe nag-patugtog muna ako sa stereo ng sasakyan.

"So.... Nalilito ka na ba? Or mas may nakakalamang ba?" binalingan ko ng tingin si Cara dahil sa naging tanong niya.

"Ano bang pinag-sasabi mo. Mabuti pa mag-cellphone ka na lang." sabi ko sakaniya nang hindi siya nililingon.

"Sus... Kunwari ka pa. Tayo lang dalawa ang nandito Ash. So ano nga." hindi ko siya pinansin at nag-patuloy lang sa pagmamaneho.

"Okay. Magiging specific ako. Nalilito ka ba? Kay Mr. Mumu and Mr. Umbrella?" panunudyo niya habang sinu-sundot sundot ang tagiliran ko.

"Tumigil ka nga Cars mababangga tayo." inirapan lang ako ng bruha at kinulit ng kinulit.

"Eh akala ko ba kasi specific ha? Bakit merong mumu at payong?" pamimilosopo ko.

"Kasi nga po si Graye si Mr. Ghost a.k.a mumu kasi nga... Si Graye. Pasulpot-sulpot lang. Magpapakita sayo para yayain ka tapos bukas wala na ulit, mamaya magpapakasweet sayo tapos maya maya wala na ulit.. Parang Multo pagkatpos iparamdam sayo ang gustong iparamdam, mawawala bigla... At ito namang si Mr. Payong si Colton kasi nga umulan o umaraw ayos lang. Kidding." hindi ko siya pinansin at nang marealize niyang walang kwenta yung joke niya kung joke man yun tumikhim siya at nagpatuloy na lang sa pag-papaliwanag

"Okay.. Serysos ako dun sa umulan umaraw thing. Kasi naman girl si Colton para siyang payong handang saluhin lahat para sayo.. Kakilig diba." panunudyo niya habang tinataas baba ang kilay niya.

I glare at her.. kung ano ano ang iniisip, kung hindi lang ako nag-dadrive kanina ko pa siya nabatukan. Malumot talaga ang utak. Haynako.

"Andito na tayo. Manahimik ka na"

"Wow ang bilis ah di ko man lang naramdam."

Pagka park namin ng sasakyan nakita naming paparating na din ang kina Vin at Colton maging ang kay Graye nakasunod na din.

"Pasok na tayo. Hindi naman mawawala ang mga yan. Halika na." pumasok na kami ni Cara at naupo sa lamesang panglimahan, medyo malayo kami sa live band pero naririnig pa din naman ang tugtog.

"Dito." tawag ni Cara sa tatlo habang nakataas ang kamay.

Nandito kami ngayong lima sa La Trabieza. Kumain muna kami ng dinner bago kami nag-order ng isang bucket ng beer.

"Okay guys ilang linggo na lang mag-hihiwa-hiwalay na tayo--"

"Ang sentimental mo ata Cars." pang-aasar ni Vin

"Shut up ARVINO!"

Siniko ko si Arvin para matigil na siya sa pang-aasar baka mamaya magsabong nanamang sila eh.

"Okay.. So as I was saying ilang linggo na lang gradute na tayo.. We will now face what they called real world. But.. I hope we'll stay as friends.."

Napa-tingin kaming lima sa isa't isa after sinabi yun ni Cara but, she's right though, after graduation sana yung mukhang nakikita ko ngayon makikita ko pa sa mga susunod na yugto. Yugto? Tagalog na tagalog ah.

"For now let's make a toast.. To us.. Who will be successful soon. Cheers!."

"Cheers!." sabay-sabay naming sabi, we clinked our beers together before drinking it.

10pm na ng gabi pero nandito pa din kami, nakaka-dalawang bucket na din kami and so far wala pang nalalasing pero mahahalata mong medyo tinataman na sila. Mga lasenggo ata mga kasama ko.

"Washroom lang ako." bulong ko kay Cara,

"Samahan na kita?" umiling lang ako sakaniya.

Nag-huhugas ako ng kamay habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Kailangan ko nang mag-re-touch, nag-a-apply ako ng make-up nang makita ko si Graye na naka-sandal sa may bandang gilid ng pinto. Tiningnan ko siya sandali para i acknowledge ang presence niya. Binalingan ko siya nang masiguro kong fresh na ulit ang itsura ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya habang naka-hilig ako sa lababo.

"Nothing. What are the make-ups for?" taanong niya habang tunuturo ang kit ko.

"Pampa fresh?" di ko siguradong sagot sakaniya.

"So?"

"Anong.. So?" naguguluhang tanong ko.

"You don't need that."

Tinitigan ko lang siya hindi alam ang sasabihin. Shems ano nanaman to. Nag-aala multo nanaman ba siya? Matatakot na ba ako? Pagka-tapos iparamdam saakin ang kilig factor di ba niya ulit ako papansinin? .. No mali mali anong multo ba pinag-sasabi ko si Cara kasi eh.

Mga ilang minuto pa kaming nag-titigan, iniiwas ko na ang tingin ko dahil nag-sisimula na akong ma-conscious.

"Maganda ka na. Fresh looking. You don't even look haggard. Maganda ka with or without make-up Ashanti." seryoso niyang sabi.

His words.. His words rendered me speechless..

Naka tingin lang ako sakaniya hindi alam ang dapat gawin. Nang mahimasmasan kagaya nga ng palagi kong ginagawa umalis ako at nilagpasan siya ng hindi nililingon.